Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

35

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagpepresenta at pag-iinterpreta

ng mga datos na nakalap sa pamamagitan ng isang talatanungan, upang

magkaroon ng mas malawak na kaalaman ukol sa tunay na kalinangan ng UB

Junior Highschool Students sa paggamit ng salitang Batangueño.

1. Mga Wikang Ginagamit ng mga estudyante ng UB Junior High

School sa pakikipag-talastasan

Base rito ating masasabi na ang tagalog ang pinaka nagsisilbing daan upang

magkaintindihan ang mga estudyante kahit ang ilan sa kanila ay taga ibang ibayo

o lugar. Binanggit ni Tolentino (2012), kilala ang mga batangueño sa

pagkakaroon ng pananalitang Tagalog na may punto at sa pagdadagdag ng

salitang "eh" sa kanilang pananalita at paggamit ng "ga" sa pakikipagusap.

2. Paggamit ng UB Junior High School Students ng mga salitang

Batangueño

Wika ang ating daan sa pakikipag komunikasyon sa araw-araw. Ito ang

ating ginagamit upang magkaintindihan, subalit ito ay nakadepende lamang sa

lugar kung saan ang isang tao ay nakatira o namamalagi. Hindi maipagkakaila

ang pagkakaroon ng iba't-ibang wikang nakadepende sa kultura at mamamayan

ng isang lugar at isa na sa mga ito ang wikang Batangueño. Sa pagtagal ng

panahon, makikita ang pag iba ng mga tao sa mga salitang ginagamit dulot na

rin ng mga makabagong panahon. Tunay ngang sa bahay, sa paaralan at sa

lipunan ang may responsibilidad na panatilihin ang kulturang kinagisnan


36
sapagkat ang mga ito rin ang lugar kung saan madalas ang

pakikipagkomunikasyon upang makita kung nanatiling isinasapuso at ginagamit

ang wikang Batangueño o hindi.

Ayon kay Labor, et al. (2016), libo-libong klase sa Pilipino sa mga

paaralan ng bansa, sa libo-libo ring mga guro, sa daan-daan libong mag-aaral na

tumatanggap ng halos unipormeng pagtuturo sa buong bansa, ang pamantayan

at uri ng makabagong Pilipino ay iisa sa lahat, ang paghakbang na paunlad ng

lahat ay sabay-sabay. Ang mga mag-aaral, anumang rehiyon ang kabilangan, ay

may iisa at parehong pagkakataóng magpakabuti, magpakagaling,

magpakadalubhasa, at magpakatayog sa iisang pamantayan ng sining at agham

ng wika.

Talahanayan 1
Sa Bahay

Weighted Interpretasyong
Mga Sitwasyon Ranggo
Mean Verbal
1. Nakikipagtalakayan gamit ang
3.18 madalas 2.5
wikang Batangueño.
2. Nakikipag-ugnayan sa wikang
Batangueño gamit ang 3.27 madalas 1
teknolohiya.
3. Sumusulat gamit ang wikang
2.62 madalas 5
Batangueño sa tahanan.
4. Pinapanatili ang kasaysayang
tala ng wikang Batangueño sa 3.00 madalas 4
pamamagitan ng pagbabasa nito.
5. Kusang hinahasa ang sarili
upang madagdagan ang
3.18 madalas 2.5
kaalaman sa kahulugan ng mga
salitang. Batangueño.
Composite Mean 3.05 madalas
37
Ang sitwasyong “nakikipag-ugnayan sa wikang Batangueño gamit ang

teknolohiya sa bahay,” ay ang nanguna sa ranggo na may kaukulang weighted

mean na 3.27 at may berbal na interpretasyon na madalas. Sa panahon ngayon,

ang teknolohiya ay isa sa mga pinakamabisang plataporma na may layuning

pagkaisahin ang bawat tao sa buong mundo kung kaya’t ito ang dahilan kung

bakit ito ang nanguna sa ranggo.

Nangalawa naman sa ranggo ay ang sitwasyong nakikipagtalakayan

gamit ang wikang Batangueño sa bahay at kusang hinahasa ang sarili upang

madagdagan ang kaalaman sa kahulugan ng mga salitang Batangueño na

parehas na may weighted mean na 3.18 at berbal na interpretasyon na madalas.

Ganito ang inaasahan sa mga tubong Batangueño at simula pa noong bata pa

ay tinuturuan na sila ng kanilang mga magulang hanggang makasanayan na

nilang gamitin ng maayos ang wikang Batangueño sa pagtatalakayan.

