Modyul 15

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsulat ng Press Release

Ano ang Press Release


Ang press release ay bahagi ng estratehiya upang ipaalam sa publiko ang
mahahalagang nangyayari sa organisasyon. Sa pamamagitan nito, naisasapubliko ang
bagong pamunuan, bagongprodukto o serbisyo, outreach program, mga pagtitipong
inorganisa, at iba pang kabali-balitang pangyayari sa organisasyon.
Iba ang balita sa press relese. Kung balita ay obhetibong paglalahad ng mga
impormasyong mahalaga sa mga mambabasa, ang press releasenaman ay nagsisilbi sa
interes ng organisasyon o ng manunulat nito. Sa ibang salita, masasabing ang press
release ay pinaghalong balita at advertising.
Karaniwang ipinadadala ang press release sa mga mamamahayag na
maglalathala sa mga pahayagan o mag-aanunsiyo sa telebisyon o radio ng mga
pangyayaring may kinalaman sa organisasyon. Ginagamit naman ng ilang manunulat
ang social media at mga digital platform bilang daluyan ng press release. Kung
mahusay ang pagkakasulat, mapadadali na lamang para sa mga mamamahayag ang
kanilang trabaho. Kung ganito, mas lalaki ang posibilidad na kunin ang press release at
isapubliko.
Benepisyo ng Press Release
Marami ang nagsasabing sa pamamayagpag sa kasalukuyan ng new media, wala
nang silbi ang mga press release. Luma na raw ito at hindi na nababagay sa panahon.
Ngunit masasabing nagkakamali ang mga ganitong pananaw. Buhay na buhay pa rin
hanggang ngayon ang pagsulat ng dokumentong ito, kahit na sa panahon ng new
media. Naksasabay ito sa mga pagbabago sa teknolohiya.
Isa sa mga kabutihang naidudulot ng press release sa organisasyon ay ito ang
pinakamabilis at pinakamadaling paraan upang makakuha ng libreng publisidad. Kapag
naipaalam sa publiko ang mga nangyayari sa isang organisasyon, mas makikilala ang
mga produkto at serbisyo nito. Epektibo ang paraang ito lalo na kung ang artikulo ay
nagmumungkahi sa mga mambabasa na tangkilikin ang mga produkto o serbisyo.
Dahil sa benepisyng dulot ng press release, pinaglalaanan ito ng pondo ng mga
kompanya o organisasyon. Ang ilan ay may mga kawaning nagsuusulat ng kanilang
press release. Ang malalaking kompanya o organisasyon naman ay humihingi ng
serbisyo ng mga advertising agency upang ipakilala ang kanilang mga produkto at
serbisyo.
Dahil sa mga makabagong teknolohiya sa komunikasyon, particular ang pag-
usbong ng social media, mas marami na ang naaabot ng mga press release. Sa
katunayan, hindi lamng mga tao sa media at limitadong publiko ang maaaring makabsa
nito. Gumagamit na ngayon ng online press release upang maabot ang mga potensiyal
na konsyumer sa mundo ng Internet.
Pagsulat ng Press Release
Sa pagsulat ng press release. Maaring sagutin ang mga sumusunod: Tungkol
saan isusulat na press release? Ano ang bago? Sino ang mga tampok sa press release?
Sino ang target na mambabasa? Saan at kalian naganap ang ibinalitang pangyayari?
Ano ang kahalagahan ng petsa at lugar na ito? Paano idinaos halimbawa, ang isang
pagtitipong inorganisa ng kompanya? Bakit isinulat ang press release?Bakit ito
mahalaga? Ano ang makukuha ng organisasyon dito? Paano nito maaapektuhan ang
target na mambabasa? Paano ang distribusyon ng press release? Tradisyunal ba o
online?
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga gabay sa pagsusulat ng press
release
1. Isaisip ang press release bilang kasangkapan sa pagbebenta. Gamitin ito
upang itanghal ang anumang inihahain sa publiko at pabanguhin ang pangalan ng
kompanya. Ngunit iwasang gawing patalastas o lantarang nagbebenta ng produkto o
serbisyo ang press release.
2. Kailangang kabali-balita ang laman ng press release. Upang maiparating ang
mensahe sa mga talagang magbabasa nito, kailangan unang kumbinsihin ang
mamamahayag na mahalagng ang mensahe ng press relase.
3. Isulat ang press release na para bang isang mamamahayag. Iwasan ang
paggamit ng mga salitang hindi mahalaga. Kung mahusay ang pagkakasulat at minimal
na lamang ang kailangan sa editing, Malaki ang posibildad na ipalaganap ito ng mga tao
sa media.
4. Makatutulong kung maglalagay sa press release ng sipi ng mga taong
tampok dito. Gawing silang interesanteng tao. Halimbawa, maaaring ilagay sa
dokumento ang nakatatawang sinabi ng CEO sa isang pagtitipon. Gawin itong personal
kung kinakailangan.
5. Panatilihin ang magandang relasyon sa mga mamamahayag o iba pang uri
ng manunulat na padadalhan ng press release. Kailangan ito upang manatiling
positibo ang kanilang tingi sa iyo at sa organisasyon. Huwag na huwag gagawa ng mga
bagay o desisyong hindi nila magugustuhan.

You might also like