Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Kabanata XIII: Ang Klase sa Pisika at

Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante


Filipino 3: Retorika, at Pagsusuri at Pagpapahalagaang Pampanitikan

Module Code: Fil3 Lesson Code: 12.7 Time Limit: 30 minuto

TA: 1 minuto ATA: _____

Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang:

1. nakapaghahambing sa uri ng silid-aralan noon at ngayon; at


2. nailalarawan ang katangian ng mga tauhang ipinapakita sa mga kabanata.

TA: 5 minuto ATA: _____

Ibahagi Mo

Sa paanong paraan mo ipinapakita ang pagrespeto sa kapwa? Ibahagi ito sa


pamamagitan ng paglalagay ng iyong sagot sa mga kahon?

TA: 10 minuto ATA: _____

Isa sa magagandang kaugalian ng Pilipino ay ang pagiging marespeto o pagkakaroon


ng paggalang sa ating kapwa. Mahalaga itong maipakita sa ating kapuwa anoman ang estado
nila sa buhay upang mapanatili ang kaayusan at hindi makasakit ng damdamin ng iba.

Gawain 1. Basahin Natin

Sa dalawang kabanatang tatalakayin, alamin kung sino ang marunong magpakita ng


paggalang sa kapwa at kung sino ang nawawalan ng respeto sa oras ng hindi pagkakasundo.

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain Filipino 3 Pahina 1 ng 5
proprietary information and may only be released to third parties with approval of management.
Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to
update notification.
Kabanata XIII: Ang Klase sa Pisika
(Buod)

Maluwang na parihaba ang silid-aralan. May katamtamang liwanag at presko dahil


sa malalaking bintana nito. Ang kinauupuan ng mga mag-aaral na nakaayos nang paalpabeto
ay parang hagdan na may tatlong baytang. Nasa harapan ang plataporma ng propesor at
may hagdan sa magkabilang panig at matatagpuang sa gawing itaas ang larawan ni Sto.
Tomas Aquinas sa may pintuan ng silid. Maputi at malinis ang dingding at wala itong
disenyo. Ang mga kagamitang pang-agham ay nakatago at bawal hawakan. Paminsan-
minsan, kapag sinipag ang propesor, ipinapakita ang mga kagamitang ito sa mga mag-aaral
lalo na kapag may bisita.
Ang propesor ay isang batang Dominiko na may kahigpitan. Siya ay si Padre Millon.
Kilala sa pagtuturo ng ilang asignatura sa Colegio de San Juan de Letran. Nakapagturo na
rin siya ng Heograpiya pero may pag-aanlinlanagan pa rin na ang mundo ay bilog at ito’y
umiikot at umiinog sa araw. Ito rin ang kaniyang ikatlong taon sa pagtuturo, ngunit ito ang
kaniyang unang taon lamang sa pagtuturo ng pisika at kimika. Ipinasasaulo nang walang
labis at walang kulang ang mga araling di-ipinapaliwanag. Ang lahat ng nakapagpahayag
nang walang mali sa kaniyang pinasasaulo, nakatatanggap ng mataas ng marka ngunit ang
mga nagkamali nang higit sa tatlo, nabibigyan ng masamang marka. Mapapansin din ng
kawalan niya ng pagkakagusto sa kaniyang itinuturo.
Isang matabang antuking mag-aaral ang tinawag sa klase at tinanong tungkol sa
kanilang paksa—Salamin. Parang ponograpo kung sumagot ang mag-aaral kaya muli siyang
tinanong. Binulungan siya ni Juanito upang turuan ngunit mali ang idinikta. Nagpatuloy sa
pagtatanong si Padre Millon at pabulong na tinuruan pa rin siya ni Juanito hanggang narinig
ng propesor ang pagtuturo ni Juanito sa kaniyang kaklase kung kaya’t siya ang tinawag.
Wala ring maisagot si Juanito kaya’t nagpaturo kay Placido. Sa kakaapak sa paa ni
Placido, napasigaw si Placido kaya siya ang tinawag ng propesor.
Sa bawat tanong ng propesor kay Placido, ang tanging tugon niya ay kung ano raw
ang sinasabi sa aklat. Sa napakaraming tanong na ibinigay ni Padre Millon, nalito na si
Placido kaya’t hindi na siya makasagot kaya’t inulan siya ng mura. Sa tatlong beses na
pagkakamali ni Isagani ay minarkkahan siya ng pagliban.
Ayon kay Padre Millon. may labinlimang pagliban na si Placido ngunit ayon sa mag-
aaral ay aapat pa lamang daw at magiging ikalima ang pagkahuli niya sa klase kanina.
Ipinaliwanag ng propersor na madalang lang daw siyang magbasa ng talaan, kung
kaya’t sa tuwing makahuhuli siyang lumiliban ay minamarkahan ito ng limang beses,
pasalamat daw si Placido dahil tatlong beses palang siyang nakitang lumiban na dapat ay
lima na katumbas ng dalawampu’t limang beses na pagliban. Napikon si Placido kaya’t
lumaban at sumagot na siya nang pabalang sa propesor at siya’y lumabas. Dahil sa
pangyayaring iyon, hanggang matapos ang oras ng klase ay nanenermon ang kanilang
propesor.