Ang sitwasyong pinapanatili ang kasaysayang tala ng wikang

Batangueño sa pamamagitan ng pagbabasa nito ay ikatlo sa ranggo na may

weighted mean na 3 at may berbal na interpretasyon na madalas. Patunay na

ang mga Batangueno ay talagang mahihilig magbasa ng mga akdang mula sa

Batangas sapagkat ito na rin ang isang paraan upang mapreserba at hindi

mawala o maglaho ang paggamit ng wikang Batangueno.

Ang nasa huling ranggo ay ang sitwasyong sumusulat gamit ang wikang

Batangueño sa tahanan na may weighted mean na 2.62 at may berbal na

interpretasyon na madalas. Anumang edad, ang pagsusulat ay tiyak na

makapaglilinang sa kakayahan nating makipag-ugnayan sa iba at dahil sa


38
pagsusulat, lubusan na nating nagagamit nang maayos ang wikang Batangueno.

Ang sitwasyong nakikipag-ugnayan sa wikang Batangueño gamit ang

teknolohiya sa bahay ay ang nangunguna sa ranggo na may weighted mean na

3.27 at may berbal na interpretasyon na madalas. Pinatunayan ito ni Vasquez

(2015) na sa panahon ngayon, masasabing pinakamabisang plataporma ang

teknolohiya sa pakikipag-komunikasyon sapagkat mas napapabilis nito ang

pagpapalitan ng ideya at ang paraan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at ito ay

may layuning pagkaisahin ang bawat tao sa buong mundo kung kaya’t ito ang

dahilan kung bakit ito ang nanguna sa ranggo.

Ang nasa pangalwang ranggo ay ang sitwasyong nakikipagtalakayan

gamit ang wikang Batangueño sa bahay at kusang hinahasa ang sarili upang

madagdagan ang kaalaman sa kahulugan ng mga salitang Batangueño na

parehas may weighted mean na 3.18 at berbal na interpretasyon na madalas.

Sinuportahan ito ni Arocha (2008) na ang wika ang pinakamabisang

kasangkapan sa ating pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa dahil pasulat man

o pasalita ay magiging makabuluhan sapagkat ito ay binubuo ng mga titik at mga

tunoy na kapag pinagsama-sama ay naipaparating o naipapadama natin ang

nais nating maibahagi sa kanila.

Sumuod naman sa ranggo ang sitwasyong pinapanatili ang kasaysayang

tula ng wikang Batangueno sa pamamagitan ng pagbabasa nito na may

weighted mean na 3 at may berbal na interpretasyon na madalas. Maiuugnay ito

sa pananaliksik ni Vizconde (2011) na kung saan ay nangingibabaw sa larangan


39
ng pagsasalita, pagsusulat at pagabbasa ang wika. Sinasabi na dito mas

mapapabilis ang pagkatuto ng mga tao at pagbabago-bago ng impormasyon.

Ito ang nagpapatunay na ang mga Batangueno ay talagang mahihilig

magbasa ng mga akdang mula sa Batangas sapagkat ito na rin ang isang

paraan upang magpreserba at hindi mawala o maglaho ang pag gamit ng wikang

Batangueno.

Ang nasa huling ranggo ay ang sitwasyong sumusulat gamit ang wikang

Batangueno sa tahanan na may weighted mean na 2.62 at may berbal na

interpretasyon na madalas. Maihahalintulad ito mula sa pag aaral ni Agbones, et

al. (2016) ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan

ng kanyang pinagmulan. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa

maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-

ugnayan at pakikipag-talastasan.

Ayon naman kay Arocha (2008) ang wika ang maituturing na

pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa.

Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating

pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at

simbulo na kapag pinagsama-sama ay maipapahayag natin ang mga

nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibogan, o kung sino pa man na kilala

natin. Masasabing anuman ang ating edad, ang pagsusulat ay tiyak na

makapaglilinlang sa kakayahan nating makipag-ugnayan sa iba at dahil sa

pagsusulat, maaaring sa isang araw ay lubusan na nating magamit nang maayos

ang wikang Batangueno.


40
Sa kabuuan, ito ay may composite mean na 3.05 at may berbal na

interpretasyon na madalas na nagpapakita na ang mga salitang Batangueño ay

ginagamit ng mga UB Junior High School sa kani-kanilang mga bahay.

