Professional Documents
Culture Documents
Bunga National High School
Bunga National High School
Bunga National High School
Department of Education
Region VII - Central Visayas
Schools Division of Toledo City
BUNGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bunga, Toledo City
36. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang
batayang opinion ang isang manunulat.
A. Tekstong Argumentatibo
B. Tekstong Nanghihikayat
C. Tekstong Impormatibo
D. Tekstong Naratibo
37. Ang Tekstong ito ay gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang
maging malikhain.
A. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Prosidyural
C. Tekstong Persweysib
D. Tekstong Naratibo
38. Nilalaman ng bahaging ito kung paano ang kalalabasan o kahahantungan ng
proyekto ng prosidyur.
A. Layunin o Target ng Awtput
B. Ebalwasyon
C. Kagamitan
D. Metodo
39. Nakapaloob ditto ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang
makompleto ang isasagawang proyekto.
A. Layuni o Target na Awtput
B. Ebalwasyon
C. Kagamitan
D. Metodo
Panuto: Basahin ang teksto. Suriin ang angkop na datos na inilapat sa seleksyon.
Mapalad ang Pilipinas na pinagpala sa lahat ng bansa dahil sa kahangang-
hangang kagandahan nito. Di- mabilang na nilalang ang nabighani sa bughaw na
karagatan nito, luntiang kaparangan at iba’t ibang uri ng hayop sa kagubatan. Taglay
nito ang pambihirang kaanyuan na waring batubalaning umaaakit sa napakaraming
turista.
Tunay na mahaba ang talaan ng maipagmamalaki nitong kaakit-akit na mga
tanawin. Nariyan ang mahiwagang pagyayakapan ng alon at bundok ng mga pulo sa
Batanes, Luzon, ang pulu-pulutong na Hundred Islands na matatagpuan sa Golpo ng
Lingayen, Pangasinan at ang hugis balisunsong na Bulkang Mayon sa Albay, ang
matayog na Talon ng Pagsanjan sa Laguna.
Anupa’t isang paraiso na kaloob ng Poong Maykapal ang Pilipinas na
maituturing na pangalawang hardin ng Eden.
Agosto 8, 2016
Nagmamahal,
Gessel
43. “Binanggit po niya na bumagsak si Lexter sa lahat ng aralin dahil sa pagliban-liban
niya sa klase”ang pahayag ay nagpapahiwatig ng:
A. Paglilista ng klasipikasyon
B. Pagbibigay-depinisyon
C. Paghahambing
D. Sanhi at bunga
44. Sa kabuuan ng liham, ang teksto ay nasa uring:
A. Tekstong Impormatibo
B. Tekstong Persweysib
C. Tekstong Deskriptibo
D. Tekstong Naratibo
Naging kasamahan ni Julio si Atong sa trabaho sa konstruksyon. Naging kaibigan.
Ang nagdaang buhay ng pamilya ni Atong ay nagpagunita sa kaapihang tinamo ng
pamilya ni Elias sa Noli Me Tangere. Tulad ng pamilya ni Elias, ang pamilya ni Atong
ay inagawan din ng lupa. Tulad ni Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong, si
Perla. Mahal na mahal niya ang kapatid. Balak niyang ibili ito ng sapatos at damit sa
Pasko. Ngunit hindi natupad ang munting pangarap ni Atong. Ang kanyang suweldo
ay hindi ibinigay sapagkat kulang pa raw ang pambayad sa basag na habonerang pilit
na ipinasasagot sa kanya gayong hindi naman niya kasalanan ang pagkabasag.
Nakiusap si Atong sa namamahala sa kanilang si Kalbo. Sininghal siya ni Kalbo, na
mainit ang ulo dahil sa pagkatalo sa sugal.
Hindi nakapagtimpi, binuntal ni Atong si Kalbo.
Dinakip si Atong. Ginulpi sa City Jail. Dinala sa ospital at doon namatay. Ang
pahayag sa City Jail ay nakipag-away si Atong sa isang barkadang kasama sa selda.
45. Ang tagpuan sa binasang teksto ay_____.
A. Kontruksyon
B. Ospital
C. City Jail
D. Selda
46. Ang tunggalian sa teksto ay______.
A. Tao vs. Kalikasan
B. Tao vs. Lipunan
C. Tao vs. Sarili
D. Tao vs. Tao
47. “Tulad ni Elias, may isa ring kapatid na dalaga si Atong, si Perla. Mahal na mahal
niya ang kapatid”ipinahihiwatig ng may-akda sa pahayag ang paglalarawang____.
A. Deskriptibo
B. Impresyon
C. Suhetibo
D. Obhetibo
Inihanda ni:
DHEALINE S. JUSAYAN
Guro
Iniwasto ni:
Joann G. Carandang
SHS Coordinator
Pinagtibay ni:
“…Dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri, mga bagay na totoo,
marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang”
FILIPOS 4:8