Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Paksa 2: Gender Roles sa Pilipinas

Ayon sa Boxer Codex, bago pa dumating ang mga Espanyol, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawa kapag nakita niya itong kasama ang ibang lalaki. Maaaring
hiwalayan ng lalaki ang asawa nito at maaari nitong bawiin ang mga ari-arian na naibigay niya sa kanyang naging asawa.
Subalit kung ang babae ang may nais na hiwalayan ang kanyang asawa ay wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
Makikita sa mga halimbawang ito ang hindi pantay na pagpabor sa lalaki kung ikukumpara sa babae.

Ayon sa pag-aaral ni Emelina Ragaza Garcia na binanggit sa learning material ng Araling Panlipunan 10 (2017) na limitado pa
rin ang karapatang taglay ng mga kababaihan sa panahon ng mga Espanyol. Ito ay dahil ang sistemang legal na dinala ng mga
Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.

Noong Panahon ng Pag-aalsa, ipinamalas ni Gabriela Silang ang katapangan ng isang babae nang siya ay nag-alsa laban sa
mga pang-aabuso ng mga Espanyol nang namatay ang kanyang asawa na si Diego Silang. May mga Katipunera rin tulad ni
Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga Katipunero na labanan ang mga Espanyol. Naging katuwang ang ilang mga
kababaihan sa rebolusyon na pinangunahan ng mga kalalakihan.

Dinala ng mga Amerikano ang ideya ng kalayaan, karapatan at pagkakapantaypantay. Itinaguyod ang mga pampublikong
paaralan na bukas sa mga kababaihan at kalalakihan, mahirap man o mayaman. Namulat ang mga kababaihan na hindi lang
pala sa bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Sa pamamagitan ng isang plebisito, naipahayag at nakamit ng
mga kababaihan ang karapatang bumoto at makilahok sa mga isyu na may kinalaman sa pulitika. Ang mga kalalakihan naman
ay inaasahang magtrabaho sa gobyerno at pribadong sector

Kabahagi ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban sa mga Hapones ang mga kababaihan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang ibang mga kababaihan naman ay innasahang gumawa ng mga gawaing pambahay

Sa kasalukuyan, maraming kababaihan ang nakapagtapos ng pag-aaral at nakapagtatrabaho sa iba’t ibang kompanya o
tanggapan ng gobyerno. May mga kababaihan din na naihalal bilang mga lider sa iba’t ibang sangay sa nasyonal o lokal na
pamahalaan. Isa na rito si Mayor Inday Sara Duterte na kasalukuyang Mayor ng Davao City.

Paksa 3 : Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig

Africa at Kanlurang Asya

Mahigpit ang batas para sa mga babae at mga kasapi ng LGBT sa mga rehiyong ito. Nito lamang ikalawang bahagi ng 20 siglo
kinilala ng ilang mga bansa sa mga naturang rehiyon ang karapatan ng mga kababaihan na makaboto.

Bukod sa walang karapatang bumoto, bawal din sa mga babae ang magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa
kamag-anak na lalaki (asawa, magulang o kapatid). Ang paglalakbay ng mga babae nang mag-isa ay hindi rin pinapayagan o
kung papayagan man, ang babae ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (pisikal at seksuwal). May mga
nangyayaring gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa ilang bahagi ng Aprika sa paniniwalang maaaring mabago ang kanilang
oryentasyong seksuwal ng mga ito. May mga ulat rin ng karahasan sa mga kasapi ng LGBT sa kanilang mismong pamilya ayon
sa ulat na mula sa United Nations Human Rights Council noong 201

Rehiyon ng Pasipiko – Papua New Guinea

Noong 1931, pinag-aralan ng antropologong si Margaret Mead at asawa nitong si Reo Fortune ang kultura ng ilang mga
pangkat sa Papua New Guinea na matatagpuan sa rehiyon ng Pasipiko. Ang isang antropologo ay bihasa sa Antropolohiya o
pag-aaral ng tao at ang kanyang pinagmulan at kultura ng mga tribo o pangkat. Pinag-araln nila ang gampanin ng mga babae
at lalaki ng mga sumusunod na pangkat: Arapesh; Mundugamur at Tcham

