Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Bataan Peninsula State University (Balanga Campus)

Kolehiyo ng Edukasyon

maikling kwento at nobelang Filipino


Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan

Ipinasa nina:

Gonzales, Princess C.

Hufalar, Giselle B.

Licup, Vanessa S.

Peruelo, Jerald L.

Redima, Serene Mae J.

Tapic, Precious A.

Tungol, John Khio P.

BSE Filipino 3B

Ipinasa kay:

Dr. Laarni C. Canare


Balangkas ng Pagsusuri

I. Pamagat

May – Akda

Uri ng Panitikan

Teorya

Layunin ng Akda

II. Tema o Paksa ng Akda

Mga tauhan ng Akda

Balangkas ng mga Pangyayari

Tagpuan/Panahon

Kulturang Masasalamin sa Akda

III. Mga Kaisipan/Ideyang taglay ng Akda

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

IV. Buod

V. Implikasyon sa Buhay
PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN

Akda: Tatlong Kwento ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista

I. Pamagat
“Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian Candelabra”

Ang pamagat ng kwento ay "Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian


Candelabra"Ito ay patungkol sa Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian
Candelabra dahil ipinakita o inilahad sa kwento ang tatlong sitwasyon na
magkakaiba ang pangyayari na kung saan sangkot si Julian at ang mga
sitwasyong iyon ang nagpabuo o humubog sa kung sino at ano si Julian sa
kasalukuyan at panghinaharap.

May-Akda
Lualhati Bautista

Ang may akda ng “Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian Candelabra


“ay si Lualhati Torres Bautista, isang bantog na babaeng Pilipinang
manunulat, nobelista, liberal na aktibista at kritiko sa politika. Pinanganak
si Bautista sa Tondo, Maynila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa
Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School
noong 1962. Siya ay naging isang mag-aaral sa pamamahayag, sa Lyceum
of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang
kanyang unang taon dahil noon pa man ay gusto niyang maging isang
manunulat.

Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling


kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Ilan sa
mga nobela niya ang mga ss: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka
Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses:
noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca
Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Ito nga ay ang,
Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982)
at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala,
1983).

Uri ng Panitikan
Maikling kwento

Ang maikling kuwentong “Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian


Candelabra “ni Lualhati Torres Bautista, ay may layuning magsalaysay ng
isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at ito’y nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Ang uri ng maikling kwento:


Kwento ng tauhan- Inilalarawan at isinasalaysay dito ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-
unawa sa kanila ng isang mambabasa.

1. Tungkol sa trahedya- Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng


Buhay ni Julian Candelabra ay isang uri ng trahedya. Sa bawat
kasalanang nagagawa ay may kaakibat na kaparusahan na nagiging
dahilan ng sobrang kalungkutan sa buhay.
2. Tungkol sa moralidad- Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng
Buhay ni Julian Candelabra ay umiikot rin sa moralidad ng tauhan.
Napakahalaga ng pagkakaroon ng malinis na dangal kahit na ikaw ay
isang mahirap lamang. Nais ipahiwatig, na tayo ay dapat na maging
matatag sa anumang uri ng tukso dahil sa bawat kamalian na
nagagawa ay tiwala ang nawawala.

Teorya

Teoryang Eksistensyalismo

Ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati


Bautista ay napapalooban ng teoryang Eksistensyalismo sapagkat naging
malaya si Julian sa pagpili ng desisyon sa kanyang buhay na imoral sa mga
mata ng tao. Sa kwento, mas namayani sa kanya ang paggawa ang hindi
mabuti. Madali siyang natukso at naging mahina siya sa pagkilatis sa kung
ano ang nakabubuti at nakasasama sa kanya dahil na rin sa kahirapan ng
buhay at sa mga taong nakapalibot sa kanya kaya naging bukambibig na
niya ang salitang di niya raw napigilan ang kanyang sarili.

