Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

8

Filipino
Unang Markahan -Modyul 1:
Ang Karunungang-bayan
Subject Area – Baitang Walo
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 1: Ang Karunungang-bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ivan P. Calledo


Editor: Vivian A. Fontanilla
Tagasuri: Delia E. Duhina
Tagalapat: James P. Casa
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Filipino
Ismael M. Ambalgan –Chief, CID
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada – EPS, Filipino, ADM

Inilimbag sa Pilipinas – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

ii
Alamin

Sa araling ito, mabibigyang-daang maisabuhay muli ang karunungang-bayan


na pamana ng matandang panitikan at mailapat sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Layunin:
a. Nasusuri ang mahalagang kaisipan ng karunungang-bayan

b. Nakapaglalahad ng karanasan kaugnay sa kaisipang nakapaloob sa


karunungang-bayan

c. Naiuugnay ang mga kaugalian, kilos o gawi batay sa


karunungangbayan

d. Nakabubuo ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan


batay sa kasalukuyang kalagayan

Kasanayang Pampagkatuto:

a. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga


karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)

b. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan


na angkop sa kasalukuyang kalagayan (F8PS-Ia-c-20)

1
Subukin

Ang bahaging ito ay susubok sa iyong dating kaalaman sa mga bagay-bagay


na napakinggan o nabasa.

Gawain I
Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang para makabuo ng pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ________, minsan nasa ilalim.
2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang ________.
3. Kuwarta na naging ________ pa.
4. Madali ang maging tao, mahirap ang _________.

5. Daig ng maagap ang _________.


6. Kung ano ang _________, siya ring aanihin.
7. ‘Pag di-ukol, ‘di _________.
8. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di-makararating sa _________.
9. Nasa Diyos ang ________, nasa tao ang gawa.
10. Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng _______.

Gawain II
Panuto: Hanapin sa hanay B ang sagot sa bugtong na makikita sa hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A B

11. Isda ko sa Mariveles, a. dahon ng gabi


nasa loob ang kiskis b. sili
12. Maliit na bahay, c. sombrero
puno ng mga patay d. posporo
13. Naligo si kaka, e. walis
ngunit hindi lang man nabasa f. bayabas
14. Bumili ako ng alipin,
mas mataas pa sa akin
15. Isang hukbo ng sundalo,
dikit-dikit ang mga ulo

2
Aralin

1 Ang Karunungang-Bayan

Balikan

Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop sa


ating bansa, mayroon na tayong iba’t ibang uri ng panitikan mula sa salin dila. Sa
tulong ng gawain sa ibaba, ating alamin kung ano pang akdang pampanitikan ang
iyong nalalaman.

Gawain

Kopyahin ang graphic organizer sa sagutang papel at punan ang kahon ng


mga salitang may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa bilog.

3
Mga Panitikang
Pilipino
Sa Panahon ng
Katutubo

Tuklasin

Sa puntong ito, nais kong bigyan mo nang pansin ang tulang isinulat ni Dr. Jose P.
Rizal na humubog at may malaking naiambag sa ating panahon. Isa sa nagbigay
daan upang maimpluwensiyahan ang kabataan noon hanggang ngayon.

Sa Aking mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,


Sa kaniyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit Katulad
ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan,


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian.

4
At ang isang tao’y katulad, kabagay,
Ng alinmang likha noong kalayaan.

Ang ‘di magmahal sa kaniyang salita,


Mahigit sa hayop at malansang isda.
Kaya ang marapat pagyamaning kusa,
Ng tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa


Ingles, Kastila, at salitang anghel.
Sapagkat ang Poong maalam tumingin,
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba,


Na may alfabeto, at sariling letra.
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa,
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Gawain: Pagsusuri ng Tula

Panuto: Gamit ang dayagram, tukuyin ang kasabihang nakapaloob dito at ilahad
ang kaisipang nais ipabatid ng bawat kasabihan sa iyong sagutang papel.

5
Sa Aking mga Kabata

Kasabihan

Kaisipan

Suriin

Ang karunungang-bayan ay tumutukoy sa isang uri o klase ng panitikang


idinadaan sa maraming paraan ng pagsagot o paghuhula. Ito ay kabang-yaman ng
ating bansa at bago pa man dumating ang mga Español mayroon na tayong bugtong,
salawikain, sawikain at kasabihan.

Ang bugtong ay isang palaisipan o talinghaga. Ito ay isang pangungusap na


patanong na humihingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol
sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga
Pilipino. Isang uri ng libangan na kadalasang nilalaro ng mga Pilipino. Ito ay may
matalinghagang kahulugan at nilulutas bilang isang palaisipan.

6
Ang bugtong ay gumagamit ng mga talinghaga o mga metapora sa
paglalarawan ng isang partikular na bagay o mga bagay na huhulaan. Madalas
itong nangangailangan ng matalas na pag-iisip at maingat na pagninilay-nilay
para mahulaan ang tamang sagot.

Halimbawa:

1. Mataas kung nakaupo,


mababa kung nakatayo.

Sagot: aso

1. Balong malalim,
puno ng patalim.

Sagot: bunganga

2. Magandang prinsesa,
nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy

3. Hindi hayop, hindi tao,


pumupulupot sa tiyan mo.

Sagot: sinturon

Ang salawikain ay isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga


matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan
sa mabuting asal.

Halimbawa:

1. Anak na di-paluhain 3. Kapag may isinuksok


ina ang patatangisin may madudukot
2. Ang taong walang kibo
4. Kung maiksi ang kumot
nasa loob ang kulo matutong mamaluktot

Ang sawikain ay patalinghagang pananalita na nakapupupukaw at


nakahahasa sa kaisipan ng mga tao. Nakalilibang at nakadaragdag ng kaalaman.