Talahanayan 2
Sa Paaralan

Weighted Interpretasyong
Mga Sitwasyon Ranggo
Mean Verbal
1. Nakikipagtalakayan gamit ang
3.11 madalas 2
wikang Batangueño
2. Nakikipag-ugnayan sa wikang
Batangueño gamit ang 3.09 madalas 3
teknolohiya.
3. Sumusulat gamit ang wikang
2.72 madalas 5
Batangueño sa paaralan.
4. Ginagamit ang wikang
Batangueño sa pagsagot sa
2.97 madalas 4
klase base sa pagkakaunawa
rito.
5. Nakikiisa sa iba’t ibang
patimpalak o programa ng
3.29 palagi 1
paaralan kagaya ng Buwan ng
Wika.
Composite Mean 3.04 madalas

Nanguna ang ikalimang pahayag na nakikipagtalakayan gamit ang wikang

Batangueño sa ranggo na nakapagtala ng weighted mean na 3.29 at berbal na

interpretasyong palagi. Nanguna ito sapagkat alam nating ang Wikang

Batangueño ay laganap lalo sa iba’t ibang programa sa mga paaralan tulad ng

buwan ng wika.

Sabi ni Caluya (2012), Ang Batangas ang pinagmulan ng wikang

Tagalog at dahil dito, pinakamalapit sa sinaunang Tagalog ang Tagalog na

binibigkas dito kung ihahambingsa ibang mga wikain. Ginagamit pa rin dito ang
41
mga salitang nagmula sa Sanskrit, Arabo,at Persian. Binibigkas ng mabilis at

may makapal na punto ang Tagalog sa Batangas, at may ibang himig ito sa

wikain ng Maynila. Ang ilang pangunahin at kilalangpagkakaiba nitosa wikain ng

Maynila ay angpaggamit ng salitang ire sa halip na ito, dine sa halip na dito at ga

sa halip na ba. Isa rin sa kilalang katangianng mga Batangueño ay ang tinatawag

na “Matanda sa Dugo”, kung saan nagbibigay respeto ang isang kamaganak

hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad. Ang mga Batangueño ay

kilala sapagiging malapit sa isa't isa. Halimbawa sa isang pagtitipon, mapapansin

na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing

pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ngmga Batangueño ay ang

pagsasaka at pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan.

Ang sitwasyon na pakikipagtalakayan gamit ang wikang Batangueño sa

paaralan ang ikalawa sa ranggo at may weighted mean na 3.11 at berbal na

interpretasyon na madalas. Ito ay normal sapagkat hindi maaalis sa Batangueno

ang pakikipag usap gamit ang nakasanayang wika.

Ayon kay Lau (2010), sa panahon ngayon hindi na maikakaila na ang

teknolohiya ay patuloy na sa pagtutulong sa mga tao upang pagkamit nila ang

mga malalawak na posibilidad. Sa aspeto ng komunikasyon, ang mga taong

nagmula sa iba’t-ibang mga kontinente ay maaaring makipag-ugnayan kaagad-

agad sa pamamagitan ng pagpindot lamang sa kanilang mga cellphone

pagkatapos ay makakausap na nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Sinasabi

rin dito na bago raw ang makabagong paraan ng pakikipagugnayan ay umaasa

muna ang tao sa mabagal na pag-eemail o mas masahol pa, ang pagawa ng
42
liham upang maipadala ang mensahe sa isang minamahal. Base sa pananaliksik

na ito, naitala na hindi bababa sa 60% ng populasyon ng mundo ang mayroong

mga cellphone na ginagamit sa iba't ibang aspetong pinakalaganap ay sa

pakikipagkomunikasyon. Umabot ang Pilipinas sa ranggo ng ika-14 na bansa

nang maraming nangmaymay-ari ng cellphone, pinapakita ng mga pananaliksik

na higit sa 73.62% ng populasyon ang gumagamit ng cellphone.

Ang ikatlo sa ranggo ay ang pakikipag-ugnayan sa wikang Batangueño

gamit ang teknolohiya na mayroong weighted mean na 3.09 at berbal na

interpretasyong madalas. Binibigyang kahulugan nito ang impluwensya ng

teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon.

