EPP4 Modyle 2 Agri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Modyul ng Mag-aaral sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Agrikultura - Modyul 2


MARY JANE L.ADAWI
Developer

Layunin
Pagkatapos mong mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, inasahang maipapamalas mo ang
sumusunod na kasanayan;

 Natutukoy ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental, para sa pamilya at sa pamayanan.

Suriin
Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental

1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha – kumakapit ang mga ugat ng mga punong
ornamental sa lupang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa.

2. Naiiwasan ang polusyon – sa gamit ng mga halaman/punong ornamental, nakakaiwas sa polusyon


ang pamayanan sa maruruming hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, sinigaang basura,
masasamang amoy na kung saan nalilinis ang hangin na ating nilalanghap. Bukod pa rito sinasala pa
ng mga punong ito ang maruruming hangin sanhi ng usok ng tambutso, pagsusunog at napapalitan
ngmalinis na oksiheno (oxygen) na siya nating nilalanghap.

3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin – may mga matataas at mayayabong na halamang ornamental
gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine tree, fire tree, at marami pang iba na maaaring itanim sa gilid ng
kalsada, kanto ng isang lugar na puwedeng masilungan ng mga tao.

4. Napagkakakitaan – maaaring maibenta ang mga halamang ornamental na naitanim o naipunla sa


paso, sa mga itim na plastik bag o lata ng mga halamang ornamental. Ito ay nagiging pera para
panustos sa pang araw-araw na gastusin.

5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran – sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang


ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel, mall, at iba pang lugar, ito ay nakatatawag ng pansin
sa mga dumadaan na tao lalo na kung ang mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak

6. Pangkabuhayan- kagaya ng mga magsasaka na nagtatanim ng gulay at prutas, ang pagtatanim ng


halamang ornamental ay itinatanim din ilang magsasaka ng maramihan sa kanilang sakahang lupa.
Kagaya ng taniman ng Rosas sa Bahong La Trinidad Benguet. Crysanthemum Growers dito Baguio
at Benguet at iba pang lugar sa bansa.

7. Gamot panglunas ng ilang karamdaman- may mga halamang ornamental na ginagamit ang katas
ng dahon o bulaklak nito na panlunas ng karamdaman. Ilang halimbawa nito ang Aloe Vera, Mayana
at iba pa.

8. Ginagamit Pambakod- may halamang ornamental na mayroong matitigas ang sanga kaya mainam
na itanim sa mga boundary o gilid ng bahay, parke para magsilbing bakod kagawa ng Gumamela at
Golden Bush.
Pagyamanin
Panuto: Tukuyin kung ang bawat isa ay nagtatalakay sa mga pakinabang ng mga halamang
ornamental. Iguhit ang tsek (/) sa sagutang papel kung ito ay tumutukoy sa mga pakinabang at ekis
(x) kung hindi.
1. Nalilinis ang maruming hangin
2. Nagbibigay ng liwanang at kulay sa lansangan
3. Hindi pwedeng pagkakitaan
4. Nililinis at pinagaganda ang kapaligiran
5. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha

Isaisip

Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba. Piliin ang sagot sa mga salita na nasa loob
ng kahon.

Ornamental hangin polusyon pagpigil ng baha napagkakakitaan

1. Ang pagtatanim ng halamang ORNAMENTAL ay nakatutulong sa pagbibigay ng sariwang hangin.


2. Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay ng sariwang HANGIN.
3. Hindi lamang nagbibigay ng kulay sa tahanan ang mga halaman, maaari din natin itong
NAPAGKAKAKITAAN upang may maitustos sa ating mga kailangan.
4. Naiiwasan natin ang PAGPIGIL NG BAHA dahil sa mga halamang ornamental.
5. Sa panahon ng bagyo, nakatutulong ang halamang ornamental sa POLUSYON.

Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap MALI kung
hindi.

TAMA 1. Napapalamig at napapaberde ng halamang ornamental ang kapaligiran.


TAMA 2. Ang mga halamang ornamental ay nakabibigay ng sariwang hangin.
TAMA 3. Nakapagbibigay ng kasiyahan sa mag-anak ang mga halamang ornamental.
MALI 4. Ang Mayana na isang uri ng halamang ornamental na herb ay nakakapagbigay lunas ng
karamdaman.
TAMA5. Ang mga halamang ornamental ay nakakatulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa.
TAMA 6. Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay ng liwanag at kulay sa lansangan.
MALI 7. Walang kasiyahang dulot sa mag-anak ang mga halamang ornamental.
TAMA 8. Ang halamang ornamental na palumpong ay mga bulaklak na maaring gamiting pambakod.
MALI 9. Ang halamang ornamental ay itinatanim para lang may magamit na palamuti sa lugar kung
may okasyon.
TAMA 10. Hindi maaaring ipagbili ang mga halamang ornamental.

You might also like