Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 61

YUNIT V:

Batayang kaalaman sa
mga teorya sa
pananaliksik na akma o
mula sa lipunang pilipino.
GROUP 4
PANIMULA:

ANO ANG KAHULUGAN


NG SALITANG
"TEORYA"?
Ayon kay Abend (2013, sa San Juan et al 2019)
ang mga teorya ay binuo upang magpaliwanag,
magbigay ng prediksyon hinggil sa o makatulong
sa pag-unawa sa penomemon, at sa maraming
sitwasyon, ay naglalayong suriin ang kabuluhan
at palawakin pa ang umiiral na kaalaman
Ayon kay Toracco (1997) ay may tatlong dapat
ikonsidera sa pag pili ng teorya:

1.Pagiging akma sa pananaliksik


2.Linaw o dali ng aplikasyon sa
pananaliksik
3. Bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap
ng sagot sa mga tanong ng mananaliksik
(Torraco, 1997) ang apat na tiyak na paraan kung
paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang
pananaliksik:

1. tinutulungan nito ang mambabasa na suriing


mabuti ang pananaliksik na kaniyang binabasa;

2. iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na


kaalaman at pananaliksik na bahagi ng pagbabatayan
ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at
sa mga sagot sa mga tanong ng pananaliksik;
3. tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw
at hakbang-hakbang na sagutin ang mga tanong ng
pananaliksik sa pamamagitan ng simpleng
paglalarawan ng penomenon at mga obserbasyon
tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya .

4. nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng


pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng mga kaisipan
at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik.
LAYUNIN
2. Mapalalim ang pagpapahalaga sa
sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t
ibang larangan.

1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan,


makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik.

3. Makagawa ng mga malikhain at


mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konteksto.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang
Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas
na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa
lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na
nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at
bansa.
Nilalaman: Unang paksa

MGA DISKURSO SA
NASYONALISMO
Ano ang
nasyonalismo?
Ayon sa Philippine Cultural Education, ang nasyónalismo
ay isang sistema ng paniniwala o ideyolohiyang politikal ng
pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng
identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at
tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang
pambansang pagsulong

Sa Philippine EJournals naman ay sinabing ang


nasyonalismo o makabayang pilosopiya ay
tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan
kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan,
diwa, at pakikisangkot para sa lipunan.
Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan (Lichauco, 1968)
Isa rin itong malinaw na konsepto ng mga elementong
bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na
nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang
nasyon (Alfonso, 1967, De La Costa, 1965, Osorio, 1963,
Tañada, 1955).
Sa pananaw naman ni Rizal, ang nasyonalismo ay
pagsasakripisyo para sa bayan.
Ayon sa akdang “Nationalism” (2009) ni Anthony Smith, dating
propesor sa London School of Economics, ang mga kahulugan ng
nasyonalismo ay maaaring nagmula sa pagkakaroon ng nasyon.
Ayon kay Smith may dalawang uri ang kinabibilangan ng mga
kahulugan ng nasyon

1. Objective factors - ito ay tumutukoy sa pag kakaroon ng


isang wika, relihiyon, teritoryo, asal at institusyon. Sa
sinaunang kahulugan nama n ay 'Geographical Notion' o ang
pag sasama sama ng mga tao sa iisang teritoryo.
2. Subjective factors - ito ay tumutukoy sa saloobin, pang
unawa, at sentimyento ng mga mamamayan.
Sa perspektiba ng politika at sosyolohiya, mayroong tatlong
paradigm(pattern) upang maunawaan ang pinagmulan at
batayan ng nasyonalismo:
1. Primodialism - ito ay naglalaman na ang pinagmulan, paraan ng pag

sasalita at pag kakakilanlan ay hindi na maaaring mag iba.


