Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5

Paggamit ng Wastong Pang-ukol


(laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa,
tungkol sa)
Filipino – Ikatlong Baitang
Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Paggamit ng Wastong Pang-ukol
(laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Basilia A. Toraya
Editor: Norberta P. Sabado
Tagasuri: Madonna M. Along
Tagaguhit: Jehu Joshua P. Buada
Taga-anyo: Basilia A. Toraya
Taga-disenyo ng Pabalat: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar B. Obas, CESO V – Schools Division Superintendent
Dr. Natividad G. Ocon, CESO VI - Assistant Schools Division Supt.
Gilbert B. Barrera – Chief - CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS - LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS - ADM
Leonardo Mission – REPS - Filipino
Meilrose B. Peralta – CID Chief
Hazel G. Aparece - EPS In-Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr. - ADM Coordinator
Madonna M. Along – EPS - Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon –Rehiyong SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: Region12@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5

Paggamit ng Wastong Pang-ukol


(laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa,
tungkol sa)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Ikatlong
Baitang ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling paggamit
ng wastong pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol
sa)
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino Ikatlong Baitang ng Self-
Learning Module (SLM) para sa araling nagagamit nang wasto ang
pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa)
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga
Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Magandang araw mga bata!
Gusto kong ipaalam sa inyo na ang modyul na ito ay tungkol
sa paggamit ng wastong pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa,
ukol sa, tungkol sa)

Pagkatapos ninyong pag-aralan at sagutin ang mga gawain


at pagsasanay sa modyul, kayo ay inaasahang makagagamit ng
pang-ukol sa pangungusap gaya ng laban sa, ayon sa, para sa,
ukol sa at tungkol sa.

Subukin
Piliin at isulat sa sagutang papel ang wastong pang-ukol na
angkop sa pangungusap.

1. Ang keyk na ito ay _____ apo kong mag-iisang taon na sa


makalawa.
A. tungkol sa B. para sa C. ayon sa D. laban sa

2. _____ sa pahayag ng Pangulong Duterte, kapag walang bakuna


para sa Covid-19, walang face to face na pagtuturo na
mangyayari sa bawat paaralan sa bansa.
A. Ayon sa B. Para sa C. Tungkol sa D. Ukol sa

3. Manalig tayo sa Panginoon upang tayo’y maligtas _______


pandemyang dinaranas natin.
A. ukol sa B. para sa C. laban sa D. ayon sa

4. Ang balita na binasa ko sa diyaryo ay _____ sa mga bagong


biktima ng Covid-19 sa SOCCSKSARGEN.
A. ayon sa B. tungkol sa C. para sa D. ukol sa

1
5. Ang aklat na ito ay ______ mga mag-aaral na ibig matuto ng
Damath.
A. ayon sa B. tungkol sa C. para sa D. ukol sa

Paggamit ng Wastong Pang-ukol


Aralin (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa,
tungkol sa)

Ang modyul na ito ay inihanda para sa inyo na mag-aaral ng


Ikatlong Baitang upang magamit ninyo sa pag-aaral sa
asignaturang Filipino sa Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo.
Ang layunin ng modyul na ito ay upang gabayan kayo sa
paglinang ng iyong kakayahan lalong – lalo na sa paggamit ng
wastong pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa at tungkol
sa).
Alam kong mas lalo kang maging aktibo sa pagsagot sa mga
tanong dahil sa iba’t ibang gawaing inihanda ng manunulat.

Balikan

Basahin at unawaing mabuti ang tula para maibigay ang


tamang paksa .

Maraming salamat Panginoon sa iyong pagliligtas


Sa kinakaharap naming paghihirap ngayon
Patuloy Mo kaming iniingatan at ginagabayan
Laban sa pandemyang aming nararanasan.

Sa araw na ito’y Ikaw ang aming gabay


Kapurihan Mo’y aming ibibigay
Alam naming lagi Kang nariyan
Pasasalamatan Ka namin magpakailanman.

2
1. Sino ang nagbibigay gabay at nagliligtas sa atin sa araw-araw?
A. magulang B. Panginoon C. kapatid D. kapitbahay
2. Bakit kailangan nating pasalamatan ang Poong Maykapal?
A. dahil siya ang magulang natin
B. dahil siya ang kaaway natin
C. dahil siya ang nagbigay buhay sa atin
D. dahil siya ang nagdidisiplina sa atin
3. Para kanino ang ating pasasalamat sa pagbibigay ng gabay
at pag-iingat sa atin sa pandemyang dinaranas?
A. para sa tao C. para sa guro
B. para sa Diyos D. para sa bata

