Reaksyong Papel: (Pagbasa at Pagsusuri NG Teksto Tungo Sa Pananaliksik)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Reaksyong Papel

(Pagbasa at Pagsusuri
ng Teksto tungo sa pananaliksik)

Corine B. Vargas
ABM – 12
Ang tekstong napili ko ay tekstong deskreptibo. Ito ay isang tula na pinamagatang
“Gusto ko ng Pag-ibig na Parang Ambon” na isinulat naman ni Rod Marmol. Si Rod
Marmol ay isang direktor, tagasulat ng senaryo at isang pinakamabentang awtor ng
mga kwentong nagpapainit at nagbibigay babala sa puso. Sa kanyang bakanteng oras
ay nagsusulat siya ng mga tula at hugot sa kanyang Facebook page na "Rod Marmol
Writes" na tinatangkilik ng halos umaabot ng kalahating milyon na tao. Dito ko
nakuha ang kanyang akdang tula. Ang tulang “Gusto ko ng Pag-ibig na Parang
Ambon” ay patungkol sa pag-ibig at sa ideya ng pagmamahal na nasa isip ng may
akda. Inihalintulad ng may-akda ang pag-ibig sa ambon. Ikinonekta niya ang mga
katangian ng ambon sa klase ng pagmamahal na nais niyang maramdaman. Na tulad
ng ambon, ang pag-ibig ay dapat malumanay at hindi nakakasakit. Ang pag-ibig ay
dapat kusang-loob na nagbubuhos ng pagmamahal at hindi mapang-abuso at agresibo.

Sadyang nabago ng tula na ito ang pananaw ko sa kung ano dapat ang aking maging
batayan ng pagmamahal. Ang linyang pinakatumatak sa aking isipan ay ang linyang
“Malumanay pero nararamdaman.” Dito ko napagtanto na ang pag-ibig ay hindi isang
malakas na daloy ng emosyon na kung saan ay puro saya lamang ang nararamdam.
Ang pag-ibig ay patuloy na nagbibigay at hindi nauubos. Ang pag-ibig ay malumanay
ngunit walang hangganan. Sumasang-ayon ako sa ideya ng pagmamahal na isinaad ng
may-akda. Walang sinuman ang dapat makaranas ng nakakasakit at nakalulunod na
pag-ibig. Marahil hindi matatawag na pag-ibig ang isang bagay kung hindi ito
malumanay at walang hanggan kung magbigay. Dahil gaya ng sa tula, ang pag-ibig ay
parang isang ambon na hindi nagmamadali, hindi naninira, hindi nananakot, at hindi
naninigaw. Ang pag-ibig ay malumanay na humahalik sa bawat uhaw na sulok ng
pagkatao. Gusto ko ng pag-ibig na parang ambon.

Inantig ng tulang ito ang aking puso sa paraan na hindi pa nagagawa ng ibang tula na
akin nang nabasa. Ibinibigay nito ang perpektong ideya kung ano ang pagmamahal at
kung paano ang umibig. Nararapat lamang na ating maramdaman ang pagmamahal na
hinahangad natin. Hindi nagmamadali, hindi naninira, hindi nananakot, hindi
naninigaw. Malumanay pero nararamdaman.

Sanggunian:
https://www.facebook.com/445359845549990/posts/gusto-ko-ng-pag-ibig-na-
parang-ambonpawisin-kasi-akosa-likod-at-sa-mata-kaya-ayo/4245089195577017/

You might also like