Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS

Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896. Ang kaniyang ama
ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay nakatapos ng
Batsilyer sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng eksaminasyon.
Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17 taong gulang pa lamang.
Noong taong 1920, siya ay nag ulat sa Taliba sa kolum niyang BUHAY MAYNILA.
Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay Florentino Collantes . Ang una
nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro's
Bubuyog.
Siya ay tinaguriang Hari ng Balagtasan.
Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang kolum na Buhay Maynila/
Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula.
Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday, Ang Manok
Kong Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga
unibersidad at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng damdaming
nilalaman.
Si Jose Corazon de Jesus ay namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer.
Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang ANG
AKASYA.

                                                                         
Isang Punong Kahoy
Tula ni  Jose Corazon de Jesus
Sinuri ni Wilmar V. Alcoser

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang ang paa ng Diyos.
Organo sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay
magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


natuyo, namatay sa sariling aliw.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,


panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

Pagsusuri ng Tula
May Akda: Jose Corazon de Jesus
Teoryang Pampanitikan: Realismo

Ritmo: Sa tulang ito’y maliwanag na nagdadalamhati ang makata. Mapapansin sa mga saknong
sa ibaba,

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang ang paa ng Diyos.
Organo sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay
magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa pagbasa ng mga taludtod na ito’y unang papasok sa isip natin ang paraan at layunin ng
makata sa paggamit ng ritmo. Maisaalang-alang na ang unang konsiderasyon ni Jose Corazon de
Jesus ay ang tunog ng kanyang mga salita na may malungkot na himig. Katunayan, labis na
pagpapahalaga ang iniuukol sa mga malulungkot na salitang may tunog na sukat na
makapagpalungkot din ng mga mambabasa.

TUGMA:
Sa tula ng Isang  Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa bawat taludtod, at
saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma ng mga salita na napaka
sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating niya ang kanyang tula na magandang tugma
at maganda basahin sa mga mambabasa.
SUKAT:  
  Ang Isang Punong Kahoy  ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may
walong saknong.

IMAHEN:
  Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod:

  Ako’y tila nakadipang kurus


Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig

Ang mga salitang ito ay nagsisilbing orihinalidad na siya’y nagpapalawak s apag-iisip ng mga
mambabasa. Ang mga imahen na ginagamit niya sa pagpapayaman ng kanyang tula upang mas
makatutulong sa mga mambabasa na mabilis mauunawaan at madama ang inilalarawan ng
makata. Ayon sa pagdanas niya sa kanyang mga pighati. Ang imahen ng kanyang mga tula ay
kanyang ipinapakita na hindi ito nakakalayo sa biograpikal na aspekto ng kanyng buhay. Kung
saan ang kanyang damdamin sa pagbuo nito ay ang kanyang karanasan na ginamit niya bilang
inspirasyon.

KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:

 Sa tulang ito’y  ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa taudtod na;
 Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
 Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na nauugnay sa mga pighati na kanyang nadarama
bilang isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita ay tila Malabo ang kahulugan nang
unang taludtod kaysa pangalawa.. Nangangahulugan ng isang lugar kung saan siya naroroon.
Samantala pagdurusa naman ang mensahe ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya ang
kanyang mga karanasan at paniniwala na pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa kanyang
pagiging makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa kanyang sarili na pinagyaman ng
kanyang isipang namulaklak ng karunungan.

Repleksyon:

 Masasabi ko na sa pagbuo ng isang tula, kinakailangan talaga na may kasangkapan tayo. Hindi
lamang sa karunungan kundi kasangkapan sa mga karanasan sa buhay. Dahil sa mga karanasan
makalilikha tayo ng mga iba’t ibang uri ng damdamin na siyang maghuhudyat sa atin upang
maipalabas natin ito sa masining na pamamaraan. An gating pagkatao, ang kalikasan, ang
pakikipagkapwa ay mga salik upang pagyamanin an gating mga sarili sa mga karanasan sa
mundo na ating kinabibilangan Ang tula, ay puwedeng gawin na inspirasyon nang mambabasa.
Ito rin ang dahilan kung paano nila makikilala ang isang may akda.

                         
                            Pagtatapat
ni: Lope K.Santos
Sinuri ni  Patrick Pagador

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,


Sa ulo mo'y ako ang buong masilid.
Ibig kong kung iyang mata'y tumititig,
Sa balintataw mo ako'y mapadikit.
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig,
Ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;
Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib,
Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.

