Untitled

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika at kultura bilang "magkakambal" sa pag-buo ng


ating identidad bilang Pilipio.

- Hindi maaring mapag hiwalay and wika at kultura sa kadahilanang sila ay kumakatawan sa
isa't-isa. Ang wika ay gumaganap na isang kritikal at sumasaklaw sa bawat aspeto ng ating
buhay. Ang wika ay isa sa mga susi sa pag-unlad ng ating bansa, maaari itong ipahayag sa
pamamagitan ng komunikasyon o ibat-ibang simbolo. Ang kultura naman ay sama-sama na
pananaw ng mga miyembro ng isang lipunan sa mundo at kanilang kapaligiran. Ito ay ang mga
pananaw ng isang Pilipino, tradisyon o uri ng pamumuhay. Upang magkaroon ang mga Pilipino
na isang konkreto na identidad kinakailangan nila mahalin at palaguin ang kultura na nag bubuo
sa isang wika. Hindi mag kaka roon ng isang lengwahe ang isang bansa kung ito ay walang
kultura. Bilang isang Pilipino kinakailangan natin mas pahalagahan at tuluyang gamitin ang wika
sa pang araw-araw.
2. Ano ang maibabahagi mong karanasan na nagpapakita ng ugnayan ng Wika at Kultura?

- Marami na ako napansin at nakita sa araw-araw na nagpapakita ng ugnayan ng wika at


kultura. Napansin ko na kada bakasyon namin ng pamilya ko ay nasa Aklan kami para magsama
sama at makasama ang aking lola at ang aking mga pinsan. Isa sa mga kultura sa Aklan ay ang
pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival tuwing enero bilang parangal kay Santo Niño sa lalawigan
ng Aklan. Ginaganap ang pinakamalaking pagdiriwang sa bayan ng Kalibo tuwing ikatlong
linggo. Marami akong nakikita na mga dayuhan na pumupunta sa Kalibo para maranasan o
masaksihan ang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival. Kahit na may iba't ibang wika ang mga
dayuhan na pumupunta sa Aklan sa pag diriwang ng Ati-Atihan Festival ay hindi ito hadlang
para hindi magkaisa ang lahat sa halip mkikita pa rin na masaya ang lahat, nagkakaisa at
nagkakaintindihan sa pamamagitan ng puso at diwa. Masasabi ko rin na kahit ako ay hindi
naturuan at nakakapag salita ng Aklanon, habang pinapakingan ko ang aking lola at ang kanyang
mga kapatid mag usap may mga bagay akong naintindihan sa mga sinasabi nila at nadadala ko
iyon. Kung kaya’t ako ay maswerte na napapaligiran ako ng mga taong bilingwal at nalalaman
ko ang ibat-ibang kultura nila katulad ng pag sila ay nag hahain ng mga pagkaing-dagat katulad
na lang ng isda, alimango at talaba ginagamit nila ang kanilang kamay para kumain at
sinasawsaw ito sa suka, masya ako dahil nabahagi ng aking lola ang mga bagay na pang araw-
araw nilang ginagawa.

You might also like