Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

AVERAGE

1. Ano ang tawag sa halagang natatangap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanyang ibinibigay?
A. Kita C. Pagkunsumo
B. Pag-iimpok D. Salapi
2. Ano ang maaring mangyari kung itatago mo lang sa alkansy ang iyong pera?
A. Hindi ito magagastos ng basta basta. C. Hindi ito kikita ng interes.
B. Hindi ito masisira ng anumang insekto. D. Hindi ito mananakaw ng sinuman.
3. Alin sa sumusunod ang sanhi ng Implasyon?
A. Ang pagtaas ng piso laban sa dolyar.
B. Ang pagbaba ng konsumo ng produkto sa pamilihan.
C. Ang kawalan ng panustos sa produkto na kinakailangan ng mamimili.
D. Ang pagkaroon ng debalwasyon o pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar sa pandaigdigang
pamilihan.
4. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa paggamit ng pagbabadyet at pagbubuwis pamahalaan upang
makamit ang isang matatag na ekonomiya?
A. Budget Deficit
B. Budge Surplus
C. Patakarang Piskal
D. Patakarang Pananalapi
5. Anong patakaran ang ipinapatupad ng pamahalaan upang pabagalin ang sobrang kasiglahan ng
ekonomiya ng bansa para maiwasan ang implasyon?
A. Budget Call C. Expansionary FP
B. Contractionary FP D. Fiscal Policy
6. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng pondo/budget ng pamahalaan.
A. Sahod C. Buwis/Tax
B. Kalakal D. Bangko
7. Ito ang mga malalaking banko ng bansa na may iba’t ibang sangay sa ibang lugar.
A. Thrift Banks C. Commercial Banks
B. Rural Banks D. Specialaized Government Banks
8. Ang mga sumusunod ay mga gamit ng salapi, MALIBAN sa isa
A. Pamantayan ng halaga C. Sukatan sa kapasidad na magbayad ng utang
B. Instrumento ng palitan D. Ipagpalibang kabayaran o deffered payment
9. Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa Institusyong Bangko?
A. DBP C. SSS
B. BDO D. RCBC
10. Pangunahing layunin ng bangkong ito ay ang paunlarin ang kabuhayan ng mga tao sa kanayunan.
A. Thrift Banks C. Kooperatiba
B. Rural Banks D. Land Bank

Difficult

1. Kamakailan lang natanggap ni Sam ang kanyang bonus. Ibibili sana nya ito ng bagong flat screen t.v.
ngunit nakapagdesisyon siya na itabi na lang muna ang pera sa kanyang bangko. Anong aksyon ang
kanyang isinagawa?
A. Pag-iimpok C. Pangungutang
B. Pagkunsumo D. Pagtitipid
2. Ano ang tawag sa pagbili o paggamit ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangnan ng tao.
A. Kita C. Pagkunsumo
B. Pag-iimpok D. Gastos
3. Sa tingin mo, bakit mas mababa ang bilang ng Pilipino na nag-iimpok sa bangko?
A. Dahil sa implasyon C. Dahil marami ang walang hanap buhay
B. Dahil sa kakulangan ng salapi D. Dahil takot ma scam
4. Ano ang tawag sa paglalagay ng isang indibidual ng kanyang ipon sa mga financial asset katulad ng
stocks, bonds o mutual funds?
A. Financial Intermediaries C. Banks
B. Personal Investment D. Economic Investment
5. May iba’t ibang uri ang price index, alin sa sumusunod ang hindi kabilang?
A. Individual Price Index C. Consumer Price Index
B. Producer Price Index D. GNP Implicit Price Index
6. Sa kasalukuyang panahon nakakaranas ang bansang Pilipinas ng pangkalahatang pagtaas ng presyo
ng mga produkto at serbisyo. Anong konsepto ang tinutukoy dito?
A. Depresasyon C. Deplasyon
B. Implasyon D. Resesyon
7. Ano ang karaniwang ginagamit upang masukat at mapag-aralan ang pagbabago ng presyo ng
produkto.
A. Purchasing Power C. GNP Implicit Price Index
B. Antas ng Implasyon D. Consumer Price Index
8. Ang sumusunod ay mga taong nalulugi sa pagkakaroon ng Implasyon, MALIBAN SA:
A. Speculators C. Nag-iimpok
B. May tiyak na kita D. Nagpapautang
9. Sa papaanong paraan malulutas ang Demand- Pull Inflation?
A. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
B. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksyon
C. Pagpapautang na may mababang interes upang mahikayat ang karagdagang paggasta
D. Pagkontrol sa supply upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
10. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A. Bumili ka lang kung bagsak presyo ang mga bilihin sa pamilihan
B. Bumili lamang sa supermarket or grocery upang matiyak ang presyo
C. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkakaroon ng kakulangan.
11. Ang pinaka layunin ng patakarang pananalapi ay:
A. Paglalagak ng pera sa financial market C. Kontrolin ang implasyon
B. Pababain ang antas ng un employment D. Tumulong sa pamahalaan
12. Ito ay tumutukoy sa pamamahala/pagkontrol ng suplay ng salapi sa sirkulasyon
A. Patakarang Piskal C. Patakarang Pagbubuwis
B. Patakarang Pananalapi D. Patakarang Pagbabangko
13. Anong institusyong di-bangko ang tumutulong sa mga kasapi nito lalo na sa pabahay.
A. SSS C. PAG-IBIG
B. GSIS D. KOOPERATIBA
14. Ang sumusunod ay mga tinatawag na regulator, maliban .
A. BSP C. RISK MANAGEMENT
B. PDIC D. DBP
15. Ang bangkong ito ay naglalayun na matulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng
puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
A. Al- Amanah C. RCBC
B. DBP D. BPI
ANSWER KEY

AVERAGE

1. A
2. C
3. D
4. C
5. B
6. C
7. C
8. C
9. C
10. B

DIFFICULT

1. A
2. C
3. C
4. B
5. A
6. B
7. D
8. A
9. D
10. D
11. B
12. B
13. C
14. C
15. A

You might also like