Araling Panlipunan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Saysay ng

9
Ekonomiks
Modyul sa ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1 ● Module 3

MARCIANA A. AGLOLO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN: _____________________________ ISKOR: ____________________


GURO: ____________________ BAITANG AND SEKSYON: _________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City

Published by:
DepEd Schools Division of Baguio City
Curriculum Implementation Division

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


(COPYRIGHT NOTICE)
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) – Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa
layuning pang-edukasyon at maaaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito.
Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang
karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng
anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division


partikular ng Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng
Edukasyon, Dibisyong Pampaaralan ng Lungsod ng Baguio bilang pagtugon sa
implementasyon ng K to 12 Curriculum.
Ang kagamitang ito para sa pagkatuto ay pag-aari ng Kagawaran ng
Edukasyon- CID, Dibisyong Pampaaralan ng Lungsod ng Baguio. Ito ay may layuning
mapaunlad ang pagganap ng mga mag-aaral partikular sa Araling Panlipunan.

Petsa ng Paglinang : Hunyo 2020


Lokasyon ng Kagamitan : Dibisyon Pampaaralan ng Lungsod ng Baguio
Saklaw ng Pag-aaral : Araling Panlipunan
Baitang :9
Uri ng Kagamitang Pampagkatuto : Modyul
Wika : Filipino
Markahan/Linggo : Unang Markahan/IkatlongLinggo
Pamantayan sa Pagkatuto/Code : Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa
pagkonsumo (AP9MKE-Ih-16)
PASASALAMAT
Taus-pusong pasasalamat ang ipinagkakaloob ng manunulat ng modyul na ito
sa mga sumusunod na personalidad sa kanilang ibinigay na komento, karagdagang
impormasyon at paggabay sa ikapagtatagumpay ng paggawa nito: Una kay Dr.
Marina Tabangcura, Education Program Supervisor ng Baguio City sa Araling
Panlipunan; Gng. Virginia T. Ulatan, Ulong-guro ng Departamento ng Araling
Panlipunan ng Pines City National High School; at Gng. Geraldine D. Sumipit, School
Learning Resource Coordinator.
Pasasalamat din ay ipinararating sa pamilya ng manunulat sa suporta at pang-
unawa.
Higit sa lahat, papuri at pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya at
pagpapala.

Development Team
Developer: Marciana A. Aglolo
Illustrator:

School Learning Resources Management Committee


Whitney A. Dawayen Secondary School Principal III
Virginia T. Ulatan Head Teacher Vi-Araling Panlipunan
Geraldine D. Sumipit School LR Coordinator

Quality Assurance Team


Marina D. Tabangcura EPS-Araling Panlipunan
Santiago L. Bugtong PSDS-West Baguio Central District (Sec)

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS-LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II-LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II-LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor-CID

SORAYA T. FACULO, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Karapatang Sipi ………………………………………………….……...….…. 2
Paunang Salita ….………………………………………………...…….……. 3
Pasasalamat …..………………………………………………. …….…......... 4
Talaan ng Nilalaman ….……………………………………….……. ………. 5
Alamin ………………………………………………………………………. 6
Mga Layunin
Subukin …………………………………………………………….…………. 7
Balikan …………………………………………………………………………. 9
Tuklasin ……………………………………………………………………….. 10
Suriin ..…………………………………………………………………………. 11
Pagyamanin ..…………………………………………………….…………… 14
Gawain 1………………………………………………………………… 14
Pagtataya 1……………………………………………...……………… 14
Gawain 2 ……………………………………………………………… 15
Pagtataya 2………………………………………………...…………… 15
Gawain 3 …..…………………………………………………………… 16
Pagtataya 3……………………………………………...……………… 16
Isaisip …….. …………………………………………………………………… 16
Isagawa . ……………………………………………………………….……… 17
Tayahin……… …………………...…………………………………………… 18
Karagdagang Gawain………………………………………….……………… 20
Susi sa Pagwawasto…..………………………………………………………. 21
Talasanggunian ….……………………………………………...…….…….… 22
Saysay ng Ekonomiks
Modyul sa ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1 ● Module 3

MARCIANA A. AGLOLO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang lubos mong matanto ang


kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng tao mula sa personal hanggang sa
pangmalawakang perspektibo. Hangad ko na lubos mong maunawaan ang
mga isyung pang-ekonomiko sa ating pamilya, lipunan, pamilihan at bansa.
Sa pangkalahatan, itong modyul ay naglalayong maipamalas mo ang
pang-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks at maisabuhay mo
ang mga ito bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang pinakatiyak na kasanayan sa pagkatuto na dapat malinang sa iyo
ay mataya mo ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2).
Ang modyul na ito ay karugtong ng ikalawang modyul. Ito ay
naglalaman ng mga gawain at paliwanag hinggil sa kahalagahan ng
ekonomiks sa larangan ng maykroenokonomiks at makroekonomiks. Ang
mga gawain at paliwanag ay kailangan mong gawin at basahin nang buong
puso upang makamit mo ang inaasam nating pagkatuto at mapahalagahan
at maisabuhay mo ito bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang mga sumusunod na
layunin:
1. nakapaglalahad ng sariling paninindigan at reaksyon sa mga isyung
pang-ekonomiya sa lipunan at bansa;
2. nakapagbibigay ng sariling pagsusuri sa mga isyung pang-ekonomiko
sa pamilya, lipunan, pamilihan at bansa;
3. naisusulat kung paano pahahalagahan ang ekonomiks sa buhay ng
tao; at
4. nakabubuo ng islogan bilang aplikasyon at pagpapahalaga sa
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Inaasahan ko na makakamit mo ang mga nasabing layunin sa loob ng


isang linggo o tatlong oras. Sana ay magkaroon ka ng iskedyul upang magawa
mo ito nang tama at naaayon sa nakatakdang oras.

Dagdag na panuto: Sa pagsagot sa mga gawain, maaaring gumamit ng


hiwalay na papel para sa mga sagot kung online na naipadala at wala kayong
printer. Pero kung may printer kayo, pwede mong i-print at isulat sa mismong
kopya ang mga sagot mo. Kung hard copy ng modyul ang natanggap mo,
isulat mo sa mismong modyul ang mga sagot mo. Huwag kalimutang sulatan
ng pangalan at seksyon ang mga gawain bago ipasa.
Subukin

