Bagong Pagasa: Pananaw Ni Erick

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

GAWAIN SA PAGGANAP filipino

BAGONG PAGASA
pananaw ni erick

"Palimos po pang kain lang" ilang araw na din akong walang kain kung may mag
bibigay man ay piso lang minsan pa ay kinukuha ng mga batang salbahe na
napapadaan dito sa pwesto ko at idadagdag sa perang nalimos nila, mahirap ang
buhay sa kalsada lalo na't maraming siraulo pag gabi naranasan mo na bang
matulog sa karton at magigising ka nalang dahil may mga loko lokong sisipain ka
nalang at pag didiskitahan.

Araw-araw akong nangangarap na may tutulong sa akin at maiahon ako sa


kahirapan "Hoy! umalis ka diyan at teritoryo ko yang pinipwestuhan mo" sigaw nito
sa akin "hindi ako aalis dito at matagal na akong natutulog dito" pag papaliwanag
ko "teritoryo ko na yan bago ka pa mapadpad dito" sabi nito napabalikwas na lang
ako kesa mapaaway pa , Normal na sa katulad kong pulubi ang makaranas nito
minsan hindi mo na din mapag kakatuwalaan ang kapwa mo pulubi dahil sa hirap
ng buhay ay nagagawa na nilang gumawa ng masama tulad ng pag nanakaw
tuwing nakakakita ako ng ganoon ay umiiwas ako dahil mahirap ng madamy sa
problema ng iba. Kung hindi nga naman talaga minamalas sa buhay ay sa ganitong
sitwasyon pa ako ng buhay napunta, Bakit nga ba ako iniwan nang aking nanay sa
kalsada noong 7 taong gulang pa lamang ako? Sa 10 taon ko sa kalsada ay nasanay
na akong pandirihan at maliitin ng mgs tsong napapadaan kung minsan pa ay mga
batang may kasamang magulang ang kukutya sa akin tulad na lamang ng "mabaho,
madumi, walang pang kain" at kung ano pa man ang maipintas nila sa mga taong
katulad ko na walang tirahan at walang kinahantungan ang buhay kung alam lang
siguro nila ang hirap ng buhay naming mga pulubi ay hindi nila kami mamaliitin.

"Gusto ko nang matulungan ang aking sarili para sa pag babago" bulong ko sa sarili
habang naka tingin sa mga taong naka pormal na damit na mga papunta sa opisina
dito na umiikot ang araw ko madalas dahil wala na din naman akong magagawa
kundi tignan sila at mainggit dahil kahit papaano ay may nakakain at nauuwian
silang pamilya araw araw. Nagulat na lamang ako ng may gumising sa akin na isang
babae na naka suot ng pormal na damit na parang pang opisina siguro ay
papaalisin nanaman ako dito kaya tumayo na lamang ako "Magandang hapon po
manong" sabi ng babaeng gumising saakin at nginitian ko lang siya dahil wala ako
ideya kung ano ba ang dahilan ng pag lapit niya sa akin "May progma ho kami na
matulungan ang mga taong katulad niyo at mag karoon ng pag kakataong mabago
ang buhay" tumango ako bilang pag sang ayon.
"Madami naman ho na iba dyan na matutulungan niyo pero bakit kami po ang
napili niyo?" tanong ko sa babae mahirap na at baka niloloko lang pala kami at
gagamitin para sa masamang bagay "Nakita ko po kasi kung paano kayo
mahirapan mang limos para lang may makain kayo sa isang araw kaya ho namin
naisipan na gumawa ng proyekto na makatutulong sa mga tao na katulad niyo"
tumango nalamang ulit ako dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman at
masasabi ko sa sobrang tuwa.

Habang nakasakay kami sa sasakyan na ginagamit sa barangay ay


pinagmasdan ko ang mga katulad ko na pulubi na gusto din ng pag babago kung
tutuusin ay nag papasalamat pa din ako sa lalaking nag paalis sa akin doon sa
pwesto ko kung hindi siguro ako umalis doon ay hindi ako makikita nila Maam
Emma at siguro ay palaboy pa din ako hanggang ngayon. "Nandito na po tayo sa
bago niyong tutuluya" sabi ni maam Emma ang babaeng lumapit sa akin kanina.
Inikot ko ang tingin sa loob ng pasilidad na aming tutuluyan malinis, maayos, may
pag kain at damit "Maraming salamat po at tinulungan niyo kami" sabi ni Gerald
habang naluluha "walang anuman ho masaya po kami at maitutulong kami sa mga
taong gaya niyo" sabi ng isang babae na mukhang parte din ng programa nila
maam Emma "O siya ito nga po pala ang tutuluyan niyo kumpleto na po lahat dito
wag ho kayong mahihiya na kumuha ng pagkain at wala ho iyang bayad, maiwan ko
na po muna kayo dito at may aasikasuhin pa po ako" sabi ni maam Emma at
umalis na din, Napaluha na na lang din ako sa tuwa ito na kaya ang pagbabago na
makatutulong sa akin?

