Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

MODYUL 3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA

PANIMULA:

Ang Panitikan ay maiuugnay sa kasaysayan. Kung ang kasaysayan ay


nagpapahayag ng tunay na panahon at pangyayari. Ang panitikan naman ay
naglalarawan ng buhay, kultura , tradisyon, kaugalian at karanasan . Ang Panitikan ay
nagpapahayag ng damdamin ng isang, indibidwal gayang pag-ibig, tuwa, kalungkutan,
tagumpay at iba pang mukha ng buhay.

Nang dumating ang mga kastila sa Pilipinas nangibabaw ang mga wikang
katutubo . Hindi itinuro sa mga Pilipino ang wikang Espanyol ng mga kastila. Dahil dito
maraming wika ang nagkaroon sa mga diksyunaryo at gramatika na malaki ang
natitulong upang umunlad ang mga ito.

Kaligirang Pangkasaysayan

Dumating sa Pilipinas ang mga Kastila noong 1521, ngunit nagsimula ang
kanilang impluwensiyang pangkultura nang itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang isang
palagiang pamayanan sa Cebu noong 1565. Mula roon, isinunod na itinatag ang
Maynila noong 1571 bilang kabisera ng Pilipinas.

Hindi lamang layuning kolonyal ang dahilan ng pagsakop ng Espanya sa


Pilipinas. Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng Katolisismo, hangad din ng mga
Kastila na mapalaganap ang relihiyong ito sa mga katutubo. Ito ang dahilan kung bakit
kasama ng mga konkistador na dumating sa Pilipinas ang mga prayleng misyonero.
Hindi lamang sila pari; sila’y mga iskolar din.

Ang mga paring iskolar na ito ang naghawan ng landas para madaling masakop
ang puso’t kaisipan ng mga Pilipino. Sila’y nagsipag-aral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas
upang magkaroon sila ng tuwirang pakikipag-unawaan sa sambayanan. At mula sa
mga katutubo ay pumili sila ng mga may talino at mga palasunurin na tinuruan nilang
bumasa at sumulat sa wikang Kastila.

Nagpasok din ang mga prayleng iskolar ng mga pagbabago sa wika’t panitikan
ng mga katutubo. Pinalitan nila ng alpabetong Romano ang katutubong abakadang
Alibata o Baybayin. Bumuo rin sila ng mga tuntuning panggramatika para sa mga wikain
sa Pilipinas. Ang mga pagbabagong ito’y ay nagdulot ng mabilis na pagkatuto ng mga
katutubo, gayundin ang pagkatuto ng mga Kastila na bumasa’t sumulat sa mga wika ng
Pilipinas.
Ang mga pagbabagong ito’y paghahanda sa sumusunod ng mga hakbang ng
mga Kastila. Tinipon nila at binuong muli ang matatandang panitikang pasalita at
pasulat, saka pinasukan ang mga ito ng mga pagbabagong makabubuti sa Katolisismo.
Kaya lamang, nakasira ang hakbang na ito sa mga katotohanang pangkasaysayan
nakapaloob sa katutubong panitikan.

Pinasigla rin ng mga prayle ang pagsusulat at saka lantarang iniangkop sa


panitikang ang relihiyon. Kasama ring ipinaloob sa panitikan ang etika at moralidad na
naging sanhi ng pagiging palasunurin ng mga Pilipino sa mga dayuhan. Upang
mapangalagaan ang panitikang nagsisilbi sa interes ng mga dayuhan, ang pagsusulat
ay ipinailalim sa isang palagiang komisyon ng sensura sa pamamahala ng simbahan.

Hindi lamang relihiyon, moralidad at wika ang pinagkakaabalahang ituro sa mga


katutubo. Nilibang ng mga Kastila ang sambayanan sa pamamagitan ng pagdadala rito
ng mga tulang romansa at iba pang akdang Europeo. Karaniwa’y salin o kaya’y
iniangkop, ang mga ito ay inangkin na sarili ng mga katutubo nang maging laganap at
popular. Sa pangkalahatan, ang panitikan noon ay mauuri ayon sa nilalaman:
pangrelihiyon at pangmoralidad, panlibangan at pangwika.

