Pagsusuri Sa Mga Popular Na Babasahin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

2.

PAGSUSURI SA MGA POPULAR NA BABASAHIN


Komiks - Ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kwento

Tabloid - isang uri ng impormal na pahayag na naglalaman ng mga pang-araw-araw na kaganapan na


ang kadalasang paksa ay tungkol sa karahasan, korapsyon at seks.

Magasin - Isang babasahin na naglalaman ng mga artikulo at ads ng mga negosyong may kinalaman
saindustriyang nakapaloob sa paksa.

Dagli/Flash Fiction - ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling-maikling kwento.


Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada
ng pananakop ng mga Amerikano.

MGA SANGKAP NA KAILANGAN ISAALANG ALANG SA PAGSUSURI

Tono (Tone) - Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. Ito ay maaaring
mapagbiro, masaya o malungkot.

Layon (Objective) - Tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat 0 awtor sa kanyang
mambabasa.. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw,
manlibang, magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng
kabutihang asal at iba Ang isang teksto ay maaaring may dalawa o higit pang layunin depende sa
hangarin ng manunulat.

Paksa (Topic) - Tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o nilalaman nito.

Pananaw (Point of View) - Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa


isang bagay suliranin o pangyayari. Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala mambabasa ang nilikha ng
naglalahad at ng pangyayaring inilalahad at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad

Pagkabuo ng Pangungusap o Talata - Tumutukoy sa paraan na ginamit ng may-akda sa pagbuo ng


pangungusap o talata. Maaaring sa paraan ng pagbibigay ng tanong, pakronolohikal, pagbibigay ng
pahayag o tuwirang sabi.

Pagkabuo ng Salita - Tumutukoy sa mga salitang pinili ng may-akda. Maaaring pang-araw-araw na salita
matalinghaga, o malalim na mauunawaan ng mga mambabasa.

IMPORMAL NA KOMUNIKASYON
Di-Pormal

1. Lalawiganin

ito ang mga salitang kilala sa isang munting pook lamang at hindi gaanong kilala ng nakararami sa
bumabasa o nakikinig.

Hal. nakain ka na? (kumain ka na?), dako (malaki), kabsat (kapatid)

2. Kolokyal- tawag sa pagpapaikli ng isang salita na ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon


Hal. lika (halika), meron (mayroon), nasan (nasaan) ,kelan (kailan)

3. Balbal - ito ang mga salitang po nga't ginagamit sa kasalukuyan ngunit, panlasangan naman, Ang mga
salitang ito ay nahango lamang sa pagbabago ng panahon. Ito ay ginagamit sa mga biruan umpukan at sa
usapan ng mga taga- lansangan.

Hal. lespu, parak, erpat ermat, toma, datung juding, gurang, yosi

4. Banyaga - Mga salitang mula sa ibang wika na walang salin sa Filipino.

Hal. tisoy, tisay (Espanyol na meztiso, meztisa) Kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra), leche (Espanyol: gatas)

You might also like