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain Filipino 3 Pahina 2 ng 5
proprietary information and may only be released to third parties with approval of management.
Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to
update notification.
Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante
(Buod)

Ang bahay ni Macaraig ay malaki at may kaluwagan na binubuo ng dalawang


palapag. Ito ang nagsisilbing lugar ng kabataan may iba-ibang edad at pag-uugali at iba’t iba
ang ginagawa.
Si Macaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya. Siya ang namumuno sa
kilusan para sa Akademya ng Wikang Kastila.
Sa araw na iyon ay naimbitahan ang mga binatang sumusuporta sa panukala. Naroon
ang dalawang binatang may pag-asang sila’y pupurihin sng pamahalaan dahil sa kanilang
pagiging makabayan, sila ay sina Isagani, isang marangal at si Sandoval na isang Kastilang
kawani sa pamahalaan at nananatili sa bansa upang makatapos sa pag-aaral, at buong pusong
nakikiisa sa layon ng mga Filipinong mag-aaral na habang naghihintay ay sinamantala ang
kahusayan sa pagbigkas. Naroon din si Juanito Pelaez na ipinagmamalaking malaki ang
kaniyang nagawa sa ikatatagumpay ng panukala. Subalit may isang hindi umaasa sa
tagumpay, si Pecson na laging kabiguan ang naiisip.
Nagkaroon ng sagutan sina Pecson at Sandoval dahil ang una’y kinukutya ang mga
prayle samantalang pinagtatanggol nman ito ni Sandoval.
Ayon kay Sandoval, ipinagkakaloob daw lahat ng mga Kastila para sa mga Filipino.
Kaya raw hindi pa napagdedesisyonan ang kanilang panukala sa akademya ay baka marami
pa raw isinasaalang-alang ang mga prayle. Darating ang araw na papasiyahan din daw at
sila’y kikilalanin bilang mga makabayan. Dahil dito ipinaalala ni Juanito na siya ay isang
masugid na nagpanukala. Idinadagdag din ni Sandoval na sakaling tinanggihan ito ng
heneral, ipagpapatuloy pa rin daw niya ang magandang adhikain sa ngalan ng Espanya.
Siyang pagdating ni Macaraig at sinabing may dalang magandang balita. Nakipagkita
raw siya kay Padre Irene. Ayon daw sa padre, siya ang nagtanggol sa kabataang sumalungat
sa pagsasakatuparan ng akademya. Ipinayo ng padre na kailangan lamang nilang
maimpluwensiyahan si Don Custodio dahil siya ang lulutas sa sa usapin sa akademya; ang
heneral daw ay walang pinapanigan.
Nagbigay ng dalawang paraan kung paano maiimpluwensiyahan si Don Custodio.
Una ang mananayaw at matalik na kaibigan ni Don Custodio na si Pepay. Inako ni Juanito na
siya na ang kakausap kay Pepay dahil matalik din niya itong kaibigan, ngunit hindi sinang-
ayunan ni Isagani. Ayon sa kaniya, sapat na raw ang pagkakagamit kay Padre Irene at
masagwa raw na lapitan nila si Pepay kaya’t tiningnan ang isa pang paraan, ito ang
pagsangguni kay Ginoong Pasta. Sinang-ayunan ito ni Isagani. Ayon sa kaniya, unahin muna
raw ang mga paraang hindi mahalay. Napagkasunduan na sa araw ding iyon, makikipagkita
si Isagani kay Ginoong Pasta.

