Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere 2021 Kabanata 1 21
Noli Me Tangere 2021 Kabanata 1 21
Ang tauhang naging bahagi sa kabanata 1 ay sina Don Santiago de los Santos
(Kapitan Tiago), Tiya Isabel, Padre Sibyla, Padre Damaso, Tinyente Guevarra, at
isang binatang bagong dating sa Pilipinas (Crisostomo Ibarra). Nabanggit din sa
kabanatang ito sina Ginoong Laruja, Don Rafael Ibarra, Doktor de Espadaña at Doña
Victorina.
Ano ang paborito mong linya sa kabanatang ito? Kopyahin nang salita-sa-salita.
Nakakalungkot basahin ang kabanatang ito dahil ipinakita lamang dito kung
gaano kaliit ang tingin ng ibang lahi sa mga Filipino; na kahit nasa sariling bansa sila
ay gayung diskriminasyon ang kanilang nararanasan. Ang kinikilala at binibigyang
pansin lamang ay ang mga Filipinong kilala, mayaman at makapangyarihan.
Ang isang pangyayari ay ang dahilan kung bakit nalipat ng ibang parokya si
Padre Damaso. Ang pagpapahukay niya sa bangkay ng isang tao na hindi umano ay
isang erehe.
Ano ang isang pangyayari sa kabanatang ito na nangyayari pa rin sa ngayon?
• Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje – (Our Lady of Peace and Good Voyage
or known as the Virgin of Antipolo), sa tagalog ay ang Birhen ng Antipolo. Ito
ay isang imahe ni Birhen Maria.
• Vice-Real Patrono – sa panahon ng mga Español, ito ay titulo ng gobernador
heneral sa Pilipinas bilang pinakamataas na kinatawan ng hari ng España.
• Pista – ito ay hango sa salitang Español na fiesta na ang ibig sabihin ay
pagtitipon
• Tenyente – ito ay hango sa salitang Español na teniente na ang ibig sabihin ay
isang rango o tawag sa isang opisyal sa munisipyo o ang pangalawang pinuno
at humahalili sa gobernadorsilyo.
• Reverencia – ito ay hango sa salitang Español na reverencia na ang ibig
sabihin ay isang tawag na paggalang sa mga pari.
Ang pamagat ng kabanatang ito ay “Si Crisostomo Ibarra” dahil sa kabanatang ito ipinakilala
ni Crisostomo Ibarra ang kaniyang sarili sa mga bisita ni Kapitan Tiago. Sa kaniyang
pagpapakilala ay nakilala siya bilang anak ng matalik at nasirang kaibigan ni Kapitan Tiago na
si Don Rafael Ibarra na nagmula sa Europa upang mag-aral.
Ano ang paborito mong linya sa kabanatang ito? Kopyahin nang salita-sa-salita.
Ang sinabi ng isang binata ng ito’y nagpakilala kay Crisostomo na “Karangalan ko kaya
ngayong makipag-usap sa isang makata na ang mga akda’y bumuhay sa sigla ng aking
pag-ibig sa aking bayan? May nagsabi sa akin na hindi na kayo sumusulat, ngunit hindi
nasabi sa akin ang sanhi..”
Ang isyung panlipunan na naitalakay sa kabanata ay nang sinabi ni Crisostomo na may isang
inusig dahil sumulat ito ng katotohanan laban sa mga Espanyol at dito makikita na sa panahong
iyon ay mga Espanyol ang lubos na makapangyarihan sa lipunan noon at tinutuligsa kung sino
man ang magtangkang mulatin ang mga Filipino mula sa kanilang pang-aabuso at pangloloko.
Pumili ng isang pahiwatig (hindi direktahang sinabi ang nangyari) sa kabanata. Kopyahin
ang parirala at/o linya at ang ibig sabihn.
“May nagsabing leon din ang anak ng leon” – Ang ibig sabihin nito ay tulad din ng “kung
ano ang puno yon din ang bunga”. Kung ano ang ugali ng magulang iyon din ang ugali ng anak.
Ibahagi ang ISANG damdaming pinakalumitaw sa pagbabasa ng kabanatang ito. Bakit ito
ang iyong naramdaman?
Ang isang pangyayari sa kabanatang ito na nangyayari pa rin hanggang ngayon ay nang
nagtinginan at namangha ang mga tao sa pagdating ni Crisostomo Ibara dahil kahit sa
kasalukuyan ay kapag may bisita o dayuhan na galing sa ibang bansa ay tila iba/mataas ang
tingin sa kanya ng mga tao na minsan ay nagdudulot ng alinlangan at diskriminasyon.
