Professional Documents
Culture Documents
Ang Pagsisimula NG Mga Kabihasnan Sa Daigdig: Aralin 2
Ang Pagsisimula NG Mga Kabihasnan Sa Daigdig: Aralin 2
Aralin 2
Kabihasnan sa Daigdig
Kondisyong Heograpiko Noong Panahon ng Unang Tao sa Daigdig
Hinduism – ayon sa teoryang ito, ang mga tao ay bahagi ng kalikasan kung kaya’t
kinakailangang sumunod sa batas ang mga ito. Inihahayag din ng teoryang ito na
ang tao ay hindi pantay-pantay dahil sa magkakaiba nitong taglay na katangian.
Natural Selection – Inihahayag ng prosesong ito ang tanyag na siping “survival of the
fittest”. Ibig sabihin, mananatiling buhay ang organismong malakas at ang mahinhin ay
tuluyan namang mawawala.
Mutation – sa prosesong ito, nagaganap ang pagbabago sa estruktura ng genes o punla
dahil sa nahalo na ritong ibang punla na madadala naman sa susunod pang henerasyon
ng organismo o species.
Isolation at Adaptation – Sa prosesong ito, natutuhan ng organismong nahiwalay sa
natural nitong kapaligiran na maiangkop ang kaniyang sarili sa bagong kapaligirang
kaniyang kinalalagyan.
Speciation – Sa panahon ng pag-angkop ng bagong organismo sa bago nitong
kapaligiran, nagaganap naman ang unti-unting pagbabago rito mula sa pinakasimpleng
kalagayan patungo sa higit na maayos na kalagayan.
Panahong Neolitiko - panahon ng bagong bato. Kuminis na ang mga kagamitang bato
ng mga sinaunang tao sa panahong ito. Pagsasaka at pag-aalaga ng hayop naman ang
pagbabagong naganap sa panahong ito. Dito rin nagsimula ang unang pormal na
sistema ng pamahalaan at sibilisasyon kung saan lumitaw ang mga unang lunsod-
estado.
Panahon ng Metal – ito ang panahon na kung saan tumigil ang tao sa paggamit ng
kagamitang bato at nagsimulang gumamit ng metal. Ito ang panahon na ginto at tanso
na ang ginagamit ng mga sinaunang tao bilang alahas at pang-adorno. Tanso ang
unang metal na naging kapaki-pakinabang sa tao. Sa kabilang dako ang bakal naman
ang ginamit ng mga sinaunang tao sa paggawa ng nang mas higit na matibay na
kagamitan at armas. Kasabay ng pagtuklas ng mga metal, natuto na ring
makipagkalakalan ang mga tao.