2. Ethnisymbolism - ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng mga
tradisyon, paniniwala, kasaysayan. Sinasabi dito na nakatali ang isang
tao base sa kasaysayan, paniniwala at tradisyon ng kanyang bansang
pinagmulan.
3. Modernism - na nagmumungkahi na ang nasyonalismo ay dapat
tingnan bilang pinakabagong penomenang panlipunan na
nangangailangan ng istrukturang sosyo-ekonomiko ng makabagong
lipunan.
Sinasabi din sa libro ni Renato Constantino na “Miseducation of the
Filipino” na isinalin ni Martinez bilang “Lisyang Edukasyon ng mga
Pilipino.” sa wikang filipino.
Sa nasabing artikulo, sinuri ni Constantino ang kasaysayan ng
edukasyon sa bansa, partikular ang sitwasyon nito sa panahong
direktang kolonya pa ang Pilipinas. Nilinaw niya ang nasyonalismo
ay hindi lamang isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko rin.
Para kay Constantino, kailangang itransporma ang sistemang pang-
edukasyon ng bansa upang matiyak na makapag-aambag ito sa
pag-unlad ng Pilipinas:
Teoryang
Dependensiya
Ikalawang paksa:
Teoryang Dependensiya

'Teoria de la Independencia' o Teorya ng Dependensiya


ay ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay
dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na
kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado,
kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng
isa.
Ang teoryang dependensya ay wala na masyadong
tagapagtaguyod bilang isang pangkalahatang teorya,
ngunit ang ilang manunulat tulad nina Raúl Prebisch at
Theotônio dos Santos, na kapwa mula sa Amerika
Latina.
Ayon sa kanila, ang pagsasamantala ng mga bansang
industriyalisado sa mga bansang mahihirap ay sa
pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya na
nakaapekto rin nang malaki sa sistemang politikal at kultural
ng bansa.
Nilinaw ni San Juan (2013) ang koneksyon ng mga diskurso
sa nasyonalismo at Teoryang Dependensiya sa kanyang
artikulong 'Kaisipang Nasyonalista at Teoryang
Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng
Programang K to 12 ng Pilipinas.” Kung saan ayon sa
pananaw ni Constantino at ng iba pang nasyonalista, ang
anumang programang pang edukasyon ay walang saysay
kung hindi isinasaalang alang ang kaunlaran ng mga
mamamayan ng bansa.
Binigyang-diin ni Constantino na hangga’t
kontrolado ng mga dayuhan at ng mga
Pilipinong elite na kanilang kasabwat ang
ekonomiya, politika, at kultura (kasama na ang
edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling mahirap
at walang pag-unlad ang mayorya ng
sambayanang Pilipino. Pinatutunayan lamang
nito na kapanalig ng mga naniniwala sa bisa at
katotohanan ng Teoryang Dependensiya si
Constantino (San Juan et al.,2019).
Sa isa pang artikulo ni San Juan ipinaliwanag nito ang kritisismo
ng mga tagapagtaguyod ng Teoryang Dependensiya sa
neokolonyal na sistemang nangingibabaw sa mga bansang gaya
ng Pilipinas. Aniya, “Mas nakikinabang ang mga bansang
mauunlad at/o mayaman sa kapital sa ganitong sistema.
Marxismo, Feminismo, Mga
Tinig Mula sa Ibaba,
Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas, at
Kritikal na Diskurso sa Iba’t
Ibang Isyu
Tala- hulugan
Ugnayan ng klase(class relation) - ito ay tumutukoy sa relasyon
sa pagitan ng mang gagawa at may ari ng pinag tatrabahuhan
ng manggagawa.
Tunggaliang Panlipunan - tumutukoy sa tunggalian sa pagitan
ng mayaman at mahirap.
Ideolohiya - ito ay mga paniniwala at pilosopiya na
pinaniniwalaan ng isang tao o grupo ng tao.
Uring Panlipunan(social class) - istratipikasyong panlipunan
kung saan pinaghihiwalay- hiwalay ang tao base sa uri nila.
Proletariat - manggagawa.
Burges - tumutukoy sa may ari ng kapital at sila ang
mayayamang uri ng tao.
Marxismo

