Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Panitikan ng Pilipinas: Kasaysayan at Pagsusuri ng Wika at Nilalaman

Student Name: Andrea A. Santos Degree Program: SOTE

Section: 3.1 BEED Mobile Number: 09679548855

Professor Name: Gng. Ruth Balagat Email Address: 61901304@ntc.edu.ph

GAWAIN 1

Liwanag at Dilim
ni Emilio Jacinto

1. Ipaliwanag ang mga uri ng pagkatao na inilalarawan sa sanaysay. Gumamit


ng mga pahayag o pangungusap mula sa sanaysay upang higit na mabigyang
diin ito.

Sa akdang Liwanag at Dilim na isinulat ni Emilio Jacinto na siyang utak ng


katipunan, ipinahiwatig niya sa kaniyang akda ang mga karanasan, paghihirap
at pakikipaglaban ng ating mga kababayang Pilipino, noong panahon ng
pananakop ng mga kastila. Inilabas ni Emilio Jacinto ang kaniyang damdaming
kalungkutan at hinagpis sa akdang ito, at inilarawan niya ang kalagayan ng
ating mga kababayan at Inang bayan sa kamay ng mga mananakop na kastila.
Ang Liwanag at Dilim ay binubuo ng pitong paksa. Pitong paskang mayroong
iba’t-ibang kuwento at naglalarawan ng iba’t-ibang kaugalian at pagkatao.
Ang unang paksa ng liwanag at dilim na pinamagatang: Ang Ningning at ang
liwanag. Kung iyong pagmamasdan at babasahin ang pamagat nito, aakalain
mong iisa lamang ang kahulugan ng dalawang salita na ito. Subalit, ang ningnng
at liwanag ay mayroong magkaibang kahulugan. Ang ningning ay siyang
nakapagbibigay ng matinding sinag sa mata ng tao, samantalang ang liwanag
naman ay ang nagbibigay ng kaliwanagan sa dilim sa mata ng mga tao. Sa
paksang ang ningning at ang liwanag, inihalintulad ni Emilio Jacinto ang
kalagayan ng mga Pilipino noon sa ilalim ng kapangyarihan at pamumuno ng
mga kastila at prayle. “Ang ningning at liwanag ay nakasisira ng paningin. Ang
liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng
mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw
ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.”
Inihalintulad sa paksang ito ang salitang ningning sa mga Pilipinong nabulag sa
kasinungalingan ng mga prayle at ng mga namumuno noong pananakop ng
mga kastila. Ginamit nila ang kanilang mga kapangyarihan at kayamanan
upang sila ay galangin at sambahin ng mga Pilipino. Samantalang ang liwanag
naman ay inihalintulad sa mga katotohanan sa likod ng mga manining na
kasinungalingan. “Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabigham sa
ningning. Sa katunayan ng masamang naugalian. Nagdaraan ang isang
karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin? Tayo’y magpupugay
at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman
isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan
at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.” Nais
ipahiwatig ng paksang ito na ang ilan sa atin ay madaling mabulag at mabiktima
ng kasinungalingan dahil sa tayo ay pinapakitaan ng ningning. Dahil sa ganitong
pag-uugali, ang mga Pilipino noon at ang bayan ay napuno ng mga
kasinungalingan, at napamunuan ng mga prayleng maningning ngunit puno ng
pusong sukaban. Sa paksang ito, nais iparating ni Emilio Jacinto sa mga
mambabasa at sa sangkatauhan na imulat natin ang ating mga mata at sarili sa
kaliwanagan. Ang ikalawang paksang tinalakay sa akdang liwanag at dilim ay
ang Kalayaan. Ang bawat isa sa atin ay may wastong kaalaman kung ano ang
kahulugan ng kalayaan. “Ang kalayaan ng tao ay ang katwirang tinataglay na
talaga ng pagkatao na umisip at gumawa ng anumang ibigin kung ito’y di
nalalaban sa katwiran ng iba.” Ito ay ang malayang pagkilos at pagsabi ng mga
bagay na ayon sa ating kagustuhan at walang sino man ang maaaring pumigil
sa atin dahil Malaya tayo. Subalit, sa paksang kalayaan ng liwanag at dilim, ay
mayroon nais iparating ang may akdang si Emilio Jacinto. Ito ay ang kalayaang
nais makamit ng mga Pilipino noon, ngunit hindi nila matamasa ang tunay na
kahulugan ng kalayaan dahil sila ay nasa ilalim ng kamay ng mga mapagkontrol
na kastila. “Ang Anak ng Bayan ay lagi nang inaagawan ng bunga ng kapaguran
niyang sarili upang mamalagi at madagdagan ang kapangyarihan at bagsik ng
Namamahala at Pamahalaan (Gobyerno) na dahil sa pagkaliyo sa mabangong
suob ng mapagpuring kaakbay ay nakalilimot tuloy na ang kanilang buong
lakas, kalakhan, at kataasang ipinatatanghal ay galing na lahat sa mga
kampong inaalipin at ibinabaon sa dalita.” Ang mga anak ng bayan o ang mga
Pilipino noong panahon ng kastila, ay silang mga Pilipinong nagpapakahapo
upang sila ay mabuhay at magkaroon ng sariling kalayaan. Ngunit ang mga
prayle at mga namumuno ay walang ibang ginawa kung hindi ang mangakong
sila’y aalalay, datapwa’t ito’y kasinungalingan lamang. “Kung kaya may
katwiran ay dahil may kalayaan. Maraming hayop, lalo na sa ibon, ang
namamatay kung kulungin dahil sa pagdaramdam ng pagkawala ng kanilang
Kalayaan. Diyata’t ikaw na itinanging may bait sa Sandaigdigan ay daig pa ng
hayop?” Tinuran din sa akdang ito na ang bawat isa sa mga anak ng bayan ay
mayroong katwiran o mga sariling pananaw sa kanilang buhay, ngunit sila ay
napangungunahan ng takot at tila ba sila’y nakakulong sa isang hawla kagaya
ng isang ibon. Ngunit, ang pinagkaiba’y ang hayop na nakakulong at nawalan
ng kalayaan kagaya ng ibon, ay ginawa ang lahat, inialay ang dugo at pawis
upang sila ay makalaya. Bakit ang mga anak ng bayan ay hindi magawang
makawala sa kanilang kulungan upang muling makamit ang kanilang kalayaan?
Ang ikatlong paska sa liwanag at dilim ay ang Ang tao’y magkakapantay. Ang
sangkatauhan ay mayroong natatanging pagkakaiba. Ang ating mga kulay,
tangkad, kultura, paniniwala at ang kasarian. Lahat tayo ay magkakaiba bagkus,
tayo ay ginawa ng iisang Diyos maykapal, at lahat tayo ay may karapatan. “Ang
lahat ng tao’y magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng lahat. Anung
ganda, anung liwanag ng katotohanan ito! Sino kaya ang pangahas na
makapagsasabing higit ang kanyang pagkatao at tangisa pagkatao ng
kanyang mga kapwa? Datapwat sa lahat ng sulok ng lupa ay naghari at
nagkaroon ng mga pangahas na ito, kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng
dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban,
ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban.” Maraming mga anak ng bayan
ang naniniwalang ang tao’y magkakapantay, dahil ito ang itinuro ng Diyos sa
atin. Ngunit, sa paglipas ng panahon ay mayroong mga tao ang gustong ilihis
ang paniniwalang ito, at nais maging mas mataas kaysa sa kanilang kapwa. Ito
na rin siguro ang dahilan kung bakit ang ating bayan ay napuno ng mga inggit,
at ang ilan ay pumiling maniwala sa kasinungalingan. Kung kaya nga may mga
taong ginugustong paniwalaan ang mga kasinungalingan at kasamaan, ay dahil
sa gusto nilang umangat at lamangan ang kanilang kapwa. “Kayong malalaki,
na umaasa sa kamahalan ng inyong dugo at sa katwirang taglay ng inyong
kalakhan na sumakop at lumapastangan sa inyong mga kapwa, sandaling
bukahin ang mapagmarunong na pag-iisip sa mga halimbawang sinabi at
makikilala ninyong lubos na ang lahat ng tao ay tunay ngang magkakapantay.”
Nang dahil sa mga kapangyarihan at kataasang taglay ng taong mapagmalaki,
tila nakalimutan na niya ang tunay na kahulugan ng pagkakapantay-pantay
kagaya na lamang ng mga katagang ito. Kailangan natin buksan ang ating
saradong pag-iisip at tayo’y muling matauhan na tayo ay magkakapantay. Ang
ikaapat na paksang tinalakay sa akdang ito ay ang pag-ibig. Kagaya na lamang
nang sinasabi ng nakararami, ang pag-ibig daw ang dahilan at nagbubuklod sa
sangkatauhan. Ang pag-ibig ang dahilan kaya tayo ay namuhay sa ating
daigdig, dahil mahal tayo ng Diyos. Tayong mga tao, katotohanan at ang
Maykapal ang nagiging sanhi ng pag-ibig at tayo lamang ang
magpaparamdam at magpapakita ng pag-ibig sa isa’t-isa. ”Kung ang pag-ibig
ay wala, ang mga Bayan ay dili magtatagal, at kapagkarakang mapapawi sa
balat ng lupa ang lahat ng pagkaka-pisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay
matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging
mabilis.” Kung wala ang pag-ibig sa buhay ng tao ay hindi magkakaroon ng
halaga ang buhay ng bawat isa sa atin, at mawawalan tayo dahilan upang ang
bawat isa sa atin patuloy na mabuhay at magkaroon ng pag-asa. Subalit, kung
minsan, ang pag-ibig ang siyang nagiging dahilan kung bakit ang tao ay
nawawalan ng pag-asa at nagkakaroon ng matinding hinagpis. “Ngunit ang
kadayaan at katampalasan ay nag-aanyong pag-ibig din kung minsan, at kung
magkagayon na ay libo-libong mararawal na pakikinabang ang nakakapalit ng
kapatak na pagkakawanggawa, na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at
masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nahaharuyo sa
ganitong pag-ibig!” Nais ipahiwatig ng mga katagang ito na may mga taong
mapagbalatkayo at ginagamit ang kapangyarihan ng pag-ibig upang
makapang-loko at gamitin ang isang tao upang makamit niya ang sariling interes
sa buhay. Kagaya na lamang ng mga espanyol noong panahon nang sinakop
tayo ng mga kastila, ang ilan sa kanila ay nangakong magbibigay ng tapat at
matuwid na serbisyo, ngunit ito’y kasinungalingan lamang at ginamit ang mga
Pilipino upang makuha nila ang kanilang gusto at makagawa ng masasama.
Nais ipabatid ni Emilio Jacinto sa kaniyang akda, na kung puno ng pag-ibig ang
ating mundo at buhay, ay paniguradong walang naapi at nahihirapan. Ang
ikalimang paksa sa akdang liwanag at dilim ay tungkol sa; ang bayan at ang
mga (gobyerno) pinuno. Ang pinuno ng ating bayan at bansa, ay may malaking
gampanin. Ang kaniyang posisyon ang kagalang-galang, at siya ang may
tanging kapangyarihan upang ayusin ang kalagayan ng ating bayan.
Gampanin niyang siguraduhin ang pagkakaisa ng ating bansa, at nakasalalay
sa kaniya ang kalagayan ng mamamayan at ng ating bansa. Ngunit, kadalasa’y
ang mga masasama at hangal at mga sinungaling ang namumuno sa ating
bansa, kung kaya’t ang kalagayan ng bayan at mga mamamayan ay magulo
at mahirap. “At sino ang makapagsasabi? Maaaring mamahala ang mga
hangal at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa iyo, at salawin ka
sa ningning ng kanilang kataasan at mga piling pangungusap na
nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang tuluyan ang
iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting Pinuno, at nang
huwag masayang ang di-masukat mong mga pinuhunan.” Kung kaya nga bilang
tayo’y anak ng bayan at mamamayan ng ating bansa, dapat ay maging
matalino ang bawat isa sa atin pagdating sa pagpili ng pinuno. Iwasang
mabighani sa mga matatamis na salita at maningning na imahe ng isang taong
nais maging pinuno ng ating bayan. Ang ikaanim na paksa ay tungkol sa; ang
maling pagsasampalataya. Ang bawat isa sa atin ay mayroong iba’t-ibang
pananampalataya, may iba’t-ibang relihiyong pinaniniwalaan. Ngunit, sa
paksang ito, tinutukoy ang mga taong nalilihis ang kanilang paniniwala at
pananampalataya sa mga kasinungalingan. “Nalalaban din naman talaga sa
Diyos pagkat ang tao’y binigyan niya ng pag-iisip upang magamit ang pagkilala
ng totoo’t di-totoo, ng matwid at di-matwid, ng mabuti’t masama. Datapwat dahil
sa maling pagsampalataya’t pikit na paniniwala, ang pag-iisip ay pinahihimbing
at di ginagamit sa mga pinaglaanang ito ng Maykapal.” Nais ipabatid ng
paksang ito ang pagiging saradong isip ng mga tao, dahil kadalasan sila ay
madaling maniwala sa mga sinasabi ng iba at nanampalataya sa mga
kasinungalingan. Ang ika-pito at ika-huling paksa na tinalakay sa akdang ito ay
ang gumawa. “Ang gumawa ay isa sa malaki’t mahalagang biyaya pagkat sa
pamamagitan nito ay nagigising at nadaragdagan ang lakas ng isip, loob, at
katawan, mga bagay na kasanib at kinakailangan ng kabuhayan.” Ang nais
ipahayag ng paksang ito ay tungkol sa ma bagay at pagsubok na dumating sa
ating buhay. Lahat ng pagsubok na iyon ay hindi parusa kung hindi isang aral.
2. Paano hinubog ng mga kaganapan at kalinangan na namamayagpag sa
panahong iyon ang pinakabuod o diwa na nais ipahiwatig nito? Magbigay ng
mga kongkretong pangyayari, kinagawian o paniniwala na direktang
nakaimpluwensya sa iyong pananaw sa pagkakalikha nito noon upang
mabigyang katwiran ang iyong kasagutan.

