Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lakbay Sanaysay

Malabrigo Lighthouse in Lobo, Batangas

Ang Lobo, Batangas ay kilala sa


pagkakaroon ng magagandang tanawin
kabilang na rito ang lugar ng Malabrigo. Ang
isa sa aming pinuntahan sa aming
paglalakbay sa lugar ng Lobo ay ang
Malabrigo Lighthouse kung saan upang
makarating dito madaraan ang matatayog na
puno, matarik, at lubak lubak na daan. Ngunit
sa kabila ng mga ito ay tunay na masisiyahan
ang mga manlalakbay na pupunta rito dahil
sa aking kagandahan ng lugar. Mula sa ingay
ng mga tao sa kabihasnan kakaibang
kapayapaan at katahimikan ang aming
nadatnan. Sariwa ang hangin at
napapaligiran ng luntiang mga puno. Tanaw
mula sa lighthouse ang malawak na harapan
ng dalampasigan kung saan maaring
kumuha ng magagandang at malikhaing
litrato ang mga bibisita rito. Isang historical
site ang Malabrigo Lighthouse o kilala rin
bilang Faro de Punta de Malabrigo. Ito ay
itinayo noong panahon ng mga kastila na
gawa mula sa ladrilyo at bato na magpasa
hanggang ngayon kahit na dumaan ang
maraming bagyo at lindol ay nanatili pa ring
nakatayo at matibay. At sa aming pagbisita
sa lugar hindi lamang nabusog ang aming
mga mata sa magagandang tanawin kundi
nagkaroon din kami ng kaalaman mula sa
nakaraan ng lugar. Puno ng saya at ngiti ang
aming mga labi sa aming nasaksihang
Paraiso. Sa aming paglisan sa lugar baon
namin ang ala-alang hindi malilimutan.

You might also like