Mga Kaanyuan Ng Panitikan

May tatlong kaanyuan ang panitikan noong panahon ng mga Kastila: tuluyan,
panulaan at dula. Sa tuluyan: talambuhay (hinggil sa mga santo), dasal o nobena ,
sermon at mahabang salaysay. Sa panulaan: pasyon, dalit, awit at korido, at awiting-
bayan. Nahahati naman ang mga dula sa tatlong uri. Ang mga dulang pang-entablado:
senakulo, komedya o moro-moro at karilyo. Ang dulang panlansangan: tibag,
pangangaluluwa, panunuluyan, (pananapatan) at salubong. Ang mga dulang
pantahanan: karagatan, duplo, pamanhikan at huego de frenda.

Mga Impluwensya Ng Kastila Sa Panitikang Fiipino

 Ang Baybayin na ipinagmamalaki na kauna-unahang abakadang Filipino ay


napalitan ng alpabetong Romano;

 Ang pagkakaturo ng Doctrina Christiana na kinasasaligan ng mga gawaing


panrelihiyon;

 Ang wikang Kastila ang naging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami
sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino;
 Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito ang
naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa;

 Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa


ibang wikain;

 Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalaria sa wikaing Filipino tulad


sa Tagalog, Ilokano at Bisaya; at

 Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga panahong yaon.

Mga Akdang Pangwika

Sinasabing isa sa mahahalagang impluwensya ng Kastila sa panitikang Filipino


ay ang pagkakasulat ng iba’t ibang aklat pambalarila sa iba’t ibang wika sa Pilipinas
gaya ng Tagalog, Ilokano, Ilan sa mga akdang pang-wika na nailathala sa panahong ito
ay ang:

• Arte de Lengua Tagala, ni Blancas de San Jose, ang kauna-unahang aklat pangwika
na nilimbag ni Tomas Pinpin noong 1610 sa imprentahang niya sa Abukay, Bataan.

• Vocabulario de la Lengua Tagala, malaki ang naitulong ng aklat na ito sa pag-aaral


ng talasalitaan sa Tagalog. Ito ang itinuturing na kauna-unahang talasalitaan na sinulat
ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.

• Vocabulario de la Lengua Bisaya, pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na


sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.

• Arte de la Lengua Iloka, ito ang kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni


Francisco Lopez.

• Arte de la Lengua Bicolana, ang kauna-unahang aklat pangwika sa Bicol na sinulat


ni Padre Marcos Lisba noong 1754.

•Arte de la Lengua Pampango, ang kauna-unahang aklat pambalarila sa Pampango


na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.

Ang mga Unang AkdangPanrelihiyon

1. Doctrina Christiana
Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas
noong 1593 sinulat nina Juan de Placencia at Domingo
Nieva. Nasusulat ang Doctrina Christiana sa Kastila at
Tagalog sa pamamaraang silogipiko o silograpiya
(xylograph: craved in wood). Naglalaman ito ng Pater Noster,
Dios te Salve Maria, Credo, Salve Regina, Samputong Utos ng Diyos, Mga Utos
ng Sta. Iglesia Katolika, Pitong Mortal na Kasalanan, Labing-apat na
Pagkakawanggawa, Pangungumpisal at Katesismo.

2. Nuestra Señora del Rosario


Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda
ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa
Imprenta ng Universidad de Santo Tomás sa tulong ni Juan
de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot
tungkol sa relihiyong Kristiyanismo.

3. Barlaan at Josaphat

“Aral na Tunay na Totoong Pag-aacay sa Tauo, nang mga Cabanalang


Gauanang manga Malaoalhating Barlaan at Josaphat (1780) na batay sa mga
sulat sa Griyego ni San Juan Damasceno” Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa
Pilipinas na isinalin mula sa Greyego ng isang salaysay ni Antonio de Borja.
Ipinalagay na ito ang kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. Ang
Barlaan at Josaphat ang una’t pinakamakabuluhang salin sa Tagalog ng prosang
umiinog sa buhay ng dalawang santo.
4. Pasyon
Aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito
tuwing Mahal na Araw.