Isinaad naman ni Sayas (2016) sa kanyang artikulo na pinamagatang " Sa

Batangas: Ang Lokalays na Wika na Salita”, ang pagkakabuo ng lokalays na

wika ay dulot ng heograpiya. Ang mga lenggwaheng ito ay maaring magkaiba sa

aksent, lexicograpiya o kaya nama'y sa pagbigkas at ito ay kalimitang ginagamit

ng mga tao sapagkat ito ang wikang kanilang nauunawaan.

Ipinahayag ni Bautista (2018), Sakop ng Presidential Proclamation No.

1041 ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na nilagdaan at ipinahayag ni dating

Pangulong Fidel V. Ramos noong Huyo 13, 1997 na nag-aatas na ang Agosto ay

Buwan ng Wikang Pambansa at Nasyonalismo. Kinikilala ang kahalagahan ng

isang katutubong wika na isang mahalagang kasangkapan sa

pakikipagkomunikasyon, unawaan, pagkakaisa at pambansang kaunlaran sa

nasabing Presidential Proclamation. Ang KWF o Komisyon sa Wikang Filipino ay

ang laging nangunguna sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nasasabi na noong


43
2018, ang pagksang Filipino: Wika Ng Saliksik ay nakaangkla sa pagpapalakas

ng pagpapanatili ng wika sa larangan ng pananaliksik. Ang KWF ay may mga

inihandang gawain na maguugnay sa mga guro, linguists, mananaliksik at iba

pang organisasyon mula sa iba’t ibang rehiyon, na nangako ng bahagi sa

pagkakaroon ng kultura ng pananaliksik na pinag-uugnay ng ating mga lokal na

wika.

Ayon kay Lau (2010), sa panahon ngayon hindi na maikakaila na ang

teknolohiya ay patuloy na sa pagtutulong sa mga tao upang pagkamit nila ang

mga malalawak na posibilidad. Sa aspeto ng komunikasyon, ang mga taong

nagmula sa iba’t-ibang mga kontinente ay maaaring makipag-ugnayan kaagad-

agad sa pamamagitan ng pagpindot lamang sa kanilang mga cellphone

pagkatapos ay makakausap na nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Sinasabi

rin dito na bago raw ang makabagong paraan ng pakikipagugnayan ay umaasa

muna ang tao sa mabagal na pag-eemail o mas masahol pa, ang pagawa ng

liham upang maipadala ang mensahe sa isang minamahal. Base sa pananaliksik

na ito, naitala na hindi bababa sa 60% ng populasyon ng mundo ang mayroong

mga cellphone na ginagamit sa iba't ibang aspetong pinakalaganap ay sa

pakikipagkomunikasyon. Umabot ang Pilipinas sa ranggo ng ika-14 na bansa

nang maraming nangmaymay-ari ng cellphone, pinapakita ng mga pananaliksik

na higit sa 73.62% ng populasyon ang gumagamit ng cellphone.

Ang ikaapat na sitwasyong ginagamit ang wikang Batangueño sa

pagsagot sa klase base sa pagkakaunawa rito ang nasa ikaapat na ranggo na

may weighted mean na 2.97 at berbal na interpretasyong madalas.


44
Nagpapatunay ito na ang ingles at wikang batangueño ay maaaring

magkalamangan sa gamit depende sa mga paksang inaaral sa paaralan.

Ayon kay Ambida (2011) nararapat na linangin at pagyamanin ang

Wikang Filipino dahil ang wikang ito ang nagdudulot sa atin ng kamalayan,

pagkakaunawaan at pagkakakilanlan. Ang sanggunian bilang parte ng lumikha

ng batas ay narararapt maging isang mabuting ehemplo at tagapagtaguyod ng

Wikang Filipino gaya ng paghikayat nula sa mga estudyante na sumagot gamit

ang wikang ito.

Ang ikalima sa ranggo naman ay ang ikatlong sitwasyong pagsulat gamit

ang wikang Batangueño sa paaralan na may weighted mean na 2.72 at berbal

na interpretasyong madalas. Ito ay nangangahulugang hindi pa rin nawawala

ang sariling wika sa paaralan kahit sa ilang mga paksa sa pag-aaral ay Ingles

ang ginagamit.

Ipinahayag ni Bautista (2018), sakop ng Presidential Proclamation No.

