Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

Katangian ng Tekstong Deskriptibo

• 1. Ang tekstong deskriptibo ay may


malinaw at pangunahing impresyon na
nililikha sa mga mambabasa.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• 2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging
obhetibo o subhetibo at maaaring ding magbigay
ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t
ibang tono at paraan sa paglalarawan.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• • ObhetibongPaglalarawan – direktang pagpapakita
ng katangiang makatotohanan at ‘di
mapasusubalian.
• Halimbawa: paglalarawan sa isang kaibigan:
pagbibigay ng taas, haba ng buhok, kulay ng balat, at
pananamit.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• • Subhetibong Paglalarawan – kinapapalooban ng matalinhagang
paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon o ang
nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
• Halimbawa: paglalarawan sa kaibigan: hingahan ng sama ng
loob, madalas na nakapagpapagaan ng suliranin, o kaya’y bukas
na libro sa lahat dahil maingay at sa liberal nitong katangian.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
• 3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang
maging espisipiko at maglaman ng mga
konkretong detalye. Ang pangunahing layunin
nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa
ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.
LAYUNIN:

➔Ang layunin ng tekstong deskriptibo ay maglarawan ng isang bagay, tao,


lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa.
➔ Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na
bumuo at malarawan ang isang partikular na karanasan. Dagdag pa,
nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-
aaral ang masining na pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsyon
na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw
sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo
• 1. Deskripsyong Teknikal - Ito ay naglalayong magbigay
ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng mga
eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian.
• Halimbawa: ▪ Isang piraso na lamang ng tsokolate ang
laman ng puting kahong ibinigay ni Valentino kay
Marina.
Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo
• 2.
Deskripsyong Karaniwan - Ito naman ay uri ng
paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
impormasyong pangkalahatan at maraming tao o
bagay ang nagtataglay ng ganoong katangian.
• Halimbawa:

•● Si Melissa ay mabilog ang pangangatawan.


Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo
• 3. Deskripsyong Impresyonistiko - Ito ay pagbibigay ng
paglalarawan sa pamamagitan ng pansariling pananaw, opinyon,
o saloobin sa isang tao. Ito ay karaniwang iba sa kaniyang kapwa
at hindi itinuturing na lubhang totoo dahil ito subhektibong
pananaw lamang.
Halimbawa: Namamalditahan ako sa anak na panganay ni Aling
Nena dahil ramdam kong hindi totoo ang kaniyang pagngiti sa atin.
Nawala ko ang aklat mo.
Ibibili na lang kita ng bago.

You might also like