Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GRADUATE SCHOOL

Kabanata 2

MGA SANDIGAN NG PAG-AARAL

Lahat ng isinagawa at isasagawa pang pag-aaral ay nangangailangan ng

makatotohanang basehan upang mas mapaganda pa ang gagawing pag-aaral ng riserter.

Nangangailangan ito ng sandigan na makapagpapatunay batay sa pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ayon naman sa aklat ni Belvez (2000), sinabi na walang pamaraan lamang na

masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng uri ng paksang-aralin o isang pamaraan kaya

na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbabalak at

nagpapasiya sa pamaraang kanyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais

niyang makamtan ng mag-aaral, angkop na sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-

aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo. Kailangan

ang pagbabalak upang mapag-isipan ng guro kung anong pamaraan ang angkop gamitin

para sa tiyak na aralin.

Ayon kay Hon. Azarias sa kanyang aklat na “Pilosopiya ng Literatura” na inaral

nina Jose Villa Panganiban et.al (1995), ang panitikan ay pagpapahayag ng mga

damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at

pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ang paraan ng

pagpapahayag ay
GRADUATE SCHOOL

iniaayos sa iba’t iba niyang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa, na nababalot ng

pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.

Ayon kay Jose Villa Panganiban et.al (1995), ang panitikang Filipino ay pahayag

na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling

panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

Ang maikling kwento o maikling katha ay isang salaysay na tumatalakay sa

madulang bahagi ng buhay, (Paz M. Belvez et.al 1994).

Ayon naman kay Tambuli (1990), ang tema ay pinakapangunahing kaisipan ng

kwento, ng isang pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may akda na nais niyang

ipahatid sa mambabasa.

Ayon naman kay Matute (1971), ang maikling kwento ay hindi pinaikling nobela.

Hindi rin ito buod ng isang nobela o ng isang kwento kaya. May sarili itong mga

katangian gaya ng sumusunod:

1. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay;

2. Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin;

3. Isang mahalagang tagpo;

4. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinusundan

ng wakas; at

5. Kakintalan
GRADUATE SCHOOL

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon naman kay Padolina (2001), kaugnay sa pang-unawa, walang magaling at

mahusay na pamaraan sa isang gurong hindi nakakaunawang lubos ng paraang ginagamit.

Guro at guro pa rin ang dapat magpakadalubhasa sa pamamaraan upang makinabang ang

mga mag-aaral.

Ayon kay Belvez (2000), na sinipi nina Melon Jean A. Bato et.al (2011), ang mga

metodo, estratehiya, teknik at dulog ay humihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang

paggamit ng mabuting pamaraan ng pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting pamaraan ng

pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral at

pagtuturo ng guro.

Sinabi naman ni Badayos (1998), kaugnay sa pagkamalikhain, huwag pa rin

nating kalilimutan ang pagiging malikhain. Isang pambihirang katangian ng guro ang

pagiging malikhain. Ito’y isang katangiang dapat taglayin ng bawat guro upang ang

pagtuturo at pagkatuto ay maging magaan, mabilis, makahulugan, mabisa at kasiya-siya.

Ayon kay Simbulan (1998), hindi natin maituturo ang panitikan sa pamamagitan

ng labi lamang, dapat tayong magkaroon ng isang pusong nakauunawa upang makayang

pakahulugan ang mga damdamin ng may-akda, ang kanyang hinagpis at kaligayahan,

isang pusong maaaring makatarok sa lalim ng kawalang pag-asa sa mga taludtod ng isang

makata, masilip ang nakatambad na daigdig ng kagandahan at kapangitan nang buong


GRADUATE SCHOOL

kaluwalhatian at pagkilala, maunawaan ang kahulugan ng isang hungkag na tagumpay,

ang pamumulaklak ng isang pag-ibig at ang mabilis na paglipas nito. Kailangan natin ang

puso upang malaman at mapahalagahan ang lahat ng ito. Dapat tayong makinig sa pintig

ng karunungan ng puso.

You might also like