Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

12

GRADUATE SCHOOL

Kabanata 3

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Upang mas mapagtagumpayan ng mga risertser ang isinagawa nilang pag-aaral,

sa bahaging ito nakalagay ang pamamaraan ng pananaliksik, lugar ng pinagsaliksikan,

respondente sa pag-aaral, instrumentong gamit, administrasyon ng pananaliksik, at

istatistikang ginamit.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pamamaraang ginamit sa risets na ito ay kuwantitatibo kung saan bibigyang

kasagutan ang mga katanungan na inihanda ng mga risertser.

Lugar ng Pinagsaliksikan

Ang napili ng mga risertser ay ang pribadong paaralan ng Solomon’s Excellence

Academy, Inc. na matatagpuan sa Dulong Bayan, Quezon, Nueva Ecija at publikong

paaralan ng Eduardo L. Joson Memorial High School na matatagpuan sa Bertese,

Quezon, Nueva Ecija.


GRADUATE SCHOOL

Respondente sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa isinagawang pag-aaral ng mga risertser ay ang mga limang

(5) guro ng panitikan at 120 na mga mag-aaral sa sekondarya mula ikapito hanggang

ikasampung baitang. Dalawang guro ng panitikan at 60 na mag-aaral sa Solomon’s

Excellence Academy, Inc. (Dulong Bayan, Quezon, Nueva Ecija) at tatlong guro ng

panitikan at 60 na mag-aaral sa Eduardo L. Joson Memerial High School (Bertese,

Quezon, Nueva Ecija).

Instrumentong Gamit

Ang mga risertser ay naghanda ng isang liham para sa mga prinsipal ng paaralang

pinagsagawan ng riserts na ito upang makapagbigay ng talatanungan sa mga guro gayon

din sa kanilang mga mag-aaral, at para makuha kung mayroong mahalagang pagkakaiba

sa kasagutan ng mga guro at mga mag-aaral gagamitin ng risertser ang t-test.

Sa pag-aaral na ito, ang talatanungan ay ginamit sa pagtitipon ng mga datos at

impormasyong nakatutulong sa isinagawang pag-aaral hinggil sa mga istratehiyang

ginagamit sa pagtuturo ng maikling kwento at tula.

May limang pagpipilian para sa pagsagot ng mga talatanungan ito ay ang mga

sumusunod; “palagi”, “madalas”, “paminsan-minsan”, “bihira” at “hindi”.

Pamantayan ng mga pagpipilian sa pagsagot sa mga talatanungan ay ang

sumusunod:

5- Palagi 4- Madalas 3- Paminsan-Minsan 2- Bihira 1- Hindi


GRADUATE SCHOOL

Administrasyon ng Pananaliksik

Sa isinagawang paglilikom ng mga datos, gumawa muna ng liham ang mga

risertser para sa paaralang pinagsagawan ng kanilang pag-aaral at ipinakita ito sa

kanilang tagapayo. Pagkatapos naaprubahan ibinigay ito sa mga prinsipal upang isagawa

ang pag-aaral. Ang mga risertser ay nagbigay ng mga talatanungan sa mga guro at gayon

din sa mga mag-aaral.

Istatistikang Ginamit

Ayon sa istatistisyan ng mga risertser ang gagamitin sa pag-aaral na ito upang

masagot ang mga katanungan ay ang mga sumusunod: Frequency Counts; Percetage at

Weighted Mean na gagamitin sa pag-aanalisa; T-test na gagamitin upang matukoy kung

mayroon bang mahalagang pagkakaiba sa kasagutan ng mga guro at mga mag-aaral

tungkol sa mga estratehiyang nakatutulong upang mas maintindihan ang pagsusuri ng

Maikling Kuwento at Tula.

Formula: Weighted Mean

Σfx
W . M=
n

Where: Σfx = summation of the product of frequency and the mean rating

N = sample/ kabuuang bilang ng respondente

W.M = Weighted Mean


GRADUATE SCHOOL

f
Formula:Percentage P=
N

Where: P= percent

f= frequency

N= number of cases

Formula: t-test

x− y
t−ratio=

√ [
sx s y
+
1 1
][ + ]
n1 n2− 2 n1 n2

where: x = mean of students

y = mean of teachers

s x = sum of squares of x

s y = sum of squares of y

n = number of cases

n1 +¿n 2−2 ¿ = degrees of freedom

The computed t was compared to its critical value at df = n – 2 using the table of

critical values of t at 0.05 level of significance.

Ang mga pamantayan sa mga sagot ng mga respondente 5 point likert scale na

ginamit ay ang mga sumusunod:


GRADUATE SCHOOL

Bigat Mean Interbal Deskripsyon

5 4.50-5.00 Palagi

4 3.50-4.49 Madalas

3 2.50-3.49 Paminsan-minsan

2 1.50-2.49 Bihira

1 1.00-1.49 Hindi

You might also like