Ikadalawampu't Anim Na Kabanata

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ikadalawampu’t anim na Kabanata

Dala ng matinding uhaw sa katarungan at paghihiganti, inilapit ng mag asawang Bartolome sa


national defense ang kaso ng pagkamatay ni Jason. Kasabay nito, nakiusap sila sa mga
namamahayag na i-play up ang kaso hanggang mapilitang kumilos ang mga maykapangyarihan.
Nag-imbestiga ang pamahalaan at nag-imbita ng mga unipormadong tao para sa questioning,
pero wala silang maididiin kadahilanan di sapat sa ebidensya. Ang dahilan daw ng pagkakahuli
kay Jason ay nakuhanan ito ng marihuana, ngunit ayon sa autopsy na isinagawa kay Jason di ito
nagdadrugs.
Sa paglipas ng panahon, ang mga sugat na iniwang ng pagkamatay ni Jason ay unti-unti ng
humilom, ngunit ang sakit at pait ng pagkawala niya ay bumabalik tuwing ito ay naaalala. Kahit
lumipas ang panahon, di sila titigil sa paghanap ng hustisya at katarungan. Katarungang susi sa
pananahimik ng mga namatay. Nabalitaan niya na hindi siya ang kauna-unahang namatayan ng
anak sa kamay ng mga kriminal, at may posibilidad na hindi din siya ang huli.

Ikadalawampu’t pitong Kabanata

Walang nadamang tuwa si Amanda sa nakaraang paghihiwalay ng taon. Kung may nadama siya,
yon ay ang matingkad na pagkabalisa na isang taon na naman ang nadagdag sa buhay niya at sa
tumitindi pang kakulangan nito. Kakulangan sa loob ng dalawampu't pitong taon ng pagiging
asawa niya hindi siya ganap na umunlad bilang tao. Nanganak lang siya, naging ina at wala na.
Nagsilbing bantay na lang siya sa paghanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya bilang
tao, sa paglaki ng mga batat pagtuklas ng kanilang kakayahan at kahalagahan. Sa proseso nito,
walang nag abalang magtanong kung ano kaya ang mga kaangkinan niya. Sa kagustohan niyang
libangin ang sarili niya, nahuhuli niya na nakikipagkwentuhan siya sa sarili niya na. Pilit niyang
ginagawan ng masayang ending ang mga storyang may malungkot na umpisa.
Ikadalawampu’t walong Kabanata

Habang nag eempake si Amanda ng mga damit niya, mabilis niyang binubuo sa isip niya kung
san niya pupunta. Inisip niyang magtaksi at magpadala sa isang hotel. At dun niya sasabihin sa
kanyang mga anak na naghiwalay na sila ni Julian. Bumukas ang pinto ng silid at pumasok si
Julian.
Walang takot na sinabi ni Amanda kay Julian ang kanyang hinanakit at mga pagdurusa niya sa
mga kamay nito. Sinabi niya din na hindi na siya maligaya sa piling ng kanyang asawa. At nag
usap sila mula kay Jules hanggang kay Bingo, mula pagsilang hanggang kamatayan ni Jason.
Hanggang sa sinabi ni Julian kay Amanda na mahal niya din si jules. Pero, hindi maniwala si
Amanda. At mula ritoy dumalang ang mga gabing nagbabad si Julian alinman sa opisina o sa
library, sa halip ay magtatanong ng tungkol kay Jules, nakikinig sa mga kwento ng paglapit at
pakikipag usap at ganitong mataas na taong nakakatulong sa kanya.

Ikadalawampu’t siyam na Kabanata


Matapos ang ilang taon ay inalis na ang Batas Militar as bansa ngunit hindi par in maiaalis ang
kapangyarihan at ang monopolisadong pamumuno ng gobyerno. Si Amanda ay unti-unti ng
natatanggap ang kanyang katayuan sa buhay ng kanyang pamilya atng lipunan.
Sa kabanatang ito ay masasaksihan ang pagkakalaya ni Jules at pagbalik nitong muli as kilusan.
Ang pag aasawang muli ni Gani at pagbabalik ng dating gawi ng mga taong nawalan ng tinig sa
ilalim ng Martial Law. Ito ay rebirth ng Dekada ’60 – ang simula muli ng malaking gulo.

Ikatatlumpong Kabanata
Sa tagpong ito, naipakita ang mga saloobin at pananaw ni Em bilang manunulat at miyembro ng
isang lipunan. Kung paanong ang pagiging manunulat ay katulad ng isang mandirigma – matalas
na salita gaya ng ng talas ng armas sa pakikipaglaban. ‘Kinakabahan ako sayo Em”, wika ni
Amanda rito ‘pagkat hindi lamang sumusulat tungkol sa konkretong sitwasyong sa lipunana
kundi ang simpatiya nito ay nasa mga welgalista.
Ipinakita ang mga malalagim na karananasan ng ibang tao sa kamay ng kanyang kapawa-tao. Sa
huling bahagi, makikita na may dinala si Em sa kanilang tahanan na sugatan sapagkat pinasok
sila ng Metrocom at maraming nabaril sa kanila.
Huling Kabanata

Sampung taon na ang nakalilipas ng ipatupad ang Batas Militar. Mga bata pa ang mga anak ni
Amanda noon – mga walang binatbat. Taliwas sa kung anong estado ng kanyang anak as taong
1892. Nanganak na si Jean na pangalawang asawa ni Gani. Ayon as sulat nito ay maganda kung
ipepetisyon na ni Gani ang kanyang magulang upang doon manirahan as States.
Si Jules nama’y nagpapadala din ng sulat tulad ng dating gawi – dumadaan sa mga kamay ng
maraming tao at hindi sa koreo. Si Em na nagdala ng walong taong bata sa kanila, survivor ng
masaker ika niya at masasabing malalim ang sugat nito hindi pisikal kundi emosyonal. Si Bingo
ay nasa unang taon na nito sa kolehiyo. At si Jason ay naiwang alalala na lamang na kailan ma’y
hindi malilimutan.
May sarili ng buhay ang mga anak ni Amanda at sila ma’y tumutulong ngayon sa mga
kababayan nilang naususugatan at nahihirapan at nakikipaglaban sa mga taong umaalipin sa
kanila. DIto nakita ni Amanda na may silbi pa pala sya para sa bayan. Napagkasunduan nilang
mag-asawa na hindi sila pupunta ng States ‘pagkat nasa Pilipinas ang laban.

You might also like