• VOCES/BOSES - binubuo ng tunog na gawa ng isang tao na ginagamit ang mga tuping
pantinig o luping pamboses para sa pagsasalita o pakikipag-usap, pag-awit o pagkanta,
pagtawa o paghalakhak, pag-iyak, pagsigaw o paghiyaw, at iba pa.
Mahalagang nabasa ko ang kabanatang ito dahil nakilala ko ang karakter ni Crisostomo Ibarra
na siyang isa sa mga pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere. Mahalaga rin ito dahil ang
inilalarawan ng katauhan ni Crisostomo Ibarra ay mismong si Dr. Jose Rizal. Sa kabanatang
ito ay nagsisimula pa lamang ang mga tatahaking tanggulian at problema ni Crisostomo Ibarra
sa nobela at makikita rin sa kabanatang ito kung gaano kahalaga na mamulat sa katotohanan
ang mga Filipino sa mga paksang kaniyang isinusulat.
Pamagat ng Kabanata 3: Ang Hapunan
Bakit ito ang pamagat ng kabanatang ito?
Ito ang pamagat ng kabanatang ito dahil naganap dito ang isang hapunan sa bahay
ni Kapitan Tiago.
• Fray Damaso
Fray Sibyla
Don Santiago/Kapitan Tiago
• Crisostomo Ibarra
• Laruja
• Donya Victorina
• Doktor de Espadaña
• Tenyente Guevarra
Ito ang pamagat ng kabanatang ito sapagkat ito’y naglalaman ng kuwento ng ama ni
Ibarra na si Don Rafael. Isinalaysay sa kabanatang ito kung paano binansagang
erehe at pilibustero si Don Rafael.
Mahalagang mabasa ang kabanatang ito dahil binubuksan nito ang isipan sa
kamalian at katiwaliang naganap noon. Ang kabanatang ito ay magsisilbing gabay sa
mga katulad na pangyayari sa ngayon. Ito ang magtuturo sa atin na buksan ang puso
natin para sa bayan at makialam sa problema nito. Ang kahapon ay tapos na, ito’y
alaala na lamang, ngunit ang aral ay tila sariwa pa.
Pamagat ng Kabanata 5: Bituin sa Karimlan_____
Bakit ito ang pamagat ng kabanatang ito?
Ang tinutukoy na karimlan ay ang magulong isip at ang kalungkutan sa paligid kung
nasaan si Crisostomo Ibarra. At ang Bituin naman ay ang nasa kabilang lugar kung
saan makikitang masasaya ang tao, nandito rin ang isang napakagandang babae na
isang rason ng kasiyahan ng mga tao roon.
Ang mg tauhan sa kabatang ito ay sina: Kapitan Tiago, Pia Alba, Padre Damaso
Don Rafael, Tiya Isabel, Maria Clara, Crisostomo Ibarra at Doña Patrocinio
Ang isang mahalagang tagpuan sa kabanatang ito ay sa bayan ng San Diego sapagkat
dito naganap ang karamihang eksena sa kabanata. Sa bayan ng San Diego kung saan
umikot ang buhay ni Kapitan Tiago, Padre Damaso, Doña Pia at Maria Clara. Isang
tagpuan kung saan nagsimula ang lahat, kung saan may mga tinatagong sekreto na
magdudulot ng sakit at pait sa mga tauhan ng Noli Me Tangere.
“Gayón n~gâ ang calagayan ni Capitang Tiago n~g panahóng iyón. Tungcól sa
panahóng nacaraa'y siyá'y bugtóng na anác n~g isáng mag-aasucál sa Malabóng
mayaman din namán ang pagcabuhay, n~guni't nápacaramot, na anó pa't hindî
nagcagugol n~g isáng cuarta man lamang sa pagpapaaral sa canyáng anác, caya't
naguíng alilâ si Santiaguillo n~g isang mabaít na dominico na pinagsicapang iturò ang
lahát n~g maituturò at nalalaman niyá. “
- Ito ang linya sa ika-anim na kabanata dahil sa magandang mensaheng nais
iparating sa mga mambabasa.
“Salamat sa hatol na ito'y nagdaláng táo si Doña Pía ... ay tulad sa mán~gin~gisdáng
sinasabi ni Shakespeare sa Macbeth, na tumiguil n~g pag-aawít n~g siyá'y
macasumpong n~g isáng cayamanan; pumanaw cay Doña Pia ang catowaan,
namangláw n~g dî anó lamang at hindî na nakita nino mang n~gumitî. Talagáng
ganyán ang m~ga naglílihi--ang sinasabi n~g lahát, sampô ni Capitang Tiago.”