Ang Marxismo (Maranan, 2018) ay isang metodo ng sosyo-


ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitignan ang
ugnayan ng klase (class relation) at tunggaliang panlipunan
(class conflict) gamit ang materyalistang interpretasyon ng
pag-unlad ng kasaysayan (materialist interpretation of
historical development) at ginagamitan din ng diyalektikal na
pananaw ng transpormasyong panlipunan o social
transformation.
. Ang kaisipang ito ay pinukaw ng dalawang Alemang pilosopi -
sina Karl Marx at Friedrich Engels — noong kalagitnaan
hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo
Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideyolohiyang pulitikal sa
kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-
ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang
pananaw ng pagbabago ng lipunan

Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-


unlad ng lipunan, kung saan lumalago ang ekonomiya at teknolohiya
base sa pangangailangan ng tao sa paglipas ng panahon na direktang
nakakaapekto sa iba pang panlipunan penomena gaya ng ugnayang
panlipunan, sistemang pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya.

Ngunit habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon (lalo na


ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusan g
panlipunan ay nagiging kabaligtaran na pumipigil sa lalong pag unlad.
Ayon sa Marxistang analisis, nagaganap ang tunggalian ng mga uri
sa kapitalismo dahil sa paglala ng mga kontradiksiyon sa pagitan ng
produktibo, mekanisado at maayos na paggawa ng proletariat, at ng
pribadong pagmamay-ari at pribadong paglalaan ng labis na
produkto sa anyo ng labis na halaga (o kita) ng iilang pribadong
nagmamay-ari na tinatawag na burges.