• Hindi alam ni Julian kung kailan ang eksaktong sandali


ng pagdidilim ng isip niya. Pero bigla'y hinablot niya ang mataas
na kuwelyo ni Ma'am, pakaladkad itong itinindig, at sinakal.
mahigpit, mariin, papilipit. at nagngalit ang mga masel sa braso
niya, ang mga ugat sa leeg niya, kasabay ng pagtatangka ni Ma'am
na makasigaw sa kabila ng disididong pagpiga niya hanggang
huling hininga nito at mula kung saan, parang narinig ni Julian ang
gimbal na tili ng kanyang ina.

Teoryang Imahismo
Mapapansin na ang imahen sa maikling kwento ay ang pahayag
palagi ni Julian sa bawat kamaliang kanyang nagawa na natukso lamang
siya na nagpapahayag ng kanyang pagiging marupok dahil madali siyang
natutukso sa bugso ng kanyang damdamin. Hindi niya napipigilan ang
kanyang sarili at nakagagawa siya ng mga bagay na immoral sa paningin
ng tao.

• Sa hukuman, isa lang ang alibi na ibinigay ni Julian sa


kasong pagpatay na inihain laban sa kanya, kasama ng mahigpit na
pag-iwas sa nanunumbat na mga mata ng kanyang ama: Hindi ko
po napigilan ang aking sarili.

Layunin ng Akda
Ang Tatlong Kwento ng Buhay ni Juan Candelabra ay umiikot
tungkol sa moralidad ng tao. Layunin ng akda na ito ay ipaalala na
kinakailangang maging matatag sa mga tukso, at pag-isipan ng mabuti ang
bawat kilos at desisyon na makakabuti at makakasama sa iyo, gayon din
ang paglayo sa mga masasamang gawain o anumang uri ng kasalanan.
Ang tukso ay kailangan pigilan at ang kasalanan ay nararapat na iwasan
dahil sa huli, kaparusahan ang bunga ng ating bawat kamalian at higit sa
lahat hindi lamang pagkatao mo ang masisira pati narin ang tiwala sa iyo
ng ibang tao.

II. Tema o Paksa ng Akda


Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian
Candelabra ay tungkol sa buhay ni Julian na madaling matukso at may
kahinaan sa pagkilatis kung ano ang nakabubuti at nakasasama sa kanya.
Siya ay nagnakaw, nakiapid sa asawa ng iba at nakapatay ng tao kung
kaya’t sa huli ay nabigyan siya ng parusa, pagkakulong sa kasong
pagpatay.

Mga Tauhan sa Akda


• Julian Candelabra - Si Julian Candelabra ay anak ng isang mag-
asawang mahirap.
• Aling Sandra - Si Aling Sandra ay ang maperang nanay ng kalaro
ni Julian at ang nakahuli kau Julian habangninanakawan siya nito.-
• Aling Connie - Si Aling Connie ay ang babaeng laging inuutusan
si Julian at ang nang-akit sa kanya
• Mang Felix - Si Mang Felix ay ang asawa ni Aling Connie na
humabol ng itak kay Julian nang malamanniyang may nangyari sa
kanila
• Amo sa restowrant - Siya ay ang amo sa restowrant na hindi
maganda ang trato sa mga waiter.
• Mga magulang ni Julian - Ang mga magulang ni Julian ay ang
siyang nagbibigay ng leksyon sa kaniya.

Tagpuan/Panahon
Ang akdang ito ay nahahati sa tatlong panahon, noong kabataan
ni Julian, noong labimpitong taon siya at nang nasa edad na siya upang
magtrabaho. Ang maikling kwento ay naganap sa kanilang tirahan at sa
lugar kung saan sya madalas ipatawag kung meron syang mga bagay na
kukumpunihin, at noong nagtrabaho na sya sa isang restowrant.

Balangkas ng mga Pangyayari

Simula- Si Julian Candelabra ay isang lalaking nagmula sa isang mahirap na


pamilya, ngunit nabubuhay nang marangal na turo ng kanyang ama.
Ngunit ganoon pa man, maaga ring natutuhan ni Julian na mahirap
mabuhay nang marangal kung gutom ka o bilang isang bata, hindi mo
mabili ang mga pangangailangan mo. Kinatutuwaan rin siya ng marami
dahil sa pagiging mabuti nitong bata.

