Fil109 Rationale

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Rationale:

Ang mother tongue ay ang wikang ginagamit sa bahay o nakamulatan ng isang


mag-aaral. Naniniwala ang DepEd na ang paggamit ng mother tongue sa mga
unang taon ng edukasyon ay makakatulong sa mas epektibo at mabilis na
pagkatuto ng mga mag-aaral. Lumabas sa ilang pananaliksik na ang unang
wikang nakamulatan ng isang bata ay malaki ang naitutulong sa mabisang
pagsagap nito ng mga kaalaman.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 16, Series of 2012 o Guidelines on the


implementation of the Mother Tongue-Based-Multilingual Education (MTB-
MLE) ay ipinatutupad bilang isang asignatura mismo at bilang kasangkapan sa
pag-aaral mula kinder hanggang ikatlong baitang. (DepEd, 2012)

Napili ng mga mananliksik ang paksang “Pananaw ng mga Mag-aaral sa Ika-


Pitong Baitang Pangkat Agility sa Pag-gamit ng mga Guro sa Unang Wika o
“Mother Tounge” Bilang Wikang Panturo sa Paaraalan ng Tayabas Western
Academy Taong Panuruang 2021-2022” upang malaman ng mga mananaliksin
kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paraan ng pagtuturo ng mga guro
gamit ang Wikang Filipino. Kung ito ba ay nakakatulong sa mga mag-aaral
upang lubos maunawaan ang paksa ng kanilang pinag-aaralan o ito ba ay
nagdudulot ng pagkahuli sa pagkatuto ng ibang wika ng mga mag-aaral.

Sa gagawin ng mga mananaliksin na pananaliksik ang target o inaasahan na


magiging respondante ay ang mga mag-aaral na sekondarya na nasa ikapitong
baitang pangkat Agility ng paaralang tayabas western academy sa nakalipas na
taong panuruang 2021-2022. Na sa kasalukuyang taon ay nasa ika-walong
baitang na.

Ang target o inaasahan ng mga mananaliksik na maging mga respondate dahil


ito ang pinakaunang baitang sa pagtungtong ng sekondarya kaya’t, pagkatapos
ng gagawing pananaliksik ay inaasahan ng mga mananaliksik kung ano ang
epekto ng paggamit ng Mother Tounge sa akademikong perpormans ng mga
mag-aaral na nasa ika-pitong baitang pangkat Agility sapagkat iyon ang paraan
ng pagtuturo sa kanila ng kanilang mga guro noong nasa elementarya pa lamang
sila kaya sa pagtungtung nila sa sekondarya ay nababawasan o unti unting
nawawala ang pag gamit ng mother tongue sa pagtuturo sa kanilang mga
lessons.
Rationale:

May ilang paaralan sa ating bansa ang gumagamit ng wikang Filipino sa


larangan ng pagtuturo sa asignaturang araling panlipunan, may ilan din naman
na paaralan na gumagamit ng purong wikang banyaga o ingles sa pagtuturo ng
asignaturang ito. Nagpapakita ito ng magkaibang paraan ng pagtuturo ng mga
guro at pagkatuto ng mga mag-aaral

Napili ng mga mananaliksik ang paksang “Epekto ng Paggamit ng Wikang


Filipino at Ingles sa Pagkatuto sa Asignaturang Araling Panlipunan sa mga
Mag-Aaral ng Sekondarya na Nasa Ika-walong Baitang Pangkat Azure ng
Tayabas Western Academy Taong Panuruang 2021-2022.” Sapagkat nais
naming alamin ang epekto ng paggamit ng wikang filipino at ingles sa
pagkatuto ng mga mag aaral sa asignaturang araling panlipunan. Base sa aming
pananaliksik ay sa iba ibang paaralan ay may iba’t ibang wikang ginagamit sa
paraan ng pagtuturo ng nasabing asignatura.

Sa gagawing pananaliksik ng mga mananaliksik ay ang target o inaasahan na


magiging respondante ay ang mga mag aaral na sekondarya na nasa ika-walong
baitang pangkat Azure ng Tayabas Western Academy sa nakalipas na taong
panuruang 2021-2022.

Ito ang napili ng mga mananaliksik na maging respondante dahil base sa aming
mga naging karanasan noong kami ay nasa sekondarya na nasa ikawalong
baitang ay ang asignaturang araling panlipunan ay itinuturo pa sa pamamagitan
ng wikang filipino ngunit sa pag-akyat ng baitang ay unti unti na itong
napapalitan o nahahaluan ng wikang ingles.

Inaasahan namin na sa pagtatapos ng gagawing pananaliksik ay matutukoy


namin ang epekto ng paggamit ng wikang filipino at wikang ingles sa pagkatuto
ng mga mag aaral sa sekondarya.
Rationale:

Ang kursong Accountancy ay ang pagsukat, pagproseso, at pagbalita ng


impormasyong pinansyal ng mga ekonomikong entidad tulad ng mga kumpanya
at korporasyon. Ang kursong ito ay kilala bilang kursong walang Major subject
na ginagamitan o gumamit ng wikang Filipino. Kakaiba ito kaysa sa kursong
Education, kaya’t marami ang mga estudyante sa kursong ito na bumababa ang
mga grado sa kanilang mga pangunahing asignatura. Sapagkat marami sa kanila
ang nahihirapang unawain, gamitin ng tama at pag-aralan ang wikang Ingles.

Napili ng mga mananaliksik ang paksang “Wikang Filipino: Paktor ng Antas sa


Kahirapan ng Paggamit ng Ibang Wika Maliban sa Unang Wika na Nagiging
Dahilan ng Pagbaba sa Akademikong Perpormans ng Piling Mag-Aaral ng BSA
3rd Year sa Tayabas Western Academy Taong Panuruang 2021-2022” Dahil Sa
pag-aaral na ito matatalakay ang suliranin at kahinaan ng mga estudyante sa
paggamit ng ibang wika maliban sa pangunahing wika dahil ito na ang
nakasanayan nila. Sa kursong BSA lahat ng kanilang pag-aaralan ay nasa
wikang banyaga, Ingles ang wika na dapat gamitin subalit nasanay ang mag
estudyante sa wikang Tagalog ito ang nagiging dahilan kung bakit bumababa
ang kanilang akademikong perpormans. At dahil nga sa madalas na magagamit
ang wikang Ingles sa kursong ito mas nahihirapan ang mga mag-aaral na
gamitin ang wikang ito dahil mas gusto nilang gamitin ang unang wika at ito ay
ang wikang Filipino

Ang napili ng mga mananaliksik na maging mga respondante ay ang mga


piling mag-aaral na lalaki na nasa ikatlong taon sa kolehiyo na may kursong
Bachelor of Science in Accountancy(BSA) ng Tayabas Western Academy ng
nakalipas na taong panuruang 2021-2022. Na sa taong kasalukuyan ay nasa
ikaapat na taon na sa kolehiyo.

Ito ang napili ng mga mananaliksik na maging mga maging respondante


sapagkat sila ang may mga pinakamahihirap na pangunahing asignatura
kumpara sa ibang major na mayroroon ang kursong ito.

You might also like