Halimbawa ng saknong mula sa Pasyon ni Padre Pilapil

“Ikaw ang Amang tibosos


Ng nangungulilang lubos,
Amang di matapus- tapos,
Maawai’t mapagkukop
Sa taong lupa’t alabok”

5. Urbana at Feliza
Aklat na naglalaman ng pagsusulatan ng mgakapatid na sina Urbana at
Feliza. Pawing nauukol sa kabutihang- asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t
malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga
Pilipino. Ito ay isinulat ni P. Modesto de Castro, ang tinaguriang Ama ng
Klasikong Tuluyan sa Tagalog.

Buod ng Urbana at Feliza

Sa isang lalawigan ay may tatlong magkakapatid na sina Urbana, Feliza, at Honesto.


Nagtungo si Urbana sa Maynila para mag-aral samantalang nanatili naman sa lalawigan sina
Feliza at Honesto. Lagging nagsusulatan sina Urbana at Feliza, at sa kanilang liham ay lagging
nilang ipinapaalala sa bawat isa ang mga ginintuang- aral gaya ng pakikipagkapwa tao,
ngpagiging isang mabuting anak, ang pagtanggap sa kahatulan ng Diyos lalo na noong namatay
ang ama, at iba pang dakilang aral.

Ilan sa mga aral na tinalakay sa Urbana at Feliza:

Pakikipagkapwa-tao. Dapat lagging kumilos nang may pagpapakumbaba, paggalang


at pag-ibig sa magulang at sa kapwa.

Pagpasok sa Paaralan. Dapat pabasbas ang bata sa magulang bago pumasok sa


paaralan. Dapat na tuluy-tuloy siya sa paaralan at huwag makialam sa away at
kaguluhan sa daan.
Pakikipag-kaibigan. Dapat sa taus-puso at hindi paimbabaw ang pagbibigay-puri sa
kaibigan.

Kahinhinan ng babae. Huwag magdadamit ng maninipis, maigsi at maluwang ang


gupit sa leeg.

Kalinisan. Ang isang pumanhik sa bahay nang may bahay ay dapat maunng maglinis o
magpunas sa sapin ng paa sa pamunasan bago pumasok sa bahay.

Pag-iingat ng Ina sa Anak na Babae. Ipinapayo ng pari na huwag pabayaang mag-isa


ang anak na babae sa piling ng kasintahan. Malapit daw sa tukso ang anak.

Ang Tulang Tagalog Sa Panahon ng Kastila

Ang mga tulang Tagalog sa panahong ito ay pinangungunahan ng mga


nagsisulat na mga prayle.

Ayon sa pananaliksik, ang karangalan ng pagka-unang tunay na makata ay


ipinagkaloob kay Philipe de Jesus na taga San Miguel, Bulakan. Ang tula niyang may
tunay na katangian ng isang tunay na tula ay inilathala noong 1708.

Ang mga napabantog rin na makatang Pilipino sa panahong ito sina Fernando
Bagongbata, Tomas Pinpn, at Pedro Suarez Osorio.

Fernándo Bágongbantâ

Si Fernándo Bágongbantâ ang kinikilalang unang makatang Filipino na nailimbag


ang pangalan. Nakapangalan sa kaniya ang isang walang pamagat na romance
kinikilala ngayon sa pamagat na “Salamat nang ualang hanga” mula sa unang linya ng
naturang tula sa bungad ng Memoria de la vida Cristiana en lengua de tagala ni Padre
Francisco de San Jose noong 1605. Ang tula ay isang papuri sa naturang aklat ni San
Jose at pangangaral sa mga kapuwa Tagalog na basahin ito upang makatamasa ng
karunungan. Narito ang panimulang mga taludtod:

Salamat nang ualang hanga


gracias se den sempiternas
sa nagpasilang nang tala
al que hizo salir la estrella
nacapagpanao nang dilim
que destierre la tinieblas
sa lahat na bayan natin
de todo esta nuestra tierra.
Hindi matiyak kung tunay nga ba itong pangalan ng isang binyagang katutubong
Filipino o isang sagisag-panulat ng naturang pari na ang totoo di-umanong pangalan ay
Francisco Blancas de San Jose at makikitang parehong F.B. ang initial ng dalawa. Ang
pari ang unang kumilalang romance ang isinulat ni Bagongbanta na binubuo ng 112
taludtod sa salítang Tagalog at Español. Siya rin ang nagbansag na “ladino” ang may-
akda ibig sabihin, isang katutubong natuto ng wikang Español. Ayon sa mga kritiko, ang
kaniyang tula pati na rin ang mismong pangalan/sagisag-panulat ay itinuturing na
tagpuan ng dalawang kultura ng katutubo at ng kanluranin noong panahon ng
kolonyalismong Español.