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, nais ko munang sagutin mo ang


paunang pagsasanay upang magsilbing gabay sa akin at sa iyo kung anu-
ano ang ating pagtutuunan ng pansin.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan bago ito sagutin.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______1. Paulit-ulit na sinasabi na dapat maging matalino ang mga tao sa


pagdedesisyon dahil malaki ang epekto nito sa buhay ng tao at ekonomiya ng
bansa. Bilang isang mag-aaral, paano ka dapat magdesisyon?
a. Magdesisyon batay sa kinagisnang tradisyon, kultura at paniniwala
b. Magdesisyon nang may pananampalataya sa Maykapal na Siya ang
bahala
c. Magdesisyon ayon sa tamang pangangatwiran at pagsaalang-alang sa
sa opportunity cost, incentives at marginal thinking
d. Laging mag-trade-off dahil hindi lahat ng bagay ay pwedeng piliin sa
isang pagkakataon
_______2. Ang Pilipinas na isang agrikultural na bansa ay nagkukulang pa rin
sa suplay ng bigas. Pinatutunayan ito ng pag-aangkat ng bigas ng Pilipinas
mula sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Ano sa tingin mo ang dahilan
ng suliraning ito?
a. Marami masyado ang populasyon ng Pilipinas kaya ang suplay ng bigas
ay hindi sapat
b. Laging dinadaanan ng bagyo ang Pilipinas na sanhi ng pagkasira ng
mga palayan at pagbaba ng ani
c. Binibigyang-pansin ng Pilipinas ang industriyalisasyon kaysa sa
pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura
d. B at C
_______3. Kasama rin ang family planning sa mga isyung may kinalaman sa
ekonomiya ng bansa. Isinusulong ng estado ang family planning subalit
umaalma ang simbahan sa usaping ito. Paano nakakaapekto ang populasyon
sa ekonomiya ng bansa?
a. Kapag malaki ang populasyon, maraming lakas-paggawa na
makatutulong sa paglago ng bansa.
b. Kapag kaunti ang populasyon, kaunti ang lakas-paggawa na
makakaapekto sa paghina ng ekonomiya
c. Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ay nagdudulot ng kahirapan
dahil sa dami ng serbisyong kinakailangan ng mga bata
d. Negatibo ang dulot ng populasyon sa ekonomiya dahil kulang ang mga
likas na yaman na tutugon sa pangangailangan ng tao.

_______4. Ang pag-iimpok ng salapi ay kailangang isagawa ng isang mag-aaral


para sa kanyang kinabukasan subalit sinasabing hindi raw ito nakatutulong
sa pag-unlad ng bansa dahil nababawasan ang pera sa sirkulasyon. Paano
tayo dapat mag-impok na hindi nakasasama sa ekonomiya?
a. Ilagay sa alkansya ang ipon at panatilihin doon ng mahigit isang taon
b. Ibigay sa magulang ang pera para siguradong hindi magastos
c. Ilagay sa bangko o kooperatiba ang pera para kumita
d. Ipahiram ang pera na may interes para sa mas malaking kita
_______5. Sa mga usapin hinggil sa pagtaas ng tuition fee ng mga pribadong
paaralan at kolehiyo, nararapat ba ito?
a. Oo dahil ang pagtaas ng bayarin ay para sa sahod ng mga guro at
manggagawa ng paaralan
b. Oo dahil ito ay para sa ikabubuti ng nagmamay-ari ng paaralan
c. Depende kung ito ay para sa pagpapabuti sa mga pasilidad at pasahod
o para lamang kumita ang nagmamay-ari
d. Hindi dahil maraming mag-aaral ang hindi makakapag-aral
________6. Ang Pilipinas ay nagbukas sa kalakalang pandaigdig. Maraming
produktong dayuhan ang nasa ating pamilihan. Paano ito nakaaapekto sa
ating ekonomiya?
a. Lumakas ang kalakalan dahil pantay ang export at import ng Pilipinas
b. Masaya ang mga lokal na prodyuser dahil mas tinatangkilik ng mga
Pilipino ang kanilang produkto kaysa sa mga imported
c. Lumalago ang ekonomiya dahil sa taripa na binabayaran ng mga
bansang nagluluwas sa Pilipinas
d. Humihina ang lokal na ekonomiya dahil sa pagdagsa ng mga murang
produkto mula sa ibang bansa
_______7. Sa usapin ng makroekonomiks, pinag-uusapan ang kabuuang
ekonomiya. Ayon sa mga balita, apektado ang ekonomiya ng lahat ng mga
bansa dulot ng COVID-19. Paano naapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas
dulot ng nasabing pandemya?
a. Maraming OFW’s ang pinauwi dahil sa pagsasara ng kanilang
pinagtatrabahuan
b. Umuutang muli ang Pilipinas para matustusan ang mga
pangangailangan ng bansa sa pagharap ng hamon ng COVID-19
c. Nawalan ng hanapbuhay ang maraming Pilipino
d. Napupuno na ang mga ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19
_______8. Ang pagkanasyonalismo o pag-ibig sa bansa ay isang katangian na
dapat taglayin ng mga Pilipinong nag-aaral ng ekonomiks. Paano mo ito
dapat isagawa bilang isang kabataan?
a. Manood ng mga tele-nobela ng South Korea dahil nagpapakita ito ng
maganda nilang kultura
b. Gayahin ang pagmamahal ng mga Hapones sa kanilang bansa gaya ng
pagsasara nila sa mga dayuhan noon
c. Suportahan ang mga lokal na prodyuser sa pamamagitan ng pagbili ng
kanilang mga magagandang produkto
d. Kumain palagi ng hamburger at fries sa halip na suman at nilagang
mais
_______9. Natututo ang mga mag-aaral na pahalagahan ang pangangailangan
kaysa sa kagustuhan sa asignaturang ekonomiks. Paano mo ito isasabuhay?
a. Pagbili ng pagkain bago ang paglalaro ng ML
b. Pag-ehersisyo sa gym para lumakas ang katawan
c. Pagsagot sa mga modyul pagkatapos manood ng teleserye
d. Pag-inom ng soft drinks araw araw
_______10. Ang mga isyung pang-ekonomiya ay mauunawaan ng mga mag-
aaral ng ekonomiks. Bawat isyu ay may epekto sa ating buhay. Alin sa mga
sumusunod ang halimbawa nito?
a. Pagtaas ng presyo ng langis na nagbunga ng pagtaas ng ibang bilihin
b. Pagdagsa ng mga lokal na produkto dahil sa pagsasara ng Pilipinas sa
kalakalang panlabas
c. Paglaganap ng sakit na bunga ng maruming paligid
d. Pagkakaisa ng mga tao kaya pantay-pantay ang katayuan sa lipunan
_______11. Mauunawaan din natin sa ekonomiks na mahalagang gampanan
ang mga tungkulin upang makatulong sa pag-unlad ng bayan. Alin ang
halimbawa ng tungkulin ng isang kabataan?
a. Maghanap ng mapapangasawa upang bumuo ng pamilya
b. Pakipagkaibigan upang matugunan ang pangangailangang panlipunan
c. Sumunod sa batas at mga patakaran ng lipunan
d. Sumali sa mga rally upang magkaroon ng academic freeze
_______12. Ang maykroekonomiks ay nakatuon sa galaw ng mga konsyumer
at prodyuser sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang tamang
paglalarawan sa kaganapan sa pamilihan?
a. Nag-aagawan ang mga tindera ng mga mamimili dahil pare-pareho ang
kanilang paninda
b. Ang presyo ng paninda ay nakasalalay sa dami ng suplay/produkto at
dami ng mamimili
c. Madaling idekta ng mga nagtitinda ang presyo dahil gusto nilang
kumita
d. Ang mga konsyumer ay makapangyarihan sa pamilihan dahil
“costumer is always right”
______13. Sa tulong ng ekonomiks, mauunawaan mo rin ang galaw ng ating
mga pulitikal na lider upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan. Sa naganap na SONA ni Pangulong Duterte, paano niya
inaaksyunan ang naturang suliranin?
a. Paghikayat sa mga LGU at mamamayan na magkaisa sa ilalim ng
“Bayanihan to Heal as one Act”
b. Pagpapatupad ng mass testing sa mga mamamayan upang malaman
ang dapat isailalim sa quarantine
c. Pagkakaloob ng SAP sa mga pinakamahihirap na pamilya sa
pamamagitan ng DSWD
d. Pagpapatuloy sa paggawa ng mga expressways bilang investment ng
bansa
______14. Kailangan nating magpatuloy sa buhay sa kabila ng nagaganap na
pandemya. Umaaksyon ang pamahalaan upang tulungan ang mga maliliit
na negosyante at muling buhayin ang ekonomiya. Ang mga sumusunod ay
ilan sa mga aksyong ito maliban sa isa. Ano ito?
a. Paghingi sa mga loaning institutions na magbigay ng mababang interes
sa pautang
b. Pagpapalawig sa bayanihan lalo na sa mga nagpapaupa upang
magbigay sila ng grease period sa pagbabayad ng upa ng mga umuupa
c. Pagbibigay ng zero interest loans sa mga maliit na negosyante
d. Paghikayat sa pagbubukas ng turismo para sa mga lokal at
internasyonal na turista.
_______15. Maraming nagsasagawa ng rally dahil sa mababang pasahod lalo
na tuwing Mayo Uno ng bawat taon. Ang sabi ng ilang negosyante ay hindi
nila kayang ipagkaloob ang mga kahilingang pataasin ang sahod maliban
lamang kung magbabawas sila ng manggagawa. Ano ang implikasyon nito
sa mga naghahanapbuhay o manggagawa?
a. Maraming aalis sa kanilang trabaho dahil sa mababang pasahod
b. Magtitiis ang mga manggagawa sa maliit na sahod kaysa sa mawalan
ng trabaho
c. Madadagdagan ang bilang ng mga nagwewelga bawat taon
d. Maraming nagsisikap na mag-aral para makapasok sa maayos na
trabaho