1041 ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na nilagdaan at ipinahayag ni dating

Pangulong Fidel V. Ramos noong Huyo 13, 1997 na nag-aatas na ang Agosto ay

Buwan ng Wikang Pambansa at Nasyonalismo. Kinikilala ang kahalagahan ng

isang katutubong wika na isang mahalagang kasangkapan sa

pakikipagkomunikasyon, unawaan, pagkakaisa at pambansang kaunlaran sa

nasabing Presidential Proclamation. Ang KWF o Komisyon sa Wikang Filipino ay

ang laging nangunguna sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nasasabi na noong

2018, ang pagksang Filipino: Wika ng Saliksik ay nakaangkla sa pagpapalakas

ng pagpapanatili ng wika sa larangan ng pananaliksik. Ang KWF ay may mga


45
inihandang gawain na maguugnay sa mga guro, linguists, mananaliksik at iba

pang organisasyon mula sa iba’t ibang rehiyon, na nangako ng bahagi sa

pagkakaroon ng kultura ng pananaliksik na pinag-uugnay ng ating mga lokal na

wika.

Sa kabuuan, ito ay may composite mean na 3.03 at may interpretasyon na

madalas na nagpapakita ng paggamit ng paggamit ng UB Junior High School

Students ng mga salitang Batangueño sa paaralan.

Talahanayan 3
Sa Lipunan

Weighted Interpretasyong
Mga Sitwasyon Ranggo
Mean Verbal
1. Nakikipagtalakayan gamit ang
3.27 madalas 1
wikang Batangueño .
2. Nakikipag-ugnayan sa wikang
Batangueño gamit ang 3.13 madalas 2
teknolohiya.
3. Sumusulat gamit ang wikang
2.62 madalas 5
Batangueño.
4. Napapakinggang ginagamit ang
wikang Batangueño sa mga 2.68 madalas 4
abiso o mga patalastas.
5. Tinatangkilik ang mga palabas na
3.02 madalas 3
gawang Batangueño.
Composite Mean 2.944 madalas

Nanguna sa ranggo ang pahayag na “Pakikipagtalakayan gamit ang

wikang Batangueno,” na nagtala ng weighted mean na 3.27 at verbal

interpretation na palagi. Pinatutunayan lamang nito na palagiang nababanggit o

nagagamit ang mga salitang Batangueno tuwing mayroong talakayan sa kani-

kanilang bahay.
46
Pumangalwa naman sa ranggo ang sitwasyong “Pakikipagugnayan sa

Wikang Batangueno,” na nakakuha ng weighted mean na 3.13 at may berbal na

interpretasyon na madalas. Sinasabi nito na madalas nagagamit ang wikang

Batangueno sa pakikipagugnayan sa lipunan.

Sumunod ay ang pagtangkilik ang mga palabas na gawang Batangueño

na nasa ikatlong pwesto. Ito ay may weighted mean na 3.02 at berbal na

interpretasyon na madalas. Patunay lamang nito na ang mga pelikulang gawang

Batangueño ay pumapatok sa ating lipunan.

Ang ikaapat na sitwasyong paggamit ang wikang Batangueño sa

pagsagot sa klase base sa pagkakaunawa rito ay nasa ikaapat na ranggo na

may weighted mean na 2.97 at may berbal na interpretasyong madalas.

Tumungo ito sa ganitong resulta sapagkat ang ingles at wikang batangueño ay

maaaring magkalamangan sa gamit depende sa mga paksang inaaral sa

lipunan.

Nasa ikalima o huling ranggo naman ang ikatlong pahayag na pagsulat

gamit ang wikang Batangueño sa paaralan na may weighted mean na 2.72 at

berbal na interpretasyong madalas. Ito ay nangangahulugang hindi parin

nawawala ang sariling wika sa paaralan kahit sa ilang mga paksa sa pag-aaral

ay Ingles ang ginagamit.

Sa kabuuan, ito ay may composite mean na 3.03 at may interpretasyon na

madalas na nagpapakita ng paggamit ng paggamit ng UB Junior High School

Students ng mga salitang Batangueño sa paaralan. Ito naman ay sumasang

ayon sa pagaaral ni Cauhay (2017) na sinasabing na palagian paring nagagamit


47
ang sariling dayalekto sa pakikipagtalakayan at diskusyon sa mga lugar katulad

ng eskwelahan at isa pa ay pinunto rito na mahalaga ang paggamit ng mga salita

o lingguahe na maiintindihan sa pakikipagtalastasan.

