Spark Awardees, Pinarangalan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SPARK AWARDEES, PINARANGALAN

Ginawaran ng SES Perfect Attendance Recognition of Kawani (SPARK) Award


sila Gizzelle P. Caponpon at Ana Liezl S. Ranuda, mga guro sa Unang Baitang,
para sa kanilang kumpletong attendance para sa Unang Isang-kapat (Enero
hanggang Marso) sa taong 2023.
Pinarangalan ni Sir Lowell B. Busa, punongguro at Ms. Katreen Aira B.
Trinidad, Administrative Officer II, sila Ms. Gizzelle at Ms. Liezl sa bulwagan ng
Paaralang Elementarya ng Salinas ngayong araw, ika-17 ng Abril.
Ang SPARK Award ay bahagi ng Project SES na isa sa mga aktibong proyekto
ng paaralan na nagnanais na mapaunlad ang mga mag-aaral, pasilidad at
maging ang mga kawani ng paaralan.
Ang SPARK Award ay kauna-unahang ipinarangal ngayong taong 2023 at ito
ay isinasagawa tuwing sangkapat. Layunin nitong bigyang-pagkilala ang mga
kawani ng paaralan na masigasig sa pagpasok sa paaralan at gawin ang
kanilang mga tungkulin na magserbisyo bilang mga kawani ng gobyerno.

You might also like