Balikan
Natutunan mo sa nakaraang modyul na mahalaga ang ekonomiks sa
buhay ng bawat isa dahil natututo tayo na pahalagahan ang mga bagay na
mas mahalaga kaysa sa kagustuhan. Kinakailangan nating unahin ang mga
bagay na nagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan sa atin bago ang mga
bagay na nagbibigay lamang ng kaginhawaan at kasiyahan. Kapag marunong
ang tao na mag-prayoridad sa kanyang mga pangangailangan, nakatutulong
tayo upang maiwasan ang suliranin ng kakapusan at kakulangan. Ibig
sabihin, natututo tayong makuntento sa mga bagay na meron tayo at inaalala
rin natin ang tamang paggamit ng limitadong yaman.
Sa kasamaang palad, laganap ang mga suliranin ng kakapusan at
kakulangan na pinatutunayan ng lumalaganap na kahirapan sa bansang
Pilipinas. Malawak ang agwat ng mga maykaya at mahihirap. Maraming
walang trabaho at mataas ang presyo ng mga bilihin. Mahirap ihanap ng
kalutasan ang mga nasabing suliranin dahil na rin sa kamangmangan
tungkol sa ekonomiya ng mga maraming mamamayan at ng ilang pinunong-
bayan.
Nauunawaan mo ba ang mga isyung pang-ekonomiya na nagaganap sa
Pilipinas at sa ating lipunan? Bakit nagaganap ang mga nasabing suliranin?
Ang sisi ba ay para lamang sa mga lider natin? Paano tayo dapat kumilos
bilang mga mag-aaral ng ekonomiks?
Ang mga nasabing katanungan ay masasagot sa tulong ng mga gawain
at babasahin sa modyul na ito.

Sige magpatuloy ka.

Tuklasin
Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa iyong kaalaman tungkol
sa kahalagahan ng ekonomiks mula sa maliit hanggang sa malawak na
saklaw. Basahin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong
tanong pagkatapos.

GAWAIN: BALITANG BAGUIO, SUSURIIN KO

Pagpuputol ng puno sa Baguio City


para sa pagpapatayo ng gusali inalmahan
Maira Wallis, ABS-CBN News
Posted at Jun 29 2020 05:56 PM

 Save Baguio City- Patuloy ang petisyon laban sa pamumutol ng 54 na puno sa Outlook Drive
para bigyang-daan ang pagpapatayo ng isang gusali ng condominium developer na Vista Residences
Incorporated.
Hunyo 24 nang i-post ng taga-Baguio na si Jaja Marquez ang pamumutol ng puno sa purok
3. "Naiyak ako kasi parang dati sabi nila noong nagkaroon ng coronavirus mas nakapagpahinga 'yung
nature natin pero hindi rin eh. Parang sa isang iglap mapuputol 'yung 54 na puno . Saan naman ang
puso niyo di ba?" ani Marquez sa naturang post.
Ayon sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay nasa 30 na ang naputol
na puno. Giit ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Cordillera director Ralph
Pablo, dumaan sa proseso ang pagkuha ng mga dokumento ng kompanya.
"Meron tayong existing policy nga diyan na private property 'yan eh. Bumili sila ng lote tapos hindi nila
i-develop? Paano naman 'yung investment ng tao eh private property 'yan so you can do what you want
in a private property."
Nagkasa ng online petition ang environmentalist na si Dr. Michael Bengwayan laban sa
pamumutol ng puno. Apela niya kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ihinto ang pamumutol ng
mga puno sa Outlook Drive.
Inilahad naman ni Zenaida Baoanan, biology professor ng UP Baguio, ang mga dahilan kung
bakit hindi dapat hayaang maputol ang mga puno. "Kailangan natin ang hangin na nanggagaling sa
mga puno na ito at saka 'yung carbon dioxide din na nanggagaling sa mga tao at sa paligid ay ina-
absorb din 'yan ng mga puno kaya importante na ma-regulate nila ang ating klima," ani Baoanan.
Umapela rin si Baoanan kay Magalong. "Bilang ama ng siyudad , naniniwala tayo na may magagawa
siyang paraan para mapigil ang mga pagputol ng puno," aniya.
Giit naman ng alkalde, hindi niya alam ang pamumutol ng mga puno. "I was not informed about
the tree cutting. I was not even informed about the permit that was issued. We were not provided a
copy... Ang binanggit nila sa akin according to regional director Ralph [Pablo], dumaan naman sa
tamang proseso. Unang-una, it is a private property and according to law, the proper owner can actually
possess it," ani Magalong. Imbes na 100 puno ang kapalit ng bawat punong pinutol, ipinag-utos ni
Magalong na gawin itong 200.
Ayon naman sa Vista Residences, mismong DENR ang nagbigay sa kanila ng
special private land timber permit.