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain Filipino 3 Pahina 3 ng 5
proprietary information and may only be released to third parties with approval of management.
Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to
update notification.
TA: 9 minuto ATA: _____

Gawain 2: Pagsusuring Pangnilalaman (non graded)


1. Ilarawan ang klase sa pisika ayon sa kabanata at ihambing ito sa kasalukuyan.
2. Kung ikaw si Placido, ano ang iyong gagawin upang matapos ang problema ng iyong
guro?
3. Ibahagi ang napag-usapan nina Macaraig at Padre Irene.
4. Ano ang dahilan ng sagutang namagitan kina Pecson at Sandoval?
5. Kung ikaw ay isa sa mga mag-aaral sa kabanata XIV, ano ang iyong gagawin upang
maging matagumpay ang kilusan sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila?

TA: 5 minuto ATA: _____

Gawain 3: Paglinang sa Aralin

Ilarawan ang katangian ng mga tauhan batay sa mga siniping pangyayari gamit ang
tatlo hanggang limang pangungusap. (graded)

Tauhan Siniping pangyayari Paglalarawan


1. Placido Napikon si Placido kaya’t
lumaban at sumagot na siya
nang pabalang sa propesor at
siya’y lumabas.
2. Padre Ipinasasaulo nang walang
Millon labis at walang kulang ang
mga araling di-
ipinapaliwanag. Ang lahat
ng nakapagpahayag nang
walang mali sa kaniyang
pinasasaulo, nakatatanggap
ng mataas ng marka ngunit
ang mga nagkamali nang
higit sa tatlo, nabibigyan ng
masamang marka.
3. Juanito Naroon din si Juanito Pelaez
na ipinagmamalaking malaki
ang kaniyang nagawa sa
ikatatagumpay ng panukala.
4. Isagani unahin muna raw ang mga
paraang hindi mahalay

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain Filipino 3 Pahina 4 ng 5
proprietary information and may only be released to third parties with approval of management.
Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to
update notification.
Rubrik sa Pagmamarka
Napakahusay Mahusay Mahusay-husay
Nilalaman at Nailarawan nang Hindi nailarawan nang Maligoy at hindi
Organisasyon maayos ang katangian maayos ang katangian ng nailarawan nang maayos
ng tauhan gamit ang tauhan at kulang sa tatlo ang katangian ng tauhan
tatlo hanggang limang ang ginamit na at kulang sa tatlo ang
pangungusap. pangungusap. ginamit na pangungusap.

3 2 1
Mekaniks Walang pagkakamali May isa pataas na
sa paggamit ng wika, pagkakamali sa paggamit
pagbabaybay at ng wika, pagbabaybay at
pagbabantas. pagbabantas.

2 1

Mga Sanggunian:

Almario, V. (2011). El Filibusterismo. Adarna House, Inc.

Bucu, A., Carreon, M., & Cuaño, F. (2009). Obra Maestra IV (El Filibusterismo). Rex Book
Store, Inc.

Cruz, E. & Mangahas, R. (2018). El Filibusterismo ni Jose P. Rizal. C & E Publishing, Inc.

Dayag, A., & Marasigan, E. (2015). Pinagyamang Pluma (Aklat 2 El Filibusterismo). Phoenix
Publishing House.

Pang-elektroniko

Jose Rizal University. (2004). Jose Rizal Website. Kabanata XIII Ang Klase sa Pisika.
http://www.joserizal.ph/fi15.html

Jose Rizal University. (2004). Jose Rizal Website. Kabanata XIV Sa Bahay ng mga Estudyante.
http://www.joserizal.ph/fi116.html

Inihanda ni: HARVY B. CALMA


Posisyon: Special Science Teacher IV
Kampus: Central Luzon
Pangalan ng reviewer: LORILEE D. DEMETERIO
Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV
Kampus: Cordillera Administrative Region

© 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain Filipino 3 Pahina 5 ng 5
proprietary information and may only be released to third parties with approval of management.
Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to
update notification.

You might also like