Hangad kong kung ika'y siyang nag-uutos,


Akung-ako lamang ang makasusunod.
Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog,,
Kaluluwa ko lang ang makapupulot.
Hangad kong sa harap ng iyong alindog,
Ay diwa ko lamang ang makaluluhod.
Hangad kong sa "altar" ng iyong pag-irog,
Kamanyang ko lamang ang naisusuob.
Nasa kong kung ika'y may tinik sa puso,
Dini sa puso ko maunang tumino.
Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y,
Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;
Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo,
Ay mabayaran ko ng libong pangako;
Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo,
Ay mga labi ko ang gamiting panyo.

Nais kong sa aklat ng aking pagsinta,


Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa.
Nais kong sa mukha ng ating ligaya,
Batik man ng hapis ay walang makita.
Nais kong ang linis ng ating panata'y,
Huwag marungisan ng munting balisa,
Nais kong sa buhay nga ating pag-asa'y,
Walang makatagpong anino ng dusa.

Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y


Hamog ng halik mo ang magpapasariwa;
Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala,
Ay wala nang ulap na makagambala;
Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y,
Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa.
Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala,
Ay sa walang yao'y huwag kang mawala.

A.                                                TALAMBUHAY NG MAY-AKDA


            Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa
wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa
pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
           Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C.
Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal.
Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik naK bilang kapalit ng C para sa kaniyang
panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral
sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa
Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang
paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900,
nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog,
katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahingSampaguita. Sa
pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng
Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging
Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin
siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Sariling Buhay

       Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon
sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali
ng buhay ay hinangad ni Santos na magingWikang Pambansa ang Wikang Tagalog.

Sa Larangan ng Politika

       Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ngNueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya
bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.
Mga Nagawa
Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:
•          Balarila ng Wikang Pambansa
•          Banaag at Sikat, isang nobela
•          Salawahang Pag-ibig
•          Kandungan
•          Batas ng Halalan
Mga Tula
•          Pagtatapat
•          Ako’y si Wika
•          Puso at Diwa
•          Nag-iisa Ako
•          Ako’y si Bayan atbp….
B.      ELEMENTO NG TULA

1.       Tugma – ang tugma ay ang pagkakapareho sa mga huling salita sa isang taludtod. Sa
tulang ito ay mayroong mga tugmang nakapaloob. Mapapansin nating may pagkakapareha sa
bawat huling pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod.
2.       Sukat – ang tulang ito ay may lalabing-dalawahin (12) na pantig. Ito ay tradisyonal na
anyo ng tula.
3.       Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula - sa tulang ito, nagpapahiwatig ito ng pagtatapat ng
pag-ibig sa kanyang iniirog. Ipinapakita sa tula ang matinding pagmamahal sa kanyang iniirog.
Kahit anong mga pagsubok o suliranin ang dumating sa pagmamahalan ng dalawang tao ay
kapit-bisig nila itong harapin para pagtulungan upang ito’y malampasan at kahit ano man ang
mangyari ay dapat isentro ang Poong Maykapal sa isang relasyon upang ito’y mapagtibay.
4.       Talinghaga – sa tula ay may mga salitang may matatagong kahulugan tulad ng:
a.         Sa ulo mo’y ako ang buong masilid – iniisip o laman ng isipan
b.         Ang labi ko’y siyang lumasap ng tamis – halikan
c.         Bungang-tulog – panaginip
d.         Kamanyang ko lamang ang naisusuob – ang aking pag-ibig ang iyong pipiliin
e.         Tinik sa puso – problema o hinanakit
f.          Aklat ng pagsinta – pagsuyo sa iniirog
g.         Lantang bulaklak – puno ng kalungkutan
5.       Imahen o Larawang-diwa – sa tulang ito, gumamit ito ng mga larawang-diwang altar,
bulaklak, tala, ulap, lupa, luha at tinik na nagtataglay ng mga kahulugan.

6.       Aliw-iw – tradisyonal ang pagbigkas ng tulang ito, taglay ng tulang ito ang tamis at
maindayog na pagbigkas.
7.       Persona – isang taong nagpapakita ng matinding pagmamahal sa kanyang iniirog. Kahit
anong mga pagsubok na darating sa kanilang pagmamahalan ay kaya-kaya nila itong harapin.
Isang taong mapagmahal at matatag sa kanilang pag-iibigan.

C.      IMAHINISMO

          Sa tulang ito, makikita natin ang mga iba’t-ibang imahinismong ginagamit ng may-akda
para irepresenta ang mga bagay-bagay. Gumagamit ang tula ng imaheng altar, bulaklak, tala,
ulap, lupa, luha at tinik na mayroong iba’t-ibang representasyon na nakatutulong sa pagsusuri ng
tula upang ito’y mas lalong maintindihan ng mga mambabasa o manunuri.