Halaw sa: https://news.abs-cbn.com/news/06/29/20/pagpuputol-ng-puno-


sa-baguio-city-para-sa-pagpapatayo-ng-gusali-inalmahan noong Hulyo 25, 2020

Pamprosesong Tanong: Sagutin ang mga katanungan hinggil sa balitang


binasa. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan. 2 puntos bawat aytem

1. Hinggil saan ang laman ng balita? __________________________________


____________________________________________________________________
2. Bakit pinuputol ang mga puno sa Outlook Drive? ___________________
____________________________________________________________________
3. Bakit may mga grupo at taong nagpepetisyon laban sa pamumutol ng
puno? _____________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Bakit pumayag ang DENR na isagawa ng Vista Residences ang
pamumutol ng mga puno? __________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Paano tinugunan o tinutugunan ni Mayor Magalong ang nasabing isyu
ng pamumutol ng puno? ____________________________________________
____________________________________________________________________
6. Kung ikaw ang nasa panig ng DENR, papayagan mo ba ang pagputol
ng mga puno ng Vista Residences dahil sa kanila ang lupa? Panindigan
ang sagot. __________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang pagsusuri sa
gawaing iyong isinagawa. Isulat ang sagot sa patlang na nailaan.
1. Sa usaping pangkapaligiran, anu-ano ang mga epekto ng pamumutol ng
puno?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Sa usaping pang-ekonomiya, bakit puputulin ng Vista Residences ang mga
puno?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang tatanungin, alin ang mas matimbang sa iyo - usaping
pangkapaligiran o usaping pang-ekonomiya? Panindigan ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ngayon naman ay masdan mo ang larawan sa ibaba at basahin mo ang
mga sumusunod na talata para magkaroon ka ng karagdagang ideya kung
anu-ano ang mga isyung may kinalaman sa ekonomiks at kung gaano
kahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga ito sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay.

Ang kita, utang, pag-iimpok, buwis, presyo, palitan ng pera, paglago


o pagbagsak ng kabuhayan, pamamahala ng bayarin ay ilan sa mga usapin
sa ekonomiks. Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawa- ang maykroekonomiks
at makroekonomiks.
Ang maykroekonomiks ay ang pag-aaral ng galaw ng ekonomiya
kaugnay ng maliit na kalakalan. Ito ang mga gawaing pang-ekonomiya ng
bawat konsyumer, prodyuser at mangangalakal. Nauukol din ito sa pag-aaral
ng mekanismo ng maliliit na yunit ng isang ekonomiya tulad ng sambahayan,
kompanya at pamilihan. Nakatuon ang pagsusuri nito sa suplay at demand.
Ang buong detalye nito ay ating pag-uusapan sa ikalawang markahan.
Ang makroekonomiks naman ay ang pag-aaral ng kabuuang
ekonomiya ng bansa. Tumutukoy ito sa pamamahala ng kita, gastos at
pinagkukunang-yaman ng bansa. Sakop din nito ang kabuuang takbo ng
mga pambansang produkto. Kabilang sa mga suliraning sinusuri sa
makroekonomiks ay ang implasyon, paggawa o empleyo, pambansang kita at
kaunlaran, GNP at GDP at pananalaping pandaigdig. Ito naman ay lubos
mong mauunawaan sa ikatlong markahan.
Marahil itinatanong mo sa iyong sarili, bakit kailangang pag-aralan mo
ang ekonomiks? Ano ang magagawa nito sa iyong buhay?
Sa ekonomiks, mauunawaan ang mga dahilan ng pagnanais ng tao na
mabuhay.
Ang paggawa ng sariling desisyon ay isang mahalagang katangian na
malilinang sa mga kabataan sa pamamagitan ng ekonomiks. Alam natin na
may pagkakataon na hindi maiaasa sa magulang ang lahat ng bagay. Bilang
mag-aaral ng ekonomiks, matutuhan mo na kailangan ang tamang desisyon
sa tamang sitwasyon. Mauunawaan mo na ang bawat desisyon ay
makaaapekto sa iyong buhay at ekonomiya ng bansa.

Malalaman mo ang kahalagahan


ng pagtupad at pagganap sa tungkulin
ng isang indibidwal sapagkat sa ating
mga kamay nakasalalay ang pag-
unlad ng ekonomiya.
Ang pagtangkilik sa sariling
produkto, ang pagbabayad ng tamang
buwis, ang pagsuporta sa mga
programang pangkabuhayan at
pangkalikasan ng pamahalaan,
pagpili ng magandang negosyong
papasukin, pagsunod sa mga batas na
itinakda ng gobyerno at pagkakaroon
ng disiplina sa sarili ay kailangang isakatuparan at gampanan ng bawat
mamamayan tungo sa pag-unlad ng pamumuhay at ekonomiya ng bansa.
Higit sa lahat, ang ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan
ukol sa pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano
naaapektuhan ang pamumuhay ng tao ng mga pangyayari sa ating lipunan.
Ang kaisipang pangkabuhayan, pampulitika at pangmoralidad ay
nakakaimpluwensya sa ating mga kilos at gawi tulad halimbawa ng
pagsasagawa ng welga bunga ng pagtaas ng presyo ng langis, paghingi ng
dagdag na sahod, pag-aangkat ng bigas, pagpapabaya sa kalagayan ng mga
OFW’s, pagtatalo hinggil sa family planning at marami pang iba. Mga
kaisipang ipinaliliwanag ng ekonomiks na makatutulong sa paglinang ng
wastong asal, gawi at kilos ng tao sa lipunan.

Naintindihan mo na ba ang kahalagahan ng ekonomiks sa buhay mo?


Sana ay maisabuhay mo ang tamang pagdedesisyon at maging kritikal sa
pag-unawa sa mga isyung nagaganap sa ating kapaligiran at lipunan.

Ipagpatuloy mo ang pagpapayaman ng iyong kaalaman!


Pagyamanin

May mga inihanda akong gawain na makatutulong sa iyo upang lubos


mong mataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng tao.

GAWAIN 1 KATANGIANG PANG-EKONOMIKS, TATAGLAYIN KO

Panuto: Batay sa iyong binasa na kahalagahan ng ekonomiks, nais


kong lagyan mo ng tsek ( )ang mga katangiang dapat taglayin ng isang
mag-aaral ng ekonomiks at ekis (  )sa mga hindi dapat. Isulat ang iyong
sagot sa patlang bago ang bilang.
_________1. Maingat sa pagdedesisyon
_________2. Tumutupad sa tungkulin
_________3. Pagiging aktibo sa pagsali ng mga rally
_________4. Pagtangkilik sa sariling atin
_________5. Palaasa sa magulang
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.
1. Anong katangian ang nilagyan mo ng tsek na tinataglay mo sa
kasalukuyan at paano mo ito isinasagawa?_________________________
___________________________________________________________________
2. Pumili ng katangian na nilagyan mo ng ekis at ipaliwanag kung
bakit?
___________________________________________________________________