Pumili ng limang malalim (hindi mo naunawaan) at di-pormal na salita (balbal,
pinaikli, mura, at iba pa.
5 Malalim na Salita 5 Di-Pormal na Salita
• Tampalasan • Vapor
• Di cawasa o di kawasa • Achoy
• Hirang • Tia
• Subasta • Gay’on
• Hilahis • Ilaya
Ang paligsahan nina Kapitan Tiago at Doña Patricinio sa pamimintakasi sa Diyos. Ang
dalawang tauhan ay nananampalataya sa kristiyanismo ngunit ito ay pawang palabas
lamang. Hindi ko nakitaan ng sinsiridad ang dalawang tauhan sapagkat ito ay ginagawa
upang magpasikat o kaya nama'y makamit ang isang parangal mula sa mga banyaga.
Sa kasalukayan, ito ay nangyayari pa rin. May iilan pa ring mga Filipino na kunwari ay
nanalig sa Diyos ngunit naroon lang naman para sa sariling interes. Karamihan ay
palaging nagsisimba at ginagawa ang mga ritwal bilang isang kristyano ngunit kulang
naman sa gawa.
Tatlong HIRAM na salitang (Español) matatagpuan sa kabanata (kung mayroon).
Ibigay ang kahulugan nito.
Mahalagang mabasa ang kabanatang ito sapagkat inilarawan rito ang buhay ni Kapitan
Tiago bilang simbolo ng kataksilan sa sariling bansa. Sa kabanatang ito ipinakita ang
pagiging sunod-sunuran ng mga Filipino sa mga banyaga. Isang eksena na
nagpapatunay, ay ang pagbibigay ng pagkain ni Kapitan Tiago at laging pagsang-ayon
sa mga Español maging ang pagpapasikat niya sa kapuwa Pinoy sa kadahilanang nais
niyang mabigyan ng posisyon sa pamahalaan. Ang mga eksenang ito ay karapat-dapat
na mabasa dahil ito ang nagpapatunay na hindi lahat ng gumagawa ng mabuti ay totoo,
gaya lamang ng mga pulitiko na mahilig magbalatkayo upang makuha ang simpatya
ng mga Filipino. Higit sa lahat, upang maipaalala sa mga mambabasa ang halaga ng
nasyonalismo.
Pamagat ng Kabanata 7: Mairog Na Salitaan Sa Isang "Azotea"
Bakit ito ang pamagat ng kabanatang ito?
Ito ang pamagat ng kabanata VII sapagkat ang kwento ng kabanata ay umikot sa
pag uulayaw nina Ibarra at Maria Clara. Ang matamis na salitaan ng dalawa ay
idinetalye sa kabanatang ito.
"Waring nakikita kitang isang diwata, isang diwa, isang masanghayang sagisag ng
aking Bayan, maganda, walang karangyaan, masuyuin, matapatin, anak ng Pilipinas,
ng magandang lupaing iyang nag aangkin ng mga dakilang katangian ng Inang
Espanya at ng kahili hiling asal ng isang lupaing bata, tulad ng sadyang
pagkakapisan ng iyong katauhan ng lahat ng kagandahan at kariktang nakahiyas sa
dalawang lahing ito; at dahil dito'y ang pag-ibig mo at ang pag ibig ko sa aking Inang-
Bayan ay nauuwi lamang sa isa."
Dahil nakalathala sa kabanatang ito ang mga alaala ni Ibarra tungkol sa kaniyang
lugar at pati na rin ang kaniyang alaala tungkol sa Europa.
Sa eksenang ito, may ipinapahiwatig ang mga galaw ni Padre Damaso. Kahit hindi
niya pa sinasabi, pinapakita niya na siya ay may sama ng loob sa kapitan. Marahil ito
ay dahil sa pag-alis ni Maria Clara sa beateryo at ang pagpapakasal kay Crisostomo
Ibarra.
Pumili ng limang malalim (hindi mo naunawaan) at di-pormal na salita (balbal,
pinaikli, mura, at iba pa.
5 Malalim na Salita 5 Di-Pormal na Salita
• Beateryo • Lahat ay pormal
• Pangangatog
• Bahay-dalanginan
• Bulwagan
• Magpatistis
Labis na naipakikita ang dahilan kung bakit natatakot ang mga tao sa matandang
kastila ng siya ay nabubuhay pa. Para bang sa likod ng kaniyang mga boses at mata
ay may nakatagong dahilan.
