Hankes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mark Heinrich B.

Paras Grade 12- STEM | Parentela


Gawaing Pagganap Blg. 3 – Modyul 7
“Panukalang Proyekto”

I. Pamagat :
Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na Pamumuno sa
mga Kabataan ng Brgy. Alipangpang, Pozorrubio, Pangasinan
“(Leadership Training Program)”
II. Proponent ng proyekto:
Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
Opisyales ng barangay
Sangguniang Kabataan
III. Kategorya:
Seminars o webinars ang kartegoryang gagamitin ng proyektong ito
sa paglinang ng kaisipan ng mga kabataan Kabataan ng Brgy.
Alipangpang, Pozorrubio, Pangasinan

IV. Petsa: Hulyo 25-29, 2022


V. Rasyunal:
Nilalayon ng Opisyales ng barangay at sangguniang kabataan na
maipadama sa mga kabataan ang pagiging isang mabuting lider sa
komunidad at barangay.

Layunin ng proyektong ang mga sumusunod :


1. Malinang at matutuhan ng mga kabataan ang tamang
pamumuno, integridad, pangarap, pagkahumaling, pagtiwala,
pagkamausisa , pagkatapang at upang maiwasan ang maagang
pagbubuntis lalo na sa mga babaeng kabataan.
2. Makapagbahagi ng mga biyaya at kaaalaman upang mas
maging aktibo ang mga kabataan sa barangay.
VI. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang Pamumuno sa mga kabataan ng Brgy. Alipangpang,
Pozorrubio, Pangasinan ay isang seminar o webinar kung saan
hinihikayat ang lahat ng kabataan na may edad na 13-25 na makilahok sa
paglinang ng kaisipan. Ang seminar na ito ay makatutulong sa kabataan
ng Brgy. Alipangpang, Pozorrubio, Pangasinan na maging isang mabuti
at karapat-dapat na lider. Ang webinar ay isinusulong din sa mga
kabataan na PWD at hindi makalabas upang maging kumportable ang
mga ito, (kalusugan ng kabataan ay ang unang prioridad ). May
isasagawa ring mga programa ng pagpapakain, mga laro, sayawan,
kantahan at aktibidad na pamumunuan ng mga sangguniang kabataan at
opisyales ng barangay.
Ang panukalang proyekto ay isasagawa sa ika-25,-29 ng Hulyo,
ganap na 9:00 am hanggang 3 pm sa Alipangpang Elementary School.
VII. Badget

Mga Gastusin Halaga


I. Pagkain ng mga makikilahok (5 araw) Php 10 000.00
II. Leadership Kits Php 15 000.00
III. Iba pang materyales na gagamitin Php 5 000.00
Kabuoang Halaga Php 30 000.00
Ang Panukalang Proyekto ay may kabuoang badget na Php 30 000.00
upang mas maging epektibo, maayos at makabuluhan ang seminar o
webinar na ito.
VIII. Pakinabang:
Mahigit limampung porsiyento nang kabataan ang walang
natutuhan sa pag-aaral dulot ng pandemiya. Pagkabuntis, pagkalungkot at
pagpapakamatay ang ilang pangyayari na nailathala ngayong pandemya.
Kaugnay nito, mahalagang magkaroon ng tamang pamumuno sa sarili,
pamilya at kumunidad ang mga kabataan upang maiwasan ang mga
suliranin na patuloy na lumulubo sa aming barangay. Ito rin ay
makatutulong sa mga kabataan na nais tumakbo bilang isang lider o
sangguniang kabataan na magkaroon ng maayos na plataporma para sa
ikauunlad ng barangay. Sa pamamagitan nito, makatutulong ito sa pagbuo
at pag-abot ng mga pangarap ng kabataan patungo sa kanilang tagumpay.

You might also like