PAGTATAYA 1
PAGPILI: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at sagutin ang katanungan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
________1. Sa pag-aaral ng ekonomiks, natututo ang mga kabataan na
gumawa ng sariling desisyon sa buhay. Pagdating sa pagpili ng mode of
learning sa bagong normal, paano ka gagawa ng desisyon?
a. Tanungin ang mga kamag-aral para sumama kung anong mode of
learning ang pipiliin nila
b. Tanungin sa magulang at ikonsidera ang mga kagamitan na
kakailanganin sa bawat mode of learning
c. Tanungin ang paaralan kung ano ang irerekomenda nila na mode of
learning sa akin
d. Kung walang internet at gadget ay huwag na lang munang mag-aral sa
new normal
________2. Sa tulong ng ekonomiks, natututo ng mga kabataan na tumupad
ng tungkulin. Ang mga sumusunod ay maaari mong isagawa bilang isang
anak maliban sa isa. Ano ito?
a. Tulungan ang mga magulang sa pagbabadyet ng pera
b. Makiisa sa paggawa ng mga gawaing bahay
c. Pagplano kung paano isagawa ang mga dapat gawin sa isang araw
d. Laging paghintay ng bukas bago gawin ang mga gawain
_______3. Sa pag-aaral din ng ekonomiks, nalilinang ang kaisipan ng mga
kabataan hinggil sa mga nagaganap sa ating paligid at kung paano nito
naaapektuhan ang buhay ng mga tao. Paano naaapektuhan ng pandemya
ang buhay-ekonomiya natin ngayon?
a. Gumanda ang buhay ng mga tao dahil nabawasan na ang polusyon sa
hangin
b. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pagsara ng ilang
establismiyento
c. Bumuti ng relasyon ng bawat miyembro ng pamilya dahil lahat ay
nanatili sa tahanan
d. Maraming tumaba dahil maraming pagkain sa bahay at kulang sila ng
ehersisyo
_______4. Isa sa mga mahirap timbangin sa pagdedesisyon ay ang kapaligiran
at hangaring kaunlaran. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na apektado
ang kapaligiran ng inaasam na kaunlaran maliban sa isa. Ano ito?
a. Pagkunti ng taniman dahil pinatayuan ng gusali at pamilihan
b. Pagkaubos ng mga puno dahil sa konstruksyon
c. Pagguho ng lupa dahil sa lindol at malakas na pag-ulan
d. Pagtaas ng lebel ng carbon dioxide dahil sa dami ng sasakyan sa Baguio
City
_______5. Maraming nagsasagawa ng rally dahil sa mababang pasahod lalo
na tuwing Mayo Uno ng bawat taon. Ang sabi ng ilang negosyante ay hindi
nila kayang ipagkaloob ang mga kahilingang pataasin ang sahod maliban
lamang kung magbabawas sila ng manggagawa. Ano ang implikasyon nito
sa mga naghahanapbuhay o manggagawa?
a. Maraming aalis sa kanilang trabaho dahil sa mababang pasahod
b. Magtitiis ang mga manggagawa sa maliit na sahod kaysa sa mawalan
ng trabaho
c. Madadagdagan ang bilang ng mga nagwewelga bawat taon
d. Maraming nagsisikap na mag-aral para makapasok sa maayos na
trabaho

GAWAIN 2 BEST CHOICE, PIPILIIN KO

Panuto: Isa sa mga konseptong itinuturo sa ekonomiks ay ang


Production Possibilities Frontier (PPF) o isang talahanayan na nagpapakita
ng mga pagpipilian kung paano gagamitin ang yaman. Lahat ng mga
pagpipilian ay tama basta lahat ng yaman ay nagamit at walang naaksaya.
Malaki ang tiwala ko na lahat ng mga mag-aaral ng ekonomiks ay
magiging matagumpay sa buhay dahil isasabuhay nila ang pagpapahalaga sa
yaman at oras. Dahil dito, lahat kayo ay magkakaroon ng magandang
kabuhayan balang araw.
Kung matatanggap mo ang pinakaunang kita mo na nagkakahalaga ng
₱ 20,000.00, paano mo ito gagamitin? Gagamitin mo ba ito bilang puhunan sa
isang negosyo o upang bumili ng mga gamit sa bahay? Suriin mo ang bawat
CHOICES sa talahanayan at pumili ka ng isa. Panindigan mo ang iyong
sagot. Isulat ang sagot sa espasyong nailaan.

PAGPIPILIAN Ipupuhunan Ibibili ng gamit


A ₱ 20,000.00 0
B ₱ 15,000.00 ₱ 5,000.00
C ₱ 10,000.00 ₱ 10,000.00
D ₱ 5,000 m2 ₱ 15,000.00
E 0 ₱ 20,000.00
Tanong:
1. Anong letra ang best choice mo? __________________________________
2. Bakit iyon ang choice mo? ________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGTATAYA 2
PAGSUSURI SA TALAHANAYAN: Mula sa mga datos na nasa talahanayan sa
itaas, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng sagot
sa patlang bago ang bilang.
______1. Para sa mga negosyante, ang kanilang buong pera ay gagamitin nila
bilang puhunan o pambili ng paninda. Anong CHOICE ang pipiliin nila?
a. A b. D c. C d. B
______2. Sa mga may maraming kulang na gamit sa bahay, ang buong kita
nila ay pambili ng gamit. Anong CHOICE ang pipiliin nila?
a. E b. A c. B d. C
______3. Kung ang kita ng tao ay hinati niya kung saan ang sangkapat o
1 3
ay pambili ng gamit at ang tatlong kapat o ay gagamitin bilang puhunan
4 4
sa negosyo, ano ang pipiliin nila? a. E b. D c. C d. B
______4. Kung ang kita naman ng tao ay hahatiin niya na ang tatlong kapat
3 1
o ay pambili ng gamit at sangkapat o ang para sa negosyo, ano ang
4 4
pipiliin nila? a. A b. B c. C d.D
______5. Kung hangad ng isang tao na pantay o pareho ang hati ng kita niya
para sa negosyo at pambili ng gamit, ano ang pipiliin niya?
a. E b. D. c. C d. B
GAWAIN 3 SURVEY NILA, SUSURIIN KO

Panuto: Bilang mag-aaral ng ekonomiks, nabibigyan tayo ng kaalaman


na unawain ang mga nagaganap sa ating kapaligiran. Sa puntong ito, nais
ko na basahin mo ang balita sa susunod na pahina at sagutin ang mga
kasunod na katanungan. Isulat ang sagot sa mga inilaang espasyo.

