Gawain 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bicol Merchant Marine College Inc.

Rizal Ave. Piot, Sorsogon City


E-mail: bmmci02@yahoo.com

Pangalan: Jericho D. Defeo


Taon at Pangkat: BSHM 1B
Petsa: Ika-2 ng Mayo,2022

GAWAIN 9

PANUTO: Ibuod ang teksto.


Ayon sa paniniwala ng karamihan, ang midyum na Filipino ang nararapat na gamitin sa larangan
ng pagtuturo, agham at matematika. Mayroong positibong pagkakaugnay ang midyum sa
pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag- aaral ayon sa lektyur ni Maxima Acelajedo(1993) na
pinamagatang Teknikal na Filipino sa Matematiks. Sinasabing ang paggamit ng midyum na
Filipino sa pagtuturo ng Agham at Matematika ang pag aaral ay mas mapapadali.

Upang mabigyang patunay ito, ginamit ko ang midyum na Filipino sa aking pagtuturo ng
Pangkolehiyong Algebra sa isang repeaters class sa Kolehiyo ng Malayang Sining sa
Pamantasang De La Salle noong ikalawang traymester ng 1889-1990. Sa una’y wala namang
problema. Ang pagpapaliwanag ko ay sa midyum na Filipino ngunit ang mga terminolohiya at
konsepto ay nanatiling Ingles sapagkat ito ang kasanayan ng mga mag aaral. Naging madali
saakin ang paggamit ng midyum na Filipino dahil lumaki ako ng Batanggas na Tagalogang
dayalekto.

Sa aking pagtuturo kahit na sa aklat ay Ingles ang nakasulat at ang aking paliwanag ay Filipino
nagkakaroon pa rin ng unawaan. Nagkaroon ng magandang resulta ang pagtuturo sapagkat
maraming mga mag-aaral ang pumasa sa pagtatapos ng traymester. Mula noon ay wikang
Filipino na ang aking ginagamit sa pagtuturo ng College Algebra at Mathematics of investment
sa bawal mahahawakan kong repeaters class.

You might also like