Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

PAGSUSURI SA

AKDANG
PAMPANITIKAN

Ipinasa kay:

Gng. Rebecca M. Hilot

Ipinasa nina:

Jabiniao, Darlyn

Labadan, Raffy

Lagapa, Rayven

Laurel, Gabriel Cedrick

Laurente, Shayne Marie


Yaman Ng Tahanan

Panitikan.com.ph.

Yaman ng tahanan namin ang mga tawanan,

sa maraming bagay, kami ay may napagkakasunduan.

Pasiyahin at igalang ang bawat isa’y di nalilimutan,

kaya naman natatangi ang pagsasamahan.

Yaman ng tahanan namin ang pagtutulungan,

laging mayroong kamay na handang umagapay.

Ibinibigay anuman ang aming mga kailangan,

handang maglaan ng oras at tiyaking mayro’ng gabay.

Yaman ng tahanan namin ang respeto,

sumusunod sa mga payo at anumang panuto.

Batid naming ito ay para sa aming ikabubuti,

lumaking magalang at mayroong disiplina sa sarili.

Yaman ng tahanan namin ay ang pamilya,

samahang hindi matatawaran ng iba pang relasyon.

Sa loob ng bahay ay puno ng pag-asa at saya,

basta sama-sama ay nakakayanin anumang hamon.


I. Pamagat
Ang pamagat ng akdang ito na "Yaman ng Tahanan" ay naglalarawan ng mga
kayamanan o mahahalagang bagay na matatagpuan sa loob ng isang tahanan. Ito ay
hindi lamang tumutukoy sa materyal na bagay kundi pati na rin sa mga emosyonal na
bagay tulad ng pagmamahalan, pagkakaisa, at respeto sa isa't isa. Sa pamamagitan ng
mga ito, ang tahanan ay nagiging isang lugar ng kaligayahan at kapayapaan.

II. May Akda

Ang mga tulang ito na pinamagatang tula tungkol sa pamilya ay original na gawa ng
Panitikan.com.ph. Ito ay isang website na nagtataguyod ng edukasyon at impormasyon para sa
lahat ng Pilipino. Bata ka man o matanda, ang layunin ng website na ito ay ang makapagturo
tungkol sa mayamang kultura at mahabang kasaysayan ng Pilipinas.

III. Anyo ng Panitikan

Ginamit sa akdang ito ang Akdang Tula o Patula, at ang “Yaman ng Tahanan” ay
Tulang Pasalaysay, isang tula na may balangkas. Ang tulang ito ay maaaring maikli o mahaba,
at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong
pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko,
ballad, idylls at lays. Habang kabilang ang tula ng “Yaman ng Tahanan”sa “Karaniwang”
Tulang Pasalaysay. Dahil makikita natin na ang tula ay naglalaman ng pangyayari sa araw araw
na buhay.

IV. Elemento ng Tula


a. Saknong

Ang tulang Yaman ng Tahanan ay mayroong apat na saknong at ang bawat saknong nito
ay binubuo ng 4 na taludtud at may tugma.

Sa unang saknong, ay inilalarawan ng may-akda ang pagsasamahang payapa at matiwasay


ng isang pamilya. “Pasiyahin at igalang ang bawat isa’y di nalilimutan”. Ito ay
nangangahulugang ginagampanan ng bawat isa sa loob ng pamamahay ang responsibilidad na
magtulung-tulungan at laging isipin ang kapakanan ng kasama, isa narin dito ang pag-bibigay
tuon sa pagpapanatili ng isang maayos at payapang pamumuhay.

Sa ikalawag saknong, nais ipabatid ng may akda na sa anumang pangangailangan, ang


paglalaan ng oras at pagiging nandiyan sa ating mga kasama hanggang sa kasalukuyan ay ang
nagpapanatili ng lubos at tiyak na mabuting relasyon. Ang yamang pagtutulungan kahit na sa
simpleng paraan, ay nagbibigay lakas ng loob at pagpapanatili ng buo at ganap na
pagsasamahang walang kapantay.

Sa ikatlong saknong, batid na inilarawan ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa bawat


isa at ang pagiging mabait kanino man. Gayundin ang paghuhubog ng makabuluhang samahan
na may respeto at disiplina sa bawat isa para magkakasundo sa anumang hamon na ating
matatamasa sapagkat kung may pagtitiwala at pundasyon ng isang malusog na samahan tiyak
maiaahon ang anumang problema.

