Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang nobelang 

El filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman (The


Reign of Greed) ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang
bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa
tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez,
Burgos, at Zamora.

Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si


Rizal ng hírap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng
medisina sa Calamba. Ang El Filibusterismo ay karugtong ng nobelang Noli
Me Tangere na parehong isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal. Marami sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ang matatagpuan din sa El
Filibusterismo.

Kabilang na d’yan sina Simoun (Crisostomo Ibarra), Basilio, Donya


Consolacion, Kapitan Tiago, ang mga prayle, at marami pang iba. Marami ring
nadagdag na tauhan sa nobelang El Filibusterismo na wala sa Noli Me
Tangere.
Sinimulan ni Rizal ang Pagsusulat ng El Filibusterismo noong Oktubre
1887 nhabang nagsasanay ng Medisina sa Calamba at nang sumunod na
taon 1888 sa London gumawa siya ng ulang kabanatang naisulat na, Sumulat
pa siya ng karagdagang kabanata sa Paris at Madrid at tinapos ang
manuskrito sa Biarritz noong Marso 29,1891 sa kabuuan inabot siya ng
tatlong taon sa pagsulat ng kanyang ikalawang nobela.
El Filibusterismo
Awtput sa Filipino 10
Mga Tauhan at Kahulugan
ng El Filibusterismo

Isinulat ni:
Baylon, Audrey
Collette L.

Ipinasa kay:
Ging.
Marites A.
Acap
SIMOUN
Si Simoun ng El Filibusterismo ay siya ring si Crisostomo Ibarra ng Noli Me
Tangere. Habang naniniwala ang mga tao na si Ibarra ay pumanaw na
labintatlong na ang nakalipas, siya’y nagbalik sa katauhan ni Simoun na kilala
bilang isang mayaman na mag-aalahas. Siya ay ang personal na tagapayo ng
Kapitan Heneral kaya’t ang presensya niya’y kinakatakutan ng karamihan.
Nagbalat-kayo siyang kakampi ng pamahalaan ngunit ang totoo ay isa siyang
rebeldeng balak sirain ang pamahalaan ayon sa sarili nitong kasakiman.
Bukod pa rito, naniniwala siyang upang magapi ang mga mananakop
kailangan munang dumanak ng dugo. Tutol rin siya sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila sapagkat ito’y taliwas sa kaniyang mga
paniniwala ukol sa pagkamit ng kalayaan ng ating bansa.
Sa katahan ni Simoun, binigyang-doon ni Rizal ang paggamit ng kayamanan
upang pag-igihin ang katiwalan sa mga naghaharing-uri kasabay ng pagbuyo
sa mga naapi upang kasuklaman.
- Si Simoun ay ang pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo. Ang
pagpapakilala sa kanya ay ang isa sa mga binigyang - diin ni Dr. Jose
Rizal sa kanyang nobela. 
- Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano,
Mulato, Portuges at Cardenal Moreno.
- Kaibigang matalik ng kapitan heneral. makapangyarihan siya kaya't
iginagalang at pinangingilagan ng mga indio at maging ng mga prayle man.
nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang pilipino sa palihim
at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon.
- Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere. Nagpanggap
siyang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga
nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kapitan
Heneral.
Sa kabuuan, ang mga katangian ni Simoun ay masasabing tulad ng sa
isang tipikal na taong nasaktan at nagnanais ng o uhaw sa hustisya. Nais
niyang makaganti sa mga mapang - aping Prayle ngunit hindi niya ito kayang
isakatupan mag - isa kaya't naghanap siya ng mga taong maaari niyang
himukin na siya ay samahan sa pakikibaka.
Kabesang Tales

