Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bata pa lamang ako ay mahilig na ako maki halubilo sa iba’t ibang klase ng grupo/organisasyon o mga

panibagong bagay na may kakaibang kultura. Simula noong nakalipas na isang taon, nag desisyong ang
aking magulang na ako ay pansamantalang huminto sa pag-aaral para sa isang taon lamang. Magmula
noon nag desisyon ako na magtrabaho muna na konektado sa aking kurso para kahit na ako’y nakatigil
sa pag-aaral hindi nakatengga ang aking pagiging arkitekto. Simula nang pumasok ako sa aking tabaho
ako ay nanibago at nabigla sa kulturang meron sa aktuwal na trabaho kesa sa pag-aaral.

Habang ako ay nasa loob ng proposyunal na trabaho, iba’t ibang kasanayan ang aking natamo. Hindi lang
pala lamang basta pag dedesayn ng mga building ang kelangan pag pokusan sa kursong tinatahak ko.
Dahil ditto, nakasalamuha ko ang iba’t ibang mga propesyunal na tao gaya ng Architect, Engineer,
Lawyers, at mga Opisyales sa isang gobyerno. Meron silang sinasabi na kung gusto mo umunlad at
magtagal sa isang gobyerno “you have to learn politics”, hindi lamang ito nalilimita sa mga batas kundi
kung pa’no ang Sistema sa loob ng politika. Lahat ng mabuti at maduming pagiisip na pumapasok sa
ating utak tungkol sa gobyerno ay totoo. Ginusto kong magtagal kaya nama’y ako’y naki “Blend-in” at
inaral din ang kakaibang kultura na meron dito gaya nalamang ng pagsasalita sa tono ng “Cavitenio”.
Minsan ay hindi ko napapansin na kung pa’no sila magsalita ay ganun na den ako makipag usap sa ibang
tao.

Kung usapang benepisyo naman ay isa sa mga nakuha ko rito ay ang mga kaalaman sa aking kurso na
dapat ay meron ako kapag ako ay nagging lisensyado na.

Dahil rin ditto sa aking trabaho, ako ay nagkaroon ng pagkakataon na maging advance kahit papa’no sa
aking kalagayan na 2nd year pa lamang sa aking kurso.

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na maranasan ang magkaroon ng sariling kita na ginagastos ko
lamang sa aking sarili, naging independent ako sa aking magulang kung paguusapan ang salapi.

Dumating din ang madaming oportunidad at koneksyon na hindi lamang umiikot sa aking kurso kundi sa
akin ring mga libangan kagaya ng “pagsasayaw” dahil sa trabaho ko marami ang kumuha sa akin at sa
aking mga kagrupo upang magsayaw sa iba’t ibang lugar. Nakatulong ito sa’ aming pinansyal na
pangangailangan.

Hindi nagging madali ang pakikisama sa marami at iba’t ibang tao ngunit kada isa sa atin ay may
dinadalang iba’t ibang kultura. Isa sa mga naging hamon ko dito ay ang pagiging hindi sanay sa
pagtatrabaho at ang bigyan ka ng mga trabaho na kinakailangan agad-agad. Dahil nasa loob na’ko ng
propesyunal na trabaho kinailangan kong harapin ito, sinanay ko ang sarili ko na kapag may binigay na
trabaho ay tapusin agad ito. Hanggang sa nadala ko na ito ngayong ako ay nag-aaral na. lahat ng mga
plates na ibinibigay sa’min ay pinipilit kong matapos agad.

Bilang isang mag-aaral na may ganitong karanasan ay masasabi ko lamang na habang bata pa o maaga
pa ay dapat tayong matuto na makihalubilo at praktisin ang sosyal skills dahil darating ang panahon
makikipag kita o usap tayo sa iba’t ibang tao, Malaki o maliit, mataas o mababang posisyon, iba’t ibang
nationalidad na tao.

You might also like