Tomás Pinpín

Itinuturing si Tomás Pinpín na “Ama ng Paglilimbag” sa Filipinas dahil siyá ang


unang tanyag at kinikilálang manlilimbag na katutubo nang ipasok ang imprenta ng mga
Español. Ipinalalagay na isinilang siyá sa loob ng mga taóng 1580 at 1585 sa Abucay,
Bataan at naging katulong sa limbagan doon ng mga Dominiko. Inimprenta ni Pinpin
ang aklat ni Padre Francisco Blancas de San Jose na Arte y Reglas de la Lengua
Tagala (Sining at mga Tuntunin ng Wikang Tagalog) noong 1610.

Bukod dito, ipinangalan din sa kaniya ang paglilimbag sa Vocabulario Tagalog


(1613) ni Fray Pedro de San Buenaventura, Relacion Verdadero del Insigne y excelente
Martyrio(1623) ni Fray Melchor de Manzano, Virgen San Mariano (1623) ni Fray Juan
de los Angeles, Relacion de Martirio (1625) di-kilala ang awtor, Relacion Verdadero y
Breve de la Persecucion y martyrios(1625) ni Fray Diego de San Francisco, at marami
pang iba. Bukod sa mahusay na tagaukit ay kailangang mahusay siyá sa wikang
Español upang mapagkatiwalan ng gayong trabaho. Ngunit higit pa rito, si Pinpin ay
isang makatang ladíno, ibig sabihin, nakatutula sa wikang katutubo at sa wika ng
mananakop na mga Español. Ipinakita niya ito sa kaniyang aklat na Librong pagaaralan
nang manga Tagalog nang uicang Castila(1610), ang unang limbag na aklat na sinulat
ng isang Filipino. Ganito ang unang pangungusap sa pambungad niyang tula sa libro:

Anong dico toua


como no hede holgarme
con hapo’t, omega
la mañana y tarde
dili napahamac
que no salió en balde
itong gaua co
aqueste mi lance.
Tulad ng pamagat, may layuning magturo ng wikang Español ang aklat. Ngunit
isang kahali-halinang bahagi nitó ang mga tila awit na ehersisyo sa talahulugang
Tagalog at Español. Ang totoo, nilimbag ang aklat ni Pinpin ng kaniyang kapuwa
manlilimbag na si Diego Talaghay.

Pedro Suarez Osorio

Si Pedro Suarez Osorio ay nagmula umano sa Ermita, Maynila, at isa sa mga


unang makatang Filipino na nagsulat at naglathala ng tula. Ang kaniyang tulang
“Salamat Nang Ualang Hoyang” ay nalathala sa aklat na Explicacion de la doctrina
christiana en lengua tagala ni Padre Alonzo de Santa Ana na nalathala noong 1627.
Gumagamit ito ng anyo ng dalít, o may sukat na wawaluhin, at ng panawagan bilang
estratehiyang panretorika. Ngunit bilang isang tulang papuri sa libro ng isang
misyonero, taglay ng pagtula ni Ossorio ang kalatas at paraan ng pahayag na
inumpisahan ni Fernando Bagongbanta. Tigib ito ng lantarang paghanga sa ginawa ni
Alonzo de Santa Ana at ng adhikang ipabása ito sa mga Tagalog upang maging
mabuting Kristiyano. Wika nga niya sa unang saknong:

Salamat nang ualang hoyang


Sa iyo Dios kong maalam
Nitong iyong auang mahal
Sa aming catagalogan.

Isang malaking biyaya daw ang libro ni Alonzo de Santa Ana dahil may aklat na
magdudulot ng wastong edukasyon sa mga Tagalog:

Nang caming manga binyagan


May basahin gabi’t, araw
Na aming pag aaliuan
Dito sa bayan nang lumbay.

