Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

COT
January 28, 2020
EXPLICIT INSTRUCTION

I. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan
II. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa, nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa
isang isyu o binasang paksa
III. Layunin:
Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay
IV. Paksang Aralin
A . Pagpapangkat-pangkat ng mga Salitang Magkakaugnay
B. Sanggunian;
Aklat: Alab Filipino 5 p.127 CG: F5PT-IVc-j-6
C. Kagamitan; strip cartolina, larawan, laptop, powerpoint, manila paper
D. Curriculum linkages; Araling Panlipunan, ESP
E. Values Integration: Pangangalaga sa kapaligiran.
V. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Paunang Pagsasanay (Hephep,Hurray!)
Sabihin ang hephep kung ang mga pares ng mga salita ay magkasingkahulugan at hurray naman kung ang
pares ng mga salita ay magkasalungat.

____ 1. berde-luntian 6. aralin- leksiyon


____ 2. Araw- gabi 7. maliit-malaki
____ 3. Bata-musmos 8. mabango-mahalimuyak
____ 4. Mabagal-makupad 9. maligaya-malungkot
____ 5. Mayaman-mapera 10. malamig-mainit

2. Balik Aral:
Ano-ano ang iba’t ibang uri ng mga pangungusap?
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod. Sabihin kung ito ba ay pasalaysay,
patanong, pautos o padamdam.
1.Ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo.
2. Nag –alay ang pangulo ng bulaklak sa dambana ng Quince Martires.
3. Bakit tinaguriang Quince Martires ang Naga City?
4. Piliin ang mga kandidatong kayang ipaglaban ang interes ng bawat mamamayan.
5. Naniniwala ka bang ang tunay na kalayaan ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo 4, 1946?

3. Statement of Goals; Pagsasabi ng Layunin


Ngayong araw na ito pag aaralan natin ang pagpapangkat-pangkat ng mga salitang magkakaugnay.

4. Pagganyak:

Ipakita ang maikling video clip sa mga bata. https://www.youtube.com/watch?v=pGgcN5MIlOc

VII. PAMAMARAAN
1. Paglalahad;
Batay sa inyong nakitang video clip ano sa palagay ninyo ang nais maipabatid ng awit?
Ang lahat ng mga bagay sa ating mundo ay magkakaugnay. Tayong mga tao ay nararapat lamang na
magtulungan upang manatiling manatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran.

2. Pagtatalakay
Ang mga salitang magkaugnay ay mga salitang magkatulad at magkapareha. Narito ang mga halimbawa ng
mga salitang magkakaugnay.
Kalye, kalsada, eskinita Malunggay, petsay, talbos ng kamote
Bata, mag-aaral, estudyante Talon, sapa, ilog
Ospital, palengke, paaralan kusina, sala, kwarto
Kita, trabaho, hanapbuhay maganda, marikit, kaakit-akit
Burol, bundok, talampas lansones, santol, bayabas

VIII. Pinatnubayang Pagsasanay

Kapareha mo, hanapin mo. Pag-ugnayin ang dalawang magkakaugnay na bagay.


IX. Paglalahat
Ano ang mga salitang magkakaugnay?
Ang salitang magkaugnay ay mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ang mga kahulugan. Ang mga salitang ito
ay magkasama at magkapareha.

X. Malayang Pagsasanay (Pangkatang Gawain)


Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay sa loob ng kahon.Isulat ito sa kategoryang kanilang
kinabibilangan.

Petsay pang-amoy kangkong Atuyan panlasa


lambak Maam Gladys bundok Maam Janine kapatagan
Tambis 2 malunggay Catmon pandinig Maam Catherine

1.iba’t ibang pandama: ____________, _________________, _________________


2. mga barangay sa Saint Bernard: ________________, __________________, _________________
3. madadahong gulay: ________________, _______________, __________________
4. mga guro sa Tambis 2: _______________, _______________, __________________
5. mga anyong lupa: _________________, ________________, _________________
IX.Paglalapat
Pag-ugnayin ang mga bagay na magkakaugnay.

XII. Pagtataya
Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay sa loob ng kahon.Isulat ito sa kategoryang kanilang
kinabibilangan.

mangga pang-amoy santol Atuyan panlasa


sapa Maam Jeraldhyn ilog Maam Arceli dagat
Tambis 2 rambutan Catmon pandinig Maam Venus

1.iba’t ibang pandama: ____________, _________________, _________________


2. mga barangay sa Saint Bernard: ________________, __________________, _________________
3. mga kahoy na namumunga: ________________, _______________, __________________
4. mga guro sa Tambis 2: _______________, _______________, __________________
5. mga anyong tubig: _________________, ________________, _________________
XIII. Takdang Aralin:
Magbigay ng mga salitang kaugnay ng mga kategorya sa bawat bilang:
1. Mga hayop na may apat na paa: _________________, ________________, _________________
2. Mga prutas na may mga buto: _________________, ________________, _________________
3. Mga konsehal sa Tambis 2: _______________, ________________, _________________
4. Mga kasankapan sa pagluluto: _______________, ________________, _________________
5. Mga pook pasyalan sa Southern Leyte: _______________, _______________, ______________

Noted: Inihanda ni:


SEPHERD S. GARCES JERALDHYN R. NEGRIDDO
School Head T-II
Tambis II Elementary School
Saint Bernard District II, Southern Leyte Division

You might also like