Sa paniniwala ni Karl Marx, habang patuloy na sumusulong ang


puwersang produktibo at teknolohiya, magbibigay-daan ang
sosyalismo sa isang yugto ng komunismong pagbabago ng lipunan.
Ang komunismo ay magiging isang makataong lipunan na walang
kaurian o estado at naninindigan sa panlahatang pagmamay-ari at
sa prinsipyong "Mula sa bawat isa ayon sa kaniyang kakayahan, para
sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan".
Isa sa kahalintulad ng Marxismo ang feminismo sapagkat ito
ay tumatalakay sa pag aapi at pagsasamantala sa isang
kasarian (babae)
Ayon kay Maceda hindi lamang sa teoryang Marxismo
maririnig ang tunggalian sa pagitan ng mga klase sa lipunan
kung hindi sa mga kwento at kanta o pahayag ng ibang ng
mga ordinaryong mamamayan.
Pantayong Pananaw
Ang salitang “pantayo” ay binuo sa pamamagitan
ng pagsasama ng salitang ugat na “tayo” at
unlaping “pan” Sa kabilang dako, ang kabiyak na
salitang pananaw ay tumutukoy sa perspektiba o
anggulo.
Ang pantayong
pananaw ay isang
deskriptibong konsepto na tumutukoy sa
anuman kalipunan na nagtataglay ng pinag-
isa at panloob na artikulasyon ng
linggwistik-kultural na istruktura ng
komunikasyon at interaksyon kahalagahan
ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng
pananatili.
Ang pantayong pananaw (San Juan, et al.,
2019) ay isang konsepto at hinuha ng
multilinggwal na historyador na si Dr. Zeus A.
Salazar na mula sa Unibersidad ng Pilipinas
Detalyadong nilinaw ni Salazar (1997) sa
artikulong “Pantayong Pananaw: Isang
Paliwanag” ang buod ng kaniyang
perspektiba:
Sa lahat ng mga wikang Pilipino, may mga konseptong katumbas ng “tayo,” “kami, ”sila,” at
“kayo” na tumutukoy sa mga nagsasalita at lahat ng kaniyang kausap, kasama kahit na iyong
wala. Halimbawa, “tayong mga Pilipino,” kung ihahambing sa “kaming mga Pilipino,” ay
nangangahulugang ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino mismo at implisitong hindi kasali ang
mga banyaga . Sa sitwasyong ito, ang bagay, konsepto, kaisipan at ugali na maaaring pagtuunan
ng pansin ay madaling maintindihan, dahil sa napapaloob sa ating sariling lipunan at kultura.
Mapag-uugnay natin sila sa isa’t isa na hindi kailangan magkaroon pa ng pantukoy sa iba pang
mga konsepto, tao, ugali, at kaisipan na kaugnay nila. Katunayan nga, maraming bagay ang
implisito nating nauunawaan. Ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang
hinggil sa sarili at sa isa’t isa, iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagkat
nagkakaintindihan ang lahat. Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong
pananaw” lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat
ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa
isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code” – ibig sabihin, mai isang pangkabuuang
pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan, at ugali. Mahalaga (at pundamental
pa nga) rito ang iisang wika.
Ilan sa mga babasahing kaugnay ng pantayong pananaw ang
sumusunod:
1. “Ang isa at ang marami” ni Eliserio (2009) sa Pinoy Weekly.
2. “Saysay ng sarilingkasaysayan: Ang Ambag ni Zeus Salazar
sa Bayan” ni Chua (2013) sa GMA News Online.
3. “Pantayong Pananaw o Pantasyang Pananaw Lamang?:
Kamalayan sa mga Konsepto/Dalumatng Bayan.
4. Mga Tinig Mula sa Ibaba” ni Chua (2014) sa Saliksik E-
Journal.
5. “Pook at Paninindigan: A Critical Appraisal of Pantayong
Pananaw” ni Guillermo (2009).
Samantala, may tatlong mahahalagang sangkap ang Pantayong Pananaw
na binanggit sa aklat ni Maranan (2018). Ito’y ang:
1.Dulog (etic at emic)- ang emic ay tumitingin mula sa perspektiba ng
paksa o subject, dito ay pinapahalagahan kung paano mag isip ang tao o
lipunan. Ang etic naman ay tumitingin mula sa perspektiba ng tagamasid,
ito naman ay nakapokus sa siyentipikong pag aaral (antropolohiya).
2. Pag-unawa at pagpapaliwanag - Ang pinakamahinang posisyon ay
ikinukonsidera ang parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang
paggamit ng emic sa mga diskurso ng pantayong pananaw basta ang higit
na nakararaming teksto na nakasulat ang pagpapalitan ng berbal na
komunikasyon ay ginamitan ng Filipino.
3.Suliranin ng ideolohiya - ay ang pagbibigay ng pribilehiyo o
prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan ng
konsepto, habang inilalayo ang huli sa prinsipyo. Ang wika ng tekstwal na
eksposisyon ay nakasulat din sa wikang Filipino.
ANO ANG PANTAWANG PANANAW?

Ang pantawang pananaw ay tumutukoy sa paggamit ng


"tawa" bilangpagkritika o pagtuligsa
sa mga bagay na may kinalaman sa mga isyu ng
ating lipunan.
Pantawang Pananaw
Hinahangaan ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo dahil
sa kabila ng iba’t ibang uri ng suliraning kinahaharap nila sa
kanilang pang-araw araw na pamumuhay ay nagagawa pa nilang
panatilihin ang pagiging masayahin.

.Pinatunayan ito ng ulat ng United Nations (UN) na nagbibigay


ngkompirmasyon na tumaas ang ranking ng Pilipinas sa World
HappinessReport nito ngayong 2018. Naging pamantayan sa
pagpili ngmasayahing bansa ang mga sumusunod:

maunlad na ekonomiya
pagiging malaya
suportang panlipunan
pangangalaga sa kalusugan ng tao
Ayon kay Bro. Clifford Sorita, sa panayam sa kanya ni Apples Jalandoni (2018) na
higit sa kaligayahan ay mayroong tatlong (f) na kayamanan ang lipunan:

faith (pananalig)
family (pamilya)
friends (mga kaibigan).