Bilang isang Mamamayang Ipinaglalaban ang kanyang karapatan


- Si Kabesang Tales  ay may prinsipyo,marangal at patas lumaban, nang
mapagyaman niya ang kanyang lupain nakita ito ng mga mapang angking
mga prayle, ginipit siya at pinagbayad ng buwis bilang isang marangal at
patas lumaban na tao bukal sa loob niya na ibigay ang buwis na hinihingi ng
mga ito, ngunit hindi pa nasiyahan ang mga ito mas pinataas pa ang buwis ni
Kabesang Tales, at dahil nga patas lumaban si Kabesang Tales ay sa
maayos na paraan niya ito dinaan sa korte, ngunit sadyang hindi patas ang
tingin noon sa mga Pilipino at hindi nila nakakamtan ang tunay na katarungan
laging nananaig ang kapangyarihan ng mga kastila kaya na angkin ng mga ito
ang kanyang Lupain.

Bilang isang Rebelde


- Si Kabesang Tales bilang isang rebelde ay napakatapang, walang
kinatatakutan Gagawin ang lahat makamtan lamang ang katarungan kanyang
hinahangad sa mga naranasan nilang kaapihan at pag mamalabis ng mga
kastilang pari na naging dahilan kung bakit naging mesirable ang kanilang
buhay, siya ang nangunguna sa mga pag-aalsa, pumapaslang din siya ng tao
dahil sa sama ng loob  sa pagkawala sa kanya ng lupaing pinag paguran
nilang mag-anak na pagyamanin.  
BASILIO

Si Basilio ay isa sa mga karakter na nabanggit sa nobelang pinamagatang


“El Filibusterismo” na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Siya ay anak nila Sisa at
Pedro, kapwa mga karakter din sa nasabing nobela.  

Sa naunang nilathalang nobelang pinamagatang “Noli Me Tangere”,


nabanggit na pinatay ang kanyang kapatid at naging dahilan ito ng pagkawala
sa wastong kaisipan ang kanyang ina na si Sisa.  
Sa panimula ng nobelang “El Filibusterismo”, nabanggit rito na siya ay isang
estudyante ng medisina at natutustusan ang kanyang pagaaral sa
pamamagitan ng tulong ni Kapitan Tiago. Isa sa mga tumulong na karakter sa
kanya ay si Crisostomo Ibarra na nagpalit ng katauhan na naging Simoun.
Sumali sa aklasan si Basilio sa pamumuno ni Simoun. Nabanggit din sa
kwento ang buhay pagibig ni Basilio sa katauhan ni Huli.
JULI
Si Juliana o mas kilala bilang si Huli ay ang anak ni Kabesang Tales at ang
katipan ni Basilio sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay
inilalarawan bilang isang simple, at magandang dalaga. Siya ay isang mapag-
alagang anak at magpagmahal na kasintahan. Bilang anak, isinakrikpisyon
niya ang kanyang pangarap upang tubusin ang ama sa mga tulisan. Para sa
kalayan ng kanyang ama, ibenenta niya ang lahat ng kanilang ari-arian
maliban para sa locket ni Maria Clara na binigay ni Basilio sa kanya.
Nagpalipin din siya kay Hermana Penchang kapalit nang limandaang piso. Sa
tahanan ni Hermana Penchang, si Huli ay nakaranas ng diskriminasyon
sapagkat siya ay hindi marunong bumigkas ng mga dasl na isinasaulo sa
simbahan. Kung kaya, kinakailangan niyang mag-aral ng dasal, magbasa ng
mga aklat na ipinamimigay ng mga pari, at gumawa ng mga gawaing bahay.
Bilang isang katipan, isinugal ni Huli ang kanyang buhay. Nang mahuli si
Basilio, lumapit si Huli kay Padre Camorra kahit na alam niya ang masamang
reputasyon ng cura upang tulungan makalaya si Basilio. Sa paglapit na ito,
nagtapos ang buhay ni Huli. Pinili niya ang kamatayan para kanyang danggal
bilang isang babae kaysa nabaon sa kahihiyan sa piling na isang
mapanglinglang na nilalang.
ISAGANI

Si Isagani, isang lalaking Indio ay nakilala sa El Filibusterismo bilang isang


estudyante ng Ateneo de Municipal. Naging tanyag siya bilang "Ang
Makata" at isang masigasig na miyembro ng isang organisasyon sa kanilang
paaralan.