Tuklasin

Regalo ni Kuya

Ang magkapatid na Janjan at Tin ay masinsinang nag-


uusap. Ayon kay Tin, may nakita raw siyang Bagong modelo ng
selpon sa mall. “Bilihan mo na ako Kuya, regalo mo na sa akin
ngayong Pasko.” “Hahh! Di ba may selpon ka naman?” “Sige na
Kuya, gagamitin ko naman ito para sa pag-aaral ko. Tungkol sa
pananaliksik ang paggagamitan ko nito.” “Hindi sa ayaw kong
bilihan kita Tin, alam mo namang para sa pagpapagamot ni
Papa ang pinaglalaanan ko ngayong Disyembre.” Ayon kay
Mama konti na lang daw ang kanyang pera at malapit na
magtapos ang 90 sesyon ni Papa sa kanyang pagda-dialysis sa
Philhealth.”
Naintindihan naman ni Tin ang tinuran ng kanyang kuya. Ngunit
lingid sa kaalaman ni Tin palihim na palang binilhan siya ng
kanyang kuya para sa regalo niya sa Pasko.

3
Tanong:
1. Tungkol saan ang pinag-usapan ng magkapatid na Janjan at
Tin?
A. tungkol sa bagong modelo ng selpon
B. ayon sa balitang modelo ng selpon
C. para sa modelo ng selpon
D. laban sa modelo ng selpon
2. Bakit kailangan ni Tin ng bagong modelo ng selpon?
A. para sa kanyang paglalaro ng mga games sa selpon
B. para sa pananaliksik sa kanyang mga aralin
C. para sa kanyang mga kaklase
D. para sa kanyang guro
3. Bakit nag-aalinlangan si Janjan na bilihan ng regalong selpon si
Tin?
A. ayon sa kanyang ina kapos na siya sa badyet para
sa amang nagda-dialysis
B. tungkol sa kaarawan ng kanyang ama ang
pinaglalaanan niya ng kanyang pera
C. para sa kanya lang ang kanyang sahod
D. laban sa pandemya ang pinaglalaanan niya ng pera
4. Nakamit ba ni Tin ang kanyang minimithing bagong modelo ng
selpon? Bakit?
A. Hindi, dahil ayon sa kuya niya kapos sa pera ang kanyang
Kuya Janjan.
B. Oo, dahil para sa kapatid na mahal na mahal niya.
C. Hindi, dahil tungkol sa ama niyang nagda-dialysis ang
pinaglalaanan ni kuya ng pera.
D. Oo, dahil para sa kanyang pag-aaral ang paggagamitan
niya ng bagong selpon.

5. Anong klaseng kapatid si Kuya Janjan?


A. mapagbigay B. mapagmahal C. maramot D. kuripot

4
Suriin

Basahin ito at unawain.

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa


pangngalan, pandiwa, panghalip, at pang-abay sa iba pang
mga salita sa loob ng pangungusap.
Narito ang gamit ng ilang pang-ukol.

1. Para sa - ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.


Halimbawa:

Ang mga aklat na ito ay para sa mga bata.

2. Ayon sa - ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan


ng isang bagay.
Halimbawa:

Ayon sa ama ni Karla, hindi niya papasukin sa


paaralan ang kanyang anak kung wala pang bakuna
sa Covid-19.

3. Tungkol sa - ito ay tumutukoy sa pagtutuon ng pansin sa isang


partikular na paksa.
Halimbawa:

Tungkol sa lindol ang kanyang pahayag sa isang


panayam.

4. Ukol sa – tumutukoy ito sa paglalaan para sa isang partikular na


tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:

Kung ukol sa iyo ang kanyang pag-ibig, tiyak gagawa


siya ng paraan na hanapin ka.

5
5. Laban sa – tumutukoy ito sa mga pangngalang pambalana na
di sumasang-ayon sa tuwirang sinabi ng pahayag.
Halimbawa:

Ang batas na iyon ay laban sa mga manggagawa.

Pagyamanin

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan batay sa


binasa.

Ang Ama kong Magsasaka

Si Mang Fredo ay isang ulirang ama na nagsasaka sa maliit


naming lupa. Ayon sa kanya, ang tanging hiling niya sa aming
magkakapatid ay pagbubutihin namin ang aming pag-aaral
upang magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.
Para sa amin daw ang pagbabanat niya ng buto para hindi
namin maranasan ang hirap sa buhay. Para sa amin ang
kanyang pagpursige sa pagsasaka sa aming lupain upang
magkaroon kami ng magandang kinabukasan.
Ako’y lubos na nagpapasalamat sa Diyos na kahit nasa
kabilang buhay na ang aming ama, utang namin sa kanya ang
aming kinabukasan. Kung hindi dahil sa kanyang dugo’t pawis
sa pagsasaka sa aming lupain, hindi kami makapagtapos sa
aming pag-aaral.