Ang pagtawa ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahanng isang tao.


Sinasabi ng maraming pag-aaral na ito raw ay isang mabuting medisina.

Sa isang artikulo ni Di Salvo (2017), kaniyang sinabi na ang pagtawa ay nakahahawa sa


kapaligiran.

Ang epekto ng endorphin ang makapagpapaliwanag kung bakit ang pagtawa ay


nakahahawa. Ang pagpapalaganap ng endorphin sa pamamagitan ng pangkat ay
nagsusulong sa kahalagahan ng pagsasama at kaligtasan. Para itong domino na dahilan
kung bakit kapag tumawa ang isa ay naiimpluwensyahan ang iba na tumawa kahit na
hindi sila sigurado kung bakit sila tumatawa.

Ang pagtawa ay mahalagang kakampi ng tao upang pagaanin at pasayahin anuman ang
kaniyang kalagayan o antas sa buhay.
Ang pagtawa ay may objek na pinanggagalingan katulad ng mga kaganapang biglaan katulad
ng pagkatanggal ng kasuotan, pagkadapa, ekspresyon ng mukha at marami pang iba.

Ang paggamit ng imahinasyon ng tao ay masasabi ring objek ng pagtawa lalo na sa


paggamit ng mga sinasabing green jokes o toilet humor.
Kung bubusisiin ang pagtawa ng bawat Pilipino at ang paghagalpak sa mga kakaibang
bagay na nakikita sa kapaligiran, masasabi na ang gawaing ito ay nakadugtong hindi
lamang sa damdamin o emosyon kundi maging sa kamalayang Pilipino.

Ang pantawang pananaw ni Rhoderick Nuncio ay nakapokus naman sa katutubong pagsipat


sa paraan ng pagpapatawa ng mga Pilipino. Mababasa sa artikulong “Saysay at Salaysay ng
Pantawang Pananaw Mula Pamumusong Hanggang Impersonasyon” pagsusuri ni Nuncio
(2010) sa kasaysayan ng pagpapatawa sa bansa.
Sa pagsusuri ni Nuncio, mariing pinahahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin
at pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, ika nga, may redempsyon
mula sa problemang kinahaharap ng sinuman.
Ngiti, Hagikhik o
halakhak
Ito ang tumutulong sa atin upang magapi ang ating
kalungkutan. Sa tawa nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at
pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa
kabigatan ng saloobin o damdamin.

NANININAWALA BA KAYONA ANG PAG TAWA AY ISANG THERAPY?

“Laughter is the best medicine and humor is the spice of life” (Batacan
1966).
Ang ibigsabihin nito ay ang tawa ay isang mekanismo ng damdamin na
nagbibigay laman sa puwang o guwang sa damdamin ng isang malungkuting
tao o di kaya’y yaong naghahanap lamang ng kasiyahan sa buhay.
Mahihinuha sa sikolohiya ng tao ang pag-imbento niya ng mga kaparaanang
magpapaaliw sa kanya..
Green jokes o
toilet humor
Ito ay ang paghahalo ng imahinasyon at “ libido ng tao upang kilitiin ang sexual na
sensibilidad ay nagiging katawa-tawa. Maaaring may nakaligtaang isama sa ganitong
paggalugad sa penomenon ng tawa subalit ang kalikasan at kakayahan ng tawap uang
magbigay ng aliw ay isang malawak na terrain sa sikolohiya.

Ang pantawa bilang ‘pan + tawa’ ay pag- “ angkin at pantukoy sa kakanyahan at kakayahan ng
tawa bilang kritika Ang tawa bilang catharsis ay masasabing panandalian—isang comic relief.
Ang pantawang pananaw ay nakakabit sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino.