Ang tagpuan sa kabanatang ito ay ang bayan ng San Diego. Ang paglalarawan ko sa
lugar na ito ay may malawak at napapalibutan ng lupain na pagmamay-ari ng ilan sa
mga mayayamang tao tulad nina Don Rafael, Kapitan Tiago, Alperes at asawa nitong
si Doña Consolacion. Gayundin, makulay at nabubuhay ng mga masisiglang musiko
tulad ng pagsalubong kay Kapitan Tiago sa tuwing pumaparoon sa San Diego.
● Tsokolate
Depenisyon:
Ito ay isang uri ng pagkaing matamis at minsan ay ginagawang mainit na inuming
inihahain sa mga bisita.
Dahil sa nangyari lamang ang eksenang ito sa araw ng pagbisita sa mga patay.
• Dalawang sepulturero
• Isang matanda
“Masdán mo!—ang idinugtóng ng̃ matandâ, at ipinakita sa canyá, ang isáng pílac na
salapî,—walâ aco cung hindî itó, ng̃uni't ibíbigay co sa iyó cung makita mo ang
bung̃óng iyón.”
• Masukal • Nakatuntong
• Makipot • Paghithit
• Nahihimlay • Lumulura
• Nagpapahingalay • Castilang Civil
• Nayayamot • Nuno
• Tumbalic
• Curang
ISANG damdaming pinakalumitaw sa pagbabasa ng kabanatang ito.
Lungkot ang damdaming pinakalumitaw sa kabanatang ito, dito lamang natuklasan na
sobrang makapangyarihan ang mga español na prayle na tipong may kakayahan
lamang sila mag utos sa mga pinoy at kahit ano lamang ang inuutos nito.
Ang tunggalian ni Ibarra sa kabanatang ito ay tao laban sa sarili sapagkat nang
nalaman niya ang nangyari sa bangkay ng kaniyang ama, hindi niya napigilan ang
kaniyang sarili na magalit. Dahil dito, hindi niya naiwasan na saktan at takutin ang
sepulturero na sumunod lamang sa utos ng isang pari. Maging si Padre Salvi ay nagulat
at natakot din nang mapagbintangan siya ni Ibarra na nagpahukay sa bangkay ni Don
Rafael.
Saan ang isang mahalagang tagpuan sa kabanatang ito? Ilarawan ito.
Kailangang maging mahinahon upang hindi maibunton ang galit sa maling tao at upang
maiwasan ang anumang kapahamakan.
Mahalagang mabasa ang kabanatang ito sapagkat malalaman dito ang isa sa mga
pinag-ugatan ng sama ng loob ni Crisostomo Ibarra sa mga prayle lalo na kay Padre
Damaso. Naipakita rin sa kabanatang ito kung paano inaabuso ng mga kura ang
kanilang kapangyarihan para makamit ang kanilang pansariling layon.
Pamagat ng Kabanata 14: Baliw o Pilosopo?
• Sisa
• Asawa ni Sisa
• Basilio
• Crispin – wala sa kabanata ngunit maraming beses nabanggit ang kaniyang
pangalan.
“Itinanong ng ama ang mga anak; at para sa ina, mahigit pa ito sa kumain.”
Ang damdaming pinakalumitaw sa kabanata 16 ay ang pagkaawa kay Sisa bilang isang
martir na asawa. Nakakaawa si Sisa sapagkat nakita rito kung gaano kalaki ang
pagsasakripisyo na ginagawa niya para lamang sa ikabubuti ng kaniyang pamilya,
lalong-lalo na ng kaniyang mga anak. Lubos ding nakakaawa ito dahil hindi nasusuklian
ng kaniyang asawa ang pagsasakripisyong kaniyang ginagawa. Imbes na suklian siya
ng kaniyang asawa ng kabutihan, inaabuso siya nito at pinagbubuhatan pa ng kamay.
Mahalagang nabasa ang kabanata 16 ng Noli Me Tangere sapagkat mas pinakilala rito
lalo si Sisa, ang karakter na madalas ay pinagtatawanan lamang dahil may problema
raw siya sa pag-iisip. Mahalagang nabasa ko ang kabanatang ito sapagkat nalaman ko
kung ano-ano ang mga sinapit ni Sisa sa kaniyang malupit na asawa at dito ko rin
nalaman kung paano at gaano siya naging isang mapagmahal na ina para sa kaniyang
mga anak. Napagtanto ko rito na hindi katawa-tawa si Sisa at ang kaniyang kondisyon
sapagkat tulad ng kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol noon, si Sisa ay
biktima rin ng mga mapang-abusong kamay.
Pamagat ng Kabanata 17: Si Basilio
Bakit ito ang pamagat ng kabanatang ito?
