Ilaw Trapiko-Draft

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Admateza S.

Unggui at Sha-Anaira Wahab


Seksyon: St. Philip
“Makabagong Teknolohiya Kaagapay sa Kaginhawaan sa Buhay Kalsada”
Mababawasan ba ang trapiko sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ‘traffic light’ sa loob ng
siyudad? kailan nga ba ito maipapatupad at maayos kaya ang pagpapatupad nito?—ito ay iilan sa
mga katanungan ng mamamayan ng Cotabato City na sadyang patuloy na pumapasok sa
kanilang isipan. Kamakailan lamang ay inanunsyo ng pamahalaang lungsod ang planong
pagtatayo ng mga ilaw trapiko sa lungsod na siyang pumukaw sa kuryusidad ng mga tao lalo na
kung paano, kailan, at ano ang magiging epekto ng proyektong ito kapag naiipatupad na. Ang
mga ilaw ng trapiko ay hindi bago at ginagamit na sa maraming lugar noon pa man, ngunit hindi
parin nawawala ang mga problema sa trapiko. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng mga ilaw
trapiko sa lungsod ay hindi nakakasiguro na mawawala ang mga problema sa kalsada, ngunit
walang alinlangan na may mga positibong epekto at kahinaan ang pagbabagong ito.
Sa kasalukuyan, matagal nang ipinatupad ang mga ilaw trapiko sa iba’t ibang lugar sa mundo,
ngunit hindi pa rin nito natatapos ang mabibigat na daing ng mga drayber. Sa kabila nito, kung
titignan natin ng may positibong pananaw ang sitwasyon ay maraming positibong epekto ang
posibleng maidulot nito. Tulad ng tiyak na bilis na pagbibigay ng tuluy-tuloy na paggalaw ng
trapiko, pagbabawas ng kalubhaan at dalas ng iba't ibang uri ng aksidente, pagpapataas ng
kapasidad sa paghawak ng trapiko, at marami pang iba. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng ilaw
trapiko sa loob ng lungsod ay nagdudulot ng kagandahang epekto, lalo na’t habang tumatagal ay
lumalaki na rin ang populasyon sa lungsod. Ilaw trapiko ang ang nagsisilbing gabay ng mga
motorista kung kaya’t sadyang mahalaga at malaki ang posibilidad na magiging mas
maginghawa ang buhay kalsada ng mga motorista kung maipapatupad ng maayos ang
pagpapalagay ng ilaw trapiko.
Dagdag pa, ang ilaw trapiko ay sadyang may mabubuting epekto, ngunit hindi rin maikakaila na
may mga negatibong epekto ito dulot ng iba’t ibang rason. Isa na rito ang mali at hindi maayos
na pagpapatupad ng tamang paraan sa mga naipatayong ilaw trapiko, kaya naman, kadalasan ay
hindi ito napapakinabangan ng lubos buhat ng hindi pag gana ng mga ito ng wasto. Bukod dito,
mayroon ring mga motorista na hindi sumusunod sa ilaw trapiko at malaki ang posibilidad na
mabahiran ng korupsyon at hindi patas na pagbibigay ng hustisya. Binubuksan ng mga rasong
ito ang possibilidad na magkaroo ng negatibong epekto ang paglalagay ng ilaw trapiko sa
lungsod. Samakatuwid, tiyak na magkakarooon ng negatibong epekto ang pagpapanukala ng
proyekto kung hindi ito mabibigyang ng tamang regulasyon at pag-iimplementa.
Sa pangkalahatang pananaw, hindi rin maipagkakaila na malaki ang porsyentong positibong
dulot sa pagpapatayo ng ilaw trapiko. isa na dito ang magkakaroon na ng maayos na daloy ng
trapiko at mas maiiwasan ang pagka-disgrasya ng mga motorista sa lugar ng Cotabato City.

You might also like