Isang diwa ng karanasang Pilipino ang pantawang pananaw. Nakapaloob ito sa karanasan ng
tawa bilang kritika, bilang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababakas
mula pa sa oral na tradisyon, bago pa dumating ang mga Kastila, hanggang sa paglaganap ng
mass media ngayon. Ang bahaging ito ay tumutukoy sa midyum ng
pantawang pananaw.
Ang midyum ay daluyan na kung saan nagiging lagana o natatangi ang pantawang
pananaw.Kasama rin sa elementong ito ang lunan o situs ng daluyan halimbawa, sa
entablado, kalye, radyo at telebisyon. Samantala, nakapaloob sa daluyang ito ang iba’t
ibang anyo na kinabibilangan ng kwentong bayan, entremes sainete, drama, bodabil,
dulang panradyo at impersonasyon bilang palabas sa telebisyon.

Ang mga nagsisiganap o mga aktor, karakter ang tinaguriang mga pusong,
aktor/komedyante at impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na tumatahak sa
sosyal at pulitikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa konteksto ng pantawang
pananaw.

Katulad nang nabanggit na hindi lamang pagtawa na “ walang konteksto ang pantawang
pananaw. Itinataas ito hindi lamang bilang sa aspektong emosyunal, kundi bilang isang
kritikal na pagbasa na tumatarok sa kamalayan at kaisipang Pilipino. Masasabing isa
itong pagkwestiyon sa katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusang panlipunan bilang
objek ng tawa at pagtuligsa. Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang imahe
ng kapangyarihan bilang kahinaan o ang kapangyarihan bilang imahe ng kawalang
kapangyarihan.
Samakatuwid, hindi lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang pantawang
pananaw, sapagkat nakabukas sa iba’t ibang anyo at daluyan sa karanasang Pilipino ang
pagiging texto nito bilang pagbasa. Maaari rin kasing isama ang komiks, comic strip na
makikita sa mga pahayagan, pelikula at iba pa. Kung tutuusin, isang magandang paksa sa iba
pang pag-aaral ng pantawang pananaw ang isama ang ilang nabanggit na anyo.
Ginamit na halimbawa ang katawan ng
Teorya ng Banga tao bilang isang banga: may labas, loob,
at lalim; at pinagagalaw ng tambalan ng
budhi at kaluluwa.

Para kay Covar, isang halimbaa ng


pagsipat sa "labas" ang pag kataong
Pilipino ng paliwanag hinggil sa mukha:
"Sa madaling sabi, sa mukha
nasasalamn ang sari saring karanasan.
Salamin ang mukha ng damdami't
kalooban ng pagkataong nililok ng
kulturang karanasan".
Ang loob naman ay "malalim at makawak ang pinag ugatan... Mula sa salitang ugat na "loob"
nakakagawa tayo n mga salitang kalooban ng diyos, saloobin, kaloob, looban, magandang
loob, at iba pa.
Ibinuod naman ni Guillermo (2009) sadalawang dayagram na nasa papel na “Pagkakataong
Pilipino: Isang Teorya sa lalim ng Banga” ang teorya ng banga ni Covar, gaya ng makikita sa
Pigura 5.3. Sa madaling sabi, ang teorya ni Covar ay pagtatangkang ipaliwanag ang koneksyon
ng mga terminong kaugnay ng panlabas na anyo at ng mga pariralang tumutukoy sa mga
aspekto ng pagkataong Pilipino.
Sikolohiyang Pilipino
Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito
ay tumutukoy sa pag-aaral ng isip, diwa, at asal. Ito ay ang
siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa tungkulin
nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos.
Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, mayroong tatlong anyo ang
Sikolohiyang Pilipino:
Sikolohiya sa Pilipinas- y tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral,
libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o maka-
Pilipino.
Sikolohiya ng Pilipino - tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral,
pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa
mga Pilipino.
Sikolohiyang Pilipino - ay tumutukoy mismo sa sikolohiyang
pilipino na base sa karanasan, kaisipan at oryentasyon ng
pilipinas.

Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", Sikolohiya ng mga


Pilipino ay "tao sa bahay, at Sikolohiyang Pilipino ay "ang maybahay."

You might also like