Untitled

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. Layunin
 Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga pagbabago sa
lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilsng pangkat na mapanatili ang
kalayaan sa kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya nito sa kasalukuyang panahon.
 Pamantayan sa Pagganap: Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi
ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
 Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong pangkat sa
armadong pananakop.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Pagtalakay ng iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong pangkat sa armadong pananakop.
b. Sanggunian: Most Essential Learning Competencies (MELC)
Curriculum Guide
Lahing Pilipino Kaagapay sa ika-21 Siglo pg.289-296
Lahing Kayumanggi pg.165-166
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino pg.145- 151
Lunday ng Kalinangang Pilipino pg.245-260
c. Kagamitan: Video tape: https://www.youtube.com/watch? v=nELU-HYLwhu
Graphic Organizer, powerpoint presentation, biswal eyds

III. PAMAMARAAN
Gawaing Pang Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Hinihiling ko na tayo ay tumayo at damhin ang (Tatayo ang mga mag-aaral)


presensya ng Panginoon.

Lyka pangunahan mo ang panalangin Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong


panibagong pagkakataon upang kami ay matuto. Gawaran
mopo kami ng isang bukas na isip upang maisaulo namin
ang mga aralin na makakatulong sa amin sa pagtatagumpay
sa buhay na ito. Amen.
2. Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Ma’am!

Bago kayo umupo, maari niyo bang ayusin ang (aayusin ng mga bata ang kanilang mga upuan at pupulutin
mga inyong upuan at pulutin ang mga kalat sa ang mga kalat)
ilalim nito.
Maari na kayong umupo. Salamat po Ma’am.

3. Pagtitiyak sa mga dumalo


Lilibeth sinong lumiban ngayong araw na ito? Lahat po ay dumalo ngayong araw na ito Ma’am.

4. Pagbabalik-Aral
Magbalik aral tayo sa huli nating tinalakay

Tungkol saan ang huli nating tinalakay? Ang huli nating tinalakay Maam ay tungkol sa pagsalakay
ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak

1. Ano ang iyong magiging reaksyon


kung inagaw ng iyong katabi ang iyong lapis? Magagalit, magrereklamo at magsusumbong sa
guro po maam.
2. Bakit ito ang iyong naging reaksyon?
Dahil hindi p o siya nagpaalam at dahil wala po
siyang karapatang agawin ang pagmamay- ari ng
ibang tao maam.
2. Paglalahad
Ngayong umaga, ang tatalakayin natin ay
tungkol sa Pagtalakay ng iba’t ibang
reaksyon ng mga katutubong pangkat sa
armadong pananakop. Ngayon klas, inyong
panoorin ang ibat ibang reaction ng
katutunong pilipino sa mga nanakop na
espanyol sa ating bansa.
3. Pagtatalakay sa Aralin
Magpakita ng video clips tungkol sa iba’t ibang reaksyon ng katutubong Pilipino sa armadong
pananakop ng mga Espanyol. https://www.youtube.com/watch?v=nELU-HYLwhu

4.Paglalapat

Klas naintindihan ba ng inyong pinanood? Opo!

Tignan natin kung talagang naintindihan niyo ang ating


tinalakay ngayong umaga, dahil diyan magtatanong ako
sainyo patungkol sa inyong pinanood.

1. Ano ang tatlong naging reaksyon ng mga


Maam Pakikipaglaban tulad ng oposisyon ng mga
katutubong Pilipino sa armadong pananakop ng
Moro, paglaban ni Sultan Kudarat, pag- alsa ni
mga Espanyol?
Magalot at pakikipaglaban ng mga pangkat etniko sa
Codillera po

Pagtakas sa pamamagitan ng pagpunta sa


kabundukan upang maiwasan ang impluwensya ng
Mahusay, ano pa klas?
mga Espanyol po Maam.