Ang Tulang Tagalog ay maaliw-iw at may musika kung bigkasin . Ang


palatugmaan nito ay ganap at di-ganap. Karaniwan aanimin, wawaluhi,
lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig ang sukat ng bawat taludtod. Ilan sa mga
ito ay ang 1) ditso 2.) kantahing-bayan .

Halimbawa ng saknong mula sa isa sa tula ni Philipe de Jesus:


“Ybong camunti sa pugad
sa inang inaalagad
ay dili macalipad hanggang
sa di magcapacpac.”

“Loob ninyong masicbo


parang nigas alipato
sa alpaap ang tongo
ay bago hamc na abo.”

1. Ditso. Ito ay ang karaniwang ginagamit sa panunudyo o pangangantyaw. May isang


bata o binatang magsisimulang bumigkas sa isang lamayan o inuman.

Halimbawa:

“Akoy naglalakad
sa parting Maynila
Ako’y nakapulot
Ng isang manyika

Pagdating sa amin
aking kinastila
‘Ven aqui muchaco’
Mabuti kang bata

2. Kantahing-Bayan. Nagkaroon ng pagbabago ang mga awiting-bayan upang


maangkop sa panahon. Naging kapuna-puna ang pagpasok ng mga salitang Kastila sa
mga awitin.

Ang mga kantahing-bayan ng mga Pilipino ay karaniwang tuluy-tinig (survival) ng


dating kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Ang mga nilalaman ay nagpapakilala
ng iba’t ibang pamumuhay, pag-uugali ng mga tao, ng mga kaisipan at damdamin ng
bayan. Karaniwang mababaw ang kahulugan at payak na taludturan.

Halimbawa ng kantahing-bayan:

AWIT NG LABANDERA Tao po, Tao po


May bahay na bato
Kay-saya ng maglabandera! buksan ang bintana’t
Lumukusog ang katawan sa paghahanap ng pera tayo’y magpandango
Tayo na’t magsaya,
Iindak ang paa. Ang sagya po naming
Magpakendeng-kendeng hitso’t sigarilo
kay-saya! hindi pala hitso’t
Mga Sinaunang Tanghal o Panoorin sa Panahon ng Kastila

Ang mga sinaunang panoorin sa panahon ito ay ang: 1)Mga awit at kurido, 2)
moro-moro o comedia, 3) zarsuwela, at 4) dula.

1. Mga Awit at Kurido

Isang patulang salaysay na paawit kung basahin o bigkasin, nagkakaiba sa anyo


at sa sukat. Subalit iisa ang layunin: mapalaganap ang pananampalatayang Katoliko.

Ang awit ay may taludtod na lalabingdalawahing pantig, may kabagalan ang


bigkas; samantalang ang kurido ay wawaluhing pantig at mabilis ang bigkas. Ito ay
tinatawag na tulang maromansa. Ito ay may labindalawang pantig.

Ang tagpuan ng mga pangyayari sa salaysay ay pawing sa ibang bansa.


Pinagsamasamasama rito ang romansa, pakikipagsapalaran, kabayanihan at
kataksilan, at ang mga sangkap sa pagtakas sa karanasan ng katotohanan.

Ilan sa mga awit na nagging popular ay ang 1) Florante at Laura ni Francisco


Balagtas, 2) Prnsipe Igmidio at Prinsesa Cloriana, 3) Salita at buhay ni Mariang
Alimango, at 4) Buhay ni Segusmundo.

2. Moro-Moro o Comedia

Ang moro-moro ay isang dulang makarelihiyon na kinagiggiliwan ng mga Pilipino


noong panahon ng mga Kastila. Ang mga pangunahing tauhan ng dula ay mga
kristiyano at mga Muslim.

Nagsimula ang uri ng dulang ito noong kasalukuyang kainitan ang laban ng mga
kastila at muslim sa Mindanao. Noong Pebrero 1637, matagumpay na napabagsak ang
tropa ng muslim sa Kotabato. Ito’y sa pamumuno ni Gobernador-Heneral Sebastian H.
Cornuera.

