Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alawihao National High school

Daet Camarines Norte

Region V-Bicol

STATE OF THE COMMUNITY ADDRESS (SOCA)

Ang bayan ng San Vincente ay isang malaki at maunlad na bayan. Ito ay isang magandang lugar na
minamahal dahil sa magandang ekonomiya, magandang agrikultura, turismo, at iba pang industriya.
Hindi nila kayang talunin ang kagandahan nito, kaya naging isa ito sa pinakamaunlad na bayan sa
lugar. Marami itong istruktura na tumutulong sa pag-unlad nito, tulad ng imprastraktura.

Ekonomiya

Sa pang ekonomiyang sektor ang ekonomiya nang San Vicente ay lumalago. Ang mga
negosyante ay bumubukas ng mga bagong negosyo at mga tindahan. Upang mas malinis tingnan at
makakaiwas sa disgrasya, naisasaayos ang mga kalsada. Para sa akin ito ay nkakatuwa apagkat sila ay
nakakabukas nang bagong negosyo na nagdudulot nang dagdag kita para sa kaniang barangay.

Edukasyon

Upang makaahon sa pandemya, napabuksan muli ang mga paaralan matapos ang dalawang
taon tulad ng San Vicente Central School, San Vicente Parochial School, at binuksan rin ang Child
Development Center. Upang matulungan ang mga paaralan sa muling pagbukas , tumutulong sa
paglinis ang mga frontliners. Financial help ay binibigay ng Barangay Silngan sa mga Highschool at
College students. Inaasahan ng Barangay ang mga estudyante para sa kinabukasan ngbayan kaya’t
gagawin nang barangay ang kanilang makakaya upang matulungan ito.

Kalusugan

Ang DOLE-TUPAD, Bayanihan, tulong sa mga senior citezen, Feeding program, at Monitoring
marami pang iba ang naitutulong ng barangay ukol sa kalusugan ng mga mamayanan. Ang mga
Health Workers at Nutrition Schoolar ay tumutulong sa lahat sa paraan na pagbigay ng gamot sa mga
nangangailangan.

Pang Turismo

Ang komunidad ng Baranggay Silangan ay tumutulong sa pag-oorganisa ng Taunang


Mananap Festival, na isang pagdiriwang na inorganisa ng lokal na pamahalaan. Ang kaganapang ito
ay nakakatulong sa pagbabahagi ng kultura at pamana sa komunidad at upang makatulong na
paunlarin ang mga kasanayan ng mga kabataan.
Kahit na walang masyadong makikita sa distrito ng San Vincente Baranggay ng Silangan,
itinuturing pa rin itong tourist destination dahil sa ganda at kamakailang pag-unlad nito. Kahanga-
hanga ang lugar na ito!

Ang bayan ng San Vincente ay isang maunlad na bayan at nakakaaliw malaman na ito ay may
maganda at masayang katangian. Kaya dapat tayong magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo
sa ating lugar at magsumikap na mapaunlad din ang ibang bahagi ng ating bayan, dahil kapag
yumaman ka, wala na! Salamat.

______________________________

Inihanda ni: CJ Preyra

______________________________

Ipinasa kay: Jonabel S. Abejero

Guro sa AP at ESP

You might also like