Ang literal na kahulugan ng Arapesh ay tao. Nalaman ng nga mananaliksik na ang mga kasapi ng natuang pangkat ay walang
mga pangalan. Kanilang naobserbahan na ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga, mapag-aruga sa mga anak,
matulungin, mapayapa at kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Sa pangkat naman ng Munddugumur (kilala rin sa
tawag na Biwat), ang mga babae at lalaki ay kapwa matatapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o
mataas na posisyon sa kanilang pangkat. Samantalang sa pangkat ng Tchambuli (o kilala rin sa tawag na Chambri), ang mga
babae at lalaki ay magkaiba ng gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay higit na dominante kaysa mga lalaki. Ang
mga babae ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan na abala sa pag-
aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento
Gender Roles ng mga Kasapi ng Tribong Bagobo sa Bansalan, Davao Del Sur
Sa kanlurang bahagi ng Davao Gulf maraming mga pamayanan sa dulo ng Lungsod ng Dabaw hanggang sa Bansalan, Davao
del Sur na itinatag ng mga Bagobo. Ang mga babae ang nangangasiwa sa mga gawaing pambahay at pagluluto ng kakainin.
Sila rin ang kumukuha ng tubig, mga kahoy at naglalaba ng mga damit. Sila rin ang gumagawa ng mga basket.

Yugto ng Kasaysayan Mga Kababaihan Mga Kalalakihan

Panahong Pre-Kolonyal

Panahon ng Espanyol

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapon

Tandaan Natin

• Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring
tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa World Health Organization (2014), ang
sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang
ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.

May mga ibat ibang gampanin ang mga kalalakihan, kababaihan at LGBT sa lipunan o gender roles. Mahalagang
mapahahalagahan ang dignidad ng pagkatao ng isang indibidwal kahit anuman ang kasarian nito

Ang Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) ay ang kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya,
iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

Ang Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak, kabilang ang
personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung
ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng
kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos

MODULE 2/ Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

Ang pagkapantay-pantay sa kasarian (gender equality) ay isang malaking hamon. Marami pa ring mga kababaihan ang
biktima ng diskriminasyon kahit malaki na ang kanilang ambag sa kaunlaran ng bansa. Maliban sa mga kababaihan, may mga
pagkakataon din na ang mga lalaki ang nagiging biktima ng diskrimasyon. Ayon kay Pangulong Duterte (2019) pagdating sa
mga karapatan sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at sekswalidad sa Timog-silangang Asya, ang Pilipinas ay may posibilidad
na maging isang outlier sa maraming mga aspeto. Ngunit sa maraming paraan nagsisimula na ang bansang Pilipina upang
mapalawak ang agenda kasama ang mga kalapit na bansa

Paksa 1: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT

Ang diskriminasyon ay anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Kilalanin natin ang
iilang mga personalidad sa nabibilang sa lahat ng kasarian at oryentasyong sekswal na sa loob ng bansa at maging sa labas na
may malaking ambag sa iba’t ibang larangan na kanilang napili. Kung ikaw ay may telebisyon, radyo o cellphone sa inyong
tahanan, maaari rin na ikaw ay mag-obserba ng mga kontribusyon ng iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang larangan upang mas
lumawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
Gawain 2/ Sagutin.

Paksa 2: Karahasan sa mga Kalalakihan, Kababaihan at LGBT

Mga Probisyon sa Republic Act 9262 – Anti-Violence Against Women and their Children Act

Ang karahasan laban sa mga kababaihan at mga anak at tumutukoy sa mga kilos o gawain ng isang tao sa isang babae na:
kanyang asawa, dating asawa, karelasyong sekswal, kasintahan, isang babae na mayroon silang anak, o sa kaniyang
mismong anak, legal man sa ilalim ng batas o hindi, nasa pamamahay man ng pamilya o wala, na nagresulta o maaaring
magresulta sa pisikal, sekswal o sikolohikal na sakit o pagdurusa o abusing pang-ekonomiko o banta sa mga naturang
gawa. Ilan sa mga uri ng karahasan ay ang sumusunod:

A. Pisikal na Karahasan – tumutukoy sa mga gawa na nagdudulot ng sakit sa aspektong pisikal o pangangatawan.
B. Sekswal na Karahasan – mga gawain na likas na sekswal na nagawa sa isang babae o sa anak nito. Kabilang dito ngunit
hindi limitado sa mga sumusunod:

1) Panggagahasa, sekswal na dahas, acts of lasciviousness, pagtrato sa babae o anak nito bilang kagamitang sekswal,
2) Pambubugaw sa isang babae o sa isang bata

C. Sikolohikal na Karahasan- tumutukoy sa mga gawa o pagpaliban na nagdulot ng mental o emosyonal na pagdurusa
sa biktima tulad ngunit hindi limitado sa pagbabanta, paghaharas, pagmamanman, pagsira ng ari-arian, pambabatikos
o pamamahiya sa publiko, paulit-ulit na berbal na pang-aabuso at pagtataksil sa asawa
D. Ekonomikong Pang-abuso – tumutukoy sa mga gawa na sinusubukan ang babae na maging financially dependent
kabilang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
1. Pagbawi sa suportang pinansyal o pagpigil sa biktima na pumasok sa isang legal na propesyon, trabaho,
negosyo o gawain maliban na lamang sa mga sitwasyon kung saan ang asawa ay tutol sa valid, seryoso at moral
na batayan na nakasaad sa Artikulo 73 ng Family Code;
2. Pagtanggi o pagbabanta ng pagtanggi na magbigay ng yamang pinansyal at karapatan na gamitin ang mga ari-
arian na parehong pinagmamay-ari.
3. Pagsira ng ari-arian sa tahanan
4. Pagkontrol sa pera at ari-arian ng biktima, mag-isang pagkontrol sa conjugal na pera o ari-arian

Ang karahasan sa mga kababaihan ay isang pandaigdigang isyu. Dahil dito, itinakda ang Nobyembre 25 bilang
International Day for the Elimination of Violence Against Women. Ang GABRIELA (General Assembly Binding
Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership and Action) ay isang partylist na may isang upuan sa
Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ipinaglalaban ng naturang grupo ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan sa Iba’t Ibang bahagi ng Daigdig

Foot Binding sa Tsina


Ang foot binding, lutos feet o lily feet ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa Tsina. Pinapaliit ang mga paa nila
hanggang tatlong pulgada sa pamamagitan ng pagbalot ng isang bakal o bubog sa talampakan. Pasusunurin ang
korte ng paa sa bakal o bubog sa pamamagitan ng paunti-unting pagbali sa buto ng mga paa gamit ang telang
ibinalot sa buong paa.
Ayon sa tradisyon, ang pagkakaroon ng ganitong klase na mga paa ay kinikilalang simbolo ng yaman, ganda at
karapat-dapat sa pagpapakasal. Ang mga babae na may lotus feet ay nakararanas ng limitasyon sa pagkilos,
pakikilahok sa politika at pakikisalamuha dahil sa kalagayan ng kanilang mga paa. Ang tradisyong ito ay ipinagbawal
sa Tsina sa pamumuno ni Sun Yat Sen noong 1911 dahil sa masamang dulot nito sa mga kababaihan.

Breast Ironing sa Cameroon


Ang breast ironing o breast flattening ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga gamit
ang bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May sampung rehiyon sa bansang Cameroon kung saan ito ay
isinasagawa. May iilang bansa rin sa kontinente ng Aprika na gumagawa nito tulad ng Benin, Chad, Cote de Ivoirie
(Ivory Coast), Guinea, Guinea-Bissau, Kenya, Togo at Zimbabwe

Mapanganib sa kalusugan ng mga kababaihan ang naturang gawain. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng
mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay
normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-
aaral; at (3) pagkagahasa.
Female Genital Mutilation sa Africa at Kanlurang Asya

Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito
ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.

Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri
ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan

Artikulo
Lungsod ng Dabaw Magbibigay ng Libreng Payo at Serbisyong Legal sa mga Biktima ng Domestic Violence
Inulat ng: Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Dabaw Nailathala sa:https://www.davaocity.gov.ph/local-
government/davao-city-offersfreelegal-service-for-victims-of-domestic-violence/ Isinalin ni: Andrew James B.
Buenavista.

