Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DEVCOM WRITING

BAKIT TAYO NAGSUSULAT NG DEVCOM?


We are writing development communication for change, for development,
kaunlaran, progreso.
THREE KEY POINTS IN WRITING DEVCOM
Report the problem, the process, and the solution.
1. PROBLEM – Basically, itong problem na tinutukoy ang pinaka-issue o topic na tina-
tackle sa isang devcom article. Halimbawa, widespread human rights violations,
widening social inequalities, development aggression, and climate crisis.
Kapag itong problem ang pinag-uusapan, kailangang ma-discuss nang maayos kung
ano ba talaga ang problema. Bakit siya problema? Puwede siyempre itong isulat sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan.
Puwedeng through nut graph. Ang nut graph ay iyong narrative o kuwento na
nakatuon sa isang tao. Halimbawa: (Chika lang ito. Hahahahaha. Gawa-gawaan ko lang
para lang maipakita ko kung paano iyong nut graph.)
Tatlong taon nang labandera si Noriene Joyce Anareta mula sa Muntinlupa. Araw-
araw, masusing pinagkakasya ng 34 na taong gulang na ginang ang 300 hanggang 500
pisong sahod upang matustusan ang mga pangangailangan ng dalawang anak. Subalit nang
dahil sa TRAIN Law, napilitan si Noriene na mamasukan na rin bilang construction worker.
Puwede ring sa pamamagitan ng statistics o data. Sa paglalahad ng mga datos,
kailangang makita kung ano ang problema na tinatatalakay.
Halimbawa: (Chika lang ulit ito. Hahahahaha. Gusto ko lang maipakita kung paano
gawin.)
Umabot na sa 432 katao mula sa iba’t ibang bayan sa probinsiya ng Batangas ang
lumikas dahil sa hindi inaasahang pag-aalboroto ng bulkang Taal, Enero, 12, alas-dos ng
hapon. Ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 36
na paglindol na ang naitala na bunga ng pag-aalboroto ng bulkan.
NOTE: Marami pang ibang paraan para ma-introduce ang problem. Nasa style din iyon ng
writer. Basta isipin kung alin ang babagay.
2. PROCESSES – Ito namang processes ay lahat ng may kaugnayan sa problema. Dito,
puwedeng gamitin ang analysis ng problem, syntheses, other relevant data,
narratives, empathy, connection, at humanity. Itong processes ay apparently iyong
mga dagdag na details lamang ng sinusulat mo.
3. SOLUTIONS – Ito namang solutions ang pinaka-ending ng isang devcom article.
Kailangang may concrete solutions o call for action.

Example ng phrases para mas maipakita ang call for action or solutions ay
(Siyempre, chika lang ulit ang mga ito. Hahahaha. Ito lang iyong mga madalas mong
makikita sa mga Devcom article):
- Kung hindi magtutulungan,
- Kailangang magtulungan
- The government and its people should go hand in hand
- Magkakampi ang
OTHER TIPS:
1. Break up big ideas into smaller ideas.
2. Use analogies to better explain complex concepts.
3. Vary sentence and paragraph lengths.
4. Read your work aloud whenever you can.
BASICS THAT WE SHOULD ALWAYS REMEMBER:
- Accuracy
- Verification
- Fairness
- Independence
- Attribution
Final note: Tao ang measurement ng development.

You might also like