Ang liwanag at dilim na akda ni Emilio Jacinto ay isang akdang tungkol sa mga
narasan ng mga anak ng bayan sa kamay ng mga mapang-aping kastila.
Ipinahayag ni Emilio Jacinto ang kaniyang damdamin, kalungkutan, galit sa mga
kastila at pag-ibig sa inang bayan sa akdang ito, at nilarawan niya ang
kalagayan ng mga tao, ng gobyerno at ng ating inang bayan. Ang akdang
Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto ay nahahati sa walong paksa; ang ningning at
liwanag, kalayaan, ang tao’y magkakapantay, ang pag-ibig, ang bayan at ang
mga (gobyerno) pinuno, ang maling pagsasampalataya at ang gumawa. Bawat
paksa ay naglalarawan ng mga iba’t-ibang katauhan at pag-uugali ng mga tao
sa panahon noong pananakop ng kastila. Ipinakita at inilarawan ni Emilio Jacinto
ang kanilang mga kalagayan, paghihirap, pagmamahal sa bayan, at ang
pakikipaglaban upang mabawi ang kanilang kalayaan. Habang binabasa ko
ang akdang liwanag at dilim ni Emilio Jacinto, may isang paksa ang tumatak sa
aking isipan, ito ay ang paksang: Ang bayan at ang mga (gobyerno) pinuno. Sa
paksang ito tinalakay ang kahalagahan ng pagiging matalino at maingat sa
pagpili ng mga taong nais pamunuan ang ating bansa.