Ang pamahalaang lokal ng Lungsod ng Dabaw ay nagbibigay ng libreng payo at serbisyong legal para sa biktima ng
domestic violence at mga mag-asawa na nakararanas ng problema sa kanilang pagsasama lalong lalo na ngayong
panahon ng pandemya dulot ng COVID-19. Ayon kay Lorna Mandin, Head ng Integrated Gender and Development
Division, ang kanyang tanggapan ay tintingnan sa negatibong epekto ng COVID-19 sa mga mag asawa at pamilya.
Tinitingnan na natin ang mga posibleng epeko lalong-lalo na sa pangkaisipan dahil kung ating titingnan, marami ang
nasa bahay lang, marami ang nawalan ng trabaho, posible rin na magkulang ang suplay ng pagkain, amin talagang
tinitingnan na tataas ang kaso ng dometsic violence. Para sa mga naturang serbisyo, ang IGDD ay nagtaguyod ng mga
hotline para sa mga Dabawenyo na nangangailangan ng payo sa kanilang pagsasama at iyong mga nais magsumbong
ng mga kaso ng karahasan. Maaaring tumawag sa 226 8011 mula 7:00 am – 5:00 pm, Lunes – Biyernes at 0923
7498003 na bukas 24 oras. Ang Kean Gabriel Hotline para sa mga batang inabuso ay 0908 8184444 ay bukas rin 24
oras. Dito sa IGDD, may mga abogado tayo na nagbibigay ng payo at serbisyong legal, nagsasagawa ng pagsasampa
ng mga kaso, family conferences at iba pang mga legal na hakbang para makatulong sa mga tao. Maaari silang
tumawag sa mga naturang numero upang hindi na sila personal na pupunta ng opisina lalo na may COVID-19
pandemic banggit ni mandin. May mga kagamitan rin sa adbokasiya at pag-aaral ang kanilang inilakip sa mga food
packs na pinamimigay lokal na pamahalaan upang patuloy na malaman ng mga Dabawenyo paano magkaroon ng
maayos na paligid sa kanilang mga tahanan.Wala namang kaso ang naiulat na paglabag sa Republic Act 9262 sa
panahon ng community quarantine ngunit ang kanyang tanggapan ay di dapat magkumpyansa dahil may mga
posibleng kaso ng karahasan ang di naiuulat.

Name _______________________________________Yr/Section__________

SAgutin ag mga katanungan:

1. Ang mga posibleng dahilan ng pagtaas ng kaso ng karahasan sa mga kababaihan at kalalakihan”
2. Ang mga hakbang na ginawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Dabaw upang tugunan ang kaso ng mga
karahasan laban sa mga kababaihan at sa mga bata.
3. Anu ang tungkol sa Artikulo?
4. Bilang estudyante, paano ka makakatulong sa mga ganitong mga pangyayari na nasa loob ng inyong
komunidad?anu ang maaring mong gawin.
MODULE 3/ 3RD GRADING

Paksa 1: Anti – Violence Against Women and Their Children Act (R.A. 9262)

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o RA 9262 ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga
ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito

Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan ng Pilipinas sa Karahasan at Diskriminasyon

Kinilala bilang masugid na tagapanukala at tagapagsulong ng batas para sa kababaihan ang dating mambabatas na si Senator
Raul Roco at kinilala bilang “Honorary Woman” ng mga organisasyon ng kababaihan sa Pilipinas. Ilan sa mga naipasang
batas ay ang The Anti Sexual Harassmment Law, The Anti Rape Law, Women in Nation building law, The Nursing Act, at ang
Child and Family Courts Act. Sa kasalukuyan ipinagpapatuloy pa rin nga mga kababaihang senador, kongresista at mga
partylist ang kaniyang mga nasimulang adhikain upang mapanatili ang seguridad at boses ng mga kababaihan sa lipunan.