Sa ikaapat na saknong, madadarama natin ang init ng pagsasama na kapag sama-sama ang
bawat pamilya maging sa kalungkutan at saya, mapaghahandaan at maipaglalaban ng bawat
isa ang seguridad at proteksyon maging sa emosyonal, mental, at pisikal na pangangailangan
ng bawat kasama. Dito natin masusubaybayan ang isang pamilyang hindi man perpekto sa mata
ng iba, ngunit sa simpleng pagtutulungan at paggabay sabay sa ihip ng panahon, naititmpla ng
maayos ang tamis at pait tungkol sa reyalidad at ang totoong yaman ng tahanan.

b. Sukat

Yaman ng tahanan namin ang mga tawanan, - 12


sa maraming bagay, kami ay may napagkakasunduan.-17
Pasiyahin at igalang ang bawat isa’y di nalilimutan, -20
kaya naman natatangi ang pagsasamahan. -14
Yaman ng tahanan namin ang pagtutulungan, -14
laging mayroong kamay na handang umagapay.-14
Ibinibigay anuman ang aming mga kailangan,- 15
handang maglaan ng oras at tiyaking mayro’ng gabay.-15
Yaman ng tahanan namin ang respeto, sumusunod sa mga payo at anumang panuto.-12
Batid naming ito ay para sa aming ikabubuti,-16
lumaking magalang at mayroong disiplina sa sarili.-17
Yaman ng tahanan namin ay ang pamilya,-13
samahang hindi matatawaran ng iba pang relasyon.-17
Sa loob ng bahay ay puno ng pag-asa at saya,-21
basta sama-sama ay nakakayanin anumang hamon.-17

c. Sesura

Yaman ng tahanan namin / ang mga tawanan,

sa maraming bagay, / kami ay may napagkakasunduan.

Pasiyahin at igalang ang bawat isa’y /di nalilimutan,

kaya naman natatangi ang pagsasamahan.

Yaman ng tahanan namin / ang pagtutulungan,

laging mayroong kamay / na handang umagapay.

Ibinibigay / anuman ang aming mga kailangan,

handang maglaan ng oras / at tiyaking mayro’ng gabay.

Yaman ng tahanan namin / ang respeto,

sumusunod sa mga payo / at anumang panuto.

Batid naming ito ay para sa aming ikabubuti,

lumaking magalang / at mayroong disiplina sa sarili.

Yaman ng tahanan namin / ay ang pamilya,

samahang hindi matatawaran / ng iba pang relasyon.

Sa loob ng bahay / ay puno ng pag-asa at saya,

basta sama-sama / ay nakakayanin anumang hamon.

d. Tugma
Mayroong dalawang uri ng tugma na ginamit sa tula na ito, ito ay ang "tugma sa
katapusan" at "tugma sa gitna". Halimbawa ng "tugma sa katapusan": "tawanan" at
"napagkakasunduan" "agapay" at "kailangan" "disiplina" at "relasyon" "saya" at "hamon"
Halimbawa ng "tugma sa gitna": "natatangi ang pagsasamahan" "handang umagapay"
"mayro'ng gabay" "para sa aming ikabubuti" Ang mga tugmang ito ay nagbibigay ng
musikalidad sa tula at nagpapadali sa pagbigkas nito

e. Tono
Ang tono ng "Yaman ng Tahanan" ay positibo at nagpapahalaga sa mga halaga ng isang
magandang tahanan. Ipinapakita ng tula ang kahalagahan ng mga emosyonal na yaman
tulad ng pagmamahalan, pagkakaisa, at respeto sa bawat isa. Ang mga ito ay kinikilala
bilang mahahalagang bahagi ng isang maayos at maligayang tahanan. Bukod sa mga
emosyonal na yaman, binibigyang halaga rin ng tula ang pagtutulungan at pagbibigay ng
oras at tulong sa isa't isa. Ang mga ito ay nagbibigay ng kapayapaan at kasiglahan sa
tahanan. Sa kabuuan, ang tono ng akda ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa tahanan at sa
mga taong nakatira rito. Binibigyang halaga nito ang kahalagahan ng tahanan bilang isang
lugar ng kaligayahan, pag-asa, at pagmamahalan.

f. Simbolo

Ang salitang “yaman” ay nagpapakahulugan ng pagpapakita ng isang karangyaan ngunit


sa tulang ito ay ginamit ang salitang “yaman” hindi man sa materyal na bagay pero sa
paglalarawan ng “yaman” sa pagmamahal, respeto, disiplina, pagkakaisa, at kasiyahan.

g. Tayutay

"Yaman ng tahanan namin ang mga tawanan", - Personipikasyon = naglalahad ang


tahanan bilang isang bagay na walang buhay, habang ang mga tawanan naman ay katangiang
pantao na nabibilang sa kilos.
"Yaman ng tahanan namin ang pagtutulungan", - Personipikasyon = naglalahad ang
tahanan bilang isang bagay na walang buhay, habang ang pagtutulungan naman ay katangiang
pantao na nabibilang sa isang gawi.
"laging mayroong kamay na handang umagapay", – Hyperbole/Pagmamalabis =
pinapakita dito ang eksaherasyon o pagpapalampas sa totoo. O sa madaling salita ginamit ang
kamay sa pagpapahayag sa eksahaaderadong paraan ng paglalarawan.
"Yaman ng tahanan namin ang respeto", - Personipakasyon = naglalahad ang tahanan
bilang isang bagay na walag buhay, habang ang pagtutulungan naman ay kaangiang pantao na
nabibilang sa isang gawi.
h. Guni-guni

Ang tulang ito ay Oda dahil ito ay nagbibigay puri o dedikasyon sa kahalagahan at dulot
ng pagkakaroon ng matatawag na pamilya. Naipahayag nito ang pagmamahalan ng pamilya sa
loob ng tahanan. Maraming naibibigay ang pamilya na kailangan ng bawat isa para umunlad
at magpatuloy sa buhay. Kaya naman ang turing ng mga ito sa kanila ay yaman.