Bilang ng mga Pinoy na stressed at gutom


ngayong pandemic, mataas pa rin
Saturday 25th July 2020 at 12:13pm Top StoriesOther Headlines | | VELLE GONZAGA

Nasa 86 percent ng mga Pilipino ang patuloy na nakararanas ng stress dahil


sa COVID-19 pandemic.
Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula July 3
hanggang 6 ngayong taon kung saan 51 percent ng mga adult Filipino ang nagsabing
nagdudulot sa kanila ng "great stress" ang pandemic, habang 35 percent ang
nagsabing nakakaranas ng "much stress".
14 percent lamang ang nagsabing nakakaranas ng "little o no stress".
Sa nasabing survey, lumabas din na 20.9 percent ng mga Pilipino ay
nakakaranas ng gutom, habang 79.1 percent ang nagsabing hindi.
Sa bilang ng mga nakakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong
buwan, 62 percent sa mga pamilyang ito ang nakakaranas ng "great stress" habang
48 percent ang nagsabing di sila nakakaranas nito.
Halaw sa : https://www.brigadanews.ph/article/national/Bilang-ng-mga-Pinoy-na-stressed-
at-gutom-ngayong-pandemic%2C-mataas-pa-rin Hulyo 27, 2020

Sagutin ang mga katanungan batay sa balitang binasa:


1. Ilang porsyento ng mga Pilipino ang nakararanas ng stress ngayong
pandemya? _________________
2. Kailan isinagawa ng SWS ang survey? ____________________________
3. Ilang porsyento ang nagsabing “little o no stress” sila? ________________
4. Ilang porsyento ang nagsabing sila ay nakararanas ng gutom? _________
5. Ilang porsyento ang nagsasabing hindi sila nakararanas ng gutom?
____________
6. Sa tingin mo, bakit mataas pa rin ang bilang ng mga stressed at gutom
ngayong pandemya? ________________________________________________
_____________________________________________________________________
7. Kung ikaw ang tatanungin, paano masosolusyunan ang nasabing
suliraning pang-ekonomiko? ________________________________________
_____________________________________________________________________
PAGTATAYA 3
PAGSUSURI. Suriin ang mga isyung pang-ekonomiko na nagaganap ngayon
at magsulat ng posibleng epekto ng mga ito sa kabuhayan o ekonomiya ng
bansa. Ilagay ang sagot sa kanang bahagi ng talahanayan. Naibigay ang sagot
sa unang bahagi bilang iyong gabay.

MGA ISYU EPEKTO SA KABUHAYAN/EKONOMIYA


1. Pagtigil ng pasada ng ilang Mahirap ang paglalakbay ng mga tao at
jeep at bus apektado ang kabuhayan at pamilya ng
mga tsuper
2. Paghinto ng turismo

3. Paglakas ng online selling

4. Pagbaba ng bilang ng
nagpatala sa kolehiyo
5. Mahinang internet signal

Isaisip
Sa bahaging ito, nais ko na magbigay ka ng sitwasyon o pamamaraan
kung paano mo isasabuhay ang kahalagahan ng ekonomiks. Naibigay ang
unang sagot bilang iyong gabay.

Kahalagahan ng Ekonomiks Paano ko isasagawa?


1. Nagbibigay ito ng kaalaman sa -Konserbasyon sa paggamit ng likas
wastong paggamit ng likas na na yaman, pagsali sa tree planting na
yaman gawain
2. Nagbibigay ito ng tamang
karunungan sa pagdedesisyon
ukol sa pagkonsumo at
pagprodyus upang maiwasan ang
kakapusan
3. Nagbibigay ng pagkakataon na
makibahagi sa paghahanap ng
kalutasan sa mga suliraning
pangkabuhayan
4. Matututo tayong gumamit ng
pera, oras at kakayahan nang
wasto at maayos
5. Matututo tayong alamin ang
pagkakaiba ng ating
pangangailangan at mga luho

Binabati kita sa maayos at tamang pagtugon sa mga gawain!


Isagawa

Ngayon naman ay nais kong gumawa ka ng isang islogan hinggil sa


kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng tao. Maaari kang gumamit ng sarili
ninyong dayalekto sa pagbuo ng islogan subalit hinihiling ko na isalin mo ito
sa Filipino upang maintindihan ko. Kung hindi ka marunong sa ibang
dayalekto o kung walang tutulong sa iyo, maaaring Filipino ang gamitin.
Lapatan din ng angkop na disenyo ang islogan. Isagawa mo ito sa nakalaang
espasyo sa baba ng pamantayan ng pagmamarka. (20 puntos).
Pamantayan sa pagmamarka ng islogan:
Pamantayan Napakahusay Mahusay Medyo mahusay
Mensahe Angkop na angkop ang Angkp ang Hindi gaanong
mensahe ng slogan sa mensahe sa aralin angkop ang
aralin mensahe sa aralin
(10 puntos) (8 puntos) (6 puntos)
Disenyo Napakaganda ang Maganda ang Hindi masyadong
disenyong iginuhit at tugma disenyo at tugma maganda ang
sa aralin sa aralin disenyo
(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos)
Kalinisan Napakalinis ng gawain May isang bura May dalawa o higit
(5 puntos) (4 puntos) pang bura
(3 puntos)
Kabuuan 20 puntos

Halimbawa: “No waday pilak tako, man-idulin para si bigat abe.”


- Benguet Kankana-ey
Translation: “Kung tayo’y may pera, magtabi para rin bukas.”
Tayahin

