Professional Documents
Culture Documents
Department of Education: Region Iii-Central Luzon Schools Division of Bulacan San Gabriel Elementary School
Department of Education: Region Iii-Central Luzon Schools Division of Bulacan San Gabriel Elementary School
Department of Education: Region Iii-Central Luzon Schools Division of Bulacan San Gabriel Elementary School
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
I. Layunin:
MELC: Pagpapakita ng mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan at paaralan tulad ng:
Pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang kasapi ng pamilya at ng kamag-aral;
Pagpaparaya;
at pagpapakumbaba.
EsP1PIIc-d-3
II. Paksang Aralin: “Kaayusan at Kapayapaan sa Tahanan at Paaralan”
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban sa klase
3. Pagbati
4. Pagbibigay ng pamantayan habang nasa klase
B. Panlinang na Gawain
1. Balik aral
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihin kung TAMA o MALI ang ipinahahayag nito.
_________________________________________________________________________
San Gabriel, Santa Maria, Bulacan 3022
105161@deped.gov.ph
092335274999
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
2. Pagganyak
Happy or Sad Game
May inihanda ang guro na 5 larawan na ipapakita sa powerpoint presentation. Itatanong ng guro kung
ano ang kanilang nararamdaman sa mga gawaing pinapakita sa larawan. Mayroong ibibigay na
dalawang emoticons o emosyon na mukha ang guro sa bawat mag-aaral. Isang malungkot at
masayang mukha. Itataas nila ang masayang mukha kung ang larawan ay kasiya-siyang gawi ng
mga bata ang pinapakita sa larawan, malungkot naman na mukha kung hindi kasiya-siyang gawi ang
ipinakikita.
1. ___________
2.
___________
3. ___________
4.
__________
5. __________
_________________________________________________________________________
San Gabriel, Santa Maria, Bulacan 3022
105161@deped.gov.ph
092335274999
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
Tanong:
Paano nyo naipapakita ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan? Paaralan?
-pagiging Mabuti sa aking kapwa.
-pagiging masunurin at magalang sa aking mga magulang
-pagiging mapagkumbaba
-mapagparaya
3. Paghahawan ng Balakid
Ang salitang “Dumagat” ay nagmula sa salitang “rumakat”/”lumakat” o “lumakad” na siyang
nagpapatunay na sila ay lakad na dumating sa luson at di-tumawid sa dagad. Sila ay mga katutubo o
etniko ng Pilipinas. Kasama sa mga kauri nila ang Ayta, Mangyan, Negrito. Ang dumagat ay isa sa
mahalagang pangkat upang pagtuunan ng lahing kayumanggi sa Pilipinas sa dahilang sila ang isa sa
unang pangkat ng tao na nakarating sa kapuluang Pilipinas sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na
lupa.
C. Pangkatang Gawain ( Collaborative Approach)
Hahatiin ng guro sa limang (5) grupo ang klase. May ibibigay na puzzle ang guro sa bawat
pangkat at kanila itong bubuuin. Sa mabubuong larawan aalamin nila kung ito ay nagpapakita ng
pagpaparaya at pagpapakumbaba sa kapwa, at paunahang ididikit sa pisara. Ang unang pangkat
na makapagdidikit sa pisara ang mabibigyan ng karagdagang puntos.
D. Pagtalakay
Ating kilalanin basahin at tuklasin ang kwento tungkol sa “Ang Batang Dumagat” na isinagawa ni
Sherryl G. Malicdim.
Ang bagong kamag-aral ni Tana na si Caloy ay isang batang dumagat. Magmula ng siya ay dumating
sa kanilang paaralan ay madalas tuksuhin at asarin si Caloy ng isang grupo ng kanilang kamag-aral
dahil sa kakaiba nitong panlabas na anyo. Hindi ito nagging hadlang upang patuloy na magsikap si
Caloy sa kaniyang pag-aaral. Siya ay isang batang matalino, mabait, masipag, mahusay gumuhit at
mapagkumbaba. Palagi siyang nakasasagot sa mahihirap na tanong ng kanilang guro at sa tuwing
siya ay papalakpakan ng buong klase ay nakayuko lamang siya. Nanatili ang kababaan ng loob ni
Caloy. Sina Caloy at Tana ay nagging matalik na magkaibigam. Si Tana ang tagapagtanggol ni Caloy
sa mga nang-aasar sa kaniya at si Caloy naman ang nagtuturo kay Tana ng mga aralin na hindi niya
masyadong nauunawaan.
_________________________________________________________________________
San Gabriel, Santa Maria, Bulacan 3022
105161@deped.gov.ph
092335274999
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
Dumating ang araw ng paligsahan at nagulat si Caloy sapagkat sumali rin sa paligsahan ang mga
kamag-aral niyang madalas nang-aasar sa kaniya. Subalit hindi siya nasiraan ng loob bagkus
pinagbutihan niya upang ipakita ang kaniyang natatanging kakayahan.