Sa usaping ito, bilang isang mamamayan, mahalagang malaman mo ang mga pangunahing batas na nangangalaga sa
kababaihan at mga kabataan. Maituturing na vulnerable ang kababaihan at kabataan sapagkat sila ang kadalasang nagiging
biktima ng karahasan at pang-aabuso. Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan tulad ng Anti-
Violence Against Women and Their Children Act at Magna Carta for Women.

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o RA 9262 ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Tatlong Uri ng Proteksiyon na Maaaring Ibigay sa Biktima


1. Barangay Protection Order (mula sa barangay)
2. Temporary Protection Order
3. Permanent Protection Order (mula sa Korte
Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng
batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa
isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?
Ang mga maaring magsagawa ng krimen at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating
asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa
babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.

Paksa 2: Ang Magna Carta of Women (Republic Act 9710)

Ang Magna Carta for Women o RA 9710 ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasiyon sa edukasyon, trabaho, at mabigyan ng sapat na atensiyon ang mga espesyal na pangngailangan ng mga
kababaihan lalo na sa panahon ng kalamidad at kung sila ay biktima ng pang-aabuso at karahasan na may kinalaman sa
konteksto ng disriminasyon at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay,
alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Sino ang Saklaw ng Magna Carta of Women?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan
ethnicity ay saklaw ng Magna Carta of Women. Binibigyan ng batas na ito ng nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in
Especially Difficult Circumstances

Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o
may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang
manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro
at katutubo.

*Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o
masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong

GAWAIN. MAGBIGAY NG TATLONG HALIMBAWA NG KARAHASANG NANGYAYARI SA KABABAIHAN.

KARAHASANG GINAWA SA KABABAIHAN KARANIWANG DAHILAN GINAWANG SOLUSYON


_________________
1. 1 1.

2. 2. 2,

3.
3. . 3.

Tandaan Natin

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 o RA 9262 ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MODULE 4/ 3RD GRADING
Pagkapantay-pantay ng mga Kasarian (Gender Equality)

Ang pagkapantay-pantay ng mga kasarian ay nangangahulugan na ang kalalakihan, kababaihan at iba pang kasarian ay
may parehong karapatan at pananagutan at ang lahat ay may magkatulad na pagkakataon sa lipunan. Ang pagkapantay-
pantay ng kasarian ay tungkol din sa pakikibahagi sa mga tungkulin sa kapuwa, sa pamilya at sa lipunan.
Kilala rin bilang gender equality o gender egalitarianism ang pagkapantay pantay ng mga kasarian. Layunin nito na
mabigyan ng tamang pagtingin sa lipunan ang bawat isa sa larangan ng edukasyon at trabaho

Mga Ipinasang Batas Tungo sa Pagkakapantay-pantay


1. RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act
2. RA 9710 o Magna Carta of Women
3. RA 11313 o mas kilala sa tawag na Bawal Bastos Law. Ayon kay Abelgas (2019)-

BAWAL BASTOS LAW.


Stalking – pagmamanman ng abag sa kalooban sa kababaihan at bata.
• Catcalling – paggamit ng mga malalaswang salita upang tukuyin ang isang babae.
• Homophobic – Pagkatakot sa mga miyembro ng LGBTQ
• Panghihipo – Paghahawak sa mga maseselang bahagi ng walang pahintulot.
• Pagsasagawa ng malaswang gawain upang matugunan ang pansariling seksuwal na pagnanasa sa pampublikong lugar.

Ang kakulangan sa tamang pang-unawa ng iilan tungkol sa konsepto ng sexual orientation at gender identity ng isang tao ay
tinitignang dahilan ng diskriminasyon, kawalan ng respeto, o hindi kaya ay pambabastos. Kaya naman ay dapat na
maipabatid sa lahat kung bakit nagkakaiba ang sexual orientation at gender identity ng mga tao.
Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women ( CEDAW) ay ang kauna-unahan at
tanging internasyunal na kasunduan na kumprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
pulitikal na larangan, kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong 18 Disyembre 1979. Pumirma naman ang Pilipinas sa
CEDAW noong 15 Hulyo 1980, at niratipika niya ito noong 5 Agosto 1981.

You might also like