Saglit na Kasiglahan- Malapit sa Julian kay Aling Sandra at sa anak nitong si Bong na siya kalaro
nito. Pinatutuloy ni Aling Sandra si Julian sa kanilang bahay upang
manood sa kanilang tv at kung minsan ay nauutos-utusan niya ito at
binibigyan ng pabuya. Alam ni Julian ang kinalalagyan ng pera ni Aling
Sandra na nakalagak sa kahon ng platera kung saan humuhugot ng pera
sa tuwing bibigyan niya ng pera si Julian o kaya di naman sa tuwing
uutusan niya ito upang bumili ng kung anumang pinag-uutos sa kanya. Sa
tuwing aalis si Aling Sandra ay iniiwan niya si Bong kasama si Julian dahil
malaki ang tiwala niya rito. Sa isang pagkakataon, naiwan si Julian sa sala
nang nasa silid si Aling Sandra dahil may ginagawa at nasa labas sandali
si Bong at nandoon lang at bukas ang platerang kinalalagyan ng pitaka ni
Aling Sandra. Dahil nalalapit na ang kaarawan ng kanyang tatay, gusto
niyang bumili ng sisiw na palalakihin niya para maging manok na ito bago
ang kaarawan ng kanyang ama. Kinuha niya ang pitaka ni Aling Sandra
ngunit bigla niya na lang itong ibinalik sa kinalalagyan nito nang mahuli
siya ni Aling Sandra.

Suliranin- Gulpi ang inabot ni Julian sa kanyang ama nang magsumbong si Aling
Sandra at walang magawa ang kanyang ina kung hindi magtitili at
umiyak. Dahil sa ginawa na iyon ni Julian kay Aling Sandra, naging
usap-usapan sa kanilang lugar ang ikinilos ni Julian lalo na sa mga
matatanda. Hindi na muling nakapasok si Julian sa kanilang bahay at sa
kahit na sino pa man mula nang mangyari iyon. Matagal na panahon na
umiiwas ang mga tao sa kanya gayundin si Julian dahil maaaring
mapagbintangan siya sa kung may mangyaring nakawan sa kanilang
lugar. Nag-iba ang tingin ng mga tao kay Julian dahil sa nangyaring iyon.

Kasukdulan- Disisyete anyos na si Julian ngunit naroon pa rin ang takot niya na
pumasok sa bahay ng may bahay at ang alaala na sinapit niya noong siya
ay dose anyos. Ngunit may mga tao pa ring handang tumulong kay
Julian sa kabila ng dinanas nito at ito nga ang mag-asawang si Aling
Connie at ang byaherong si Mang Felix. Naging malapit ang loob ni
Aling Connie kay Julian at tila nauutos-utusan niya ito sa tuwing may
kinakailangang gawin o kumpunihin para kay Aling Connie. Dahil tila
lagging wala si Mang Felix sa kanilang bahay, si Julian na ang laging
nakakasama ni Aling Connie sa kanilang bahay. Lahat ng pag-aasikaso at
pag-aaruga ni Aling Connie pata kay Mang Felix ay nabaling na kay
Julian. Hanggang sa isang araw ay inakit ni Aling Connie si Julian at may
nangyari sa kanilang dalawa. Tila nabagabag ng konsensya si Julian sa
nangyari at nagkaroon ng takot nab aka malaman ito ni Mang Felix. Isang
araw, nalaman na lamang ni Mang Felix ang pangyayari at sinugod si
Julian at hinabol at sinabing papatayin ito. Nagatago si Julian nang
matindi sa takot na mangyari kung siya ay mahuli ni Mang Felix.

