Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII – Eastern Visayas
Division of Leyte
ISABEL NATIONAL COMPREHENSIVE SCHOOL
313302, INAVS, Marvel, Isabel, Leyte

SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS “THEATER ARTS” 10

QUARTER 4: FINAL PERFORMANCE

SOLO CREATIVE ACTING OF “PAGSUBOK”

SY: 2021 - 2022

SUBMITTED BY:
KHYLE ANNE M. RUTA

SUBMITTED TO:
JOHN PAUL C. DAFFON

DATE SUBMITTED: _____________________


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII – Eastern Visayas
Division of Leyte
ISABEL NATIONAL COMPREHENSIVE SCHOOL
313302, INAVS, Marvel, Isabel, Leyte

SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS “THEATER ARTS” 10

QUARTER 4: FINAL PERFORMANCE

SOLO CREATIVE ACTING OF “PAGSUBOK”

SY: 2021 - 2022

“PAGSUBOK”
PERFORMANCE TASK CRITERIA (STAGE ACTING)

CRITERIA POINTS SCORE

1.Acting 35 _______
(Characterization, Voice, Energy Level)
2.Creativity 20 _______
(Originality, Choice of Action)
3.Production 20 _______
(Use of Space, Musical Background)
4.Stage Presentation 10 _______
(Costumes, Props, Appeal to the Audience)
5.Emotional Impact 15 _______
(Impact to the Audience, Connectivity)
TOTAL: 100 ________
PERFORMANCE TASK CRITERIA (SCRIPT)

CRITERIA POINTS SCORE

1.Organization 15
2. Neatness 5
3. Concept 10
4. Completeness 10
5. Originality 10
Name of Cast: Khyle Description:
Setting: Kalsada, Paaralan, at Restaurant
Background Music: Pagsubok
Props:
Costume:

(Ako si Khyle isang batang palaboy-laboy sa kalsada.Wala na akong ama, ina


nalang ang meron ako, ako ang panganay sa aming magkakapatid)

Khyle: Hindi ko ginusto ang buhay na ito, pero ito ang binigay ng panginoon kaya
tatanggapin ko nalang to, sana hindi nawala si papa para hindi kami makaranas ng
gantong buhay,(tila wala sa sarili at tumutula ang luha dahil sa nangyayari)

Khyle: Bakit nangyari sa akin ang lahat ng to,Bakit?(napatanong ako sa aking sarili)

Khyle: Kakayanin ko ang lahat kahit masakit ang nangyari sa pamilya namin.(patuloy
akong umiyak)

( Isang araw,namamalimos ako sa tabi ng kalsada para may makakain at may


pangbili ako ng gamot para sa aking ina)

Khyle: Palimos po,palimos po. Ate, Kuya pahingi po ng barya para po makabili na
ako ng pagkain namin at gamot para sa aking ina.(nagmamaka-awa)

Khyle: Salamat po. Malaking tulong na po ito para sa amin,at makakauwi na po ako
sa bahay.

Khyle: Ang saya saya ko ngayon dahil may makakain na kami at nakabili na rin ako
ng gamot ni nanay. (Masaya kong sabi)

Khyle: ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko kahit na mahirap lang kami.

Khyle: Gusto kong mag aral para giginhawa ang aming buhay, magahanap ako ng
trabaho para may magagastos ako sa pag-aaral.

( Nagpatuloy akong namamalimos sa kalsada, kahit na nahihiya na ako, araw-araw


nalang kase akong namamalimos)

Khyle: Ang hirap- hirap na talaga ng pinagdadaanan namin gusto ko ng


makabangon sa kahirapan namin.(malungkot na sambit ko.)

Khyle: Sana may mapasukan na akong trabaho para makapag-ipon na ako para sa
pag-aaral ko. Kahit na tindera na lang ako sa bakery basta may pera lang ako.

Khyle: Sawang- sawa na ako dito sa kalsada palagi nalang akong nanghihingi sa
mga tao nahihiya na ako pero kailangan ko talagang gawin ito .

Khyle: Naiingit na ako sa iba, sana may papa pa ako, sana mayaman kami , sana
hindi ako namamalimos dito, sana kompleto ang pamilya.(malungkot na sabi ko.)

( Pagkalipas ng  isang buwan, nakahanap na rin ako ng trabaho pero isa akong taga
hugas ng plato sa isang restaurant.)

Khyle: Kahit na ganto lang ang buhay ko masaya na ako kase nakakatrabaho na
ako. Makakatulong na ako sa amin.

Khyle: Gusto kong maging isang business woman, mag-iipon talaga ako para sa
pag-aaral ko. Kahit na malaiit lang ang sahod namin.

Khyle: Oo, 500 lang ang sahod namin kada linggo pero okay na sakin kase para
sakin malaking halaga na yan.

Khyle: Makakaya ko ba to? Ay mali alam kong makakaya ko to taga hugas lang
naman ako, nakakaya ko ngang manglilimos ,ito pa kaya.

(Malapit na ang pasukan nahihirapan ako dahil pano  ako mag-aaral na


nakatrabaho? Hindi pwede yon diba? Makakaya ko ba to?)

Khyle: Gagawa talaga ako ng paraan para makapag-aral ako kahit na may trabaho
ako ,kakayanin ko to.

Khyle:  Go lang! Laban! Laban! Lalaban ako!


(sumisigaw)

Khyle: Hinding- hindi ako susuko sa kahit anong manghirap ang madadaanan ko!