6
Tanong:

1. Para sa mga anak, sino ang ulirang ama?


A. Mang Fredo B. Mang Ido C. Mang Ado D. Mang
Baldo
2. Para kanino ang pagbabanat ng buto ni Mang Fredo?
A. para sa mga anak C. para sa magsasaka
B. tungkol sa mga anak D. tungkol kay Mang Fredo
3. Ano ang ipinuhunan ni Mang Fredo para sa kinabukasan ng
kanyang mga anak?
A. kalabaw at araro C. dugo’t pawis
B. ulan at sikat ng araw D. kanin at ulam
4. Ayon sa ama nilang si Mang Fredo ang tanging hiling niya sa
kanyang mga anak ay
A. Liliban sila palagi sa kanilang pag-aaral.
B. Isa-isa silang magsipag-asawa dahil sa kahirapan.
C. Mangibang-bansa sila dahil sa kahirapan
D. Magsikap silang makatapos sa kanilang pag-aaral
para sa kinabukasan.
5. Para sa iyo, na isa sa mga anak ni Mang Fredo, ano
ang gagawin mo para masuklian ang paghihirap niya sa
sakahan?
A. Mag-aral ako nang mabuti upang maipagmalaki niya
ako.
B. Hindi ako magtapos ng pag-aaral dahil mas gusto kong
manatili sa aming sakahan.
C. Mangibang-bansa ako upang maihaon ko sa kahirapan
ang aking pamilya.
D. Tulungan ko na lang ang aking ama sa pagsasaka upang
mas marami ang aming ani.

7
Isaisip

Lagi nating tandaan na ang pang-ukol ay bahagi


ng pananalita na nag-uugnay sa ______________,
_____________, _____________, at_____________ sa iba
pang salita sa loob ng pangungusap.

Isagawa

Piliin ang tamang pang-ukol na angkop sa pangungusap.

1. Handa na ba ang mga gamit ninyo _______ outing bukas?


A. para sa B. tungkol sa C. ayon sa D. ukol sa

2. ______ balita, hindi pa lumalabas ang bakuna sa Covid-19.


A. Tungkol sa B. Ayon sa C. Para sa D. Laban sa

3. _____ mga bata, pinag-aralan nila ang pang-ukol sa ikalawang


baitang.
A. Tungkol sa B. Ukol sa C. Ayon sa D. Para sa

4. Ang aralin natin ngayon ay ______ mga karapatan ng batang


Pilipino.
A. tungkol sa B. ukol sa C. ayon kay D. hinggil sa

5. May balita ka ba ________ sa pagtaas ng presyo ng gasolina?


A. labag sa B. ukol sa C. para sa D. ayon sa

8
Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat pangungusap.

1. _____ kanilang guro makabubuti sa katawan


ang pagkain ng gulay .
A. Tungkol sa B. Ayon sa C. Laban sa D. Para sa
2. Handa na ba kayo ______ inyong pagsusulit?
A. para sa B. laban sa C. tungkol sa D. ayon sa

3. May balita ka ba ______ sa pangyayari kagabi?


A. laban sa B. tungkol sa C. ayon kay D. para sa

4. Pinaghahandaan na ng gobyerno ang gamot ___ sa Covid- 19.


A. tungkol sa B. ayon sa C. para sa D. laban sa
5. ____ sa paglikas ng mga tao ang balitang ito.
A. Ayon sa B. Tungkol sa C. Para sa D. Laban sa

9
Karagdagang Gawain

Hanapin at isulat sa sagutang papel ang ginamit na pang-ukol sa


pangungusap na nakabatay sa larawan.

1. Ayon sa ating prinsipal wala tayong pasok bukas dahil mayroon


daw pagpupulong ang mga guro.

2. Ang regalo na dala ko ay para sa iyo.

3. Binasa ni Grace ang aklat ukol sa mga hayop.

4. Ang paksa ng seminar ay tungkol sa pagtatanim ng gulay.

5. Ang gamot na hinihintay ng lahat ay laban sa pandemyang


Covid-19.

Binabati kita!
Matagumpay mong natapos
ang modyul na ito!

10
11
KARAGDAGANG GAWAIN
TAYAHIN
1. ayon sa
2. para sa 1. B
3. para sa 2. A
4. tungkol sa 3. B
5. laban sa 4. D
5. A
ISAGAWA PAGYAMANIN ISAISIP
1. A 1. A 1. pangngalan
2. B 2. B 2. pandiwa
3. C 3. C 3. panghalip
4. A 4. D 4. pang-abay
5. B 5. A
TUKLASIN BALIKAN SUBUKIN
1. A 1. B 1. B
2. B 2. C 2. A
3. A 3. B 3. C
4. D 4. B
5. B 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

BATANG PINOY AKO- ikatlong Baitang


Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2014
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Instructional
Material Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor Mabini Bldg.
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines, 1600

12
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

13

You might also like