Kakalasan- Sa kabila ng mga nangyari, pumasok si Julian si iba’t ibang trabaho para
lamang makakain at nagpakalayo sa kanyang pamilya. Matapos ay
bumalik siya sa kanyang pamilya at nanghingi ng patawad si Julian sa
kanyang ama at tila ba ayaw na lamang pag-usapan ang mga sinapit nito.
Sambit pa ng kanyang ama ay sana ay hindi siya nakawan ng dangal at
ayaw niya na sa bandang huli ay manghinayang siya na naging anak niya
si Julian. Nakaramdam ng awa si Julian sa kanyang ama at dahil dito
nagsumikap siya at pumasok bilang isang waiter. Dito ay nakaranas siya
ng pang-aabuso mula taong namamahala sa kanila. Lumipas ang ilang
buwan at naunawaan n ani Julian ang patakaran ng kanyang
pinapasukan. Hindi makatarungan ang sweldo na kanilang natatanggap
at mga benepisyo na dapat ay natatanggap nila.

Wakas- Isang araw ay nahuli na lamang ng kanyang “Ma’am” na ngumunguya si


Julian kahit na hindi pa oras ng kanilang break dahil sa gutom niya. Dahil
istrikta ang kanyang amo, hindi siya pinatawad at agad na pinapirma
ang termination paper. Hindi tinanggap ang patawad ni Julian at labis
ang pagmamalupit nito sa kanya. Bigla na lamang nandilim ang paningin
ni Julian at hinablit niya ang kuwelyo ni Ma’am, kinaladkad niya ito at
sinakal nang mahigpit at tila nagngangalit ang mga bisig nito. Nakulong
si Julian sa kasong pagpatay. Isa lang ang alibi na kanyang sinasabi
kasabay ng pag-iwas ng pagtingin sa kanyang ama “Hindi ko po
napigilan ang aking sarili”

Kulturang Sumasalamin sa Akda


Pinapakita sa akdang ito ang kultura ng mga Pilipino, isa na rito
ang pagiging matulungin ng walang hinihinging kapalit. Si Julian ay isang
tao na handang tumulong na kahit walang hinihinging kapalit kahit na pa
ay kailangan nya. Bukod pa rito ay ang pagkakaroon ng dangal na kahit
na tayo ay ipinanganak at nabuhay ng mahirap iniisip parin natin ang
prinsipyo at kahalagahan ng buhay ng tao.

III. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

Pagsusuring Pangkaisipan

Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

1. Hindi ko lang mapigilan ang aking sarili.


2. Naiwan si Julian sa sala sa harap ng platerang may pera.
3. Hindi na nakapasok pa si Julian sa bahay ni Aling Sandra-o sa bahay ng
kahit sino pa man.
4. Inimbita ni Aling Connie si Julian sa kanilang bahay at nagsuot ng
seksing damit.
5. Talaga nga yatang wala nang katungkulang moral ang tao sa kapwa tao
niya.
6. Nagdilim ang isip ni Julian.

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

Sinimulan ng manunulat ang kwento sa pagpapakilala at


paglalarawan sa tauhan na si Julian Candelabra. Sa simula ng kwento ay
ibinahagi ng may akda ang palagiang sinasambit ni Julian sa tuwing siya
ay makagagawa ng pagkakamali (Hindi ko lang mapigilan ang aking
sarili). Sa wakas ng kwento ay muling binanggit ang salitang (Hindi ko
lang mapigilan ang aking sarili).