Pagtanggap dahil takot sila sa maaring gawin ng mga


Espanyol maam.
Napakagaling, ano pa klas?
Tama, ang lahat ng sinabi niyo klass ay tama.
Ngayon dumako tayo sa pangalawang tanong
2. Bakit nakipaglaban ang mga katutubong Nakipaglaban ang mga katutubong Pilipino maam sa
Pilipino sa armadong mananakop? armadong mananakop dahil namulat sila sa
masamang sistema ng pagpapalakad ng mga
Espanyol, dahil sa sobrang pangongolekta ng buwis,
labis na pagbayad ng tributo, nais maibalik ang
katutubong relihiyon at paggamit sa mga katutubong
pilipino.

3. Bakit tumakas ang ibang katutubo sa Tumakas ang ibang katutubo upang magpakalayo
armadong pananakop? tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng mga
Espanyol dahil sa subrang pangungulekta ng buwis,
paggamit sa mga katutubong Pilipino at labis na
pagmamalupit maam.

4. Bakit tinanggap ng ilang katutubo ang Maam, Tinanggap ng ilang katutubo ang pagsakop ng
pagsakop ng mga Espanyol? mga Espanyol dahil takot sila sa maaring gawin ng
mga Espanyol kung maabutan o mahuli silang
sumuway sa mga Espanyol.

5. Paglalahat

 Isa-isahin nga klas ang naging reaksyon ng mga Maam Pakikipaglaban ng mga katutubong Pilipino
katutubong pangkat sa pananakop ng armadong sa armadong mananakop dahil namulat sila sa
Espanyol at dahilan ng naging reaksyon. masamang sistema ng pagpapalakad ng mga
Espanyol, dahil sa subrang pangongolekta ng buwis,
labis na pagbayad ng tributo, nais maibalik ang
katutubong relihiyon at paggamit sa mga katutubong
pilipino.
Tama ano pa? Pagtakas ng ibang katutubo upang magpakalayo
tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng
mga Espanyol dahil sa subrang pangungulekta ng
buwis, paggamit sa mga katutubong Pilipino at labis
na pagmamalupit po maam.
Mahusay klas, ano pa?
Maam, Pagtanggap ng ilang katutubo ang pagsakop
ng mga Espanyol dahil takot sila sa maaring gawin ng
mga Espanyol kung maabutan o mahuli silang
sumuway sa mga Espanyol.
IV. EBALWASYON

Gawain 1.
Pamamaraan: Mahahati ang klase sa tatlong grupo.
Ang sagot ay isusulat sa graphic organizer.
Panuto: Pumili ng isa sa naging reaksyon ng mga
katutubong Pilipino sa pananakop at isulat ang
dahilan kung bakit nila ito nagawa.
Sobrang
pangongolekta ng
buwis.

Malulupit ang mga


espanyol.
-
Sobrang

Gawain 2.
Panuto: Sa inyong kwaderno, sagutan ang mga
tanong sa ibaba. (naglabas ng kwaderno at nagsimula ng magsagot.)
1. Sa pakikipaglaban ng mga katutubong Pilipino,
matagumpay ba ang pakikibaka? Bakit?
2. Anu-ano ang dahilan kung bakit nahirapan ang mga
Espanyol sa pananakop sa mga katutubong tumakbo sa
kabundukan?
3. Nakatulong ba ang iba’t iang reaksyon ng
katutubo sa kolonyaslismo? Bakit?
V. Takdang Aralin

Para sa inyong takdang aralin, magsulat ng Malikhaing


pagpapakita sa naging reaksyon ng mga katutubong
pangkat sa armadong pananakop sa pamamagitan ng
maikling tula, awit at iba pa.

Maliwanag ba klas? -Opo, Guro.


Dito na nagtatapos ang ating klase.

Bago umalis pakipulot muna ang mga kalat sa ibaba ng


inyong mga upuan at ayusin ito.

Paalam mga bata. -Paalam, Ma’am.

Inihanda ni: Menchi C. Manuel

You might also like