Ngayon ay iyong sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


pagtataya sa iyong natutunan. Basahin at intindihing mabuti ang mga
katanungan bago sagutin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_______1. Natututo ang mga mag-aaral na pahalagahan ang pangangailangan
kaysa sa kagustuhan sa asignaturang ekonomiks. Paano mo ito isasabuhay?
a. Pagbili ng pagkain bago ang paglalaro ng ML
b. Pag-ehersisyo sa gym para lumakas ang katawan
c. Pagsagot sa mga modyul pagkatapos manood ng teleserye
d. Pag-inom ng soft drinks araw araw
_______2. Ang mga isyung pang-ekonomiya ay mauunawaan ng mga mag-
aaral ng ekonomiks. Bawat isyu ay may epekto sa ating buhay. Alin sa mga
sumusunod ang halimbawa nito?
a. Pagtaas ng presyo ng langis na nagbunga ng pagtaas ng ibang bilihin
b. Pagdagsa ng mga lokal na produkto dahil sa pagsasara ng Pilipinas sa
kalakalang panlabas
c. Paglaganap ng sakit na bunga ng maruming paligid
d. Pagkakaisa ng mga tao kaya pantay-pantay ang katayuan sa lipunan
_______3. Mauunawaan din natin sa ekonomiks na mahalagang gampanan
ang mga tungkulin upang makatulong sa pag-unlad ng bayan. Alin ang
halimbawa ng tungkulin ng isang kabataan?
a. Maghanap ng mapapangasawa upang bumuo ng pamilya
b. Pakikipagkaibigan upang matugunan ang pangangailangang
panlipunan
c. Sumunod sa batas at mga patakaran ng lipunan
d. Sumali sa mga rally upang magkaroon ng academic freeze
_______4. Ang maykroekonomiks ay nakatuon sa galaw ng mga konsyumer at
prodyuser sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan
sa kaganapan sa pamilihan?
a. Nag-aagawan ang mga tindera ng mga mamimili dahil pare-pareho ang
kanilang paninda
b. Ang presyo ng paninda ay nakasalalay sa dami ng suplay/paninda at
dami ng mamimili
c. Madaling idekta ng mga nagtitinda ang presyo dahil gusto nilang
kumita
d. Ang mga konsyumer ay makapangyarihan sa pamilihan dahil
“costumer is always right”
________5. Kung tayo ay nahaharap sa mga suliranin gaya ng polusyong dulot
ng madaming industriya at sasakyan, paano ito dapat tugunan ng mga nasa
gobyerno?
a. Ipasara ang ilang industriya at ipairal ang number coding sa mga
sasakyan
b. Magbigay ng mga regulasyon sa mga pagawaan at sasakyan at
siguraduhing sumusunod sila rito lalo na sa usaping pangkapaligiran
at kalinisan
c. Ipatigil muna ang operasyon ng mga pagawaan at transportasyon
kagaya ng nagyari sa ECQ upang luminis ang hangin at himpapawid
d. Humingi ng tulong sa DENR upang magtanim ang lahat ng tao ng
halaman at prutas sa mga bakanteng lote
_______6. Ang pag-iimpok ng salapi ay kailangang isagawa ng isang mag-aaral
para sa kanyang kinabukasan subalit sinasabing hindi raw ito nakatutulong
sa pag-unlad ng bansa dahil nababawasan ang pera sa sirkulasyon. Paano
tayo dapat mag-impok na hindi nakasasama sa ekonomiya?
a. Ilagay sa alkansya ang ipon at panatilihin doon ng mahigit isang taon
b. Ibigay sa magulang ang pera para siguradong hindi magastos
c. Ilagay sa bangko o kooperatiba ang pera para kumita
d. Ipahiram ang pera na may interes para sa mas malaking kita
_______7. Sa mga usapin hinggil sa pagtaas ng tuition fee ng mga pribadong
paaralan at kolehiyo, nararapat ba ito?
a. Oo dahil ang pagtaas ng bayarin ay para sa sahod ng mga guro at
manggagawa ng paaralan
b. Oo dahil ito ay para sa ikabubuti ng nagmamay-ari ng paaralan
c. Depende kung ito ay para sa pagpapabuti sa mga pasilidad at pasahod
o para lamang kumita ang nagmamay-ari
d. Hindi dahil maraming mag-aaral ang hindi makakapag-aral
________8. Ang Pilipinas ay nagbukas sa kalakalang pandaigdig. Maraming
produktong dayuhan ang nasa ating pamilihan. Paano ito nakaaapekto sa
ating ekonomiya?
a. Lumakas ang kalakalan dahil pantay ang export at import ng Pilipinas
b. Masaya ang mga lokal na prodyuser dahil mas tinatangkilik ng mga
Pilipino ang kanilang produkto kaysa sa mga imported
c. Lumalago ang ekonomiya dahil sa taripa na binabayaran ng mga
bansang nagluluwas sa Pilipinas
d. Humihina ang lokal na ekonomiya dahil sa pagdagsa ng mga murang
produkto mula sa ibang bansa
_______9. Sa usapin ng makroekonomiks, pinag-uusapan ang kabuuang
ekonomiya. Ayon sa mga balita, apektado ang ekonomiya ng lahat ng mga
bansa dulot ng COVID-19. Paano naapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas
dulot ng nasabing pandemya?
a. Maraming OFW’s ang pinauwi dahil sa pagsasara ng kanilang
pinagtatrabahuan
b. Umuutang muli ang Pilipinas para matustusan ang mga
pangangailangan ng bansa sa pagharap ng hamon ng COVID-19
c. Nawalan ng hanapbuhay ang maraming Pilipino
d. Napupuno na ang mga ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19
_______10. Ang pagkanasyonalismo o pag-ibig sa bansa ay isang katangian
na dapat taglayin ng mga Pilipinong nag-aaral ng ekonomiks. Paano mo ito
dapat isagawa bilang isang kabataan?
a. Manood ng mga tele-nobela ng South Korea dahil nagpapakita ito ng
maganda nilang kultura
b. Gayahin ang pagmamahal ng mga Hapones sa kanilang bansa gaya ng
pagsasara nila sa mga dayuhan noon
c. Suportahan ang mga lokal na prodyuser sa pamamagitan ng pagbili ng
kanilang mga magagandang produkto
d. Kumain palagi ng hamburger at fries sa halip na suman at nilagang
mais
_______11. Paulit-ulit na sinasabi na dapat maging matalino ang mga tao sa
pagdedesisyon dahil malaki ang epekto nito sa buhay ng tao at ekonomiya ng
bansa. Bilang isang mag-aaral, paano ka dapat magdesisyon?
a. Magdesisyon batay sa kinagisnang tradisyon, kultura at paniniwala
b. Magdesisyon nang may pananampalataya sa Maykapal na Siya ang
bahala
c. Magdesisyon ayon sa tamang pangangatwiran at pagsaalang-alang sa
sa opportunity cost, incentives at marginal thinking
d. Laging mag-trade-off dahil hindi lahat ng bagay ay pwedeng pagsabayin
sa isang pagkakataon
______12. Ang Pilipinas na isang agrikultural na bansa ay nagkukulang pa
rin sa suplay ng bigas. Pinatutunayan ito ng pag-aangkat ng bigas ng
Pilipinas mula sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Ano sa tingin mo
ang dahilan ng suliraning ito?
a. Marami masyado ang populasyon ng Pilipinas kaya ang suplay ng bigas
ay hindi sapat
b. Laging dinadaanan ng bagyo ang Pilipinas na sanhi ng pagkasira ng
mga palayan at pagbaba ng ani
c. Binibigyang-pansin ng Pilipinas ang industriyalisasyon kaysa sa
pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura
d. B at C
______13. Kasama rin ang family planning sa mga isyung may kinalaman sa
ekonomiya ng bansa. Isinusulong ng estado ang family planning subalit
umaalma ang simbahan sa usaping ito. Paano nakakaapekto ang populasyon
sa ekonomiya ng bansa?
a. Kapag malaki ang populasyon, maraming lakas-paggawa na
makatutulong sa paglago ng bansa.
b. Kapag kaunti ang populasyon, kaunti ang lakas-paggawa na
makakaapekto sa paghina ng ekonomiya
c. Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ay nagdudulot ng kahirapan
dahil sa dami ng serbisyong kinakailangan ng mga bata
d. Negatibo lahat ang dulot ng populasyon sa ekonomiya dahil kulang
ang mga likas na yaman na tutugon sa pangangailangan ng tao.
______14. Sa tulong ng ekonomiks, mauunawaan mo rin ang galaw ng ating
mga pulitikal na lider upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan. Sa naganap na SONA ni Pangulong Duterte, paano niya
inaaksyunan ang naturang suliranin?
a. Paghikayat sa mga LGU at mamamayan na magkaisa sa ilalim ng
“Bayanihan to Heal as one Act”
b. Pagpapatupad ng mass testing sa mga mamamayan upang malaman
ang dapat isailalim sa quarantine
c. Pagkakaloob ng SAP sa mga pinakamahihirap na pamilya sa
pamamagitan ng DSWD
d. Pagpapatuloy sa paggawa ng mga expressways bilang investment ng
bansa
______15. Kailangan nating magpatuloy sa buhay sa kabila ng nagaganap na
pandemya. Umaaksyon ang pamahalaan upang tulungan ang mga maliliit
na negosyante at muling buhayin ang ekonomiya. Ang mga sumusunod ay
ilan sa mga aksyong ito maliban sa isa. Ano ito?
a. Paghingi sa mga loaning institutions na magbigay ng mababang interes
sa pautang
b. Pagpapalawig sa bayanihan lalo na sa mga nagpapaupa upang
magbigay sila ng grease period sa pagbabayad ng upa ng mga umuupa
c. Pagbibigay ng zero interest loans sa mga maliit na negosyante
d. Paghikayat sa pagbubukas ng turismo para sa mga lokal at
internasyonal na turista.