(Pagkalipas ng dalawang buwan pasukan na namin at nakiki-usap ako sa amo


namin na sa gabi nalang ako papasok kase may klase na ako sa umaga)

Khyle: Maraming salamat at pumayag ang amo ko na sa gabi nalang ako papasok at
hindi niya babawasan ang sahod ko( masaya kong sabi)

Khyle: Napakaswerte ko talaga sa kanya dahil ang bait-bait niya. Ipagpapatuloy ko


talaga ang trabaho na ito.

Khyle: Hindi ko akalain na magtatagal ako dito,akala ko kase hindi ako


magugustuhan ng amo dito.

Khyle: Hinding-hindi ko' tong sasayagin ang trabaho na ito kahit taga hugas lang na
plato ang importante may sahod ako.

( Unang araw na ng pasukan namin. Isa pala akong kolehiyo, nakakabahan ako
naka mabubully ako dito)

Khyle: Ang ganda pala ng paaralan na to, mag-aaply talaga ako ng scholarship dito
para hindi malaki ang babayarin namin.

Khyle: Kinakabahan ako baka walang makipagkaibigan sa akin dahil mahirap lang
ako.
(Nag-alala)

Khyle: Kakayanin ko ba to?Hindi ba ako mahihirapan?


(Naglakad-lakad sa paaralan)

(Natapos na ako sa klase kaya pumunta na ako sa bakery shop para mag trabaho)

Khyle: Ang hirap pala pag nag-aaral na may trabaho kase makukulangan talaga ako
sa oras. Pero kakayanin ko to para sa iyo nanay.

Khyle: Kahit na taga hugas lang ako ng plato, alam kong nakakatulong ako sa
magulang ko.

Khyle: Mama, Papa mag-aaral ako ng mabuti para sa inyu. Kakayanin ko kahit
nahihirapan na ako.

Khyle: Wala akong saktong tulog dahil may trabaho ako sa gabi at may klase ako sa
umaga.(habang naghuhugas)

(At sa waka na tanggap ako bilang isang scholarship sa paaralan ang saya saya ko
talaga)

Khyle: Ang saya ko dahil hindi na gaano ka bigat ang mababayaran ko sa paaralan
na ito.

Khyle: Libre na kami sa tuition pero sa mga projects hindi, ako nalang ang bahala
nito.

(Maraming paghihirap ang dumaranas sa aking buhay at pagdating ko sa bahay


nawalan na ng buhay ang aking ina)

Khyle: Inay! Bakit mo ko iniwan? Akala ko ba walang iwanan nay! Pano ko to


kakayanin wala na kayong dalawa ni tatay ako nalang magtataguyod sa aking mga
kapatid.(naiiyak)

(Pagkalipas ng isang linggo ,nakatulala lang ako dahil sa pangyayari)

Khyle: Sobrang hirap na talaga ako dahil wala na ang mga magulang ko ano ba ang
gagawin ko?

Khyle: Mga kapatid wag kayong magalala gagawin ko ang lahat para may
maipapakajn ako sa inyo ako na ang bahala sa lahat

Khyle: Mahirap man ang buhay ko pero magpapatuloy parin ako para sa
kinabukasan naming magkakapatid.
Khyle: Ang sakit sakit talaga dahil wala na kaming ama at ina. Naiingit talaga kami
sa ibang mga bata dahil kompleto ang pamilya nila, samantalang kami naghihirap
na.

( Mas nahihirapan pa si Khyle dahil nalugi ang restaurant na pinagtratrabahuan niya


kaya nawalan na siya ng trabaho)

Khyle: Sa lahat lahat na restaurants bakit yung pinagtratrabahuan ko pa ang nalugi.


Wala na akong trabaho ano na ang gagawin ko?

Khyle: Nanghihinayang na talaga ako, tila gusto ko ng mawala sa mundong ito pero
pano na ang mga kapatid ko?

Khyle: Maghahanap nanaman ako ng ibang trabaho para may maipapakain ako sa
mga kapatid ko at maymagagastos ako sa pag-aaral ko.

Khyle: Papasok ako bilang isang kasambahay, mag woworking student nalang ako
isasama ko nalang ang dalawa kong kapatid.

(Nakapasok kami bilang isang kasambahay at sila na ang bahala sa pag-aaral


namin.)

Khyle: Salamat na merong mga tao na tumulong sa amin kase kung wala , hindi ko
na alam kung ano ang gagawin ko.

Khyle: Malapit naman rin akong matapos sa pag-aaral makaahon narin kami sa
kahirapan.

( Pagkalipas ng isang taon natapos narin ako sa pag-aaral ko.)

Khyle: Salamat sa lahat na tumulong sa amin, nanay at tatay para sa inyo to ang
lahat na ito.Mga kapatid wag na kayong magalala nakatapos na ang ate niyo ako na
ang bahala sa inyo.

Khyle: Ang saya-saya ko dahil na-abot ko na ang pangarap ko. Isang malaking
tagumpay na ito para sa akin kase kahit maraming napagdaanan sa buhay ko
nakatapos pa din ako ng pag-aaral.

( Sa buhay kahit anong hirap ang napagdadaanan natin hindi tayo dapat susuko sa
ating pangarap. Ang saya ko dahil isa na akong business woman ngayon.Maraming
salamat sa lahat na tumulong sa akin , malaki ang natutunan ko sa aking buhay.)

You might also like