Ang lahat ay kinakabahan kung sino ang magwawagi ng unang gantimpala sapagkat lahat ng
kanilang gawa ay magaganda. Tahimik at taimtim na nagdarasal si Caloy nang biglang tawagin ang
pangalan niya para sa unang pwesto. Nagsisigawan ang lahat laong higit si Tana hanag sinasabitan
ng gintong medalya si Caloy.
C. Pagtalakay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang hindi magandang pag-uugali na ipinakita ng isang grupo na kaniyang mga kamag-
aral?
3. Anong aral ang natutunan mo sa kwentong ating binasa?
Dahil ang bawat tao ay may angking talino, talento at kakayahan, hindi nakapagtatakang
magtagumpay siya at makamit ang magandang kapalaran. Sa mga pagkakataong tulad nito,
nararapat na tanggapin natin nang may masayang kalooban ang tagumpay ng ating kapwa.
Bilang bata, sikapin mong taglayin ang katangiang mapagparaya upang maiwasan ang mga suliranin
at hindi pagkakaunawaan sa bawat kasapi ng pamilya.
Ang pagiging mapagkumbaba ay ang pagsunod natin o pagpapasailalim sa mas nakatatanda, mas
nakaaalam at mas nakatataas kaysa sa atin. Kasama dito ang pagkilala at paghingi ng pag-asa sa
Diyos.
Ilagay sa iyong sagutang papel ang tsek, kung ikaw ay sumasang-ayon sa isinasaad ng
____1. Hindi ipinaubaya ni Kristel ang kaniyang manika dahil paborito niya ito.
____2. Masayang-masaya si Hailey sa bisikletang ipinahiram sa kaniya ng kaniyang ate.
____3. Si David ang panganay sa magkakapatid kaya’t madalas siyang magparaya sa mga ito.
____4. Hindi nagdalawang-isip si Carla na ipahiram ang kanyang paboritong laruan sa kanyang
pinsan.
____5. Hindi ipinahiram ni Ben ang kaniyang bagong lapis at pangkulay sa kaniyang kuya na sasali
sa paligsahan sa pagguhit dahil hindi pa niya ito nagagamit.
G. Paglalahat
H. Paglalapat
Sa sitwasyon ni Caloy, dahil siya ay may ibang kulay at anyo na naiiba sa ibang mga bata, madalas
siyang tuksihin at asarin ng kanyang mga kaklase. Kapag nasobrahan ang panunukso na ito, na
umabot na sa pisikalan na nakakasakit na ng kapwa tao, ito ay labag na sa batas ng karapatang
pangtao. Kaya mayroong Child Protection Policy. Layunin ng kautusang ito na bigyang proteksyon
ang mga mag-aaral sa paaralan laban sa kahit anong pang-aabuso tulad ng diskriminasyon,
pambubully at iba pa. Sa ilalim ng Artikulong 3, ginagarantiyahan nito ang Karapatan ng bata sa
proteksyon laban sa pagsasamantala, hindi wastong mga impluwensiya, mga panganib, at iba pang
mga kundisyon o pangyayari na nakapipinsala sa pisikal, mental, emotional, panlipunan at moral na
pag-unlad ng bata.
I. Pagpapahalaga
_________________________________________________________________________
San Gabriel, Santa Maria, Bulacan 3022
105161@deped.gov.ph
092335274999
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III- CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
Dahil si Caloy ay isang mapagkumbabang bata at mapagparaya, kanyang naani ito ng siya ay
manalo sa paligsahan ng pagguhit. Dahil sa taglay niyang kabaitan ay nagkaroon pa siya ng mas
maraming kaibigan. Ang batang tulad mo ay nararapat na maging masaya sa tagumpay ng
kapwa, mapagparaya at mapagkumbaba upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa tahanan at paaralan.
IV. Pagtataya
Iguhit sa iyong sagutang papel ang bituin kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng
pagpapakumbaba at bilog naman kung hindi.
_____3.Hihingi ng tawad sa kamg-aral kahit na siya ang nagsimula ng away upang magkabati na.
_____5.Hindi papansinin ang kamag-aral na nakasira ng aklat kahit ilang beses na itong humingi ng
paumanhin.
V. Takdang Aralin
Piliin mula sa kahon ang mga salita na bubuo sa diwa ng sumusunod na kaisipan.
mapagparaya
kapayapaan
kaayusan mapagkumbaba
masaya sa tagumpay ng iba
Inihanda ni:
COLEEN L. POLICARPIO
Guro I
_________________________________________________________________________
San Gabriel, Santa Maria, Bulacan 3022
105161@deped.gov.ph
092335274999