3. Mga Salitang maituturing na Batangueno

Iisa ang wika nating mga Pilipino subalit may mga natatanging paraan ng

pananalita ang mga tao at halimbawa nito ay ang pagkakaiba ng punto, diin, at

bigkas na kung tawagin ay diyalekto. Mayroon nga tayong kung tawagin ay

salitang Ilonggo, Bikolano, Cebuano, Ilokano, Waray, at Batangueno at ang mga

ito ay nagkakaiba ng tawag sa mga salita subalit iisa naman ang ibig sabihin o

kahulugan nito. Kaya naman napakaimportanteng malaman at matutunan natin

ang iba’t-ibang mga salita nang sa gayun ay hindi tayo magkaroon ng maling

kahulugan sa ating mga isip at para na rin hindi tayo makapagsabi ng mga

salitang maaaring makasakit sa mga ibang tao dahil baka ito ay iba o masama

pala ang kahulugan sa kanila.

Ayon sa Victoria Batangueña (2016), kapag napapunta ka sa Batangas,

ang madalas mo daw maririnig ay ang salitang ala eh! Malimit din daw

napapagkamalang galit ang mga Batangueño dahil malalakas ang boses ng mga

ito kapag nagsasalita. Sinasabing may diin o punto kung sila ay magsalita.

Nakasaaad din dito ang ilan sa mga salita na maririning mula sa mga taga-

Batangas lamang katulad ng timus, patikar, barik likom, damput, panaog,

busayak, atungal, bungisngis, lusaw at marami pang iba.


48
Talahanayan 4
Mga Salitang Batangueno

Mga Salita Bahagdan Rango


1. Karipas 97 % 3.5
2. Lupagi 97 % 3.5
3. Ngawit 96 % 7.5
4. Barik 92 % 14
5. Bungisngis 98 % 1.5
6. Karibok 95 % 10.5
7. Papagayo 96 % 7.5
8. Umay 98 % 1.5
9. Kalamunding 67 % 24
10. Patikar 75 % 20
11. Pagaw 79 % 18
12. Palakat 89 % 16.5
13. Sagimis 24 % 26
14. Sakol 56 % 25
15. Gayak 97 % 3.5
16. Tagaktak 97 % 3.5
17. Pangkal 78 % 19
18. Tanghod 73 % 21
19. Babaysot 96 % 7.5
20. Huntahan 91 % 15
21. Ampiyas 89 % 16.5
22. Maalwan 95 % 10.5
23. Damusak 96 % 7.5
24. Kitse 69 % 23
25. Supak 70 % 22
26. Tubal 95 % 10.5
49
Mula sa mga datos na nakalap buhat sa mga respondente, 98 na

porsyento sa mga salitang ginagamit ng mga batangueno ang bungisngis at

umay. Madalas nagagamit ang bungisngis ng mga taga Batangas sapagkat ang

mga tao roon ay masiyahin at palaging nakangiti kaya natatawag silang

bungisngis. At katulad na rin ang salitang umay sapagkat ang ulam o pagkain

kung minsan sa Batangas ay paulit-ulit o kaya naman ay sa magkakasunod na

araw kinakain kaya naman nasasabi nilang nakakaumay na.

Sumunod naman ang mga salitang karipas, lupagi, gayak tagaktak na

may porsyentong 97. Isa sa mga salitang madalas na ginagamit ay ang karipas

dahil ang mga Batangueno ay laging nagmamadali at tatakbo na kapag malapit

ng mahuli sa lakad o kung saan man. Gayundin ang salitang lupagi sapagkat

madalas sa mga bata doon ay kapag naiyak o napapagalitan ay naglulupagi na

parang padabog. Kasama rin ang salitang gayak dahil ang mga Batangueno ay

palaging nagbibihis ng mga magagarang kasuotan kapag may pupuntahang

espesyal na okasyon o kaya naman ay mamamasyal. Idagdag na rin ang

salitang tagaktak dahil ang mga taga- Batangas ay mahilig maglaro ng mga

outdoor games kaya naman ang kanilang pawis ay sobrang dami na at kung

tawagin ay tagaktak na sa katawan.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang salitang sagimis ay hindi

gaanong kilala o ginagamit na salita sa Batangas na may 27 na porsyento sa

kabuuan. Hindi ito gaanong nababanggit sapagkat ang kilalang salita nito sa

Batangas ay turon. Ang turon ay isa sa mga masasarap na meryenda doon na

gawa sa saging na binalot sa wrapper saka ipiprito sa mainit na mantika. Dahil


50
doon, maraming mga Batangueno ang mas may alam ng salitang turon kaysa sa

sagimis sapagkat iyon na ang nakasanayan.

You might also like