IV. Buod
“Hindi ko lang po mapigil ang aking sarili.” Ang laging sambit ni Julian sa
tuwing…
Isang araw, may isang lalaking nagngangalang Julian Candelabra. Si Julian ay laki
sa hirap ngunit naroroon ang pagkakaroon ng dignidad bunga ng mabuting
pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Nang dahil sa kanyang pagiging
mabait na bata siya ay nakatutuwaan ng mga tao sa kanilang lugar lalo na ang
kanilang nakaaangat sa buhay na kapitbahay na si Aling Sandra at ang anak nitong si
Bong. Malapit ang mag-ina kay Julian kung kaya’t bukod tangi si Julian sa mga bata
sa kanilang lugar ang nakapapasok sa kanilang tirahan. Natutuwa si Aling Sandra
kay Julian dahil bukod sa nasasamahan nito ang kanyang anak na si Bong para may
makalaro, ito rin ay kanyang nagiging katulong sa mga gawain sa kanilang bahay
lalong-lalo na pagdating sa pagbabantay ng kanilang tindahan. Dumating sa punto
na aalis si Aling Sandra ng kanilang bahay kung kaya’t minabuti niya na ibilin ang
buong pangangasiwa nito at kanilang negosyo kay Julian. Sa kasagsagan ng
pagbabantay ni Julian ng tindahan, bigla siyang napaisip na malapit nang maganap
ang kaarawan ng kanyang mahal na ama. Nais niya na mapasaya ito ngunit wala
siyang kapasidad na magawa ito nang dahil na rin sa kawalan ng pera. Habang iniisip
niya ito, biglang napasagi ang mga mata ni Julian sa lalagyan ng kitang pera ng
tindahan. Parang huminto ang mundo ni Julian sa mga oras na iyon at doon ay may
pawang may bumulong sa kanya na mangupit mula sa kita ng tindahan. Nadala si
Julian ng kanyang emosyon at iniisip at doon ay kanya ngang tangkang gagawin ang
pagnanakaw. Nang akto na niyang isasagawa ang pagkupit, bigla siyang nagulat
nang dumating si Aling Sandra. Galit na galit si Aling Sandra sa nangyari kung kaya’t
isinumbong niya ang ginawa ni Julian sa mga magulang nito. Binugbog si Julian ng
kanyang ama habang tinatanong ito kung bakit ginawa ang nangyari at napabanggit
na lamang si Julian dito ng, “Hindi ko lang po mapigil ang aking sarili.” Nang dahil
sa nangyari, lumayo na ang loob ng mga tao sa kanya sa kanilang lugar.

Lumipas ang mga araw at tila ba nagkakaroon ng puwang muli sa puso ng mga
tao ang presensya ni Julian sa kanilang lugar at isa na sa mga nagpadama nito sa kanya
ang mag-asawang Aling Connie at Mang Felix. Laging napakikisuyuan ni Aling
Connie si Julian lalo na pagdating sa mga gawaing pagkukumpuni lalo na kapag wala
sa bahay si Mang Felix. Bukas palagi si Julian sa pagtulong sa mag-asawa kung kaya’t
giliw na giliw ang mga ito sa kanya. Dumating sa punto na napadadalas ang hindi
pag-uwi ni Mang Felix sa bahay kaya nang dahil dito, nangungulila si Aling Connie
sa kawalan ng asawa. Ang pangyayaring ito ang nag-udyok upang maibaling ni Aling
Connie ang kanyang atensyon kay Julian. Lahat ng mga ginagawa ni Aling Connie
kay Mang Felix na pag-aasikaso ay kanya na rin nagagawa kay Julian. Para kay Julian
wala lang ito ngunit kay Aling Connie iba na pala ang dating dahil sa siya ay
nagkakagusto na sa binata. Isang araw, magkasamang nasa loob ng bahay sina Aling
Connie at Julian at ito ang ginamit na oportunidad ni Aling Connie para akitin si
Julian. Todo palag si Julian sa ginagawa ni Aling Connie ngunit nang tumagal ay
nahulog siya sa patibong nito, tuluyan na nagpadala at naganap na ang hindi dapat
na nangyari. Napasabi na lamang muli si Julian sa kanyang sarili na, “Hindi ko lang
po mapigil ang aking sarili.” Matapos ito, minulto si Julian ng kanyang konsensya.
Hindi man alam ni Mang Felix ang nangyari pero gusto niya itong sabihin dahil sa
siya ay naaawa rito at iniisip niya ang mga kabutihan na mga nagawa nito sa kanya.
Dumating ang araw na nagkaroon na ng lakas ng loob si Julian na sabihin ito kay
Mang Felix at nang malaman ito ni Mang Felix, bumugso ang galit nito sa binata.
Ibinalita ni Mang Felix ang nangyari sa mga magulang ni Julian at doon ay muli na
naman nagalit ang kanyang ama sa kanya na naging dahilan para siya ay itakwil nito.

