Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

LHADY MIXKEEN M.

BANOEY GRADE 4 FAITH


Kaalaman at Kasanayan sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Modyul ng Mag-aaral sa Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Agrikultura - Modyul 1
MARY JANE L. ADAWI Developer
Layunin:
Natutukoy ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang
isang pagkakakitaang gawain.

Ano ang halamang ornamental?


Ang halamang ornamental ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan, sa
paaralan, sa restawran, sa parke at sa mga lansangan. Ito ay mga halamang nagpapaganda ng
kapaligiran.

Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay pwede ring isang gawaing pagkakakitaan,


kagaya ng naging libangan ng mga plantitos at plantitas sa pagtatanim. Ito ay naibebenta nila sa
pamamagitan ng pagpost sa social media.

Para maging gawaing mapagkakakitaan ang pagtatanim, dapat may kasanayan at kaalaman
tayo sa pagtatanim ng halamang ornamental. Sa panahon ngayon, ang makabagong pamamaraan
ng pagtatanim ng mga halaman at punong ornamental ay ginagamitan ng teknolohiya. Sa
pamamagitan ng internet, ang pananaliksik at pagsasagawa ng survey ay di na gaanong
problema dahil nariyan ang computer upang makakuha ng mga kinakailangang impormasyon. Ang
mga sumusunod ay ilan sa mga bagay na dapat alamin sa pagtatanim ng halamang ornamental:

1. Pangalan ng halamang ornamental halimbawa; Anthurium, Gumamela, Snakeplant


2. Uri ng halamang ornamental halimbawa; Halamang Palumpon (shrub), Halamang
Baging(vine)
3. Lugar kung saan dapat itanim halimbawa; naarawan, malilim, di dapat naarawan
4. Paraan ng pagpapatubo
halimbawa; buto - Marigold, Purtolaca
sanga - Gumamela, Golden
Bush usbong(shoots) - Mayana, Fortune Plant
Risoma/suwi - Aloe vera, snake plant
Iba’t-ibang uri ng halamang ornamental:
1. Halamang-Namumulaklak –ito ay mga halamang itinatanim dahil sa makukulay nilang
bulaklak at mababangong halimuyak. Halimbawa:

Gumamela Anthurium

https://images.app.goo.gl/1HgcMwoSbAsNa4Ji7 https://images.app.goo.gl/nfZD9scsLn5ymKFv5

2. Halamang-Dahon -Ito ang mga halamang hindi namumulaklak ngunit may magaganda
at malalapad na dahon. Karaniwang itinatanim sa harapan ng bahay. Halimbawa:

Caladium Fern ( Pako)


https://images.app.goo.gl/8maKSx3mJTAvw9jm9 https://images.app.goo.gl/UA8WwM7uSV1Qcrrc6

3. Halamang gamot/medisinal(herb)– damo, ang mga sanga ay hindi tumitigas o


nagiging kahoy. Ito ay mga halamang nagagamit panlunas sa mga karamdaman ngunit
nagpapaganda rin ng kapaligiran. Halimbawa:

Mint Aloe Vera

https://images.app.goo.gl/kqvwZ2yKpfKsfKca6
https://images.app.goo.gl/gcwPpxLmhthaXRNV6

4. Halamang Palumpon (shrub) – mababang punong kahoy na mayabong. Ito ay mga


halaman na mayroong matitigas na sanga na maaaring gamiting pambakod.
Halimbawa:

Rosal Santan

https://images.app.goo.gl/3PAA5dqJs91buuo26 https://images.app.goo.gl/29RRrqHcp5ha3iXb9

5. Halamang Baging(vine) –ito ay mga halamang gumagapang. Ito ay kadalasang


gumagapang sa bakod at pader. Halimbawa:

https://images.app.goo.gl/D3DWFSKXAWZ8B5w96 https://images.app.goo.gl/ap345gs3CY2MeUSw9

Bougainvillea Yellow Bell

6. Punong ornamental – ito ay mga punong hindi namumunga ngunit nagpapaganda ng


kapaligiran. Halimbawa:

https://images.app.goo.gl/ci5VpJUJ6joVnump9
Cypress
Maraming mga paraan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental. Narito ang
mga dapat isaalang-alang sa pagtatanim:
1. Kalagayan ng lugar- itanim/ilagay kung saan hindi malakas ang ihip ng hangin, lugar na
hindi masisinagan ng matinding sikat ng araw, kung saan malayo sa makapaminsalang
insekto para maganda ang tanim lalo na kung ito ay ibebenta.
2. Silbi ng halaman sa kapaligiran, kung ito ay palamuti sa harap ng bahay, pambakod,
palamuti sa loob ng bahay.
3. Kaangkupan sa panahon, halimbawa kung ito ba ay nabubuhay kahit tag ulan man o tag
init, napapanahon sa araw ng puso, pasko at iba pa kung itoy pagkakakitaan.
4. Kalagayan ng lupang pagtataniman, halimbawa; mabuhangin, luwad na lupa, lupang itim
5. At lahat ng atensyon at pag-aalaga na kailangan ng tanim.Pagdidilig, pag alis ng damo,
paglagay ng abono

Isagawa
Panuto: Sa pamamagitan ng pananaliksik o pagsasagawa ng survey gamit ang internet o
pagtatanong sa mga kasapi ng pamilya o kaibigan, Gumawa ng survey ng limang halamang
ornamental na naging mabenta sa kasalukuyan.Punan ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa papel.

Pangalan ng Uri ng
Lugar kung Paraan ng
Halamang Halamang
Saan dapat itanim Pagpapatubo
Ornamental Ornamental
1 San Herb Lupa/Maaraw sanga
francisco
2 Rosas Palumpong Lupa/Malamig/Maaraw buto
3 Five finger Vine Paso/Lupa sanga Tayahin
4 Sampaguita Palumpong Paso/Kahoy sanga Panuto:
5 Dama de Vine Paso/maaraw sanga Isulat sa
noche sagutang
papel ang T kung tama ang gawain ayon sa inyong napag-aralan at M mali.
T 1.Sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental ang pagsasagawa ng
survey ay hindi mahalaga upang makapagsaliksik ng makabagong kaalaman sa pagtatanim.
T 2.Kailangang piliing mabuti ang lupang pagtatamnan.
T 3.Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nangangailangan ng sapat na atensyon at pag-aalaga.
T 4.Maaaring magbenta ng halaman sa pamamagitan ng pag post sa social media.
M 5.Hindi na kailangang alamin ang klimang nababagay sa halamang ornamental.
T 6.Kailangang may kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental para maging
matagumpay ito, bilang gawaing pagkakakitaan.
M 7.ng pag alam sa pangalan o uri ng halamang ornamental ay hindi mahalaga dahil hindi kailangan
ng mga mamimili.
T 8.Dapat alamin ang silbi ng halamang ornamental para masabi sa mga mamimili kung saan
mainam itanim o ilagay ang halaman.
M 9.Magtanim ng halamang ornamental na ordinary para hindi kailangan ng atensiyon at pag aalaga.
T 10.Sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan dapat
paghandaan ang mga darating na okasyon tulad ng Christmas, Valentine’s day, Mother’s Day,
Birthday at iba pa.

You might also like