Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

HANDAWT

Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

KAHULUGAN NG LIHAM

Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita,


o saloobin na pinadala ng isang tao para sa kaniyang kapwa.

Ang liham o letter writing ay ang pagpapalitan ng sulat at mensahe na maaaring


maglaman ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa. Kadalasan, ang pagsusulat ng
liham ay maaaring para sa sariling kadahilanan na ipapadala sa pamilya, kamag-anak, at
kaibigan ng sumulat o kaya naman ay para sa trabaho at marami pang iba.

Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan komunikasyon sa


isang tiyak na pinag uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitik.
Ang isang liham ay liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na kababakasan
ng tunay na personalidad ng taong sumulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat
ay matamang nag-isip at malinaw na nakapagpapahayag ng kaniyang tunay na
damdamin sa pamamagitan ng mga mapitagan at magalang na pananalita.Maganda ang
impresyon sa liham kapag ang sumulat ay gumamit ng wastong pahayag ng kaniyang
mga ideya, pumili ng mga makahulugang pananalita nagpamalas ng sapat na kaalaman
sa bagay na nais niyang ihatid at gumamit sa sariling estilo sa pagsulat na madaling
maunawaan ng bumabasa.

Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga pangangailangan at di-maiiwasang gawing


opisyal at traksaksiyonal (pangangasiwa, pamamahala, negosyo, atbp) at pagpapaigting
ng ugnayan panlipunan. Ang koreapondensiyang pampamahalaan at liham pangalakal at
iba pang kauring liham at dapat pormal. Sa ganitong uri ng mga korespondensiya,
nararapat lamang na nakabatay sa layunin, kahila-hikayat, katanggap-tanggap at kapani-
paniwala sa bumabasa o pinadadalhan.

KATANGIAN NG LIHAM

Madaling maghanda ng isang liham, maging ito man ay pormal o di-pormal.


Subalit, iilan lamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang pagkakahanda.Ang
pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ng bisa ng liham. Mahalagang isipin na
kailangang maging pormal at mabisa ang liham pantanggapan. Nangangailangan ito ng
kaayusan ng mga ideya nasi ipabatid sa sinusulatan. Upang maging matagumpay ang
isang liham, inihanda dito ang ilang dapat taglay nito gaya ng mga sumusunod:

1. MALINAW (Clear)- Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na
hangad ipabatid sa liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang
ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat
idea. Ito ay di dapat maging mahaba o maligoy. Higit na epektibo ang maiikling
pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan ng madaling pagunawa.
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

2. WASTO (Correct)- Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng


katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago
sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa
kani-kanilang priyoridad. Tiyaking wasto ang bawat pahayag o sasabihin lalo na
ang mga impormasyon bago ito isulat. Ang wastong pagpapahayag, pagbaybay, at
balarila ay napakapundamental sa kapuri- puring pagsulat ng liham o ano mang uri
ng akda. Mahalaga ring isaalang- alang ang tamang pagbabantas.

3. BUO (Complete)- Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon


sapagkat kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumulat,
lalabas na kapos o depektibo sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging
kasiya-siya ang tugon ng sinulatan, dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang
isinasaad sa liham ng sumulat.

4. MAGALANG (Courteous)- Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi


dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng
kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya’t agad
nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.

5. MAIKLI (Concise)- Sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa


pagpapabatid ng nais sabihin sa nilalaman. Iwasan ang paglalakip ng mga
detalyeng walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pagaaksaya ng panahon at
nakapapawi ng interes ng nilihaman.

6. KUMBERSASYONAL (Conversational)- Masasabing mahusay ang


pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang bumabasa nito ay parang personal
na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating nang
sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan. Gumamit ng sariling
pananalita at iwasan ang pagkamaligoy.

7. MAPAGSAALANG-ALANG (Considerate)- Pakatimbangin ang ano mang nais


ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan
o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa
gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob. Mapagsaalang-alang
(Considerate) Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin
ang mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging
mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang
pagtitiwala at kabutihang loob.

MGA BAHAGI NG LIHAM

Sinasabi ng mga awtoridad na ang isang magandang liham ay maaaring itulad sa


isang magandang larawang nakakuwadro. Ang magandang larawan ay ang liham, at ang
kuwadro naman ay ang mga palugit (margin) sa apat na gilid: sa itaas, sa ibaba, sa
kaliwa, at sa kanan.
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

May anim na bahagi ang liham gaya ng:

1. PAMUHATAN (Heading)- Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan,


adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung
mayroon)

May dalawang uri ng pamuhatan:

a. Nilimbag na pamuhatan (Printed letterhead)

Ang nakalimbag na pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang itaas o sa itaas ng


papel. Ang logo o sagisag ng tanggapan o kompanya ay karaniwang inilalagay sa
itaas o sa kaliwa ng pamuhatan.
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

b. Minakinilya (typeset) /Sulat-kamay na Pamuhatan

Ito ay sinisimulan mula sa isa’t kalahati (1 ½ ) hanggang dalawang (2) o


maaaring pitong (7) espasyo mula sa itaas ng papel. Bawat linya nito ay nilalagyan
ng isa lang espasyo. Simula ito sa sentro pakanan, o kung maikli, isulong sa kanan
na hindi lalampas sa palugit sa kanan. Maaari ding ilagay kalagitnaan ng papel.