V. Teoryang Pampanitikan

Ang tulang ito ay kabilang sa teoryang moralismo, dahil inilalahad sa tulang "Yaman
ng Tahanan" ang mga panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di
mapapawang mga pagpapahalaga at kasalan(values) sa buhay.

VI. Bisang Pampanitikan

A. Bisa sa Isip

Habang binabasa namin ang tula na pinamagatang Yaman ng Tahanan, namangha kami sa
samahan nila bilang isang simple at payak na pamumuhay. Talaga bang mamumulat ang ating
mga isipan na sa bawat pagsubok at problemang dadaan, importante na hubugin natin ang
bawat isa na magtutulungan at gumawa ng isang makabuluhang pundasyon para agad nating
masusulosyunan ang anumang suliranin.

B. Bisa ng Kaasalan

Para sa amin, ang tulang ito ay nagpamulat sa aming personal na relasyon sa aming pamilya
na nararapat lamang ugaliin at ipamalas ng bukas sa isipan at damdamin ang pagkakaroon ng
malusog na usapin tungkol sa mga problema, pangangailangan, tagumpay, at maging ang mga
simpleng bagay para magkaroon ng kalutasan ang mga bagay na bumabagabag sa ating pang
araw-araw na gawain. Hingil pa rito, namulat kami sa reyalidad na kahit bata pa tayo, meron
tayong maibabahagi para magbigay kaginhawaan at solusyon para sa pagdating ng panahon,
magagawan natin ng mabilisang aksyon ang anumang sitwason.

C. Bisa sa Damdamin

Nararamdaman naming sa tulang ito ang tunay na kahulugan ng yaman sa isang tahanan at
ang pagmamahalan ng isang pamilya. Hingil pa dito, naantig kami sa dalisay na relasyon ng
bawat isa at ang kanilang ipinapamalas na ugali. Nawa'y magsisilbi itong gabay sa ating lahat
na maging mabuting ehemplo sa pagsasabuhay ng mabuting asal kasabay sa modernisasyon ng
makabagong panahon.

D. Bisa sa Lipunan

Malaki ang naging epekto ng tulang ito para magkaroon tayo ng positibong pananaw sa
buhay at para maghatid ng kaalaman tungkol sa tunay na simbolo ng isang pamilyang pilipino.
Ang tulang Yaman ng Tahanan ay ang pagkakaisa ng bawat pamilya na naipapamalas sa
tradisyonal at makabagong henerasyon ngayong panahon maging sa ating lipunan.

VII. Pangkalahatang Reaksyon

Ang tulang ito ay sumasalamin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pamilya. Sa


ating bansa, likas na ang pamilya ang isa sa pinakamahalagang unit ng ating lipunan. Ang mga
tradisyon na nabuo ay pinag-uugnay ng ipinapakita at ipinaparamdam natin sa bawat miyembro
ng ating pamilya. Ang pagturing bilang kapamilya ay hindi lamang nasusukat sa dugo, dahil
ang kahulugan ng pamilya lalong-lalo na bilang Pilipino ay sa kung sino ang nagbibigay sayo
ng kaginhawaan, ng pagmamahal, respeto, at kasiyahan. Ang mga aral na itinuturo at
natututunan sa loob ng bawat tahanan ay gumaganap ng malaking papel sa paghubog ng
karakter ng bawat isa bilang indibidwal.

VIII. Pagpapahalagang Katauhan

Sa isang tahanan ay mahalaga ang pamilya, ang pamilyan ang siya ring mahalaga sa
paghubog ng isang indibidwal kung paano sya kumilos, magsalita at kung paano sya trumato
sa kanyang kapwa at maging isang epiktibong mamamayan sa lipunan. Ang paghubog sa ating
sarili ay nagsisimula sa ating tahanan, kung kaya't importante na sa pamilya palang natin ay
mga positibong katangian na ang ating natatamo. Ang isang pamilyang mayaman sa
pagmamahal, pangangalaga, pagtitiwala, at paggalang ang pinakamahalagang pundasyon sa
paggawa ng isang tahanan na nagkakahalaga ng paninirahan. Mula sa aming kabuuang
pananaw, kami ay naantig sa mensahe ng panitikan dahil naniniwala kami na ang pagkakaroon
ng mga katangiang iyon sa loob ng aming tahanan ang siyang magiging susi sa paghubog ng
aming kanya-kanyang katangian bilang isang indibidwal. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at
pagbibigay ng tulong sa isa't isa, makakamit natin ang tunay na kahulugan ng tahanan.

You might also like