Karagdagang Gawain

Manood, magbasa o makinig ng balita sa telebisyon, pahayagan o radyo


sa linggo ito at magsulat ka ng iyong reaksyon hinggil sa nasabing balita.
Pumili ka lang ng isang isyu o balita na sa tingin mo ay may kaugnayan sa
ekonomiks/ekonomiya at gumawa ka ng sariling reaksyon hinggil dito.
Maaaring sa reaksyon ay ang iyong panig sa nasabing isyu, mungkahi mo
para masolusyonan ito o kung paano ito dapat tugunan ng mga kinauukulan
upang maiwasan ang mas malalang epekto nito sa ating pamumuhay.
Para mas madali, gamitin mo ang template na naibigay sa pagsulat ng
reaksyon. Isulat sa nakalaang espasyo ang iyong mga ideya at sagot.
Krayterya sa pagbibigay ng puntos:
Pamantayan Napakahusay Mahusay Medyo mahusay

Nilalaman Isyung pang-ekonomiya ang Isyung pang- Isyung pang-


pinili at napakagaling ng ekonomiya ang ekonomiya ang pinili
mga sagot sa bawat pinili at maganda subalit may mga
katanungan ang mga bahaging hindi
(8 puntos) kasagutan nasagutan nang
(7 puntos) maayos
(6 puntos)

Kaayusan Napaka-organisado ng ideya Organisado ang Hindi masyadong


at nasunod nang maayos ideya at maayos organisado ang ideya
ang mga gabay ang pagsagot (2 puntos)
(4 puntos)
(3 puntos)
Kalinisan Walang mga bura sa gawain May isang bura May dalawa o higit
(3 puntos) (2 puntos) pang bura (1 puntos)

Kabuuan 15 puntos

Isulat mo sa mismong papel na ito ang iyong sagot at ipapirma sa


magulang pagkatapos.
Pamagat ng balita:
Petsa kung kailan narinig/nabasa/ napakinggan ang balita:

Nilalaman/buod ng balita:

Naramdaman mo habang pinapakinggan/binabasa/pinapanood ang


balita at dahilan nito:

Nahinuha mong epekto ng isyu sa ating buhay:

Suhestiyon mo para malutas ang problema/isyu:

Mga nais mong ipaabot sa mga sangkot at sa mga kinauukulan:

Pangalan at pirma ng mag-aaral: __________________________________


Pangalan at pirma ng magulang:___________________________________
Subukin Tuklasin
1. c Pamprosesong tanong:
2. d 1. Pagpuputol ng puno sa Baguio City para sa pagpapatayo ng gusali,
3. c inalmahan
4. c 2. Dahil ang lupain ay patatyuan ng condominium
5. c 3. Dahil sa masamang epekto nito sa kapaligiran at hangin
6. d 4. Dumaan sa proseso at may permit mula sa DENR at nasyonal
7. b 5. Ang Vista Residences ay dapat magtanim ng 200 na puna bawat isang
8. c punong pinutol
9. a 6. Suriin ng guro ang mga sagot kung ayon at tama ang paninindigan. Bigyan
10. a
ng komento ito
11. c
Suriin
12. b
1. Pagguho ng lupa, paglala ng polusyon
13. a
2. Patatayuan ng condominium upang kumite
14. d
3. Basahin at suriin ang paninindigan ng bata at bigyan ng komento
15. b
Pagyamanin Gawain 2- Best Choice, Gawain 3-
Gawain 1- Pipiliin ko 1. 86%
1.  • Bigyang-puna ang 2. July 3-6
2.  pinili ng mag-aaral na 3. 14%
3.  choice at ang kanyang 4. 20.9%
4.  paninindigan. 5. 79.1%
5.  6. Dahil nahinto
 Tanong- Basahin at Pagtataya 2- o nawalan
bigyang puntos ang 1. a sila ng
paliwanag ng mag-aaral. 2. a hanapbuhay
Pagtataya 1. 3. d 7. Magkaroon
1. b 4. b ng
2. d 5.c kabuhayan
3. b ang mga tao
4. c sa tulong ng
5. b pamahalaan
Tayahin
Pagtataya 3 1. a
2. Paghina ng kita ng 2. a
lokal na negosyante at Isaisip 3. c
pagkawala ng kita ng 2. Bilhin ang mas mahalaga at 4. b
mga tour guides maging produktibo 5. b
3. Kahit papaano ay may 3. Pagsali sa pagdedesisyon ng 6. c
pagkakakitaan ang mga pamilya, tumulong sa mga gawain 7. c
tao na pantustos sa 4. Gamitin ang oras, pera at 8. d
kanilang kakayahan nang wasto at maayos. 9. b
pangangailangan Unahin ang mas mahalaga 10. c
4. Maraming mauudlot 5. Pahalagahan at tugunan ang 11. c
ang edukasyon at hindi pangangailangan bago ang luho 12. d
makakapagtapos. Isagawa 13. c
Apektado rin ang mga • Graduhan ang islogan batay 14. a
guro sa pamantayan 15. d
5. Mahirap magsagawa Karagdagang
ng online transaction, gawain: Iskoran
apektado ang online class batay sa
pamantayan
Susi sa pagwawasto
Talasanggunian

Imperial, Consuelo M., Eleanor D. Antonio, Ma. Carmelita B. Samson,


Evangeline M. Dallo. Pana-panahon (Worktext para sa Araling Panlipunan sa
Ikaapat na Taon). Sampaloc, Maynila: Rex Book Store., 1999.

Philippines. Department of Education. Ekonomiks-Araling Panlipunan (Modyul


para sa Mag-aaral). Pasig City: Vibal Group, Inc., 2015.

Santiago, Aurora L., Lilia C. Fenequito, Socorro T. Valenzuela. Ekonomiks (Para


sa Mataas na Paaralan). Valenzuela City: Jo-es Publishing & Printing House,
Inc., 1997.

Viloria, Evelina M., Nilda B. Cruz, Remedios E. Quiray, Alice L. Lim. Ekonomiks
(Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon). Quezon City, Metro Manila: SD
Publications, Inc., 1999.

https://news.abs-cbn.com/news/06/29/20/pagpuputol-ng-puno-sa-baguio-
city-para-sa-pagpapatayo-ng-gusali-inalmahan

https://www.freepik.com/free-vector/finance-financial-performance-concept-
illustration_3200373.htm#query=economic%20issues&position=0
https://www.freepik.com/free-vector/choose-concept-
illustration_5784490.htm#page=1&query=decision&position=1

You might also like