Fil 12

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Rufino Aguilar Mem.

High School (303286)


Filipino sa Piling Larang 12
2nd Grading Periodical Test

Pangalan: Iskor:

I. PANUTO: Basahing mabuti ang pangungusap at bilugan ang TITIK ng wastong.


1. Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao.
A. Posisyong Papel B. Katitikan ng Pulong C. Talumpati D. Tula
2. Nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
3. Sumasagot sa mga tanong na sino, ano, bakit, saan, kailan at paano.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
4. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang sumang-ayon angtagapakinig.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
5. Nagkukuwento ng mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
6. Dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
A. Talumpati C. Sanaysay
B. Posisyong Papel D. Katitikan ng Pulong
7. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuriang naging epekto ng mga karanasang
iyon sa manunulat.
A. Lakbay Sanaysay C. Posisyong Papel
B. Replektibong Sanaysay D. Katitikan ng Pulong
8. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ngisang manunulat kaugnay ng kanyang
nakikita o naoobserbahan.
A. Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Personal na Sanaysay
9. Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar,
nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mganaisip o napagtantong ideya.
A. Personal na Sanaysay C. Lakbay Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
10. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga kasabihan o sawikain.
A. Lakbay Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Personal na Sanaysay D. Patalinhagang Sanaysay
11.Uri ng sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita onaoobserbahan ng tao.
A. Personal na Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Kritikal na Sanaysay
12. Uring sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita onaoobserban.
A. Patalinhagang Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
13. Isang uri ng buod na karaniwang makikita sa unang bahagi ng isang papel-pananaliksik.
A. Konklusyon B. Abstrak C. Lagom D. Buod
14. Ang tawag sa paggamit ng wika sa mas matataas na diskurso partikular sa akademya.
A. Imahinasyon C. Higher Thinking Skills
B. Intelektwalisasyon D. Common Sense
15. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak?
A. Parehong maiksi C. Nagsusuma ng akademikong sulatin
B. May iisang talata lamang D. Binubuo ng 200-300 salita
16. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan?
A. Panitikan B. Sikolohiya C. Arkeolohiya D.Ekonomiks
17. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades?
A. Linggwistiks B. Biolohiya C. Heograpiya D. Sosyolohiya
18. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ngpulong?
A. Mga dumalo C. Lugar ng pulong
B. Oras ng pagsisimula ng pulong D. Ikatlong agenda
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ngpulong?
A. Oras ng pagtatapos ng pulong C. Pangalan ng organisasyon
B. Lugar ng pulong D. Mga dumalo
20. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawingkatitikan ng pulong?
A. Audio recorder C. Bolpen at papel
B. Katitikan ng nakaraang pulong D. Mga dadalo
21. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
A. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae.
B. Matangos ang ilong ng babae. D. Makinis ang balat ng babae.
22. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa talumpati. B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
C. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel. D. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.
23. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. Sariling paniniwala C. Sariling karanasan
B. Balitang napanood D. Narinig na kwento
24. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa. B. Ano ang iyong opinyon tungkol sa korapsyon?
C. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa. D. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
25. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulatupang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel aygumagamit naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawanng isang partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay maiksi lamang samantalang ang posisyong papel ay mahaba.
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang Pilipino?
A. Pagbibigay ng pasa load
C. Pamimili ng prutas
B. Panonood ng mga telenobela
D. Pagmamano sa mga nakatatanda
27. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya,Kultura: Kulturang Pilipino sa mga
Katawagang Astronomiko”?
A. Agham at Agham Panlipunan C. Agham Panlipunan at Humanidades
B. Agham at Humanidades D. Agham at Arkeolohiya
28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talumpati?
A. Kanlungan C. Bakit Ako Naging Manunulat
B. Solo sa Oslo D. Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal
29. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng replektibong sanaysay?
A. “Dangal at Parangal” B. “Hindi Ngayon ang Panahon” C. “Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad”
D. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari”
30. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng posisyong papel?
A.“Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila”
B.“Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan”
C.“Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano”
D. “Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto”
31. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya?
A. Pambansang wika ang wikang Filipino
B. Filipino ang mainam gamitin sa iba’t ibang disiplina
C. Intelektwalisado na ang wikang Filipino
D. Marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino
32. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?
A. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagangimpormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad
ng anumang wika, lahi atkultura.
B. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika atang mga tradisyon/pamamaraan ng
paggamot o medisina.
C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mgaPilipino propesor na gumamit ng wikang
Filipino bilang instrumento sa pagsusuri.
D. Hanggang ngayon, ang debate at kontrobersiya sa wika ay umiikot pa rin sa konseptong Filipino bilang isang pambansang
wika, o wika ng pagtuturo.
33.“Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upanglalong mapabilis ang
intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik angisinasaad sa itaas na hango kay Tereso Tullao, Jr.?
A. Layunin C. Interpretasyon ng Datos
B. Rekomendayson D. Daloy ng Pag-aaral
34. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil saPagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad,“Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa
pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing
pahayag?
A. Pagtakwil sa dayuhang wika C. Pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo
B. Pagkilala ng sariling wika D. Intelektwalisasyon ng wika
35. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night , “Ano ba ang naging batayan
sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at
manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining.” Ano ang
mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sapagpili ng mga paparangalang likha?
A. Mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo.
B. Kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo.
C. Mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo.
D. Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado.
36. Kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu,konsepto, o anumang paksa na nararapat na
alisan ng pag-aalinlangan.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran
37. Kung ang teksto ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sapamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran
38. Kung ang teksto ay bumubuo ng isang imhe sa pamamagitan ng paglalantad ngmga katangian nito.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran
39. Kung ang teksto ay nagkukwento ng mga magkakaugnay na pangyayari.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. paglalarawan d. pangangatwiran
40. Paraan ng pagpapahayag na nagbibigay ng posibleng sagot, dahilan atebidensyang maaaring paniwalaan o hindi.
a. mag-analisa b. mag-organisa c. manghikayat d. magbigay ng impormasyon
41. Paraan ng pagpapahayag na nagbibigay ng posibleng sagot sa pamamagitan ngpaliwanag at ebalwasyon.
a. mag-analisa b. mag-organisa c. manghikayat d. magbigay ng impormasyon
42. Paraan ng pagpapahayag na nagpapalawak at nagpapalalim sa kaalaman ngmambabasa.
a. mag-analisa b. mag-organisa c. manghikayat d. magbigay ng impormasyon
43. Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.
a. mapanghikayat na pagsulat b. malikhaing pagsulat c. impormatib na pagsulat d. malayang pagsulat9.
44. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.
a. mapanghikayat na pagsulat b. malikhaing pagsulat c. impormatib na pagsulat d. malayang pagsulat
45. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan na ang layuninng awtor ay magpahayag ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin okumbinasyon ng mga ito.
a. mapanghikayat na pagsulat b. malikhaing pagsulat c. impormatib na pagsulat d. malayang pagsulat
46. Ayon kay Karen Gocsik (2014), isa sa mahahalagang konsepto ng akademikongpagsulat ay _____.
a. nakatuon sa disiplina o kurso na kukunin sa unibersidad b. nagpapahayag ng pananaliksik bilang bahagi ng proseso
c. nararapat maglahad ng importanteng argumento d. nagpapakilala sa paksa at layunin ng isusulat
47. Alin sa sumusunod ang maituturing na hindi katangian ng pagbabalangkas?
a. maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahilpara itong mindmap
b. mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay
c. mas mapag-iisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin angiyong sanaysay
d. magagawang ulit-ulitin ang mga ideyang isasama sa pagsulat
48. Maaaring gamitin sa pagbabalangkas ang ______.
a. pasaklaw na pag-aayos ng mga ideya
b. parirala o pangungusap lamang ang gagamiting paksa
c. pangunahing paksa ang isusulat sa bawat aytem
d. pagbuod sa kabuuang teksto

You might also like