Message

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

110 Nainip sa kahihintay, ang Berbanyang kaharian

Ama'y hindi mapalagay, lumubha ang karamdaman

111 Ibig nyang ipahanap, ngunit nag aalapaap

Utusan ang bunsong anak, sa takot na mapahamak

112 Saka hindi nya nais, itoy malayo sa titig

Ikawalay nitong saglit, libo nyang dusa't sakit

113 Si Don Juan naman pala'y naghintay lang sa ama

Ang puso ay nagdurusa sa nangyari sa dalawa.

114 Lalo nang iniluluha, ang lagay ng amang mutya

Kaya nga baat nagkusang, lumapit nang pakumbaba

115 Ama ko'y iyong tulutan, ang bunso moy magpaalam

Ako ang hahanap naman, ng iyo pongkagamutan

116 Ngayon po'y tatlong taon na di nagbabalik sila

Labis ko pong alaalang ang sakit moy lumubha pa

117 Bunsong anak kong Don Juan, ang sagot ng Haring mahal

Kung ikaw pa'y mawawalay, ay lalo kong kamatayan

118 Masaklap pa sa pusot dibdib, iyang gayak mong pag alis

Hininga ko'y mapapatid, pag nawala ka sa titig

119 O, ama kong minamahal, muling samo ni Don Juan

Sa puso ko nama'y subyang, malasin kang nararatay

120 Kaya po,. kung pipigilin, itong hangad kong magaling

Di ko naging sala manding, umalis na nang palihim

121 Sa ganitong napakinggan, Hari'y biglang natilihan

Natiyak na magtatanan, ang prinsipeng si Don Juan

122 Kaya tinik man sa puso, sa hiling ng mutyang bunso

Ama ay nagwalang kibot, ang luha ay pinatulo

123 Si Don Jua'y lumuhod na, sa haring may bagong dusa

BEndisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata

124 Ang bendisyo'y iginawad na, ang luhay nalaglag

Gayundin ang inang Liyag, kalungkutan ay di masukat


125 Anhi'y huwag nang bitiwan, ang anak na mawawalay
Ang palasyo ay namanglaw nang wala na si Don Juan

126 Di gumamit ng kabayo sa paglakbay na ito, tumalaga nang totoo sa hirap ng


matatamo.

127 Matiba'y ang paniwala di hamak magpakababa, pag matapat ka sa nasa umaamo ang
biyaya.

128 Baon ay limang tinapay, siya kaya ay tatagal? ngunit para kay Don Juan, gutom
ay di kamatayan.

129 Habang kanyang binabagtas ang parang malalawak, sa puso ay nakalimbag ang
birheng inang marilag.

130 Hinihinging patnubayan ang ulilang paglalakbay, hirap nawa'y matagalan sa pag-
ibig sa maguang.

131 At makita ang kapatid na laon nang nawawaglit; anuman ang napagsapit nawa'y
ligtas sa panganib.

132 Tuwing magkaisang buwan na paglalakad sa parang saka lamang naiisipang kanin
ang isang tinapay.

133 Gutom ay di alintana lakas nama'y walang bawa; ang nakain nama'y apat sa
tinapay na tumigas

134 Apat na buwan nang ganap ang haba ng nalalakad, ang nakain nama'y apat sa
tinapay na tumigas

135 Sinapit Ding maginhawa ang landas na pasalunga; si Don Jua'y lumuhod na't
lumawag sa Birheng Maria.

136 "Ako'y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan nang akin ding matagalan itong
matarik na daan!"

137 Nang sa birhe'y makatawah ay sandaling namanatag, lubusang nagpasalamat sa


Diyos Haring Mataas.

138 Sa baong limang tinapay ang natira'y isa na lang, di rin niya gunam-gunam na sa
gutom ay mamatay.

139 Landas na sasalungahin inakyat nang walang lagim; sa itaas nang dumating
katuwaa'y sapin-sapin.

140 Doo'y kanyang natgpuan isang matandang sugatan, sa hirap na tinataglay lalambot
ang pusong bakal.

141 Ang matanda ay leproso sugatan na'y parang lumpo halos gumapang sa dama't kung
dumaing...Diyos ko!

142 Ang matandang may dusa, "Maginoo, maawa ka, kung may baon kayong dala ako po ay
limusan na.

143 "Parang habag na ng Diyos tulungan na ang may lunos kung sa sakit ko'y matubos
ako nama'y maglilingkod."

144 Sagot nitong si Don Juan " Ako nga po ay mag taglay, natirang isang tinapay na
baon sa paglalakbay."

145 Sa lalagya'y dinukot na yaong tinapay na dala, iniabot nang masaya sa matandang
nagdurusa.

146 Kaylaki ng katuwaan ng matanda kay Don Juan halos ito'y kanyang hagkan sa ganda
ng kalooban.

147 Muli't muling pasalamat ang masayang binibigkas, at sa nais makabayad sa


prinsipe'y nagpahayag

148 "Huwag maging di paggalang, ano po ang inyong pakay? Ako po ay pagtapatan, baka
kayo'y matulungan."

149 "Kung gayon po ay salamat, hari na ngang maging dapat, ang dito po ay aking
hanap sa ama ko ay panlunas."

150 "Ama ko po'y nakaratay sa malubhang karamdaman, ibong Adarna nga lamang ang
mabisang kagamutan.

151 "Bukod dito'y may isa pa, ngayong po'y tatlong taon na, ang kapatid kong
dalawa'y nawawala't di makita."

152 "Aba naku, O Don Juan!" anang matandang nalumbay; "malaki pang kahirapan ang
iyong pagdaraanan."

153 "Kaya ngayon ang bilin ko ay itanim sa puso mo, mag-ingat kang totoo at nang di
ka maging bato.

154 "Sa pook na matatanaw ay may kahoy kang daratnan, dikit ay di ano lamang
kawili-wiling titigan.

155 "Doo'y wag kang titigil at sa ganda'y mahumaling, sapagkat ang mararating ang
buhay mo ay magmaliw.

156 "Sa ibaba'y tumanaw ka may bahay na makikita; Ang naroroong tao'y siyang
magtuturo sa Adarna.

157 "Itong limos mong tinapay dalhin mo na, O Don Juan nang mabaon mo sa daan
malayo ang paroroonan."

158 Ang prinsipe'y di kumibo ngunit nasaktan ang puso; ang matanda'y hinuhulo baka
siya'y binibiro

159 Pagkakuwan ay nagbadya. "Maginoo, bakit po ba't iya'y ibabalik mo pa gayong


naibigay ko na?"

160 "Ugali ko pagkabata na maglimos sa kawawa, ang naipagkawanggawa bawiin pa'y di


magawa."

161 Pinipilit ding ibigay ang limos niyang tinapay; sa pagtanggi ni Don Juan sa
pagtanggi ni Don Juwann ang matanda ay nilisan.

You might also like