D.      PANGKASAYSAYAN

         Ang tulang ito ay may malaking ambag sa sangkatauhan sapagkat taglay nito ang
aspektong pagmamahal na isa sa pinakamahalagang sangkap tungo sa katagan at kapayapaan ng
sangkatauhan lalung-lalo na sa relasyon ng bawat tao at pag-iibigan ng dalawang tao
Isang Punong Kahoy

Isunulat ni Jose Corazon De Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,

ako’y tila isang nakadipang kurus;

sa napakatagal na pagkakaluhod,

parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan

ay nananalangin sa kapighatian,

habang ang kandila ng sariling buhay

magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,

maghapo’t magdamag na nagtutumangis;


sa mga sanga ko ay nangakasabit

ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;

at saka ang buwang tila nagdarasal,

ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,

ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,

batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

natuyo, namatay sa sariling aliw.

Naging kurus ako ng pagsuyong laing

at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,

panakip sa aking namumutlang mukha!

Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga

ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw,

isang kahoy akong malago’t malabay.

Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,

dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

PAGSUSURI NI DIONNE RICHIE H. CARIGMA


Sa unang saknong, mapapansin natin ang mga salitang “kung tatanawin mo sa malayong pook” ay
nagpapahiwatig na tayo ay nagmumuni muni minsan upang makapagisip o makipagusap sa Diyos.

Sa ikalawang saknong, maririnig natin ang musika ng simbahan dahil sa nabanggit na organo habang
ang tinutukoy namang “kandila sa sariling buhay” ay ang naglalamay sa patay. Dito ipinapakita ang
karaniwang eksena tuwing na taong sumasakabilang buhay.

Ang Ikatlong saknong ay nagpapakita naman ng mga taong nagluluksa o nagdadalamhati. Ang linyang
“sa aking paanan ay may isang batis” ay ang tumutukoy sa mga taong ito. Sa kabilang banda, isinasaad
din ng may akda na ang mga sanga ay sumisimbolo sa kabaong at ang mga ibon ang mga mahal neto sa
buhay.

Katulad sa ikatlong saknong , ipinapakita sa ikaapat na saknong na ang mga nakikiramay sa libing ay
labis ang pagiyak na nagpapakita ng tunay na pagmamahal at pagsama sa mga huling oras na ang taong
namayapa dito sa ating mundo.

Sa ikalimang saknong, “ang kampana sa tuwing orasyon” ay nagpapakita ng pagtunog ng kampana sa


simbahan sa tuwing ihahatid na ang namayapa sa kanyang huling hantungan. Habang ang mga ibon na
sumisimbolo sa mga nagmamahal sa sa namayapa ay nagbabato ng mga bulaklak sa patay ay makikita
parin sa mga mata nila ang mga luhang dumadaloy.

Ang ikaanim saknong naman ay nagpapakita ng kaganapan sa tao kapag namatay na. Sa linyang “ngunit
tingnan niyo ang aking narating, natuyo namatay sa sariling aliw”, masasaksihan natin na sa buhay ng
tao laging may katapusan.

Ikapitong saknong, dito makikita natin na parang nagising sa katotohanan ang isang tao at ang kanyang
mga guni guni or tumatakbo sa isipan ay wala ng naidudulot na maganda at di nakakatuwa.

Sa pang wakas o ikawalong saknong, makikita natin na ang mga panahon na tayo ay parang isang kahoy
na malago’t malabay kapag tayo at bata pa ngunit dadating ang ating katapusan pero sa kabila neto ay
may maiiwan tayong mga memorya na magiging inspirasyon sa iba.

Base sa aking pagkakaintindi, nais iparating ni Jose Corazon de Jesus sa kaniyang tula na ang buhay ay
parang isang puno, may simula at meron din namang katapusan. Nagsisimula ito sa pagkabata at patuloy
itong nagiging matayog hanggang sa pagtanda. Ngunit lahat ng bagay ay may katapusan. Dumadating
tayo sa punto ng ating buhay na kailangan na nating mamaalam sa mga mahal natin sa buhay. Kayat
habang nabubuhay, matuto tayong magpahalaga sa buhay na binigay sa atin ng Diyos. Mas maganda
kung tatanawin natin ang mga araw na tayo’y nabubuhay kaysa sa araw ng ating kamatayan. Hindi
naman tayo ginawa nang mag-isa. Mayroon tayong makakasama na dadamayan tayo sa mga problema
na kakaharapin natin sa buhay kagaya ng ating mga pamilya, mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

Mga Oras na Nalalabi - ipinakita sa ibang bahagi ng tula ang mga nangyayarinsa buhay ng isang tao.
Pumapaloob na rin dito ang mga bagay may kinalaman sa Diyos. Sa buhay ng tao, di natin maaalis na sa
kahit dumating ang mga araw na parang wala ng bukas dahil ss kasiyahan ay darating parin tayo sa
punto na ikakalungkot natin. Ang mga kaganapan ganto ay nagsasanhi ng di magagandang bagay sa atin.