Nang dahil sa nangyari ay nagpakalayo-layo muna si Julian sa kanyang pamilya


at pinili na ayusin ang sarili. Matapos na makapag-isip isip ay minabuti niyang
bumalik muli sa kanilang bahay. Noong siya ay ganap na naroroon na, nagulat siya
sa naging pagsalubong sa kanya ng ama at tinanggap siya muli nito. Nabanggit nito
sa kanya na magbago na siya at huwag nang uulitin ang mga nangyaring hindi
maganda sa nakaraan. Nagsimula ulit si Julian at sa kanyang pagpapatuloy sa buhay
ay minabuti niyang maghanap ng trabaho para makatulong sa kanilang pamilya. Awa
naman ng Diyos dahil siya ay nakakuha kaagad ng trabaho na waiter sa isang
restaurant kahit na maliit ang sahod. Masasabing hindi talaga tinatantanan ng
problema si Julian dahil sa pagpasok din sa trabaho ay nakakaharap din siya ng
pagsubok at hindi lang basta ito simple bagkus malala pa sa mga naganap na hindi
magandang nangyari sa kanya. Mapang-abuso ang may-ari ng restaurant na
pinagtatrabahuhan ni Julian. Wala itong pakialam sa magiging kalagayan ng kanyang
mga empleyado kahit na ito ay mga mapahamak. Gahaman din itong maituturing
dahil sa pang-uutak nito sa pagbibigay sahod at benepisyo kila Julian at sa kanyang
mga kapwa kasamahan. Sa kabila ng lahat ng kasamaan ng may-ari ng restaurant,
hindi nagpatinag si Julian dito at minabuti na lamang na sundin ang mga gusto nito
para sa ikapapayapa ng lahat. Ngunit, isang araw gutom na gutom si Julian kung
kaya’t ang isa sa ipinagbabawal na tuntunin ay kanyang nalabag, nakakain siya ng
kanilang inihahandog sa mga kustomer at akto naman itong nakita ng kanyang amo.
Nang dahil dito, agad na pinatalsik si Julian nito. Humihingi ng despensa si Julian rito
at nangangako na hindi na uulitin ngunit sa halip na pagbigyan siya nito ay minaliit
pa siya at nakatanggap ng maraming pang-aalipusta. Nagpantig ang tainga ni Julian
at hindi na napigilan ang sarili na sakalin ang masamang amo hanggang sa ito ay
kanya nang mapatay. Nang matapos ito, nabanggit na lamang niya sa kanyang sarili
na, “Hindi ko lang po mapigil ang aking sarili.” Nang dahil dito, nasintensyahan si
Julian ng pagkakakulong.

V. Implikasyon sa Buhay

Narito ang mga maitutulong ng maikling kwentong ito sa buhay ng mga tao:
1. Mapapawari nito sa mga tao ang patungkol sa maalam na pagkontrol ng
emosyon at pag-iisip ng mga ito sa tuwing dumadating sa punto na mga
bumubugso ito para maiwasan na masaktan nila ang kanilang mga sarili at pati
na rin ang mga tao sa kanilang paligid.
2. Mahihikayat ang lahat ng tao nito na iwaksi ang maling panghuhusga sa kapwa
at matutulungan nito ang mga tao na lalo pang maipasamuhay ang kahalagahan
ng pag-unawa at pagdamay sa kanilang mga nakasasalamuhang tao sa buhay.
3. Mapapatanto ng maikling kwentong ito sa mga tao na huwag kaagad na ibibigay
ang tiwala sa kahit na sinoman upang maiwasan ang pagkalinlang sa kahit na
kaninoman.
4. Matutulungan ang mga tao nito na maging matalino at mabuti sa pagsusuri ng
mga nagaganap sa paligid. Ginagabayan nito ang mga tao patungkol sa
pagbibigay nang makatarungan pagpanig para maiwasan ang mga maling
paniniwala sa mga tao na nadidiin na wala naman talagang mga kasalanan.
5. Mapabubuti nito ang mga pagkatao ng mga tao nang dahil sa dami ng mga aral
ng buhay na makukuha mula rito na makatutulong para makamit ng mga tao
ang kanilang mga ganap na pagiging mga tao.

You might also like