Lumaki sa isang ampunan si Isagani. Ang kaniyang mga magulang ay hindi


binanggit sa nobela ngunit ipinakilala si Padre Florentino bilang kaniyang
tiyuhin na siyang umampon din sa kaniya. Ang kanilang malinaw na ugnayan
ay pinagmukhang misteryoso. Dahil may ilang mga nagsasabi na si Isagani
ay anak mismo ni Padre Florentino ito mula sa kaniyang unang minahal na
babae, o di kaya naman ay anak ng pinsan ni Padre Florentino.

Si Isagani ay punung-puno ng damdamin para sa katarungan at


pagkakapantay-pantay. Nais niyang ipaglaban ito kahit siya ay mamamatay.

 Bagaman siya ay lumaki sa probinsiya, nagnanais din siyang gamitin ang


teknolohiya upang makapagtayo ng tren na magdudugtung-dugtong sa lahat
ng kapuluan ng bansa.
 Makikita ang kaniyang pakikipaglaban sa hindi patas na pangangalaga sa
mahihirap gaya ng hindi pagtanggap ng medikal na tulong ng mga sundalo.
IBA PANG KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO
Tandang Selo – ama ni kabesang tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Senyor Pasta – ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal,
pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng
Akademya.
Ben Zayb – ang mamahayag sa pahayagan
 – Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi
totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang
mga pangyayari o balita at laging iniisip ang pansariling kagustuhan at
hindi ang katotohanan.
Placido Penitente – ang mag-aaral na nawalan ng gana mag-aral sanhi ng
suliraning pampaaralan.
Padre Camorra – ang mukhang artilyerong pari.
Padre Fernandez – ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi – ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Padre Florentino – ang amain ni Isagani
Don Custodio – ang kilala sa tawag na Buena Tinta.
– (Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo) - Sa kanyang
mga kamay nakasalalay kung pahihintulutan ang Akademya ng Wikang
Kastila sa Pilipinas.
Padre Irene – ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila.
Juanito Pelaez – ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang
sa kanilang angkan na may dugong Kastila.
Macaraig – ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para
sa pagtatatag ng Akademya ng wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras
ng kagipitan.
Sandoval – ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng
mga mag-aaral.
Donya Victorina – ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
pilipina dahil kinakahiya ang pagiging pilipino; tiyahin ni Paulita.
– Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at
itinuturing na mapait na dalandan ng kaniyang asawa.
Paulita Gomez – kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa
pilipinas. Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga
sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan.
Hermana Bali – naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni
Kapitan Tiyago, ama ni Juanito.
MGA PRAYLE
PADRE MILLON - Isang paring dominikanol na propesor sa kemika at pisika.
- Isang batang Dominikong pari na guro sa klase ng Pisika.
PADRE CAMORRA – Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Juli.
Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa
bahay liwaliwan.
PADRE BERNARDO SALVI – Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw
- Isang paring pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang
kasamahang prayle. siya ay mapag isip. umiibig nang lubos kay maria clara at
kompresor ng dalagang ito ni kapitan tiago
PADRE HERNANDO SIBYLA – Isang matikas at matalinong paring
dominikano. siya ay Vice rector ng unibersidad ng santo tomas
PADRE IRENE - Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastilang
- Isang paring kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang si Padre
Camorra
- Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Kastila.
PADRE FERNANDEZ – May kaibigang pangangatwiran, kaiba sa kapwa pari.
- Ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
PADRE FLORENTINO– Amain ni Isagani.
- Isang mabuti at kagalang galang na paring pilipino. siya ang kumupkop sa
pamangking si isagani nang maulila ito sa magulang.
- Siya ang pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya
malagutan ng hininga.
SIMOUN EL (Juan Crisostomo Ibarra)

You might also like