Bilang isang kabataan at bagong botante sa darating na eleksyon ngayong


taong 2022, ako rin ay naghahanda at ako’y sumagawa ng mga pananaliksik
tungkol sa mga kandidatong nais tumakbo bilang presidente ng ating bansa.
Bilang isang kabataan na may sapat na kaalaman sa teknolohiya, ginagamit ko
ito upang mas mapadali ang aking pananaliksik. Binabasa at aking pinag-
aaralan ang kanilang mga plataporma, mga nagawa na at naitulong sa ating
bansa, at higit sa lahat ay kung ano ang plano nila para sa ating bansa at sa
mga mamamayan. Noong hindi ko pa nababasa ang liwanag at dilim ni Emilio
Jacinto, pinaniniwalaan ko na ang taong marami nang nagawa at naitulong sa
ating bansa, ang siyang dapat na maging pinuno dahil sa siya ang may
mabuting hangarin at mas marami pa siyang maibibigay sa ating Inang bayan.
Subalit nang mabasa ko na ang akda ni Emilio Jacinto na liwanag at dilim, ay tila
nagkaroon ito ng impluwensya sa akin at nabago nito ang aking paniniwala.

“Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang tuluyan ang iyong pag-iisip,


nang makilala mo ang masama at mabuting Pinuno, at nang huwag masayang
ang di-masukat mong mga pinuhunan. Tungkol nila ang umakay sa Bayan sa
ikagiginhawa. Kailan pa ma’t maghirap at maligaw ay kasalanan nila. Nakita na
nga natin na ang lahat ay magkakapantay; at ang kataasan ng mga pinuno ay
di tinataglay ng sarili nilang pagkatao pagkat sila’y kapantay din ng lahat. Kaya
nga’t ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay at matwid ay sa Bayan
lamang at sa kanyang mga tunay na Pinaka-katawan dapat na manggaling.”
Bilang isang mamamayan, tungkulin natin na kilatisin ang mga taong nais tayong
pamunuan. Huwag tayo basta-basta maniniwala mga matatamis na salita,
pangakong kanilang sinasabi, dahil kagaya nga ng turan ni Emilio Jacinto, Ang
liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan
ng mgabagay-bagay.

You might also like