3. Zarsuwela
Ang zarsuwela ay isang musikal o melodramang may tatlong yugto at umiikot sa
iba’t ibang paksa gaya ng pagibig, paninibugho, paghihiganti, pagkasuklam, at iba pang
masisidhing damdamin. Naglalarawan din ito ng pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino.dahil higit na makatotohanan ang paksang tinatalakay ng zarsuwela kaysa sa
moro-moro at pagkakaroon ng mga bahaging may katatawanan, nabaling ang interes
ng mga manonood sa dulang ito kaysa sa moro-moro. Dahil dito, sinasabing ang
zarzuwela ang dulang pumatay sa katanyagan ng moro-moro.

Isa sa mga nakilalang manunulat ng zarsuwela ay si Severino Reyes na kilala sa


tawag na Lola Basyang. Sinulat niya ang zarsuwelang RIP na tumutuligsa at ginawang
katawa-tawa ang dulang moro-moro.

Sa huling bahagi ng panahon ng Kastila at hanggang sa Panahon ng Amerikano,


may mga zarzuwelaang nasulat at natanghal na hayagang tumutuligsa sa mga
dayuhang mananakop at sa maling kaugalian ng mga tao noong panahong iyon gaya
ng zarsuwelang “Walang Sugat” at “Kahapon, Ngayon at Bukas.”

4. Dula

Hango sasalitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ang


layunin ng dula ay makapagbigay aliw sa mga manonood. Ang dula ay isang uri ng
sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood.

Ang mga uri ng dula sa panahon ng Kastila ay ang a) Dulang Pantanghalan,


b)Dulang Panlansangan, at c) Dulang Pantahanan.

a. Dulang Pantanghalan. Ito ay isinasagawa o tinatanghal sa pampublikong


entablado kung saan ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang emosyon
tulad ng pagkanta, pagsayaw, pagsasadula ng isang kwento at iba pa. ito ay
kahit anumang drama na sinulat bilang berso para bigkasin o isinasagawa sa
tanghalan.

b. Dulang panlansangan. Ito ay uri ng dula na ginaganap sa lansangan tulad


ng:

 Panuluyan- isa rin itong dulang panrelihiyon na isinasagawa sa gabi ng


Disyembre 24 bago magmisa de gallo. Isinasabuhay nito ang paghahanap
ng lugar na pagsisilangan kay Hesus. Ang mga bahay na malapit sa
simbahan at isang sabsabang sadyang inihanda ang tagpuan ng dulang
ito. Hanggang sa kasalukuyan ay itinatanghal ito sapagkat naging
kaugalian na. Para bagang di-ganap ang pagdiriwang ng Pasko kung
hindi mapapanood ang pagtatanghal nito.
 Moriones o Morion- dinarayo ang Marinduque dahil sa pagtatanghal ng
Moriones. Maging ang mga turista ay akit na akit sa dulang ito. Itinuturing
din itong isang dulang panrelihiyon. Nagtatanghal ang Moriones ng buhay
ni Longinus, isang bulag na Romano na hindi naniniwala kay Kristo.
Inatasan siyang sibatin si Hesus sa tagiliran at nang kanyang gawin ito ay
natilamsikan siya ng dugo sa mata at tulad ng isang himala, siya ay
nakakita. Ipinamalita ni Longinus ang pangyayaring iyon at nagalit si Pilato
kaya pinapugutan siya. Ang katawang walang ulo ni Longinus ay
ipinarada sa buong bayan. Ito ang tema ng Moriones na patuloy na
itinatanghal ng mga taga-Marinduque tuwing Semana Santa. Nagsisimula
ang pagtatanghal kung Miyerkules Santo at nagtatapos sa Linggo ng
Pagkabuhay. Ang mga kasali sa pagtatanghal ay nangakamaskara at
nakadamit santuryon, isang uri ng kasuutang angkop lamang sa nasabing
pagtatanghal.