Halimbawa:
Hulog ng langit (biyaya o suwerte)
Makati ang dila (madaldal)
Anak-pawis (dukha)

7
Samantala, ang kasabihan naman ay ang bukambibig ng mga bata at
matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay
mga tulang pambata o tugmaang walang diwa o mababaw ang isinasaad na
kahulugan.

Halimbawa:

Putak nang putak


batang duwag, matapang ka’t nasa pugad
Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot
Kung may tiyaga, may nilaga

Pagyamanin

Upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa karunungang-bayan,


sagutin ang mga gawain sa ibaba.

Gawain I. Pagsusuri

Panuto: (1) Kopyahin ang dayagram sa sagutang papel; (2) Suriin kung anong
uri ang karunungang-bayan; (3) Isulat sa nakalaang kahon sa dayagram at; (4)
Piliin ang kahulugan sa loob biluhaba ( ).

Suriin at isulat sa iyong sagutang papel ang dayagram kung anong uri ng
karunungang-bayan ang sumusunod.

1. Ang taong walang kibo, 4. Ang sakit ngkalingkingan,


nasa loob ang kulo damdam ng buong katawan

2. Tulak ng bibig, 5. Makati ang dila


kabig ng dibdib

3. Anak-pawis 6. Kung may dilim, may liwanag

8
Karunungang-bayan

Salawikain Sawikain Kasabihan


1. 1. 1.

Kahulugan kahulugan kahulugan

Mga Pagpipiliang Kahulugan

nagbabalat-kayo problema ng isa, problema ng lahat


dukha pag - asa

madaldal itinatago ang tunay na


nararamdaman may kaya sa buhay

Gawain II. Repleksiyon. Magsaliksik ng isang karungungang-bayan at iugnay sa


iyong sariling kaugalian, kilos o gawi. Isulat sa sagutang papel.

Isaisip

Gawain - Dugtungan Tayo!


Pagtibayin ang iyong natutunan sa mahahalagang konsepto ng aralin sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Naniniwala ako na mahalagang matutunan ang karunungang-bayan


sapagkat______________________________________________________________.
2. Ang mga karunungang-bayan bagaman bahagi ng ating matandang
panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay sa
kasalukuyan dahil_____________________________________________________.

9
3. Sa pamamagitan ng karunungang-bayan, naging malinaw sa akin
na_____________________________________________________________________
kaya ipinagmamalaki ko _______________________________________________.

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon, pagkatapos gawin mo ang


inaasahang produkto para sa araling ito.

Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na
nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak
na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at
tradisyon ng ating lahi. Ikaw ay naatasan ng iyong Punong Barangay na
magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa
pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang simpleng brochure na naglalaman ng mga
karunungang-bayan kung saan iuugnay mo ang gawaing pang kabataan sa
inyong barangay. Ayon sa inyong Punong Barangay ang simpleng brochure na
dapat mong maipakita ay magtataya sa sumusunod na pamantayan:

Rubrik

Lubos na
Katanggaptanggap Katanggaptanggap Mahina
Pamantayan
(5) (3) (1)

Lohikal ang May ilang teksto Nakalilito ang


pagkakaayos ng at larawan na pagkakaayos ng
Organisasyon wala sa lugar
mga teksto at teksto at mga
larawan larawan

Klaro at tama ang May ilang larawan Karamihan sa mga


perspektibo na diklaro o tama larawan ay di-klaro
Kalidad ng ang perspektibo o malabo ang
Larawan
perpektibo

10
Mabisa ang Di-masyadong Di-mabisa ang
pagkakagamit ng mabisa ang pagkakagamit ng
karunungangbayan pagkakagamit ng mga
sapagkat mga karunungangbayan
nakatulong ito karunungang- sapagkat halatang
upang maipakita bayan dahil di- pilit ang
Gamit ng
pagpapakita ng
Karunungangbayan ang kultura at gaanong
kultura at
tradisyong naipakita ang
tradisyong Pilipino
Pilipino kultura at
tradisyong
Pilipino

Tayahin

Ngayong subok na ang iyong kaalaman at pang-unawa sa ating mga aralin,


panahon na upang sukatin natin ang lalim ng iyong pang-unawa sa
pamamagitan ng pagsagot ng sumusunod na pahayag.

I. Panuto. Gumawa ng sariling karunungang-bayan, pumili lamang ng isa


(bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan):

Pamantayan sa Pagbuo ng Karunungang-bayan

Pamantayan Bahagdan

Pagiging matalinghaga nito 25%

Nagpapakita ng kultura at tradisyon 25%

Napapanahon at nakapupukaw sa interes ng mga tao 25%

Maikli at nagtataglay ng tugma 25%

Kabuoan 100%

11
II. Panuto. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain, kasabihan.
Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

11.‘Pag ang tubig ay magalaw,


1. maitim ang gilagid 6.itaga mo sa bato
ang ilog ay mababaw
2.Kung ano ang puno, 7.Utos na sa pusa, 12.Ang sakit ng kalingkingan,
siya ang bunga utos pa sa daga damdam ng buong katawan

3. Kasama sa gayak,
‘di kasama sa lakad 8.Malayo sa bituka 13.Parang natuka ng ahas

14.Aanhin mo ang bahay na


4.Ubos-ubos biyaya, 9.Tulak ng bibig, bato,
bukas nakatunganga kabig ng dibdib kung ang nakatira ay kuwago

5.nasa tao ang gawa, 10.Lahat ng gubat 15.Ang magtanim ng hangin,


nasa Diyos ang awa ay may ahas bagyo ang aanihin

12
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Willita A. Enrijo et. Al. Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City
and Mandaluyong City: Book Media Press, Inc. and Printwell Inc., 30-31.

13
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like