Professional Documents
Culture Documents
Poet
Poet
❤
Text Only See Photos
Go to Home
View edit history
Leaves & Stories
Sariwa pa sa aking isipan kung kailan at saan ko huling narinig ang
boses mo. Naalala ko pa kung ano ang huling salita ang sinambit mo
noong araw na iyon habang inaagaw ng dilim ang kalangitan at
maingay ang hampas ng alon sa dalampasigan.
Ilang buwan na pero parang kahapon lang. Parang kahapon lang
noong sinabi mong paalam.
Hindi ako handa—mali, hindi mo ako hinanda.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong pinilit kong kumapit pa.
Hinigpitan ko ang pagkahawak sa ating pisi sa pag-aakalang babalik
ka pa, dahil baka nabibigla ka lang, o baka napagod ka lang.
Habang binibilang ko ang bakas ng mga paa mo sa buhangin noong
humahakbang ka na papalayo ay binibilang ko rin ang pag-asang
magbabago pa ang isip mo. Na baka maalala mo kung gaano ako
kahalaga o kung gaano na pinagtibay ng pagpapatawad ang relasyon
nating dalawa. Na baka mapagtanto mong hindi mo pala kayang sirain
ang binuo nating kastilyo, na hind mo pala kayang iwan ang nag-
iisang ako.
Kumapit ako. Hindi ako nagpatinag sa pagod habang nakatayo at
hinihintay kang lumingon sa akin. Tinapangan ko. Nilaban ko. Hinintay
kita. Muli akong sumugal sa ngalan ng pag-iibigan nating dalawa.
Pero habang lumulubog ang araw ay kumukonti rin ang tiyansang
babalik ka pa.
Ang tagal ko nang naghihintay dito. At hindi ko pa rin nakikita ang
anino mo.
Ang gusto ko lang naman sana ay lumingon ka at alalahanin mong
nakatayo pa rin ako rito. Patuloy na umaasa. Nagbabakasakali. Baka
kasi napagod ka lang pero mahal mo pa rin ako. Baka kasi nagsawa
ka lang pero mahal mo pa rin ako. Baka pwede pang maayos yung
tayo. Baka pwede ka pang bumalik sa kinatatayuan ko—sa eksaktong
puwesto kung saan mo sinabing lilisanin mo na ako.
Pero parang mali. Parang mali na nanirahan na ako sa lugar kung
saan mo ako iniwan habang ikaw ay nakausad na. Parang mali na
habang tinitiis ko ang lamig ng ambon na dumadampi sa aking balat
ay nakasilong ka na pala. Parang mali na hindi ko man lang
hinakbang ang aking mga paa sa pag-aakalang babalik ka pa.
Panahon na siguro para kalimutan na kita.
Panahon na siguro para ako naman ang mamaalam, ang magsabi ng
paalam. Panahon na siguro na kailangan kong humakbang para ako
naman ang makausad, para ako naman ang makalimot. Panahon na
para luwagan ko ang kapit sa ating pisi nang makalaya tayo nang
husto.
Unti-unti kong tatanggapin na mas mabuting sukuan ka. Hindi naman
nito ibig sabihin na hindi ko pinaglaban ang pag-iibigan nating dalawa.
Pinalaya kita para ako naman ang malakaya. Alam kong sasapit din
ang umaga at dahan-dahan akong maghihilom sa mga sugat na
tinamo ko sa’yo. Alam kong darating ang bagong kabanata at muli
akong iibig at magtitiwala.
Kaya, paalam na.
— Meliton Leonida Lavilles
19K
Write a comment...
Comment
Rona Jalando-on
Sa isang Iglap lang ika'y Lumisan
Ang Mas Masakit pa hindi mo kami hinanda malakas
kapa nung umalis pag uwi mo'y isa kana nang malamig
na bangkay , hindi ko kaya , hindi ka man lang lumaban
para sa amin ng anak mo Mahal na mahal ka
namin
Carine Patricio
Paalam sa mga taong hindi nakita yung worth natin
Frezie Villarazo
Ang skit pero kailangan tanggapin Ang bwat tao dadaan
sa ating buhay n magbibigay Ng aral my msya my
mlungkot at my mwawala sa ating buhay .... Lilipas din
Ang skit at maghihilom din Ang sugar at kpag nhilom n
Ang sugat at natanggap mo n Ang lhat n wala n kyo
maging maayos din Ang lahat bwat pighati iyong
dindanas at sa bandang huli my sayang kaakibat
magtiwala lang at wag Kang bibitaw sa iyong mga
pangarap na s dulo nitoy my sayang matatanggap
Meri Let
Grabe tulo luha ko sobrang tumagos s isip at puso ko
dahil dalwang beses akong nagmahal ng totoo ng tapat
bnigay ko ang lahat pati buong ako pero nabigo lumuha
at nasaktan at nagpatawad ngpalaya muli bumangon at
magtitiwala!
Grecilda Aparecio
May mga bagay na gusto pa nating ipaglaban
pero kailangan na talagang bitawan
Hindi dahil wala ka ng pagmamahal
Hindi dahil pagod ka na
Hindi dahil nagsawa ka na
Kundi dahil sobra na.
Sobrang chansa na ang naibigay.
Minsan nga napatanong ako saking sarili.
Pangit ba ako? Ano pa bang kulang sa akin? Mahirap ba
akong mahalin?
Ngunit sa kabila nitong mga tanong alam kong masagot
rin ito, hindi man ngayon pero sa tamang panahon.
Ako'y bibitaw na at wag magalala ikay napatawad ko na
Paalam mahal
Star Cortez
Magpatawad at mag palaya sa dapat palayain lagi nating
paghariin forgiveness, Love, peace, compassion sa
bawat isa segi Malaya na Tayo lumakad Tayo namalaya
may respito at pag ibig sa bawat gawin inspiration Ang
nakalipas nagkakaisa sa ngalan nang diyos,at panginoon
at sa ispirtu, tayoy mag kaisa sa paggawa Kong ano ang
kalooban nang diyos segi Malaya na Tayo piro wag mo
akong ituring na kaaway Kasi ikaw tinuring Kong
napakahalaga sa akin Kong Hindi mo man nakikita ok
Lang yon Sana Sana Lang naman mahalin mo parin ako
bilang kaibigan Mahal din Naman Kita bilang Kong Sino
ka l salute you Kasi nakakatataas ka sa akin tayoy still
friends at nanatili Ang respitu at pagmamahal sa isat Isa
cge paalam Malaya kana...
Kimberly Yacob
The best feeling yung akala mo di mo kaya kung wala
sya, pero in the long run you survive without his
presence, and im proud to myself cheers