Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Jerald L.

Peruelo
BSE Filipino 3B

I. Pahapyaw na pagtalakay sa Wika

A. Kahulugan

Ang Wika ay isang sistematikong komunikasyon na ginagamit sa pakikipag-usap o


pakikipagtalastasan ng mga tao sa isang partikular na lugar. Kabilang din dito ang mga signo,
tunog at mga kadugtong na batas upang maipabatid ang nais sabihin ng kaisipan. Ito
nagagamit din sa pagpapaabot ng mensahe, kaisipan, at damdamin sa pasulat o pasalitang
paraan.

B. Kahalagahan

Lubos na napakahalaga ang Wika sapagkat sinasalamin nito ang ating kultura,
paniniwala, at iba pang aspekto ng mga taong kinabibilangan ng isang particular na lugar. Ito
rin ang isa sa nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa. Dahil sa wika, nagkakabuklod-
buklod ang mga tao dahil sa pagkakaroon ng pagkakaunawan sa mga isyu at suliraning
kinakaharap ng mga tao.

C. Katangian
1. Ang wika ay masistemang balangkas- ito ay isinasaayos upang makabuo ng kahulugan
tulad sa mga salita, parirala, pangungusap, at panayam
2. Ang wika ay sinasalitang tunog- hindi lahat ng tunog ay wika dahil hindi lahat ng tunog ay
may kahulugan. Upang magamit ang wika, kinakailangang mapagsama-sama ang mga
binibigkas na tunog upang makabuo ng salita.
3. Ang wika ay arbitraryo- ang wika ay pinili at isinaayos ang mga tunog sa paraang
pinagkasunduan sa isang pook o lugar.
5. Ang wika ay komunikasyon- ito ay ginagamit upang makipag-usap sa isang tao na kung
saan naipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, at saloobin ng isang tao.
6. Ang wika ay pantao- ito ay pag-aari ng tao na siyang lumikha at gagamit nito na
pangunahing sangkap sa pakikipagtalastasan.
7. Ang wika ay ginagamit- ang wika ay magiging patay kung hindi ito palagiang ginagamit
dahil ito ang daan sa pagkakaroon ng komunikasyon ng mga tao.
8. Ang wika ay kaugnay ng kultura- nakapaloob sa wika ang kultura ng mga tao sa isang
lipunan. Ang kanilang sining, panitikan, paniniwala, kultura, kaugalian at iba pa na siyang
sinasalamin nito.
9. Ang wika ay dinamiko- sa patuloy na pag-unlad ng ating mundo ay siya ring patuloy ang
pag-usbong ng mga bagong salita na siyang nagagamit sa kasalukuyang panahon.
10. Ang wika ay malikhain- ang wika ay binubuo ng mga tuntunin na siyang makapabubuo ng
mga pangungusap. Naging malikhain ang wika sapagkat nakabubuo ito ng mga tula, kwento,
awitin, sanaysay, at iba pang akdang pampanitikan

II. Pahapyaw na pagtalakay sa Wikang Pambansa


A. Ebolusyon

EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA

Dumaan sa maraming pagsubok ang wikang pambansa bago pa maipatupad ang


legalidad nito. Sumuong sa kalamidad ng pagbabago at sumabay sa agos ng panahon
hanggang sa ito ay maisabatas na at magamit ng mga mamayan ng bansang ito. Sa panahon ng
Komonwelt , sa pamumuno ni Pangulong Manuel Luis Molina Quezon, nagkaroon siya ng
isang malungkot na karanasan sa pakikipag-usap sa kanyang mga nasasakupan na hindi niya
maintindihan ang ibang wika na kanyang nasasakupan, kung kayat nakasulat siya ng isa
anekdotang hindi niya malilimutan. Kaya noong 1935 , kinausap niya ang konggreso noong
para gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Gumawa kaagad ng aksyon ang konggreso
at tinipon nito ang lahat ng representante ng bawat rehiyon upang pag-usapan ang gagwing
pag-aaral para magkaroon ng isang wikang gagamitin ang mga mamamayan sa bansa. Narito
ang ilang tala :

Artikulo XIV, Sek. 3 1935 – iniatas sa kongreso ni Pangulong Manuel Luis Quezon na
magkaroon ng isang wikang pambansa.

Batas ng Komonwelt Blg 184, s. 1936 - nabuo ang Surian ng Wiakang Pambansa o
SWP.

Kautusang Tagapagpaganap Blg 134, s. 1937 – Tagalog ang ginawang batayan ng


Wikang Pambansa.

Kautusang tagapagpaganap Blg. 263, s. 1940 – pagpapalimbag ng Diksyunaryo ng


Wikang Pambansa.

Kautusang Tagapagpaganap, Blg. 236, s. 1940 – sinimulang ituro ang Wikang


pambansa sa mga paaralan.

Proklamasyon Blg. 12 ,s. 1954 – taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula


Marso 29 hanggang Abril 4, bilang parangal kay Francisco Baltazar.
Proklamasyon Blg. 186 , s. 1954 – inilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 bilang paggunita sa
kaarawan ni Pangulong Quezon.

Memorandum Sirkular 21, s. 1956 – itro at awitin ang Pambansang Awit sa mga
paaralan.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ,s. 1959 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Pilipino.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 – Pagpapatupad ng Patakarang


Edukasyong Bilinggwal

Kautusang Pangministri Blg. 22, s. 1978 – Isama sa Kurikulum sa pandalubhasang


anta sang Pilipino.

Artikulo XIV Saligang Batas 1987 – Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino.

Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987 – Pagtatakda ng Bagong alfabeto at


patnubay sa Pagbabaybay ng wikang pambansa.

Proklamasyon blg.1041, s. 1997 – Gagawing Buwan ng Wikang Pambansa simula


Agosto 1 hanggang 31 taon- taon.

2001 – Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino

B. Walong pangunahing Wika


1. Tagalog
2. Cebuano
3. Ilokano
4. Hilagaynon
5. Bikolano
6. Waray
7. Kapampangan
8. Pangasinense

You might also like