Patungo sa Paraiso - Pinapakita din sa sa bahagi ng tula ang pagpapahalaga natin sa buhay ng tao.
Siguro lahat naman sa atin ay nakaranas na ng mawalan ng minamahal sa buhay. Sa tula ipinakita kung
paano binibigyang importasya ang sino mang sumakabilamg buhay na at sinasabi na ito ay patungo na sa
lugar na paraiso.

Mahimbing na Pagkakahimlay - Sa bahaging ito, makikita natin ang pag pagdadalamhati o luluksa ng
bawat sino man nawalan ng minamahal sa buhay. Ang mahimbing na pagkakahimlay ay nagpapakita ng
pag alis ng mga namatay sa mundong ibabaw.

Base sa naunawaan sa nabasang tula, masasabi nating ang obra ni Jose Corazon De Jesus na “Isang
Punong Kahoy” ay mayroon malaking maidudulot sa buhay ng mga mambabasa neto. Isa na dito ang
pagtuturo sa mga tao na pahalagahan ang buhay na meron ka ngayon. Kahit nakakaranas ka man ng
hirap ay dadating parin ang na tayo naman makakaranas ng kaginhawaan o kung minsan naman ay
kabaliktaran. Sa kabilang banda, naipapakita din dito ang pag respeto sa mga taong sumakabilamg
buhay na na ngayon nakaalis nasa hirap ng buhay at ngayon masaya na.

Isang Punong kahoy

Ni: Jose Corazon de Jesus

I.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ako'y tila isang nakadipang krus;

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.


II.

Organong sa loob ng isang simbahan

Ay nananalangin sa kapighatian,

Habang ang kandila ng sariling buhay,

Magdamag na tanod sa aking libingan...

III.

Sa aking paanan ay may isang batis,

Maghapo't magdamag na nagtutumangis;

Sa mga sanga ko ay nangakasabit

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

IV.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;

at tsaka buwang tila nagdarasal,

Ako'y binabati ng ngiting malamlam!

V.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;

Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,

Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

VI.

Ngunit tingnan niyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw;

Naging krus ako ng magsuyong laing

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

VII.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,

Panakip sa aking namumutlang mukha;

kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,


Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

Pagsusuring basa: Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus

A. Pagkilalasa may akda:

Si Jose Corazon de Jesus o mas kilalang “Huseng Batute” ay ipinanganak noong Nobyembre 22, 1896 sa
Sta. Cruz, Maynila at pangalawa siya sa tatlong anak nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangalinan. Ang
unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong 17 taong gulang pa lamang. Noong taong 1920, nag
ambag siya ng tulang Taliba sa. Siya rin ay kinilalang “Hari ng Balagtasan”, matapos manalo laban sa
kanyang pangunahing katunggali na si Florentino T. Collantes. Namatay siya noong Mayo 26, 1932 sa
edad na 36 dahil sa ulcer. Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang “Isang
Punongkahoy” na anakasya.

B. Teoryang Pampanitikan: Realismo

Ang tulang Isang Punong kahoy ay may teoryang realismo dahil ipinakita niya ang mga karanasan at
nasaksihan sa kanyang lipunan.ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang niyaang pagka epiktibo ng kanyang sinulat.

C. Uri ng Pampanitikan

Angtulang ito ay maliwanag na nagdadalamhati ang makata.

D. Estruktura (Sukat, Tugma at Ritmo)

Ang tulang “Isang Punongkahoy’ ay may sukat na tig labing dalawahin at ang bawat taludtod ay may
walong saknong. Ang tugmang mga salita ay napaka sining at naipaparating niyang mabuti ang tula.

E. Repleksyon

Ang masasabi ko sa pag buo ng isang tula, kinakailangan talaga na may mga kasangkapan tayo. Hindi
lamang sa karunungan ito makikita kundi rin sa kasangkapan sa mga karanasan makakalikha tayo ng mga
iba’t ibang uri ng damdamin na siyang naghuhudyat sa atin upang maipapalabas natin ito sa masining na
pamamaraan. At ang tula, ay pwedeng gawin na inspirasyonnang mambabasa

You might also like