 Salubong o Pasko ng Pagkabuhay- itinatanghal ang dulang ito sa


madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay o Domingo de Pascua. Ang
tagpuan nito ay isang sangang-daan na malapit sa simbahan. Sa
sangang-daang ito nagtagpo ang Mahal na Birhen na nakatalukbong ng
itim na belo. Ang itim na belo ay aalisin ng mga anghel na ginagampanan
ng maliliit na batang babae. Ang pag-aalis na ito ng belong itim ay
sumasagisag sa pagbababang luksa ng Mahal na Birhen sapagkat
nabuhay nang muli si Hesus. Ang tagpong ito ay paulit-ulit na ginagawa
taun-taon ng mga Katoliko. Ang salubong ay isang palatandaan na ang
Mahal na Araw o Semana Santa.

 Tibag- ito ay isang dulang patulang panrelihiyon na itinatanghal kung


buwan ng Mayo. Ang mga pangunahing tauhan sa dula ay si Reyna Elena
at ang kanyang anak na si Constantino. Ito ay pumapaksa sa paghahanap
sa Krus na pinagpakuan at kinamatayan ni Hesukristo. Natagpuan ang
Krus sa Temmplo ni Venus sa Kaharian ng isang Sultang Muslim. Ang
pagbabalik sa Roma ng mag-ina (Reyba Elena at Constantino) na kasama
ang kanilang mga bihag ay siyang pinagmulan ng kaugaliang Santa
Cruzan na ginagawa ng mga Katoliko kung buwan ng Mayo.

 Santacruzan- ito ay nanggaling sa tibag. Ginaganap ito tuwing buwan ng


Mayo upang alalahanin ang pagkakuha ni Reyna Elena ng krus ni Kristo.
Inaawit ang “Dios de Salve” at “Krus na Mahal” sa prusisyon. Ang
prusisyon ay nagsisimula at natatapos sa simbahan.

 Pangngaluluwa- ibinibilang din itong isang dulang panrelihiyon na


ibinatay sa isang kaugaliang paulit-ulit na isinasagawa dahil sa paniniwala
na ikinintal sa ating isipan ng mga Kastila noong panahon ng kanilang
pananakop. Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Patay, sa gabi ng Oktubre
31 ay nagbabalik diumano ang kaluluwa ng mga namatay sa piling nating
mga buhay na kamag-anak nila. Naggala raw ang mga kaluluwa sa
bahay-bahay upang dumalaw sa kanilang mga kamag-anak na
nabubuhay. Ang paggagala ay ginagawa ng mga kabataan na siyang
mnagkukunwang mga kaluluwa.

c. Dulang Pantahanan. Nanatili pa rin sa panahon ng kastila ang mga


kinagisnang kaugalian ng mga ninunong Pilipino gaya ng mga seremonya at
ritwal sa pagkamatay ng isang tao. Bahagi ng seremonyang ito ang paglalaro ng
karagatan at duplo na karaniwang ginagawa sa huling araw ng pasiyam o
pagtatapos ng padasal para sa namatay.

 Pamanhikan- ito ay isang katangi-tanging tradisyon ng mga tagalog. Ito’y


tungkol sa pag-ibig, pagliligawan at pagpapakasal. Ang pagpapalabas nito’y
maaaring abutin ng lingo o buwan. Nahahati sa tatlong bahagi ang
pamamanhikan: 1) bulong, 2) kayari, at 3) dulog.

 Karagatan- ito ay isang larong patula ng mga dalaga at binata. Ang larong
ito ay nagsimula sa isang alamat na pumapaksa sa nawawalang singsing ng
prinsesa na nahulog sa karagatan. Ang sinumang binate na makakasisid o
makakakuha ng singsing ay siya ang gagantimpalaan ng pag-ibig ng
prinsesa. Ang bawat binatang kalahok sa gagawing pagsisid ay sasali muna
sa sunod-sunod na pagtula. Ang binatang makakukuha ng singsing ang
maghahandog ng singsing sa prinsesa. Ang bahaging ito ang kasukdulan ng
larong karagatan sapagkat may pagkakataong bago tanggapin ng prinsesa
ang singsing mula sa binatang nakasisid nito ay idinadaan pa ang binate sa
isang pagsubok. Bumibigkas ang Prinsesa ng mga talinghaga, bugtong, at
may ipinasasagot pang mga tanong ng Prinsesa. Ang pagtanggap sa
singsing mula sa binata ay nangangahulugan ng pagtanggap niya sa pag-
ibig ng binate na karaniwan naming nanliligaw sa Prinsesa. Ang tema
samakatwid ng karagatan ay pagliligawan.
Ilang halimbawa ng saknong sa Karagatan:

Dalaga: Ikaw nga ang unang napili ng Diyos


Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit hindi upang siyang maging irog
Kundi idaan lamang muna sa pagsubok

Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito


At singsing kong ito ay nang maangkin mo
Sa singsing na itong linso’t walang bato
Turuan mong simula at ang wakas nito.