Kinaumagahan ay nag simula na akong mag asikaso dahil binigyan na kami ni


maam Emma ng mga sariling posisyon dito at ang napunta sa akin ay pag tulong
kay Aling Myrna sa bakery pag tapos kong mag asikaso ay dumaretsyo na ako sa
bakery, nakangiti ako habang ibinabalot ang mga tinapay na binibili ng mga
kostumer sa tingin ko naman ay malaki din ang naitutulong ko kay Aling Myrna
dahil mag isa lang siya dito "Kuya Erick kainna po muna kayo" sabi ni Maam Emma
"Salamt po talaga maam at nabigyan niyo kami ng trabaho upang mabago ang
aming buhay na kinagisnan" sagot ko "Nako kuya wala ho iyon sige na po at
aalalayan ko pa si Gerald at Vince sa pag luto ng ulam kumain na din po pala kayo
dyan" sabi nito at umalis na din bakery at karendirya pala ang isa sa business nila
Maam Emma kaya din kailangan nila ng madaming trabahador at katulong.
Makalipas ang tatlong taon

Nasanay na ako sa karaniwang gawain ko dito sa bakery sa loob ng tatlong taon ay


naging komportable na din ako dito "Erick anak anong balak mo? Ngayong tatlong
taon ka na dito at nakapag ipon ipon ka na din naman" sabi ni Aling Myrna habang
inilalagay ang mga tinapay sa istante "Siguro ho ay mag tatayo din ako ng sarili
kong restaurant alam niyo naman ho kung gaano ko ka pangarap na mag tayo ng
sarili kong business " sagot ko "Maayos din yan lalo na't naka pag patayo na din si
Gerald ng kanyang sariling business" sabi ni Aling Myrna tumango na lamang ako
bilang pag sang ayon sa sinabi niya at nag patuloy na ako sa aking ginagawa ilang
oras din ang nakalipas at nag pahinga muna ako dumaretso din ako sa opisina ni
Maam Emma.

Kabado ako habang nag lalakad papasok sa opisina niya "Magandang tanghali
po kuya Erick nabanggit pala sa akin ni lola na nag babalak kayo na mag tayo ng
sarili niyong business dahil may ipon na din naman ho kayo" sabi ni Maam Emma
"Opo, napag isipan ko na ho ito kaso ay nahihiya lang po ako na mag sabi sainyo
ayoko din po kasing iwan kayo dahil halos kayo na ang tumulong sa akin at itinuring
ako na pamilya" sagot ko "Naku kuya Erick talaga nag papaiyak sang ayon naman
ho kami anuman ang maging desisyon niyo madami na din ho kayong naitulong sa
amin kung ganun po ang plano niyo ay pwede ko kayong matulungan na mag
hanap ng pwesto para sa restaurant niyo" sabi ni maam Emma "Maraming salamat
po talaga maam" sagot ko at lumabas na din ng opisina pag tapos ng aming
usapan.

"Maraming salamat po sa pag dalo niyo sa pag bubukas ng aking bagong restaurant
lalo na ho sa taong walang sawang sumuporta sa akin nag bigay ng opurtunidad
upang ako ay makapag bago at kung hindi po dahil sa suporta niyo ay wala ako
dito maraming salamat po Maam Emma" sabi ko at nag palakpakan ang mga bisita.

Madami akong natutunan sa nag daan na taon pero isa dun ang pinaka tumatak
sa akin na minsan ay kailangan lang natin ng tiwala sa sarili, tiyaga at motibasyon sa
buhay upang tayo ay umasenso malalagpasan natin ang lahat ng hirap kung tayo
ay magiging matatag.

PANGALAN: Benavides, cristine joy s. guro: mrs. jovie malarejes


BAITANG AT PANGKAT: 9 - batanes

You might also like