Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

7.

MGA EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL


May mga konseptong may kaugnayang lohikal na nakabubuo ng isang makahulugang pahayag.
Halimbawa nito ang ugnayang sanhi at bunga na tinatawag ding pananhi. Kapag pangatnig pinagsama
nakalilikha na ang dalawang ito, ng pangungusap na nagpapahayag ng ugnayang lohikal.

DAHILAN AT BUNGA

Maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba't ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na
pang-ugnay na sapagkat, dahil, at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng
resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

HALIMBAWANG PANGUNGUSAP.

Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya nalungkot siya nang labis.

Sa pangungusap, ang mga salitang may iisang salungguhit na tumutukoy sa paraan ay ang sugnay na
makapag-iisa samantalang ang sugnay na di- makapag-iisa ay may dalawang salungguhit na tumutukoy
sa layunin kung bakit nagpapakahirap si Bing.

PARAAN AT LAYUNIN

Nagpapakahirap si Bing sa pagtatrabaho upang guminhawa ang kanilang buhay at mabigyan ng


magandang kinabukasan ang anak.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa ganoon upang maihudyat ang
layunin.

RESULTA O BUNGA

Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa kaniyang lolo, nabigyan niya ng kaligayahan ang matanda.

Sa relasyong ito, ginagamit ang pang-ugnay na dahil sa upang maihudyat ang paraan.

You might also like