Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Patosa, Merry Juannie U.

Lit 11 - 82550

BSAIS 2 September 28, 2022

Pork Empanda
ni: Tony Perez

Ang Pork Empanada ay isang maikling kwento na isinulat ni Tony Perez sa taong 1994.
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang nagngangalang Bototoy nagwawatsyourcar sa
harap ng Frankie’s Steaks and Burgers. Isang araw, may isang dalaga at binata na pumarada at
bumili ng empanada sa Frankie’s Steaks and Burgers. Inalok niya ito ng watsyourcar pero hindi
man lang siya pinansin. Nakabukas lamang ang bintana ng sasakyan nila na nakaparada habang
sila ay kumakain ng pork empanada. Narinig ni Bototoy ang kanilang pag-uusap kung gaano
kasarap ang pork empanada. Simula nang araw na iyon, minimithi na ni Bototoy ang makabili ng
pork empanada para sa kanya at kanyang bunsong kapatid na si Ningning.

Sa aking pananaw, base sa kwentong ito, malinaw na ang mga kapos sa palad ay mas
higit na apektado sa mga mapangabusong tao o mga sitwasyon. Ang pork empanada ay
sumisimbolo sa pangarap. Madali lang itong makamit ng mga taong may kaya sa buhay kagaya
ng dalaga at binata na bumili nito kumpara sa mga taong kagaya ni Bototoy. Samantalang ang
kahera naman ang simbolo sa mga hamon na kanilang makahaharap sa pagkamit nang kanilang
pangarap. Binigyan lamang si Bototoy ng pork empanada na malapit na mapanis. Nang makuha
na ni Bototoy ang pork empanada na malapit na mapanis, kinain nila ito nang may kasiyahan.
Hindi man lang nila napansin na hindi talaga ganoon ang lasa ng pork empanada.

Sa kabuuan, ang lipunan ay mapagsamantala sa kalagayan mg mga taong kapos sa palad. Sa


karagdagan, higit na mas mahirap at mas matagal makamit ang iyong mga pangarap kapag ikaw
ay kapos. Kahit gaano ka pa ka sipag, mauunahan at malalamangan ka talaga ng mga taong may
prebelihiyo. Pero hindi ibig sabihin na ito ay imposible.

You might also like