2. PETSA (Date)- Ang Petsa ay bahagi ng pamuhatan. Maaari itong ilagay sa


kaliwang bahagi para sa anyong full-block at kanan o gitnang bahagi para sa
anyong semi-block.
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

3. PATUNGUHAN (Inside Address)- Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at


tanggapan ng taong ng liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang
pangalan ng taong sinusulatan, ang kaniyang katungkulan (kung mayroon),
tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng
adres o direksiyon, hal. ave., st..

Halimbawa:

Kagalang-galang na Alkalde
Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong
Lungsod Mandaluyong, Metro Manila

4. BATING PAMBUNGAD (Salutation)- ito ay pagbati sa sinusulatan. May iba’t


ibang anyo ito at ang karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod:

Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Licuanan:


Ginoo: Mahal na Punong Mahistrado Sereno:
Mahal na Ginang: Mahal na Kalihim Roxas:
Ginang:
Binibini:
Mahal na Binibini:

Ang kagalang-galang/kgg. ay natatanging pagbati sa mga taong may


matataas na katungkulan gaya ng pangulo ng bansa, mga senador at
kinatawan, mga gobernador, mga kalihim ng gabinete, sugo ng pilipinas,
mga kalihim at pangalawang kalihim ng mga kagawaran, mga hukom,
komisyoner, mga alkalde. ang karamihan sa matataas na katungkulang
binanggit ay ginagamitan ng kagalang-galang/kgg. sa unahan ng tao o
tungkulin.

Sa bating pambungad, ang bantas na marapat gamitin ay tutuldok o colon ( : ).

Mahal na Kalihim Alcala:


Mahal na Heneral dela Paz:

Kung ang sinusulatan naman ay kapalagayang-loob o kaya ay


kaibigan maaaring ang pagbati ay sa unang pangalan at ang bantas na
ggagamitin at kuwit.

Mahal na Jerome,
Mahal na Erik,

Kung hindi nakatitiyak sa kasarian ng inyong susulatan gamitin nang


buo ang pangalan o kaya ng Ginoo/ G. Kasunod ang buong pangalan.
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

Mahal na Ale Santos:


Mahal na Angeles Fiesta:

5. KATAWAN NG LIHAM (Body of the Letter)- ito ang tampok na bahagi ng liham
na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.

• Katangian ng maayos na mensahe

1. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat lumikha


ng anumang alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito.
2. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, pangungusap,
talata, at mga bahagi ng liham.
3. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita,
banghay, at bantas.

• Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham

1. Panimula – Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham.


2. Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng
liham.
3. Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa
ipinadalang liham.

Kung ang liham naman ay may kahabaan na hindi sasapat sa isang


pahina, maaari itong dugtungan sa papel na malinis, walang ilong-sulat o
nilimbag na pamuhatan, ngunit sa gayon ding uri ng papel, gayon ding sukat.
Illagay sa kaliwa ang pangalan ng sinusulatan, ang pahina sa gitna at petsa
naman sa kanan.

Iwasang magdagdag ng pahinga kung ang bahagi ng liham na isusulat


ay kulang tatlo (3) o apat (4) na pinya bago ang pamitagang pangwakas.

May dalawang espasyo mula sa bating pa bungal at sa pagitan ng


dalawang talata at isa sa bawat linya ng katawan ng liham.

6. PAMITAGANG PANGWAKAS (Complimentary Close)- nagsasaad ito ng


pamamaalam sa nililihaman.

Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas

1. Ang bating pambungad at ang pamitagangpa ng wakas ay iniaangkop sa


katungkulan o kalagayang panlipunan ng taong sinusulatan.
2. Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig sa bating pambungad
ay siya ring isinasaad sa pamitagang pangwakas.
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

Ginoo:
Kagalang-galang
{ Magalang na sumasainyo,
Lubos na gumagalang,
Mahal na Bb. Santos:
Mahal na Gng. Yap: } Matapat na sumasainyo,
Mahal na G. Reyes:
Mahal na Ginoo:

Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo mula sa huling


salita ng katawan ng liham. Isulat buhat sa kalagitnaan pakanan, na ang dulo ay
hindi lalampas sa palugit at lagyan ng kuwit at isulat sa malaking titik ang unang
letra ng salita.

7. LAGDA (Signature)- Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham.


Ito ay nagpapakilala ng kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham. Ang
mga babae, kung nais nila, ay maaaring gumamit ng Bb., Gng. Ms. sa unahan ng
kanilang pangalan.

Hindi gumagamit ng G. (Mr.) ang kalalakihan sa unahan ng kanilang


pangalan. Maglaan ng apat na espasyo mula sa pamitagang pangwakas hanggang
sa pangalan na nakasulat sa malalaking titik (light o bold) at sa ilalim nito ay ang
katungkulan.

Ang unang titik ng pamitagang pangwakas at ang pangalan (o titulo) ng


lumiliham ay magkatapat. Ang unang titik o numero ng petsa ay karaniwan ding
katapat ng unang titik ng pamitagang pangwakas.

PORMAT/ ANYO NG LIHAM

Dalawa ang anyo ng liham pantaggapan: Ang full-block at semi-block.


Makikita ang pagkakaiba ng dalawa:
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa
HANDAWT
Paksa : Liham
Tagapag-ulat : Annie Via Mae M. Garcia
Programa/Taon at Pangkat : BSEd meyjor ng Filipino (SF 21)
Kurso : FIL 111 – Paghahanada at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
Guro : Dr. Alvin Rom De Mesa

SANGGUNIAN

https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Patnubay-sa-Korepondensiya-
Opisyal_ikaapat-na-edisyon_ikalawang-limbag.pdf

https://gabay.ph/liham/

https://www.homeschoolmanila.com/p/blog-page.html

You might also like