Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Buwang Hugis Suklay (Buod)

Salin sa tagalog ni Dr. Romulo N. Peralta

TAGAPAGSALAYSAY: Noong unang panahon, may isang mangingisda ang lumuwas ng


siyudad upang bumili ng kanyang gagamitin sa pangingisda. Bago ito umalis ay
nagbilin ang asawa at anak nito na bumili ng kendi at suklay na hugis buwan.
Upang hindi malimutan ng mangingisda ang bilin ng asawa na bumili ng suklay
na hugis buwan, ay tumingala lamang daw ito sa langit upang maalala ang
bibilhin.

*************EKSENA 1:*************

MANGINGISDA: (HInahaplos ang buhok ng asawa) Oh siya, aalis muna ako at bibili ng mga
kagamitan ko para sa pangingisda. Mag-iingat kayo rito ha hanggang sa aking
pagbabalik.

ASAWANG BABAE: Oo, mag-iingat ka rin sa iyong paglalakbay ngunit maaari ba akong
magpabili sa iyo ng kendi para sa ating anak? At sa akin naman ay isang suklay
na hugis buwan. At kung sakaling makalimutan mo ito ay tumingala ka lamang
sa langit at tignan mo ang buwan at siguradong maaalala mo na ito.

MANGINGISDA: Ganoon ba? Sige, walang problema. Sige na at kailangan ko nang umalis
upang hindi na ako matagalan. (lumisan na ang mangingisda)

*************EKSENA 2:*************

TAGAPAGSALAYSAY: Noong araw na iyon, ang buwan ay nagsisimula nang maghugis


suklay.
Nagsimula nang maglakbay ang mangingisda at inabot din ng ilang araw bago
ito makarating sa syudad. Nang makarating ay agad itong pumunta ng tindahan
at binili ang kanyang kailangan sa pangingisda pati na rin ang kendi para sa
kanyang anak. Ngunit nakalimutan naman nito ang pinabibili ng kanyang asawa.
Kayat ang lalake ay nagpa ikot ikot sa tindahan upang hanapin kung ano ba ang
pinabibili ng kanyang asawa. Napansin ito ng nagtitinda at nag tanong kung
maari ba nitong tulungan ang lalake sa kanyang hinahanap.

MANGINGISDA: (habang nag-aalala na nagkakamot sa ulo) Nako, ano nga ba ulit ang
ipinapabili ng babaeng iyon? Siguradong malilintikan nanaman ako sa oras na
hindi ko iyon mabibili.

TAGAPANGALAGA NG TINDAHAN: (lumapit sa mangingisda) Maaari ko po ba kayong


tulungan, Ginoo?

MANGINGISDA: Hinahanap ko ang pinabibili ng aking asawa.


TAGAPANGALAGA NG TINDAHAN: Pampapula ho ba ng labi?
MANGINGISDA: Hindi e.
TAGAPANGALAGA NG TINDAHAN: "Pitaka?"
MANGINGISDA:"Hindi rin po.
TAGAPANGALAGA NG TINDAHAN: "Unan?"
MANGINGISDA:""Ah naalala ko na!" saad ng mangingisda. Sinabi nito na tumingala lamang
daw upang maalala ang kanyang bibilhin.

(PAUSE)

TAGAPAGSALAYSAY: Doon ay nakita ng mangingisda at nagtitinda ang bilog na bilog na


buwan. Nang makita ang buwan ay inabot ng nagtitinda ang isang bilog na
salamin. Sigurado daw ito na ang salamin ang pinapabili ng asawa ng
mangingisda.

TAGAPANGALAGA NG TINDAHAN: Alam ko na! Makikipagpustahan ako sayo. Ito ang gusto
ng asawa mong bilhin mo para sa kanya.

*************EKSENA 3*************

NOTE: Nasa sala ng bahay ang buong mag-anak

TAGAPAGSALAYSAY: Nang matapos na sa pamimili ay agad ding umuwi ang mangingisda at


nang makarating sa kanila ay nag-aabang na ang kanyang asawa, anak at ama't
ina ng mangingisda.

MANGINGISDA: Kumuha ka ng kendi (saad ng mangingisda sa kanyang anak.)


ASAWANG BABAE: Natandaan mo pa ang pinabibili ko sayo?"
MANGINGISDA: Oo, nakabili ako. Narito sa lukbutan. (iniabot niya ang lalagyan)
ASAWANG BABAE: "Wala naman dito ang suklay na hugis buwan!
MANGINGISDA: Nariyan lamang iyon. (nanginginig)

TAGAPAGSALAYSAY: Kinuha naman ng mangingisda ang kanyang mga pinamili at inabot sa


kanyang asawa ang lalagyan na may lamang salamin. Nabigla naman ang
asawa ng lalake ng
makita ang nasa repleksyon ng salamin.

ASAWANG BABAE: "Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito ay isang pang-aalispusta! (pagalit na
sabi nito sa asawa)

LOLA:Patingin nga ako. (Laking galit nang makita ang repleksyon sa salamin) Oo nga!
Nakakadiri ka at nag-uwi ka pa ng mia noi na matanda at kulubot pa!.

ANAK NA LALAKI: (kinuha rin ang salamin mula sa Lola at nagsumbong) Lolo tignan nyo
kinuha nya ang aking kendi at kinakain pa

TAGAPAGSALAYSAY: Dali daling hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata at nang makita
din
ang repleksyon ay nainis ang matanda dahil tila nang aasar ang taong nasa
salamin. Dahil sa inis ay kumuha ang matanda at patalim nakita rin nito na may
patalim din ang taong nasa salamin.

LOLO: (Nagagalit) Aba’t tignan mo nga naman at iniismiran pa ako ng hampas lupang ito!
Sasaksakin ko nga ng aking patalim!

TAGAPAGSALAYSAY: Inilapag ng lolo ang salamin sa sahig at inundayan ng saksak ngunit


lalo itong nagali sa kanyang nakita.

LOLO: Sasaksakin din nya ako! (dahil sa galit ay sinaksak ng lolo ang salamin) Ngayon ay hindi
kana makakagambala pa"

************WAKAS***************

You might also like