Ang sinumang binatang nakasagot ng tama sa unang tanong ng dalaga ay hindi


nanggangahulugang nagtagumpay na siya sapagkat siya ay kailangang dumaan pa sa
tatlong pagsubok

Dalaga: Kung gayon ito naman ay tugunin


Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi tumatapon, walang ligwak ito?

Binata: Sa abot ng isip narito ang tugon:


Tubig, bato’t tao, ang lahat sa mundo
Ay hindi tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang malaki’t mabisang magneto
Hinihigop nito lahat ng narito
At sa kalawaka’y di tayo tutungo

Ang pagtatalong ito ay maaring humantong sa pagsusuyuan o kundi man sa pag-ibig na


nauwi lahat.

Basahin at unawain ang kahulugan ng pahayag ng dalaga.

Dalaga: Ay saying! Sayang na pag-ibig


Sayang na singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lang ang siyang sisisid
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.
 Duplo- kagaya ng karagatan, ito ay isinasagawa rin sa pamamagitan ng
patulang pagtatalo. Kung sa Karagatan ang higit na pinahahalagahan ay ang
katalasan ng isip sa pagsagot sa mga palaisipan, sa duplo naman ay ang
kahusayan sa paghahabi ng mga taludtod.

Ito ay karaniwang ginagawa sa isang maluwang na bakuran ng namatayan. May


mga hilera ng mga upuan para sa mga babae at lalaki. Ang mga babaeng kasali ay
tinatawag na belyaka at belyako naman sa mga lalaki. May magsisilbi ring hari na
magpapasimula ng laro at berdugo na magpaparusa sa mga natalong kasali.

Sisimulan ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagbibintang ng hari sa mga


ksaling belyaka o belyako na ninakaw nito ang ibon ng kanyang asawang reyna. Ang
napagbintangan ay dapat na ipagtanggol ang kanyang sarili o ibintang sa ibang
kasaling belyako o belyaka. Kadalasan ang pagsasagutan ay nauuwi sa pagpapahayag
ng sinta ng belyako sa belyaka.

Nasusubok sa duplo ang katalasan ng pag-iisip, ang husay sa pagpapatawa at yaman


sa pananalita.

 Juego de Prenda– ang larong ito ay karaniwan di gingawa bilang libangan o


pampalipas oras habang naglalamay sa patay. Ito ay bukas sa lahat ng mga
taong gustong sumali , lalong kalugud-lugot kung marami ang kasali.

Ang mga babaing kasali sa larong ito ay binabansagang ng pangalan ng mga


bulaklak,punongkahoy naman para sa mga kasaling kalalakihan. Sinisimulan ito sa
paghahanap ng hari sa kanyang alagaang ibon gaya halimbawa ng:

Hari: Ang aking alagang ibon, nakita akong lumipad at


Dumapo sa bulaklak ng rosalo

Rosal : Wala po rito , lumipad at dumapo sa punong


Akasya.

Kapag hindi kaagad nakasagot ang akasya o kaya’y nagbanggit ng pangalan ng


bulaklak o punongkahoy na hindi kasama. O kaya’y natanggal na sa laro, siyay
kinakailangang magprenda o magsangla ng anumang bagay sa hapag ng hari gaya ng
abaniko, kuwintas , pulseras o anumang mahalang bagay . Para muling makuha ang
isinanlang, kailangan munang dumaaan sa parusa ng hari gaya ng pagtula,
pagsasayaw o pagsunod s autos . Kapag hindi sumunod sa parusa , iilitin ang kanyang
isinala at kailangang ito’y tubusin ng pera . Ang perang matitipon sa prendahan ay
iniaabuloy sa namatayan.

You might also like