Dahil si Basilio ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito at ang kuwento ay umikot
lamang sa mga dinanas ni Basilio, ni Sisa na kanyang Ina, at ang kaniyang kapatid na
si Crispin. Kasama rin dito ang mga naging plano sa buhay ni Basilio, ang kaniyang
ugali, at ang kaniyang pangarap para sa kanilang tatlo kaya’t sa tingin ko ay ito ang
naging dahilan kung bakit pinamagatang “Si Basilio” ang kabanatang ito.
“Ang mabait kong si Crispin! Binintangan ang aking mabait na Crispin! Dahil mahirap
kami at kailangang tiisin naming mga mahirap ang lahat!”
“Ibig niyang magsalita ngunit walang lumabas na tunog. Ibig niyang yakapin ang
anak ngunit wala ring mahagilap na lakas.”
Ang mga pangungusap na ito ay nagpapahiwatig nang pagkabahala ni Sisa sa
kaniyang anak na si Basilio matapos nitong makita ang dugo sa kaniyang noo at nakita
itong umuwing mag-isa.
Pumili ng limang malalim (hindi mo naunawaan) at di-pormal na salita (balbal,
pinaikli, mura, at iba pa.
5 Malalim naSalita 5 Di-PormalnaSalita
• Bulalas • Ayoko
• Umaapuhap • Pista
• Ipininid • Tamnan
• Dinaluhong • Atbp.
• Batingaw • Kasimbuti
Mahalagang mabasa ang kabanatang ito dahil sa pamamagitan nito, mas lalo tayong
nagiging pamilyar sa mga sulat ni Gat Jose Rizal at magsisilbi itong inspirasyon upang
mas pahalagahan ang mga sulat ng ating bayani. Maikukumpara ang mga naranasan
ni Basilio sa mga nararanasan ng mga nasa laylayan ng ating lipunan at napapagtanto
na lubos silang nangangailangan ng tulong. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng
dagdag na dahilan upang pagbutihin natin ang ating pag-aaral upang pagdating ng
panahon ay magkaroon tayo ng sapat na kakayahan upang tumulong sa mga
nangangailangan. Ang huli, sa pamamagitan rin ng kabanatang ito, mas lalo tayong
namulat sa katotohanan na ang buhay ay puno ng mga pagsubok na kailangan nating
harapin at lagpasan. Tulad nila Basilio, Crispin at Sisa, atin ding bibigyang importansiya
ang pagmamahal sa ating pamilya at ang patuloy na pag abot sa ating pangarap. Kahit
na tayo ay makatagpo ng mga pagsubok sa buhay, sa pamamagitan ng kabanatang
ito ay alam na natin kung paano ito haharapin dahil alam na lahat tayo ay may
pagsubok sa buhay at hindi ito sa atin ibibigay kung hindi natin ito kayang lagpasan.
Ito ay sinabi ni Hermano Pedro. Ang mga indulgencia ay binibigay sa simbahan para
makaligtas ng mga kaluluwa sa purgatoryo, at sa sinabing ito ni Hermano Pedro na
nakakakuha raw siya ng indulgencia kahit natutulog, sinasabi niyang kahit wala
siyang ginagawa, nakakapagligtas siya ng mga kaluluwa sa kabilang buhay.
• sakristiya • Kuripot
• celadora • tinutuktukan
• indulgencia • walang-hiya
• eskapularyo • erehe
• dangkal • pagsisiyam
Pumili ng isang pahiwatig (hindi direktang sinabi ang nang yari) sa kabanata.
Kopyahin ang parirala at/o linya at ang ibig sabihin.
“Nag alis ng sombrero si Ibarra at matagal na nag-aanyong dumadalangin”
-Ibig sabihin ditto ay nung nag alis ng sombrero si Ibarra ay senyales na sya ay
seryoso at nanahimik upang mag isip ng sasabihin.
• Sisa
• Guardia Civil
“Pumasok siyá roong pipi, hindi umiimik, nilibot ang kabahayan, umalís,
nagpalakadlakad sa magkabikabila.”
Magbigay ng isang mahalagang kaisipan o mensaheng matatagpuan sa kabanata.
Ang pagmamahal ng ina sa kaniyang mga anak ay hindi matutumbasan ng kahit ano.
Hindi porket mahirap ang isang tao, may kakayahan na sila gumawa ng masama
katulad ng pagnanakaw.
Ang pananaw ng iba sa mga mahihirap na tao at kung paano itrato ng mga may
kapangyarihan ang mga mahihirap.
Ang pagkahiya ni Sisa habang sinasabayan sya sa paglalakad ng mga sibil papunta
sa kuwartel.
Kung paano tratuhin ng mga sibil/pulis ang mga hindi mayaman na tao.