Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

HAIKU

Sa Pilipinas
Buwaya’y nagkakalat
Hirap ang dulot

TANKA
Sa Pilipinas
Mga buwayang gahaman
Nananakit sa
sobrang maling paraan
Sa mga pulubi sa daan
ANG HATOL NG KUNEHO
Isang araw, sa kagubatan, naghahanap ng makakain ang gutom na leon.

Ngunit sa kaniyang paglilibot, hindi pagkain ang nahanap niya kung hindi isang
kapahamakan. Nahulog ang leon sa isang malalim na butas.

Humihingi ng tulong ang leon. Isang tao ang napadaan at dito siya nanghingi ng
tulong. Alangan man ang tao dahil baka kainin siya ng leon ay nagbigay ito ng tulong.

Ngunit akmang kakainin ng leon ang tao kaya naman nanghingi ito ng tulong sa puno.
Nanghingi siya ng hatol sa puno kung ano ang dapat gawin ng leon.

Para sa puno, dapat lamang na kainin ng leon ang tao dahil ito ang dahilan ng
pagkasira ng kalikasan, kabilang ang pagkaunti ng mga puno.

Humingi muli ng hatol ang tao sa baka ngunit magkatulad ang kanilang naging pasya
na dapat ay kainin ng leon ang tao.

Ngunit nang mapadaan na si kuneho, nanghingi muli ng opinyon at hatol ang tao.
Ikinuwento ng tao kay kuneho ang buong pangyayari. Dahil sa narinig, agad namang
nagpasya ang kuneho.

Ayon sa kaniya, marapat lamang daw na bumalik na lamang sa paglalakbay ang tao
habang mananatili ang tuso at sakim na leon sa loob ng hukay upang walang maging
suliranin.
KULTURANG PILIPINO
Nakasanayan na ng mga Pilipino ang salo-salong pagkain sa loob ng
tahanan. Lahat ay masayang sabay na kumakain. Nakagawain na rin ng
mga Pilipino ang pag-kakasal dito ay nagsisimula sa pamamanhikan, kung
saan maghaharap sa isang piging o munting salu-salo ang pamilya ng
lalaki at babaeng nagnanais na makasal. Tuwing sasapit na ang pasko
kompleto ang bawat pamilya na mag salo-salo para mag-celebrate ng
pasko, silang lahat ay masayang sasalubong sa pasko. Ganoon rin kapag
sasapit ang bagong taon sama-samang sumasalubong ang bawat pamilya
na dumating ang bagong taon sila ay may mga handa tinatawag itong
noche buena. Talagang napaka-ganda ng kultura ng Pilipino, ito ay
napaka-saya at hindi ka malulungkot.
SANAYSAY
Kung hindi ako nagkakamali, biglang tumaas ang kaso ng covid-19 sa ating
bansa dahil sa pagkalat ng omicron na variant. Sa tingin ko, dapat pang mas higpitan
ng pamahalaan ang mga alituntunin upang madaling mapababa ang mga kaso ng
covid-19. Sa totoo lang, dapat nating sundin ang mga patakaran na ipinatupad nila
upang masugpo ang cocid-19 na kumakalat at para na rin ito’y ating maiwasan. Kung
ako ang tatanungin, dapat mag ban travel muna ang pamahalaan sa ibang mga bansa
na may mataas na kaso ng covid-19 at sa mga bansang may bagong variant upang
maiwasan natin ang lalong paglaganap nito sa bansa.
Sa aking pagsusuri, tumaas ang kaso nung may nadetect na kaso ng covid-19
omicron na variant dahil mas mabalis kumalat ang variant na ito. Para sa akin, mas
makabubuti kung iwasan muna natin ang mga bagay na magiging dahilan ng pagkalat
ng variant na ito. Sa aking opinyon maganda naman ang mga ginagawa ng
pamahalaan para sa ating kaligtasan kaya dapat huwag nating ipagsawalang bahala
ang mga ito.
DULA

MGA TAUHAN:
- Ako
- Nanay
- Tatay
Tagpuan: Sa loob ng tahanan
Nanay: Anak bumangon kana dyan at mag-kape.
Ako: Opo nay! Nay ubos na po yung milo ko.
Nanay: Humingi ka sa Tatay mo ng pang-bili mo ng milo.
Ako: Tatay! Pahingi po ng pang-bili ng milo 14 pesos twin pack.
Tatay: Kumuha ka na dyan sa jacket ko ng pang-bili mo.
Ako: Salamat po Tay! (Bumili ng milo)
Ako: (Nagtimpla ng kape)
Ako: Tay, asan po yung bola?
Tatay: Nandyan lang anak sa tabi ng akasya.
Ako: Ay andyan lang pala salamat po tay! (Naglaro ng basketball)
Nanay: Nak! Kain na tayo.
Ako: Sige po! Palit lng po ako ng damit.
Ako: Ano pong ulam?
Nanay: Itlog at kamatis na may bagoong.
Ako: Wow! Sarap naman ng ulam nay. (Masayang salo-salong kumain)
Tatay: Puwede bang pakihugas mo na ang mga yan anak?
Ako: Sige po tay! (Nag-hugas)
Ako: Sige po Nay! Tay! Gagawa na po ako ng aking mga aralin.
Nanay at Tatay: Sige nak! Pag-butihin mo ang pagsagot ng iyong mga aralin.

You might also like